Elektripikasyon Sa Kanayunan
Elektripikasyon Sa Kanayunan
Elektripikasyon Sa Kanayunan
Ang enerhiya ay isa sa pinakaimportanteng salik upang umunlad ang isang bayan.
Napakahalaga nito dahil halos lahat ng kagamitan sa paghahanapbuhay ay nangangailagan ng
enerhiya upang ito'y mapatakbo ng maayos. Simula pa noong panahong wala pang mga makinarya
at mga kagamitang pinapatakbo ng kuryente ay gumagamit na ng enerhiya ang mga tao. Ang mga
tao noon ay gumagamit lamang ng bato upang makabuo ng apoy na isa sa pinagkukunan ng heat
energy, ngunit kalaunan ay kinakailangan nilang paunlarin ang mga kagamitan at gawing madali
ang paghahanapbuhay, at doon nadiskubre ang mga paraan upang makagawa ng enerhiya.
Sa kabila ng mga isyung inilahad ay mayroong mga alternatibong paraan ang gobyerno, ito
ay ang paggamit ng renewable energy. Ang pagpapakabit ng kuryentesa mga liblib na lugar ay
kaakibat ng mahal na presyo, kaya't iminungkahi ng gobyerno ang paggamit ng micro hydro at small
wind turbine na kumukuha ng enerhiya sa tubig at hangin na malayang makukuha sa mga isla at
kabundukan.
Maraming paraan upang makapagpakabit ng kuryente sa mga nayong ito, ngunit kailangang
marunong ang gobyerno at ang mga taong mamili ng pinakamainam, pinakaepektibo at
pinakanaaayon sa kanilang lugar at pera. Hindi rin pwedeng palagi na lang umaasa ang mga tao sa
mga libreng pinapamigay ng gobyerno. Maaaring mag imbento ng isang bagay na makakagawa ng
enerhiya, kinakailangan lamang ng tiyaga at pagiging malikhain at maparaan sa paghahanap ng
kagamitan at kung paano ito gawin.
Mga reperensya: