Rehiyon 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

PAMANTASAN NG SILANGAN NG PILIPINAS


Pamantasang Bayan, Hilagang Samar
Web: uep.edu.ph; Email: [email protected]

KOLEHIYO NG EDUKASYON

PASULAT NA ULAT SA Lit 101 (Panitikan ng Rehiyon)


Unang Semestre, 2021-2022

Paksa: Panitikan, Kultura, Kasaysayan, Paniniwala, at mga Kilalang Manunulat at


Akda sa Rehiyon 1
Tagapag-ulat: Ruby Rose V. Cuanico
: Dechlyn P. Daz
Kurso at Taon: BSEd-Filipino 1
Propesor: Bb. Rocel M. Bulan

I. PANIMULA
Ang Rehiyon 1 o mas kilalang Rehiyon ng Ilocos ay matatagpuan sa Hilagang-
Kanluran ng Luzon. May sukat na 21, 945.49 sq. km. Napapaligiran ng Hilaga-Bangui
Bay, Silangan-Cordillera, Timog-Central Luzon at Kanluran-South China Sea. Ang mga
lalawigan na bumubuo nito ay ang mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union
at Pangasinan. Maituturing ang Rehiyon 1 na may pinakamahabang baybaying dagat
at matatarik na bangin. Ang mga pangunahing ikinabubuhay ng mga naninirahan dito
ay ang pagtatanim ng palay, mais, tabako, bulak, kamote, kamatis, bawang, sibuyas,
tubo at niyog. Nag-aalaga rin sila ng mga hayop tulad ng kalabaw, baka, kambing,
manok at kabayo. Gumagawa rin sila ng mga sandok, basket, tapayan, palayok,
salakot, abel/kumot, lusong/stone mortar, tsinelas, gulok, lingkaw at mga upuan.
Ang Ilocos Norte ay may sukat na 3, 399.93 sq. km. Ang kabisera nito ay ang lungsod
ng Laoag. Kakawate ang panlalawigang bulaklak. Pagtatanim ng tabako ang
pangunahing ikanabubuhay ng mga naninirahan dito. Iloko ang pangunahing wika ng
mga taga-Ilocos Norte bagamat may ilan ring nagsasalita ng Tagalog at Ingles. Dito
makikita ang apat na simbahan na ipinalalagay na historical markers ng lalawigan. Ang
Simbahan ng Laoag (1580), Simbahan ng San Nicolas (1584), Simbahan ng Paoay
(1593) at Simbahan ng Sarat (1724). Isa pa sa mga pangunahing tanawin sa Ilocos
Norte at ang “Leaning Tower ng Bacarra Church”. Ang Ilocos Sur ang kabisera nito ay
ang lungsod ng Vigan/Cuidad Fernandina. Pagtatanim rin ng tabako ang pangunahing
ikanabubuhay ng mga naninirahan dito. Iloko rin ang pangunahing wika ng mga taga-
Ilocos Sur bagamat may ilan ring nagsasalita ng Tagalog at Ingles. Ang Ilocos Sur ay
kilala sa ilang magagandang tanawin tulad ng Tirad Pass Gregorio del Pilar, Bessang
National Park Cervantes, Heroes Hill at Centuries Old Spanish Architecture.
Habang ang La Union ay may sukat na 1,493 sq. km. Ang kabisera nito ay ang
lungsod ng San Fernando. Poinsettia ang panlalawigang bulaklak. Mayaman sa
limestone. Pagtatabako, pagtatanim ng palay at pangingisda ang ikanabubuhay ng
mga naninirahan dito. Iloko rin ang pangunahing wika ng mga taga rito at may ilan ring
nagsasalita ng Tagalog at Ingles. Makasaysayang simbahan sa La Union ang St.
William Cathedral San Fernando, Our Lady of Charity Sanctuary Agoo. At ang
panghuling lalawigan ay ang Pangasinan kung saan ito ay may sukat na 5, 367 sq. km.
