Ap5 - SLM2 Q1 Qa

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

5

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 1 – MODULE 2

Pinagmulan ng Pilipinas Batay sa


Teorya, Mitolohiya at Relihiyon
Alamin

Isinulat ang modyul na ito para sa iyo. Hangad naming sa pamamagitan nito ay matutukoy
mo ang ilang teoryang makapagpapaliwanag sa pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas. Ang mga
pagsasanay na ginamit dito ay tiyak na mapapalawak pa ang iyong kaalaman bilang mag-aaral sa
ikalimang baitang. Mahalagang malaman, matukoy at maipaliwanag mo kung paano ang
pagkabuo ng kapuluan at pinagmulan ng ating bansa batay sa iba’t ibang teorya, mitolohiya at
relihiyon.

MELC (Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto)

Naipapaliwanag ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa a. Teorya (Plate Tectonic Theory)


b. Mitolohiya c. relihiyon.
• Teorya ng Continental Drift
• Teorya ng Tectonic Plate
• Teorya ng Bulkanismo o Pacific Theory
• Teorya ng Tulay na Lupa o Teorya ng Land Bridges
• Mitolohiya o alamat
• Relihiyon
K TO 12 Curriculum Guide: AP5PLP-Id-4

Matapos mong basahin at sundin ang mga gawain sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. matutukoy ang ilang teoryang makapagpapaliwanag sa pagkakabuo ng kapuluan ng


Pilipinas;
2. maipapaliwanag ang teorya sa pagkabuo ng kapuluan at pinagmulan ng Pilipinas batay sa
mga teoryang continental drift, bulkanismo, tulay na lupa, mitolohiya at relihiyon.

Tuklasin

Batay sa siyensya, ang daigdig ay sinasabing nabuo may ilang bilyong taon na ang
nakalipas, may ilang paghihinuha na ang kasalukuyang anyo ng mga lupain sa daigdig ay iba sa
dati nitong anyo matagal na panahon na ang nakaraan. Ang mga siyentista ay may iba’t ibang

1
paliwanag tungkol sa pinagmulan ng mga kalupaan sa daigdig. Ang Pilipinas ay isang kapuluang
binubuo ng 7,641 pulo. Ang arkipelago o kapuluan ay tumutukoy sa pangkat ng karagatan o dagat.
Dahil ang kapuluan ng Pilipinas ay bahagi rin ng mga lupain sa daigdig, pinaniniwalaan na ang
Pilipinas ay dumaan din sa matagal na proseso ng pagbabagong pisikal bago ito humantong sa
kasalukuyan nitong anyo.

May iba’t ibang uri ng pagpapaliwanag tungkol sa pinagmulan ng pagkakabuo ng ating


kapuluang Pilipinas. Ito ay ang teorya, mitolohiya at relihiyon. Ang teorya ay isang kaisipan o
paliwanag tungkol sa isang mahalagang konsepto, penomena o pangyayari na itinuturing bilang
tama o tumpak na maaaring gamitin bilang prinsipyo ng paliwanag o prediksyon. Ang mitolohiya
ay mga sali-salimuot na kuwento na ang layunin ay maipaliwanag ang sagisag ng mahalagang
balangkas ng buhay. Ang relihiyon naman ay isang kalipunan ng paniniwala. May kinikilalang
Diyos na makapangyarihan at lumikha sa lahat.

Mga Teorya Tungkol sa Pagkabuo ng Kapuluan ng Pilipinas

Teorya ng Continental Drift Ang Teoryang Continental Drift ayon sa


siyentistang German na si Alfred Wegener, ang
daigdig ay binubuo ng isang malaking kalupaan may
240 milyong taon na ang nakalilipas. Tinatawag ang
malaking masa ng lupa na ito na Pangaea.
Ayon sa Teorya ng Continental Drift, may 200
milyong taon na ang nakalilipas nang dahan-dahang
nahati ang Pangaea sa dalawang bahagi—sa Laurasia

https://tinyurl.com/3yhe8k78
sa hilagang hating-globo at Gondwanaland-(0
Gondwana) sa timog hating-globo. Mula sa kontinente
ng Laurasia pinaniniwalaang nagmula ang Pilipinas.
Dahil sa patuloy na paggalaw ng mga kontinente,
patuloy ring nahati ang mga kontinente hanggang sa
humantong sa kasalukuyang kaanyuan nito.
Ang teoryang ito sa unti-unting paggalaw ng mga
kalupaan sa daigdig mula sa supercontinent ay
tinatawag na Continental Drift. Patunay ni Wegener sa
https://tinyurl.com/3yhe8k78

