Saliksikin Ang CHED Memorandum Order No

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Saliksikin ang CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013.

Ipaliwanag ang isinasaad ng


naturang memorandum hinggil sa pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo. Ibigay ang iyong posisyon
hinggil sa usaping ito bilang mag-aaral sa kolehiyo at bilang mamamayang Pilipino.

Ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay naging usap-usapin lalo na


noong taong 2013. Kaukol ng usaping ito, ang Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon o
ang Commission on Higher on Education (CHED) ay naglabas ng memorandum ukol sa pag-
tatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Ito ay ang CHED Memorandum Order No. 20
2013 na inilathala noong ika-28 ng Hunyo, taong 2013. Itinatalakay sa naipatupad na
memoramdum na ito na ang asignaturang Filipino ay hindi na ituturo sa mga mag-aaral
pagkatungtong nila ng kolehiyo kung naipatupad na ang programang K-12. Nakasaad sa
memorandum na ito na ang mga General Education courses ang ipapatupad sa pagtuturo ng
mga Grade 11 at Grade 12 na mga estudyante at ang asignaturang Filipino ay kabilang sa
nasabing General Education courses na ito. Ang pagpapatupad ng memorandum na ito ay
naging isyu sa karamihan lalo na sa mga guro at mga mag-aaral kung kaya’t nagkaroon ng
isang alyansang tinawag na “Tanggol Wika”, na binubuo ng mga gurong ang layunin ay
ipaglaban ang pagpapanatili ng pag-aaral ng asignaturang Filipino sa mga mag-aaral sa
kolehiyo.

Hinggil sa usaping ito, nakakalungkot isipin at malaman na ang wikang Filipino na siya
nating pambansang wika ay nagiging wikang “pang-masa” na lamang, sapagkat unti-unti nang
ikinokonsidera ang wikang Ingles bilang pang edukadong wika kung kaya’t pati sa pag-aaral ng
asignaturang Filipino ay naipapatupad nang ipatanggal sa kolehiyo gaya ng memorandum na
nabanggit. Sa ganang akin, bilang isang ordinaryong mamamayan at mag-aaral sa bansang
Pilipinas, tila naipapahayag ng inilathalang batas na ito na parang nawawalan ng bisa ang
Karapatan ko sa paggamit ng sariling wikang Filipino. Kung ang pag aaral ng Filipino ay
nagagawang tanggalin sa antas ng kolehiyo ay hindi na rin malabong mangyaring ito ay
maipatupad din sa lahat ng antas. Kung gayon ay paano pa mapagyayabong at
mapagyayaman ang paggamit at pag-aaral ng wikang Filipino. Kung ako ang tatanungin ay
dapat na hindi mawala ang pag aaral ng asignaturang Filipino sa anumang antas ng pag-aaral
sapagkat nakasaad na sa batas na dapat nating pagyabungin at pagyamanin ang wika nating
Pambansa, ang Filipino.

You might also like