Ang kabisera nito ay ang lungsod ng Lingayen. Dilaw na santan ang panlalawigang
bulaklak. Panggawa ng asin, bagoong at bukayo ang ipinagmamalaki nilang produkto.
Panggalatok, Tagalog at Ingles ang mga wikang sinasalita ng mga naninirahan dito.
Ang Rehiyon ng Ilocos ay tinirhan pa ng mga sinaunang negritos bago pa sila mapunta
sa ibang dako ng mundo. Ang nga naninirahan dito ay tingguiangs, ilocanos sa
kanlurang bahagi at pangsinense sa silangan.
Sa kabuuan mas nangingibabaw dito ang mamayang Ilokano. Ang paggamit sa
katawagang rehiyon ng ilokano sa pagtukoy sa Rehiyon 1 ay nagiging dahilan sa
maling paniniwala ng karamihan na ang mga nakatira lamang dito at ilokano. Sa
pamumuni ni Ferdinand Marcos, ang Pangasinan ay hindi kabilang sa rehiyong ito.Sa
pagdating ng nga espanyol nung ika-16 na siglong naipatayo ang ilan sa mga misyon
ng kristiyano upang mapamahalaan ang katutubong mamamayan at masalin sa
romanong katoliko. Ang Vigan city sa kasalukuyan ay tinawag na "Bishopric seat of
Nueva Segovia”.
Ang mga ilokano sa norte ay nagtanim ng sama ng loob sa mga espanyol dahil na rin
sa kanilang pananakop. Naging dahilan ito upang bumulubok sa kasaysayan . Kasama
sa pag-aalsa sina Diego Silang at ang kanyang asawang si Gabriela Silang noong
1764. Bagamat ang mga Pangasinense ang nanatiling matibay na lumaban laban sa
mga Espanyol.
II. PAGTATALAKAY
Ilocano ang tawag sa lipi o naninirahan sa rehiyon ng Ilocos. Samtoy naman ang
tawag sa wika ng mga Ilokano. Nagmula ito sa salitang "saomi datoy" na ang ibig
sabihin ay "wika namin ito." Kurditan naman ang tawag sa mga panitikan ng mga
Ilocano. Nagmula ito sa salitang "Kurdit" na ang ibig sabihin ay "sumulat."
May mga pinaniniwalaan ang mga Ilokano kung saan nagsimula ang salitang Ilocos.
Ang unang paniniwala nila ay ang mga taong nakatira sa bayan na ito ay matatagpuan
sa maliit na baybayin na tinatawag na "look." Ang unlaping "I" ay nangangahulugang "mula
sa" o "ilog." Ang pangalawang paniniwala naman nila ay ito raw ay nagmula sa salitang "loko"
na ang ibig sabihin ay "bayan sa kapatagan at dinagdagan na lamang ng unlaping "I." At ang
huling paniniwala nila ay maari rin umanong nagsimula ito sa salitang Tagalog na "ilog" at dahil
sa nahihirapan ang mga Kastila na bigkasin ang "g" ang ilog ay naging "iloc."
Bago pa man dumating ang mga mananakop mayroon ng panitikan ang rehiyon ng
Ilocos, ang panitikang iloko ay binubuo ng mga awiting bayan, bugtong o buburtia,
kawikaan, paghihinagpis, dung-aw at epiko na makikita sa anyong pasulat o pasalita.
