Analyn Soriano Gawain 2
Analyn Soriano Gawain 2
Analyn Soriano Gawain 2
A. Panuto: Subuking isaayos ang mga pangungusap sa ibaba. Gamitan ang mga ito ng angkop na
rhetorical devices o transisyonal na pananalita upang matamo ang koherens sa pangungusap.
(10 puntos)
4. Ang Unibersidad de Manila ang kauna-unahang Pamantasan sa buong bansa na may asignatura
tungkol kay Andres Bonifacio.
Malaking paghahanda ang ginawa ng mga dalubguro tungkol dito.
Sagot: Ang Unibersidad de Manila ang kauna-unahang Pamantasan sa buong bansa na may
asignatura tungkol kay Andres Bonifacio walang duda malaking paghahanda ang ginawa ng mga
dalubguro tungkol dito.
9. Nakilala ang husay at talino ng mga iskolar ng Domingo Yu Chu National High School.
Matiyaga nilang pagsisikap at hangaring matuto.
Sagot: Nakilala ang husay at talino ng mga iskolar ng Domingo Yu Chu National High School kaugnay
ng matiyaga nilang pagsisikap at hangaring matuto.
10. Ang hangaring maitaas ang antas ng pamumuhay ng kanyang pamilya ang dahilan ng pagtityaga
ni Jenny.
Nag-aaral siyang mabuti.
Sagot: Ang hangaring maitaas ang antas ng pamumuhay ng kanyang pamilya ang dahilan ng
pagtityaga ni Jenny kung kaya nag-aaral siyang mabuti.
Sabi nga ni Gat. Jose Rizal, “Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan”, kung kaya’t ang kabataan
ay hinuhubog at hinahasa sa paaralan upang maging matatag at makayanan lahat ng hamon ng buhay
na kakaharapin nila sa pagtanda. Ngunit paano natin makakamit ang paghuhubog na ito sa Kabataan
sa panahon na ito. Bilang isang nagnanais na maging guro sa kinabukasan, walang duda na kabilang
ako sa hamon na ito. Kasama ako sa mga nagnanais na mapaunlad pa ang edukasyon sa bansa hindi
lang para aking sarili kundi pati sa mga bata na aking tuturuan sa darating na panahon. Ngunit ano
nga ba ang mga pangunahing kakulangan sa edukasyon sa bansa? Una na rito ang kakulangan sa silid
aralan, kung kaya nagsisiksikan ang mga mag-aaral. Isa itong dahilan kaya may mga ilan na mag-aaral
na kakaunti ang natututunan maliban sa iilan na nagpupursige na matuto kahit ganito ang
nararanasan. Isa pa dito ang kakulangan sa kagamitan ng teknolohiya sa paaralan kagaya ng
telebisyon at kompyuter. Kasama rin ang problema sa pinansyal, bilang resulta nito maraming
kabataan ang hindi nakakapag aral. Mahabang lakbayin pa ito na ating kakahaprapin upang makamit
ang edukasyon na ating inaasam kagaya ng edukasyon ng mayayamang bansa. Makakamit ito sa
pagtutulungan ng bawat isa sa atin simula sa tahanan hanggang sa paaralan at sa komunidad
magkagayon ang edukasyon ay maiitaas at uunlad ang ating bayan. Bilang isang nagnanais na maging
guro sa kinabukasan upang mapaunlad ang edukasyon ng bansa ito’y totoo na ako’y kasama sa bawat
hangarin ng pagpapaunlad nito. Magiging isa ako sa susi na magkaroon ng magandang kinabukasan
ang kabataan bilang resulta nito makakamit natin ang mataas na antas ng edukasyon sa bansa.