1 Pagbabagong Kultural

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

Yunit III

Pagbabagong
Kultural sa
Pamahalaang Kolonyal
ng mga Español
Layunin:
•Nasusuri ang pagbabago sa
panahanan ng mga Pilipino sa
panahon ng Español.
•Nailalarawan ang panahanan ng
mga Pilipino sa panahon ng
Español.
•Napaghahambing ang uri ng
panahanan ng mga Pilipino sa
panahon ng Español.
Krus at espada ang naging sandata
ng pananakop ng mga Espanyol. Sa
pamamagitan ng mga misyonero,
nahimok ang malaking bilang ng
mga Pilipino na iwaksi ang
paniniwalang pagano. Ang mga
mamamayan namang tumangging
mapasailalim ng mga dayuhan ay
pinayapa ng mga sundalong
Espanyol.
Sinanay ng mga misyonero sundalong
Espanyol ang mga Pilipino na manirahan sa
mga pueblo kung saan ipinatupad ang
pagsasakanluranin ng kulturang Pilipino.
Makikita naman ang mga tahanan ng mga
nabibilang sa principalia sa plaza complex.
Ang mga gusali sa paligid ng plaza ay ang
simbahan, kumbento, munisipyo o
pamahalaang bayan at paaralan.
Nagtayo ang mga Espanyol ng mga
simbahan sa mga bagong
panahanan na naging pangunahing
institusyon ng pagbabago sa mga
mamamayan, ayon sa kagustuhan
ng mga mananakop. Ipinakilala rin
ang bagong uri ng pamahalaan na
nagtakda ng mga patakarang
panlipunan at pampolitoka.
Sa pagsasaayos ng lipunang Pilipino,
matagumpay na naisagawa ng mga
Espanyol ang mga nais nilang
pagbabago. Mababatid sa
kabanatang ito na lahat ng aspekto
ng kulturang Pilipino – tradisyon,
paniniwala, pagpapahalaga,
panahanan, sining, pananamit, at iba
pa ay pawang naimpluwensyahan ng
kulturang Espanyol.
Mga
Pagbabago
ng Lipunan
Magkakahiwalay at pinamunuan ng kani-
kanilang pinuno o hari ang mga tribu sa ating
lupain noon. Ang bawat pangkat-etniko sa
ating bansa noon ay may sariling wika at
kaugalian kayat naging mahirap ang
paagkakaisa. Dahil na rin sa kawalan ng
pagkakaisa ang mga katutubo, napadali ang
pananakop ng mga Espanyol. Sinamantala rin
ng mga Espanyol ang pagkakaroon ng alitan
sa pagitan ng mga kaharian
Nahikayat pa nilang gamitin
ang ating mga ninuno sa
pakikipagtunggali sa mga ayaw
magpasakop sa kanila. Madali
na rin nilang nasakop ang ating
bansa dahil sa mas bihasa sila
sa larangan ng pakikidigma at
mas malakas at makabago ang
kanilang mga sandata.
Ano kaya ang
pagkaka-iba o
pagkakatulad
ng istruktura
pamamalang
kolonyal at
pamamahala
ng sinaunang
Pilipino?
Istrukturang
Pamamahala ng
Sinaunang Pilipino
May maayos na sistema ng pamahalaan
ang ating mga ninuno noon pa mang
unang panahon. Pampamayanan ang
kanilang pamahalaan. Pamahalaang
Baranggay ang tawag dito.
Ang karaniwang barangay ay binubuo
ng mula 30 hanggang 100 mag-anak.
Ang bawat barangay ay may pinuno at
mga tagasunod. Isa itong munting
kaharian na pinamumunuan ng datu,
raha, gat o lakan.
Maraming barangay ang naitatag sa
buong kapuluan ng ating bansa noon.
Ang bawat barangay ay nagsasarili,
ngunit may pakikipag-ugnayan sa isa’t-
isa. Ang iba naming barangay ay
nagsasama-sama para maging mas
malakas sila kung may kalaban. Ang mga
pinuno ng mga barangay ay nagsasgawa
ng sanduguan upang pagtibayin ang
kanilang pagkakasundo.
Noon pa man ay mayroon ng mga batas na
pumatnubay sa mga tao upang maging
maayos ang kanilang pamayanan at
pakikipag-ugnayan sa isa”t-isa. Ang mga
batas ay batayan sa pagpapanatili ng
kapayapaan, katahimikan at kaayusan ng
barangay. Ang mga batas na ginawa ng datu
sa tulong ng kanyang mga tagapayo ay
isinasangguni at pinagtitibay ng mga
matatanda at marunong sa buong barangay.
Istruktura ng Kolonyal
na Pamamahala
Ang dating pamahalaang
barangay ng ating mga ninuno ay
napalitan. Ang mga ito ay
napasailalim sa pamahalaang
kolonyal ng Espanya. Ang
pamahalaang ito ay
sentralisado.
Sa patakarang kolonyal, ang
mga lupaing nasakop ay
kinamkam at itinuring na pag-
aari ng bansang mananakop.
Lahat ng mga kayamanan ay
inangkin at hinakot nang
sapilitan. Gumamit sila ng dahas
upang masupil ang sinumang
tumanggi sa kanilang patakaran.
Pinamunuan ng gobernador heneral ang
pamahalaang sentral na itinatag ng Espanya sa
Pilipinas. Siya ang tumayong kinatawan ng hari ng
Espaya sa ating bansa. Siya ang pinakamataas na
opisyal at nagpatupad ng mga batas na nanggagaling
sa Espanya. Pinuno siya ng Sandatahang Lakas ng
Espanya sa ating bansa. Siya rin ang humirang at
nagtanggal sa mga opisyal ng pamahalaan at sa mga
pari na nangasiwa sa mga parokya, maliban sa mga
hinirang na hari.
Nahati sa dalawang sangay ang
pamahalaang itinatag ng mga
Espanyol sa Pilipinas: ang
tagapagpaganap o ehekutibo at
ang panghukum o hudisyal. Ang
batas ay nanggagaling sa
Espanya at ang mga batas na
ginawa sa Pilipinas ay ang mga
kautusan ng gobernador heneral.
Sagutin:
1. Sino ang namumuno sa
pamahalaan ng Sinaunang Pilipino?
2. Paano binubuo ang mga batas na
ipinasusunod sa mga Pilipino?
3. Sino ang kinikilalang pinuno ng
pamahalaang kolonyal ng Espanyol?
4. Paano nila ipinatutupad ang mga
batas na nagmumula sa hari ng
Espanya?
Punan ang mga nawawalang titik upang
matukoy ang binigyang kahulugang mga
salita.Gawin sa nutbuk

1. Ito ay simbolo ng
pagkakasundo ng dalawang
datu o pinuno tungkol sa
isang usapin.

S N U G U N
2. Sila ang kinikilang pinakamataas na
pinuno ng barangay.
D U

3.Sa salitang ito hinango ang barangay.

A Y
4. Kinatawan ng hari ng Espanya.

G N R-H L
5. Tawag sa pinuno ng
pueblo o bayan.

A k a d
Pagbabagong
Kultural ng mga
Pilipino bago
dumating ang mga
Espanyol.
•Payak naging uri ng pamamahala
ng sinaunang Pilipino, bawat grupo
ay pinamumunuan ng datu o raha
na siyang nangangalaga sa
kapakanan ng kanyang mga
tagasunod. Ang mga batas ay
nakabatay sa kanilang paniniwala at
tradisyon, ito ay panukala ng datu
katulong ang mga nakakatanda sa
lipunan.
•Dumating ang pamahalaang
kolonyal, ipinakilala sa mga
Pilipino ang pamahalaang
sentralisado kung saan may
dalawang sangay ang ehekutibo
at hudisyal, ang mga kautusan
ay nagmumula sa hari ng
Espanya at ipinatutupad ng
Gobernador-heneral.
•Ang pagbabago sa uri ng
pamamahala ay nagbigay daan
upang umunlad ang ekonomiya
ng bansa ngunit ang ilan sa
mga ipinatupad dito ay nagdulot
din ng marahas na kaparusahan
sa mga Pilipinong hindi
nagnanais sumunod sa
pamamahala.
Iguhit ang kung
pamamahala ng sinaunang
Pilipino, kung
pamamahalang kolonyal at
iguhit ang kung
kapwa ito ipinatupad ng
kolonya at sinaunang Pilipino.
____1. Ang mga mamayanan ay
nagbabayad ng buwis.
_____2. Ang batas ay nagmumula sa hari at
ipinatutupad ng gobernador- heneral.
_____3. Gumagamit ng dahas ang
pamahalaan upang sumunod ang mga
Pilipino.
_____4. Bumuo ng mga batas para sa mga
tagasunod.
_____5. Inuuna ang kapakanan ng mga
Pilipino.
_____6. Nagtalaga ng mga pinuno na
magsisilbing taga pagpatupad ng batas.
_____7. Naglunsad ng mga programa
upang mapaunlad ang pamumuhay ng
mga Pilipino.
_____8. Pinamunuan ang malaking
bahagi ng bansa.
_____9. Kinilala ang mga tao ayon sa
kalagayan nila sa lipunan.
_____10. Nagpahalaga sa kalagayan
ng ekonomiya ng bansa.
Takdang Aralin
Sumulat ng maiksing
sanaysay ukol sa uri ng
pamamahala na nagbigay
ng higit na
pagpapahalaga sa mga
Pilipino

You might also like