Sugat Na Hindi Nakikita
Sugat Na Hindi Nakikita
Sugat Na Hindi Nakikita
Ang pangunahing
tema sa "Ang sugat na hindi nakikita (the invisible wound) ni Karoly Kisfaludi" ay
ang pagtitiwala mo sa iyong minamahal. Mahirap makuha ang tiwala na isang tao
maraming mga proseso ang kinakailangan pero ang pinaka mahirap sa proseso ay ang
pagdesisyon mo kung kailan mo pagkakatiwalaan at kung paano mo haharapin ang
mga pagdududa at para sa akin ang pinaka magandang paraan upang malaman mo ang
katotohanan at maharap ang pagduda ay KOMUNIKASYON.
Pagkasunod-sunod ng pangyayari sa kwento
Ang espesyalistang seruhano ay nagkaroon ng pasyente na labis ang pagmamadali.
pumasok ang isang lalaki kagalang galang na magwawaring nagmula dakong kabilang
sa mataas na lipunan
Humingi ng tulong ang lalaki sa siruhano upang gamutin ang kirot na nadarama sa
kanyang kanang kamay.
Pinatistis ng lalaki ang kanang kamay sa siruhano dahil hindi na niya matiis ang sakit
at nawala naman ang kirot.
Tatlong linggo ang nakalipas at idinaraing na naman ng lalaki ang napakakirot na
bahaging tinitiis noon. Tinistis muli ng siruhano ang kanang kamay ng lalaki at
nagpaalam itong may bakas ng kalungkutan sa pagsasalita.
Nakalipas ang isang buwan at hindi na muling bumalik ang lalaki. Lumipas pa ang
isang linggo, sa halip na ang lalaki ang dumating ay isang liham mula sa kanya ang
dumating.
Ipinabatid ng lalaki sa liham ang pinagmulan ng sakit niyang iyon. Ikinuwento niya
ang mga pangyayari anim na buwan na ang nakalipas
Isang babaeng napakaganda, napakabait at napakahinhin ang kanyang kapalaran at
sila'y nagsama. Pinaghinalaan niyang nagbabalatkayo lamang ang babaeng kanyang
minamahal dahil sa kahong lagi nitong sinususian sa maliit na mesang panahian.
Isang araw ay naanyayahan sila ng kondesa na maghapunan sa kastilyo at sinabi ng
lalaki na susunod lamang siya.
Pagkaalis pa lamang ng karwahe ay agad nitong sinimulang buksan ang kahon. Ang
kahon ay naglalaman ng mga liham ng pag-ibig.
Habang natutulog ang asawa ay ipinatong niya ang kanyang kanang kamay sa leeg
nito at buong diin itong sinakal. Nailibing ang babae ng walang alingasngas.
Nang sapitin ng lalaki ang kanyang tahanan ay siya namang dating ng kondesa.
Nakiramay ito at sinabing may ipagtatapat siyang lihim. Sinabi ng kondesa na may
ipinagkatiwala siyang liham sa asawa nito at kung maaari niya itong makuha
Nakaramdam ng matinding panlalamig ang lalaki dahil sa kanyang nalaman. Hustong
isang linggo pagkatapos ng libing ay nakaramdam siya ng matinding kirot na
nanunuot hanggang buto sq bahaging nalagpakan ng dugo ng kanyang asawa.
Parusa iyon sa kanya dahil sa malupit at pabigla-biglang pagkitil sa buhay ng kanyang
asawa.
Sinabi ng lalaki sa liham na susunod na siya sa kinaroroonan ng kanyang asawa at
nagawa at naghanap lang sya ng dahilan...ang totoo ay may sakit na sya sa pag-iisip at
kailangan nya ng ipa MENTAL HOSPITAL...
See the full transcript