2
kaniyang teorya ang pagkakaroon ng magkatulad na
uri ng fossilized na labi ng hayop sa South America at
Teoryang ng Tectonic Plate
Africa; pagiging akma ng hugis ng silangang baybayin
ng South America sa kanlurang baybayin ng Africa; at
ang magkatugmang rock formation sa kabundukan ng
South America at Africa.

Ipinaliliwanag naman ng Teoryang ng Tectonic


Plate ang paggalaw ng mga kalupaan. Ayon dito, ang
crust ay nahahati sa malaki at makakapal na tipak ng
https://tinyurl.com/awzj8nnw lupa na tinatawag na mga tectonic plate. Dulot ng
paikot na paggalaw ng init sa ilalim ng mga tectonic
plate—sa asthenosphere (sa mantle) ay napagagalaw
rin ang mga tectonic plate palayo, pasalubong at
pagilid sa isa’t isa. Dahilan ang prosesong ito ay hindi
lang sa paggalaw ng mga kontinente kung hindi
maging sa iba pang prosesong pangheograpiya tulad ng
paglindol, pagputok ng bulkan, at pagbuo ng mga
kabundukan. (Gabuat ,et.al. 2016, pp.40-41)

Teorya ng Bulkanismo o Pacific Ayon naman sa siyentistang Amerikano na si Bailey


Theory
Willis at ang kaniyang Pacific Theory o Teorya ng
Bulkanismo, ang Pilipinas ay nabuo ng bulkanismo, o
pagputok ng bulkan sa ilalim ng karagatan.
Aniya, may 200 milyong taon na ang nakalilipas,
nang ang pagputok ng mga bulkan sa paligid ng Pacific
Basin ay nagdulot ng paglitaw ng mga pulo sa Pacific

https://tinyurl.com/2x7j43nt
Ocean.
Ang patuloy na pagtambak ng mga volcanic material
sa ilalim ng karagatan ang nagbigay-daan sa unti-
unting paglitaw ng kapuluan ng Pilipinas mula sa
karagatan.
Patunay sa teorya ni Willis ang pagkakaroon
Bailey Willis
https://tinyurl.com/y76zmukb halimbawa, ng Baguio City at karatig na kabundukan

3
ng mga korales at lumang mga volcanic material.
(Gabuat ,et.al. 2016, pp.41-42)

Teorya ng Tulay na Lupa Isa pa sa mga teorya ng pagkakabuo ng Pilipinas ay


nagsasabing ang mga pulo ng Pilipinas ay dating
kabahagi ng tinatawag na continental shelf na
nakadugtong sa mainland Asia. Ang continental shelf
ay mga tipak ng lupa sa ilalim ng katubigan na
nakakabit sa mga kontinente. Ito ay pinag-uugnay ng
mga tulay na lupa na noon ay lumitaw dahil sa pagbaba
ng lebel ng tubig sa karagatan bunsod ng paglukob ng
yelo sa ilang bahagi ng mundo. Ang panahon kung
kailan nagiging mababa ang temperature sa daigdig,
bumaba ang lebel ng tubig sa karagatan, at nagkaroon
https://tinyurl.com/2x7j43nt
ng malawak na pagyeyelo sa ibabaw ng daigdig ay
tinawag na Ice Age.
Ayon sa Teorya ng Tulay na Lupa o Teorya ng Land
Bridges, dating pinagdurugtong ng mga tulay na lupa
ang mga pulo sa isa’t isa, at ang Pilipinas sa ilang
karatig na bansa sa Timog-Silangang Asya. Paliwanag
ng mga siyentista, sa pagkatunaw ng yelo na
bumabalot sa malaking bahagi ng North America,
Europe, at Asya may 250 000 taon na ang nakalipas ay
lumubog ang mababang bahagi ng daigdig kabilang na
ang mga tulay na lupa---dahilan upang mapahiwalay
ang Pilipinas sa iba pang bahagi ng Asya.
Nagbigay ang mga siyentista ng ilang katibayan
upang patotohanan ang teoryang ito. Ilan sa mga ito

https://tinyurl.com/2x7j43nt ang sumusunod:


• mababaw ang bahagi ng West Philippine Sea
na nakapagitan sa Pilipinas at sa iba pang
bahagi ng Asya;

4
• napakalalim ng Pacific Ocean (ang dagat na
hangganan ng Pilipinas sa silangan) na patunay
na ang Pilipinas ang dulong bahagi ng Asya;
• magkakatulad ang uri ng halaman, puno, at
hayop sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng
Asya; at
• magkakasinggulang at magkakatulad ang mga
bato sa Pilipinas at ang iba pang bahagi ng
Asya. (Gabuat ,et.al. 2016, pp.42)

Mitolohiya

Ang Tatlong Higante

Ang mitolohiyang Pilipino at mga


kwentong bayan ay kinabibilangan ng mga
salaysay at pamahiin hinggil sa mga
masalamangkang mga nilalang at nilikha ng
mga Pilipino. Ito’y mga paniniwala na mula
pa sa panahon bago dumating ang mga
Espanyol. May alamat na pinaniniwalaan ng
mga pangkat etnikong mga Bagobo na
nilikha raw ng diyos nilang si Melu ang
https://tinyurl.com/t9tzb64y mundo at ang Pilipinas mula sa libag ng
kanyang katawan. Samantang ang mga
Manobo’y naniniwalang ang daigdig ay mula
naman daw sa kuko ng kanilang diyos.
Maraming kuwento ang pinaniniwalaang
pinagmulan ng Pilipinas tulad ng kuwentong
pinamagatang Ang Tatlong Higante at ang
Malaking Ibon.

5
Malaking Ibon Ayon sa matandang alamat, noong
unang panahon ay walang lupa kundi langit
lamang at tubig. May isa raw na malaking
ibon na walang madapuan. Naisipan ng ibon
na paglabanin ang langit at dagat. Nagkaroon
ng mga labanan, malalaking alon ang
isinaboy ng dagat sa langit. Ang langit
nama’y naghulog ng malalaking bato
sa dagat. Sa mga batong ito nagmula ang
https://tinyurl.com/4tn3sd4c
lupa at isa sa mga pulo ng lupang naturan ay
ang Pilipinas.
Relihiyon
Ang Pilipinas ay nagmula sa paglalang ng mundong kanyang kinabibilangan. Isang
makapangyarihang Manlilikha ang gumawa ng daigdig. Ang teorya ng paglalang ay isang
paliwanag na ang lahat ng bagay sa daigdig ay nilikha ng Diyos batay sa banal na kasulatan o
bibliya ayon sa creationism. Ang Diyos ang lumikha ng ating daigdig sa loob ng 6 (anim) na araw.
Ang mga ito ay halaw sa aklat ng Genesis 1:1-31.
Anim na Araw na Paglikha ng Diyos
sa Daigdig.
• Unang araw- nilikha ang daigdig at
liwanag.
• Ikalawang araw- paghihiwalay ng
tubig sa kaitaasan at sa ibaba at
pagkakaroon ng kalawakan.
• Ikatlong araw- paglalalang ng mga
buhay halaman.
• Ika-apat na araw-paglalang ng araw,
https://tinyurl.com/4tn3sd4c
buwan at bituin
• Ikalimang araw-paglalang sa mga
isda at mga hayop na lumilipad.
• Ika-anim na araw- paglalang sa lupa
at tao.