Ang EL ILOCANO ang pinakaunang pahayagang panrehiyon sa Pilipinas. Itinatag ito
ni Isabelo Delos Reyes noong 1889. Dito nagsimulang maglabas ng mga tula, at iba
pang akdang pampanitikan. Ang Bannawag ay isang lingguhang magasin na
nakalimbag sa wikang Ilocano at laganap s hilagang-Luzon. Ang "Bannawag" ay isang
salitang Ilocano na ang ibig sabihin ay "Liwayway," at isa itong palatandaan na kapatid
ito ng publikasyon nang naunang magasin na Liwaway. Bilang magasin, naglalaman
ito ng mga akdang pampanitikan, mga maiikling kuwento, nobelang tuluyan, tula,
komiks at lathalain. Bukod sa mga napapanahong balita at mga sanaysay na nagdudulot
ng impormasyon sa iba't ibang bagay at balitang pang-artista. Una itong nailathala noong
Nobyembre 3, 1934, sa pamumuno ni Magdaleno Abayo at sa ilalim ng Roses Publication,
maituturing ang magasin Bannawag na isa sa mga pundasyon nang pag-usbong ng mga
manunulat sa wikang Ilocano at pag-iral ng panitikang Ilokano.
Gunglo Dagiti Mannurat nga Ilokano iti Filipinas o GUMIL Filipinas o Ilokano Writers
Association of the Philippines, ay isa sa mga aktibong pangkat sa Pilipinas, Itinatag ito
sa Ilocos Sur noong 1964 at mas lalong pang lumawak ang sakop nito. Mayroong itong
daang-daang aktibong miyembro nang manunulat sa mga probinsya at Municipal na
mga kabanata at pati na rin sa mga kabanata sa ibang bansa katulad ng United
States, Hawaii at Greece. Ang GUMIL Filipinas o Gunglo Dagiti Mannurat nga Ilokano
iti Filipinas Incorporation ay isinama sa Philippines Security and Exchange
Commission noong Enero 8, 1977.
Panitikan sa Ilocos Sur
Kinikilala rin ang Ilocos Sur dahil sa kanilang mga tanyag na panitikan, nariyan ang
mga tulang nagpapahayag ng mga kaisipan ng mga manunulat patungkol sa pag-ibig.
Katulad na lamang ng tulang pinamagatang;
Panagpakada o Pamamaalam ni Leona Florentino na siyang naglalarawan sa
pamamaalam ng persona sa minamahal nitong sumakabilang-buhay.
Nalpay Ti Namnama o Naunsyaming Pag-asa ni Leona Florentino, nakapaloob
ang hinanakit ng isang taong nasaktan sa pag-ibig. Inilalarawan sa tula ang damdamin
ng persona matapos lokohin ang taong iniibig niya.
Mayroong din tula na nagpapahayag ng pagmamahal sa wikang Ilocano, ito ay
pinamagatang;
Ti Dilak (My Tongue) ni Leon Pichay, sa tulang ito hinikayat niya ang manunulat na
gamitin ang kanilang mother tongue.
Maliban sa tula ay may mga nobela ring naisulat ang mga Ilokano, nasasabing mahigit
isang daang taon na magmula noong umusbong ang nobelang Iloko. Kinilala ang
nobelang pinamagatang "Ang Singsing nang Dalagang Marmol/ Si Liwayway ng
Baliwag" ni Isabelo Delos Reyes, bilang isa sa mga unang nobelang naisulat sa
Pilipinas noong unang dekada ng ikadalawampung siglo. Patungkol ang nobela sa
kuwento ni Liwayway na taga-Baliwag, Bulacan, siya ay hindi lamang marikit bagkus
nagtataglay ng puring maitutulad sa Inang Bayang Katagalugan. Ngunit may isang
matandang nagduda sa tunay na niloloob ni Koronel Puso, at inakalang ito'y lolokohin
lamang ang dalaga. Itinakas ng matanda ang dalaga kay Koronel Puso, at
nakatanggap ng pasabi ang nasabing kawal na ikinasal na sa Amerikano ang babae.
Isang araw ay nagbalik nang nakabalatkayo si Liwayway sa kampo ni Koronel Puso, at
natigatig nang mabatid na sugatan ang minamahal. Ginamot at pinalakas ng dalaga
ang pangangatawan ng Koronel, at pagkaraan ay ibinunyag ang tunay na katauhan.
Hindi ako nagpakasal sa Amerikano, ani Liwayway, at sa halip ay nanatiling tapat sa
iyo.
Apay a Pinatayda ni Naw Simon o Bakit ba Nila Pinatay ang Kagalang-galang na
Simon? ni Leon Pichay
- Maliban sa nobelang pag-ibig ay naisulat din ni Leon Pichay ang unang nobelang
detective sa Ilocos noong 1935.
- Ito ay pinamagatang Apay a Pinatayda ni Naw Simon o Bakit ba Nila Pinatay ang
Kagalang-galang na Simon.
- Umiikot ang nobelang ito sa kagalang-galang na si Ginoong Simon, isang mayaman
at ganid na tao. Katulad nga ng mga kuwentong detective ang kontrabida ay ang
pinakamalayong pinagsususpetyahan at ito ay walang iba kung di ang hepe ng pulisya
na siyang taong naatasang mag-imbestiga sa kasong ito.
Puso ti Ina (Puso ng Ina) - nagpapakita ng temang romantiko at sentimental.
Apay a di Mangasawa (Bakit Ba Hindi Siya Mag-asawa) ni Arturo Centeno (Vigan,
Ilocos Sur)
- Ito ay tungkol sa magkasintahang napakatagal pinaghiwalay ng tadhana ngunit,
nagkabalikan din sa bandang huli.
Epikong Iloko
Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lam-ang) ni Pedro Bukaneg
- isang epikong patula na mula sa rehiyon ng Ilocos sa Pilipinas. Sinalaysay at sinulat
sa orihinal na wikang Ilokano, sinulat noong 1640 ng isang bulag na manunulat na si
Pedro Bukaneg. Ang epikong ito ay isa sa mga pinakaunang epiko ng Pilipinas na
isinulat na tulang tuluyan. Ito rin ang isa sa dalawang epiko na nakadokumento sa
panahon ng pagsakop ng mga Kastila.
Pamulinawen ni Jose Bragado (1995)
- ang salitang pamulinawen ay nangangahulugang matigas o matibay.
- umiikot ang kuwentong ito sa pakikipagsapalaran ni Ricardo laban sa pananakop ng
mga hapon sa Ilocos.
Ti Langit ti Inanamatayo (Langit ang Ating Pag-asa) ni Isabelo de los Reyes
- unang maikling kuwento sa Ilocos.
Ang mga naging kasaysayan ng Ilocos ay siyang naisulat sa librong pinamagatang
"Historia de Ilocos" ni Isabelo de los Reyes, nakapaloob dito ang kanyang mga
kaalaman at karanasan bilang isang Ilocano.
Uri ng panitikang Iloko ayon kay Leopoldo Y. Yabes:
1. Mga simu-simula - sa simula palang bagamat hindi naisusulat ang mga akdang
Iloko ay lumaganap na sa kailocanohan ang mga kantahing bayan, kuwentong bayan
at karunungang bayan.
a. Kantahing bayan - Isa sa mga kantahing bayan ay ang Pinagbiag ito ay awiting
nagpapahayag ng kwento ng mga bayani. Ito rin ay nahahati sa dalawa
nagpapahayag ng kaisipan at nagpapahayag ng saloobin. Pangalawa ay ang
Dallot isa itong awiting nagpapahayag ng damdamin. Ito ay awitin din para sa
kasalan, binyagan at iba pang pagtitipon habang sinasaliwan ng sayaw at
pagbibigay payo sa mga bagong kasal. Dallot ti Pangasasawa isa ito sa mga
naidokumento at napanatiling buhay na dallot ang dallot ng pag-aasawa. Ang
pangatlo ay ang Badeng kung saan ito ay ang awit nang pag-ibig na ginagamit
ng kalalakihan sa paghaharana sa kanilang iniibig. Pang-apat ay ang Dung-aw o
awit sa patay, o isang panaghoy. Panlima ay ang Dasal patungkol sa
mangmangkik ang mga mangmangkik ay espiritu sa kagubatan na dinadasalan
upang hindi sila magalit. Ang pang-anim ay ang Arinkenken o ang paligsahan
ng mga lalaki at babae sa kasalan, ang tema nito ay tungkol sa karapatan at
responsibilidad na haharapin ng bagong mag-asawa. Pampito ay ang Hele o
duayaya ito ay awiting pambata na naglalaman nang pag-asa tungo sa
magandang kinabukasan ng bata. Ang ibang mga awiting Iloco ay nagapakita ng
kanilang mga pang araw-araw na gawain tulad nang Awit sa pagtatanim,
paggapas, pangingisda, at bago tumungo sa digmaan.
b. Salaysaying Bayan - una ay ang alamat, ito ay tumutukoy sa pinagmulan ng
isang bagay o pook. Halimbawa: Bakit umaakyat sa damo ang mga Suso? ni
Jose E. Tomeidan (Pangasinan), Ang kauna-unahang Unggoy ni Sotero Albano
(Ilocos, Norte) at ang Alamat ng Bigas. Pangalawa ay ang kuwentong bayan ito
ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip ng mga tauhan na kumakatawan sa
mga uri ng mga mamayan. Halimbawa: Matandang Hari at Isang Marunong na
Lalaki. Karaniwang kaugnay ang kuwentong bayan sa isang tiyak na pook o
rehiyon ng isang bansa o lupain, kaugnay rin ito ng alamat at mito, halimbawa
nito ay ang kuwento ng: Ang tatlong Magkakapatid na Lalaki; Ang tatlong
Magkakapatid na Masuwerte; ang kuwento ni Juan Tamad; Ang Gintong
Tuntunin; Cochinango; Si Andres, Ang Mambibitag; at ang kuwentong Si
Camachile at si Passion. Pangatlo sa salaysaying bayan ay ang epiko, Ito ay
isang tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan nang pangunahing
tauhan at nagtataglay din ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao. Isang
halimbawa nito ay Ang Biag ni Lam-ang na isinulat ni Pedro Bukaneg.
c. Karunungang Bayan - una sa karunungang bayan ay ang Burburtia o Burtia,
binubuo ito ng mga matatalinhagang mga parirala, may sukat at tugma na
sumusukat sa talino ng mga Ilokano. Pabitla ang tawag ng mga Pangasinan
dito. Halimbawa nito ay ang:
no baro ket narukop salin: kung bago ay marupok
no daan nalagda. Kung luma ay matibay
(tambak) (Pilapil)
Pangalawa sa karunungang bayan ay ang pagsasao, ang pagsasao ay
salawikain sa Tagalog, Ito ay may aral at binibigkas ng patula, halimbawa ang:
Ti adda siniglot salin: Kung Sino ang nagbuhol,
isu ti adda bukraenna siya ang magkakalas
Pangatlo sa karunungang bayan ay ang arasaas, ang arasaas ay ginagamit ng
mga ilokano sa paghingi ng paumanhin sa mga lamang-lupa, maligno, at mga
espiritong hindi nakikita. Katumbas ito ng bulong sa Tagalog. Halimbawa ang:
Umakyan, salin: Sumama ka,
dika agbatbati huwag kang papaiwan
Isa pang halimbawa ang puwera baros na ang salin sa Tagalog ay puwera usog.
2. Mga akdang ukol sa panananampalataya at kagandahang asal
Alam naman natin na lalong nag-ibayo ang akdang panrelihiyon sa Iloco nang
pumasok ang Kristiyanismo.
 Doctrina Christiana ni Cardinal Bellarmino, ito ay ang kauna-unahang akda na
naisulat sa wikang samtoy at ito rin ang pinakamahalagang akda noong
ikalabimpito dantaon.
 Pasion de Nuestra Señora Jesuchristo (P. Antonio Mejia), unang pasyong
naisulat sa samtoy noong 1621.
 Vida de San Barlaan Y Josaphat (P. Agustin Mejia), isinulat noong ika-17
dantaon.
 Sermones Morales at Escudos del Christiana (P. Jacinto Guerrero at P.
Guellirmo Sebastian)
 Novena de Nuestra de la Caridad Que Se Venera en La Eglesia del Pueblo
de Bantay (P. Juan Bautista Arenos), kauna-unahang novena na nailimbag sa
Pilipinas.
3. Mga akda ukol sa wikang Iloko
 Arte de la Lengua Iloca (P. Francisco Lopez), kauna-unahang akdang pangwika
tungkol sa wikang Iloko na naisulat noong 1627.
 Vocabulario de la Lengua Iloco (P. Lopez), Ito ay isang diksyunaryo at gramatika
sa wikang Iloko. Ito ay inayos at dinagdagan noong ika-18 dantaon ng ilang pari.
Noong 1891, muling inayos ni P. Andres Carro.
 Gramatica Hispano
Ilocano at Diccionario Hispano, ito ay nailimbag noong ika-19 dantaon at sinulat ni
Gabriel Vivo Y Juderias.
 Estudio de las Antigua Afabitos Filipino, isinulat ni P. Marcilla at nalimbag noong
ika-19 dantaon.
4. Panulaang Iloko
 Pedro Bukaneg ay isang dakilang Pilipino na mula sa lupain ng mga Samtoy
(bandang Ilocos). Itinuturing siyang unang edukadong Ilokano, orador, musikero,
leksikograpo at dalubwika. Siya ang itinuring na Ama ng Panitikang Ilokano.
 Leona Florentino, ang maririkit niyang mga tula sa Kastila at wikang Ilokano ay
nakasama sa eksibit sa Exposicion General de Filipinas sa Madrid noong 1887
at sa International Exposition sa Paris noong 1889. Ito ang nagbigay sa kanya at
sa Pilipinas ng karangalan at dahil sa kinilala ang kanyang kakayahan sa
literatura, nakasama siya sa International Encyclopedia of Women's Works,
noong 1889. Ang mga nakilalang tula ni Leona Florentino ay Rucrunoy,
(Dedication), Naangaway a Cablaw (Good Greetings), Nalpay a Namnama
(Vanishing Hope), Benigna, Para ken Carmen, Panay Pacada (Farewell), at iba
pa.
 Justo Claudio Y Fojas, siya ay isang paring sekukar na sumulat ng mga
novena, aklat ng panalangin, katekismo, drama, gayundin naglathala ng aklat ng
ukol sa balarila ng Espanyol at diksyunaryong Iloko-Espanyol. Siya ang Leona
Florentino ng kanyang kapanahunan.
 Jose A. Bragado ay isa sa mga iginagalang na manunulat na Ilokano na
mangangatha, peryodista, editor, at makata na nagtamo ng mga parangal sa
mga institusyong gaya ng GUMIL at UMPIL, at nakapaglakbay sa ibayong dagat
upang magbigay ng mga panayam o katawanin ang bansa sa mga
kumperensiya.
- Nakasulat aniya siya ng 16 nobela, 55 maikling kuwento, 55 tula, pitong nobelang
pangkomiks, at 157 sanaysay at artikulo.
 Isabelo de los Reyes ay isang peryodista, lider obrero, politiko, at kinikilalang “Ama ng
Unyonismo sa Filipinas.”
- Dahil sa kaniyang mga isinulat at aktibismong pang-obrero, itinuturing din siyang “Ama ng
Sosyalismong Filipino.” Isa siya sa mga nagtatag ng kauna-unahang malayang simbahang
Filipino, ang Iglesia Filipina Independiente o Simbahang Aglipay.
- Bilang peryodista, itinatag niya ang pahayagang El Ilocano noong 1889 at inilathala noong
1894 ang El Municipio Filipino. Naging patnugot din siya ng Lectura Popular noong 1890.
