Aho W2 Ap5
Aho W2 Ap5
Aho W2 Ap5
ACADEMIC HANDOUTS
ARALING PANLIPUNAN 5
Quarter 2, Week2
Panimula
Sa matagumpay na pagkakatatag ng kolonyang Espanyol sa Pilipinas sa pamumuno ni
Miguel Lopez de Legazpi noong 1565, nagsimulang magbago ang kinagisnang
pamumuhay ng mga katutubong Filipino na napasailalim sa kapangyarihang Espanyol.
Sinasabing malaki ang papel na ginampanan ng Simbahan o ang relihiyong dala ng mga
mananakop sa tagumpay ng kolonyalismo. Gayundin, nagpatupad ng iba’t ibang
patakaran ang pamahalaang Espanyol upang maging mas epektibo ang kolonyalismo.
Kristiyanismo
Malaki ang papel na ginampanan ng Simbahan sa pagpapatupad ng kolonyalismo. Isa sa
mga layunin na ito ay paigtingin ang paglaganap ng relihiyon.Naging kapakipakinabang
ang ideyang ito sa mga Espanyol sapagkat nagkaroon sila ng dakilang dahilan ng
kolonisasyon.