6
Gawain 1
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag tungkol sa pinagmulan ng pagkakabuo ng
Pilipinas. Isulat ang T kung ito ay batay sa teorya, M kung sa mitolohiya at
R naman kung relihiyon. Isulat ang tamang sagot sa papel.

_____________1. Nilikha ng Diyos ang sanlibutan kasama ang bansang Pilipinas.


_____________2. Ang bansa ay nabuo bunsod ng pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng
karagatan.
_____________3. Ang Pilipinas ay nabuo dahil sa labanan ng tatlong higante gamit ang mga
bato at dakot ng lupa.
_____________4. Pinaniniwalaan ng mga Manobo na ang daigdig ay nilikha ng kanilang diyos
mula sa mga kuko nito.
_____________5. Ang Pilipinas ay nabuo batay sa paggalaw ng kalupaan ng daigdig libong taon
na ang nakalipas.

Gawain 2
Panuto: Iayos ang mga letra upang mabuo ang wastong salitang tinutukoy sa
pamamagitan ng mga gabay na parirala o paglalarawan. Piliin at isulat ang
letra ng wastong sagot sa papel.

1. yaoret – paliwanag tungkol sa isang penomena naitinuturing bilang tama o tumpak


na maaaring gamitin bilang mga prinsipyo ng paliwanag at prediksiyon.
A. areota B. teorya C.theorya D. toerya

2. sflosis – mga bagay na natagpuan sa iba’t ibang bahagi ng mundo na ginamit din na
patunay ni Alfred Wegener sa kanyang Teoryang Continental Drift .

A. fossils B. flossils C. sloffis D. lisfoss

3. nictocet atepl – malalaki at makakapal na tipak ng lupa

A. coastal plate B. Pacific plate C. platonic plate D. tectonic plate

4. obagaB - mga katutubong naniniwala na si Melu, ang kanilang Diyos ang gumawa
ng Pilipinas.

A. Bogabo B. Bagobo C. Abogado D. Goboga

7
5. soyid - pinaniniwalaan ng relihiyon na siya ang gumawa ng daigdig kasama na
ang Pilipinas.

A. diyos B. diyso C. soydi D. yidso

Gawain 3
Panuto: Punan ng tamang detalye ang tsart upang mabuo ang timeline tungkol sa paglalang
ng Diyos sa daigdig. Gawin ito sa sagutang papel.

Araw ng Paglikha Ano ang bagay na Nilikha

unang araw

ikalawang araw

ikatlong araw

ikaapat na araw

ikalimang araw

ikaanim na araw

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag o katanungan. Piliin at isulat ang letra ng tamang
sagot sa papel.

______1. Ano ang tawag sa malaking masa ng kalupaan may 240 milyong taon na ang nakalipas.?

A. asthenosphere B. kontinente C. pangaea D. tectonic

______2. Aling teorya ang nagsasabing nagmula ang Pilipinas sa malalaking tipak ng lupain sa
daigdig na naghiwa-hiwalay ilang daang milyong taon na ang nakalipas?
A. Continental Drift Theory B. Land Bridges o Tulay na Lupa
C Pacific Theory o Teorya ng Bulkanismo D. Tectonic Plate
______3. Teoryang nagpapaliwanag na dating karugtong ang Pilipinas ng Timog-silangang Asya.
A. Teorya ng Bulkanisma B. Teorya ng Ebolusyon
C. Teorya ng Continental Drift D. Teorya ng Tulay na Lupa

8
______4. Ayon sa teoryang ito, nabuo ang mga kalupaan ng Pilipinas mula sa pagputok ng mga
bulkan sa ilalim ng karagatan.
A. Teorya ng Bulkanismo B. Teorya ng Ebolusyon
C. Teorya ng Continental Drift D. Teorya ng Tulay na Lupa
______5. Siya ang naghain ng teoryang nabuo ang kalupaan ng daigdig mula sa
isang Supercontinent.
A. Charles Darwin B. Albert Einstein
C. Alfred Wegener D. Bailey Willis
______6. Alin sa ibaba ang tumutukoy sa sali-salimuot na kuwento na ang layunin ay
maipaliwanag ng sagisag ng mahalagang balangkas ng buhay?
A. mitolohiya B. relihiyon C. sitwasyon D. teorya
______7. Ayon sa paniniwalang panrelihiyon, nilikha ang tao sa pamamagitan ng isang
makapangyarihan na tinatawag na ____________.

