Final
Final
Final
TUNGKOL SA
KARAPATANG
PANTAO
ANO ANG KARAPATANG
PANTAO?
Ang mga karapatang pantao ay tumutukoy sa "payak
na mga karapatan at mga kalayaang nararapat na
matanggap ng lahat ng mga tao." Kabilang sa mga
halimbawa ng mga karapatan at mga kalayaan, na
karaniwang iniisip bilang mga karapatang pantao,
ang mga karapatang sibil at pampulitika, tulad ng
karapatang mamuhay at kalayaan, kalayaan sa
pagsasalita, at ang pagkakapantay-pantay sa harap
ng batas; at mga panlipunan, pangkalinangan at
pangkabuhayang karapatan, kasama ang mga
karapatang makilahok sa kalinangan, karapatan sa
pagkain, karapatang makapaghanapbuhay, at
karapatan sa edukasyon.
Panukalang Batas ng mga
Karapatan
Ang Panukalang Batas ng mga
Karapatan (Ingles: Bill of Rights) ay ang
kalipunan, talaan, o buod ng mga
karapatang naaayon sa batas.Maaari
itong isang pahayag ng mga
karapatan ng isang klase o uri ng mga
tao.
KARAPATANG PANTAO
AYON SA MGA AKDANG
TULUYAN.
“DUGUANG LUPA” NG
KM64 POETRY
(KOLEKSYON NG MGA
TULA)
Pagkakataon ng
Pagpapakatao
ni Maryjane Alejo
Pagkakataon ng pagpapakatao
ang pagyakap sa kawangis na sinawimpalad
at pagpalis sa mga sapot ng bagabag
na bumabalot sa mga pusong naghihingalo:
Pagkakataon ng pagpapakatao
ang pagyakap sa kawangis na sinawimpalad
at pagpapabagsak sa naghaharing
nagpapalawak ng agwat.
Ang Paghahanap sa Kalinaw
ni Kislap Alitaptap
(para sa lahat ng biktima ng Ampatuan Massacre)
28 Nobyembre 2009)
Maguindanao, O Maguindanao!
Ang halimaw sa’yong katawan
Ay nag-aanak ng karahasan.
Pinapaslang nito ang buhay sa’yong kapaligiran,
Nilulunod nito ng dugo ang mga katihan.
Maguindanao, O Maguindanao!
Gamitin mo ang talim ng ‘yong balaraw
Upang gapiin ang umaalipin sa’yong halimaw.
Gamitin mo ang kinang nitong taglay Upang
patahanin ang palahaw sa’yong mga palayan.
Maguindanao, O Maguindanao!
‘Wag mong hayaang tuluyang mangibabaw
Ang bantayog ng itim na buwan.
Maguindanao, O Maguindanao!
Muli mong hanapin ang ‘yong kalinaw.
Lupang Hinirang
ni Angelo Ancheta
Sumabog, kumalat, nagpira pira-piraso
Gunita, pangarap, prinsipyo
Ibinaon sa lupa ng paglimot
Subalit may tainga ang lupa
At lumipad ang balita
27 Disyembre 2009
IKATLONG SUNDANG :SIPAT
Sinisikap nating maya’t maya ay sipatin
kung gaano pa katuwid, pantay at pasulong
ang talim at gulugod ng ating mga sundang.
Itinutok ko ito sa langit isang araw
at tulad ng manunudla ng kalaw o pipit
akin ngang ipinikit ang kaliwa kong mata.
At sa aking asinta ay mayroong tumawid:
mandi’y tutubi— dambuhala at de-makina.
Milyong sundang ang tinunaw nang ito’y hinulma,
sabi ng tao, at ang tae nito ay apoy.
[Tula] Patula ng
Pandaigdigang Pahayag ng
Karapatang Pantao ni Greg
Bituin