 Leon Pichay ay isang sikat na nanunulat sa Pilipinas. Isa siyang makata,
nobelista, kuwentista, mandudula at mananalaysay sa wikang Ilokano. Nakilala
siya sa larangan ng Bukanegan o Balagtasan sa wikang Ilokano at binigyan ng
karangalang Prinsipe ng Bukanegan.
 Carlos Bulosan ay isang Pilipinong nobelista at makata sa wikang Ingles na
nandayuhan sa Amerika noong Hulyo 1, 1930. Hindi na siya bumalik sa Pilipinas
at halos buong buhay niya ay nasa Estados Unidos. Ang kanyang pinakakilalang
trabaho ngayon ay ang semi-autobiographical na America Is in the Heart, ngunit
una siyang nakakuha ng katanyagan para sa kanyang 1943 na sanaysay sa The
Freedom from Want.
 Severino Montano ay nagtapos sa Yale Drama Workshop. Nag-aral siya ng
pagganap at pagdidirek ng mga dula. Natapos niya ang kanyang Masters in Arts
sa sining ng dula sa Yale din. Siya ang nagtatag ng Arena Theater sa Philippine
Normal College (Philippine Normal University) na tinulungan ng pamahalaan at
ng Rockefeller Foundation. Nakasulat siya ng maraming mga dula. Ang ilan sa
mga ito ay My Brother Cain , The Land My Fathers Loved, Thru Hopeless Years,
The Merry Wives of Manila, Lonely is My Garden, Portrait of An American at iba
pa.
 Andres Cristobal Cruz ay kilalang makata at kwentista. Ang kalipunan ng
kanyang mga nasulat na tula na may pamagat na Estero Poems ay nalimbag
noong taong 1961. Noong 1964 ay lumabas naman ang katipunan ng mga
kuwento na may pamagat na White Wall. Ang magaganda niyang mga tula ay
Flower by the Estero, Evening Song, Dusk, Night on the Estero, at Dawn.

III. KONGKLUSIYON
Ang Pilipinas ay kinabibilangan ng iba't ibang rehiyon na kung saan mayroong kanya-
kanyang kagandahan. Isa na rito ang Rehiyon 1 o tinatawag ding rehiyon ng Ilocos.
Ang mga kultura at tradisyon ay napapanatili pa ring buhay. Masasabi talaga natin na
ang bawat Lugar sa Pilipinas ay may katangi-tanging ganda na dapat ipagmalaki.
Tunay ngang napakayaman ng ating panitikan kahit noon pa man, bago at pagkatapos
tayo sakupin ng mga Espanyol at ibang mga bansa. Likas na talaga sa ating mga
Pilipino ang pagiging malikhain at pagiging matalino. Tayo ay pinagkalooban ng Diyos
nang sobrang kagalingan sa paglikha ng mga akdang pampanitikan pati na rin sa
ibang aspeto ng ating buhay.
Nagpapatunay lamang ito na ang Rehiyon ng Ilocos ay napakayaman sa panitikan na
hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa rin natin. Ang mga panitikan na ito ay
sumasalamin sa ating mga kultura at kung paano tayo hinubog ng panahon. Kay sarap
malaman na hanggang ngayon ay buhay pa rin ang halos lahat na mga akdang
pampanitikan at atin pa rin itong pinag-aaralan sa kasalukuyan, Ito ay mabuting
hakbang upang hindi natin makalimutan ang mga naging ambag ng mga ninuno natin
at kung bakit tayo ngayon ay sagana sa kultura at mga paniniwala. At dahil din dito,
nagkakaroon tayo ng ideya na dapat nating mas payabungin pa ang ating panitikan
upang ipakilala sa susunod na henerasyon, at makilala nila kung gaano kagaling ang
mga Pilipino sa larangang ito.
IV. SANGGUNIAN
https://www.scribd.com/presentation/443549572/PANITIKAN-ng-REHIYON-1
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Severino_Montano
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Leon_Pichay
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Leona_Florentino
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Pedro_Bukaneg
https://youtu.be/X_zF0A4q2_M

You might also like