A. apoy B. Diyos C. hangin D. tubig


_____8. Aling pangkat-etniko ang naniniwala na ang Pilipinas ay mula sa libag ng katawan ni
Melu, na kanilang Diyos?
A. Badjao B. Bagobo C. Igorot D. Manobo
_____9. Sino ang Amerikanong siyentista ang naghain ng Pacific Theory?
A. Henry Otley Bayer B. Robert Fox C. Alfred Wegener D. Bailey Willis

_____10. Bakit mahalagang malaman mo ang pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas?


A. upang maipagmamalaki natin ang ating bansa

B. upang mas mauunawaan natin kung sino tayo bilang mga Plilipino

C. upang maipaliwanag natin ang mga phenomena sa ating kapaligiran.

D. Lahat ng nabanggit.

II. Panuto: Pumili ng isang teoryang nagpapaliwanag sa pinagmulan ng Pilipinas. Isalaysay


ito ayon sa iyong natutuhan. Tignan ang rubrik sa ibaba upang maging gabay
sa pagsulat o paggawa. Gawin ito sa sagutang papel.
________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

9
Sagot sa mga Gawain

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3

1. R 1. B 1. Paglikha ng daigdig at liwanag


2. T 2. D 2. Paghihiwalay ng tubig sa ibaba at sa kaitaasan
ang pagkakaroon ng kalawakan
3. M 3. D 3. Paglalang ng may buhay at halaman
4. R 4. B 4. Paglalang sa araw at bituin
5. T 5. A 5. Paglalang sa mga isda at hayop na lumilipad
6. Paglalang sa mga hayop sa lupa at tao

Sanggunian:
A. Aklat
Gabuat,Maria Analyn P. et. al, 2016, Araling Panlipunan 5 Pilipinas Bilang
Isang Bansa, Quezon City, Philippines, Vibal Group Inc. pp. 38-49

Department of Education, Alternative Delivery Mode ADM


B. Website/s
https://tinyurl.com/3yhe8k78 https://tinyurl.com/awzj8nnw https://tinyurl.com/4tn3sd4c

https://tinyurl.com/2x7j43nt https://tinyurl.com/y76zmukb https://tinyurl.com/4tn3sd4c

https://tinyurl.com/2x7j43nt https://tinyurl.com/t9tzb64y https://youtu.be/hKQ6L7vmB8c

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL

Manunulat: Marissa S. Quinto

Tagasuri:
A. Pangdistrito

Dr. Neil V. Gavina Dr. Zenaida L. Baterna Agnes M. Ceralde


Myrna B. Paras Analisa M. Mulato Marissa S. Quinto
Dr. PrescilaN. Magpili

B. Pangdibisyon

Dr. Marlyne S. Asuncion Luzviminda S. Dizon Nida C. Bautasta


Myrna B. Paras Marissa S. Quinto Dr. Olivia L. Delos Santos
Dr, Jacqueline D. Calosa Analisa M. Mulato

Tagapamahala:

Dr. Danilo C. Sison Dr. Jerome S. Paras


Dr. Wilfredo E. Sindayen Dr. Maybelene C. Bautista
Dr. Cornelio R. Aquino

10
Sagot sa Tayahin

I. 1. C 6. A II. Tignan ang rubrik para sa puntos


2. A 7. B
3. D 8. B
4. A 9. D
5. C 10. D

Rubrik sa Pagbibigay ng Puntos


Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos
Lohikal ang pagpapaliwanag batay sa inilahad na mga 2
impormasyon.
Nakapagbibigay ng sapat na impormasyong susuporta sa 2
ipinaliwanag na teorya.
Maayos ang isinasagawang presentasyon 1
Kabuuang Puntos 5

11

You might also like