Panahon NG Amerikano

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 68

1

Kaligirang Pangkasaysayan
Sa halos tatlong daang taon na pananakop ng mga
dayuhang Kastila sa Pilipinas. Naiwagayway natin ang ating
bandila sa bayan ng Kawit, Cavite noong ika-12 Hunyo, 1898
sa pamumuno ni Hen. Emilio F. Aguinaldo, noon bilang unang
pangulo ng unang Republika ng Pilipinas. Subalit ang
kasarinlang iyon ay naging panadalian lamang sapagkat
lumusob ang mga Amerikano. Nagkaroon ng digmaang
Pilipino-Amerikano na naging sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel
Malvar noong 1903. Maraming Pilipino ang nagsalong ng
sandata at muling nanulat, sapagkat ang diwa at damdaming
makabayan ng mga kababayang ito ay hindi nakuhang igupo
ng mga Amerikano, bagkus ay lalong naging maalab pa.
Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang lahat ng
larangan ng panitikan tulad ng lathalain, kwento, dula
sanaysay, nobela at iba pa. Maliwanag na mababasa sa mga
akda nila ang pag-ibig sa bayan at pag-asam ng kalayaan.

2
MGA PAHAYAGAN SA
PANAHON NG
AMERIKANO

3
 El Nuevo Dia
(Ang Bagong Araw)
- itinatag ni Sergio Osmeña
noong 1900. Makalawang
pinatigil ng mga sensor na
amerikano ang paglalathala nito
at binalaan si Osmeña at ang mga
kasamahan na ipapatapon dahil
sa lathalaing makabayan.

4
 El Grito Del Pueblo (Ang
Sigaw Ng Bayan)
– itnatag ni Pascual
Poblete noong 1900.

5
 El Renancimiento
(Muling Pagsilang)
– itinatag ni Rafael
Palma noong 1900.

6
 Walang Sugat – ni Severino Reyes
 Kahapon, Ngayon at Bukas- – sinulat ni Aurelio Tolentino. Naglalahad
ito ng panlulupig ng mga Amerikano at ang tangka nila na manakop sa
Pilipinas.
 Tanikalang Ginto – ni Juan Abad
 Malaya – ni Tomas Remegio

7
Mga Katangian ng Panitikan sa Panahong Ito
 Tatlong pangkat ng mga manunulat ang kumatawan
sa panitikan Pilipino nang panahong ito:
Pangkat ng mga manunulat na gumamit ng
wikang Kastila.
Pangkat ng mga manunulat na gumamit ng
wikang Tagalog.
Pangkat ng mga manunulat na gumamit ng
katutubong wika sa mga lalawigan.

8
A. Panitikan sa Kastila
Naging inspirasyon ng ating mga manunulat
sa Kastila si Rizal hindi lamang sa kanyang
pagiging makabayang lider kundi dahil pa rin
sa kaniyang naisulat na dalawang nobelang
Noli at Fili. Sinasabing ang dalawang
nobelang ito ang nagtataglay ng
pinakamahusay na katangian sa lahat ng
naisulat na nobelang pampanitikan, maging
sa Ingles at Pilipino.

9
Mga Manunulat
Sa Panitikan
Sa Kastila

10
Cecilio Apostol

- ay may mga
tulang handog kay Rizal,
Jacinto, Mabini at halos
sa lahat ng mga bayani
ng lahi, ngunit ang
kaniyang tulang handog
kay Rizal ang
ipinalalagay na
“pinakamainam ng
tulang papuri” sa
dakilang bayani ng
Bagumbayan.

11
 Fernando Ma. Guererro
-ipinalalagay na
kasukob ni Apostol sa
paghahari ng balagtasan sa
kastila noong kanilang
kapanahunan. Sumulat din
sya ng mga tulang handog
kay Rizal, ngunit ang
kanyang mga
pinakamagagaling na tula ay
tinipon niya sa isang aklat na
pinamagatang Crisalidas (Mga
Higad).

12
 Jesus “Batikuling” Balmori
-naging
kalaban ni Manuel
Bernabe sa
balagtasan sa
Kastila sa paksang
“El Recuerdo Y El
Olvido”. Nahirang
syang “poeta
laureado” dahil sa
tinalo niya sa
labanang ito si
Bernabe.

13
Manuel Bernabe
-isangmakatang liriko at ang sigla ng kaniyang
damdaming makabayan ay hindi nagbabago sa
alin mang paksang kaniyang sinusulat. Sa
pakikipagbalagtasan niya kay Balmori, higit
siyang naging kaakit-akit sa madla dahil sa
melodiya ng kaniyang pananalita. Ipinagtanggol
niya ang “Olvido” na nangangahulugang “limot”.
Narito ang taludtod na kanyang binigkas:

Gumugunita!
Kaawa-awang kaluluwang may gunita!
Ang pagkadurog na dinanas ng tagimpan
Ang gunita ay halimaw na sumila
Sa kaawa-awang puso.

14
Claro M Recto
-isang siyang matayog at dakila sa pananalita
at pamamakas sa panitikang Kastila. Tinipon
nya ang kanyang mga tula sa aklat na
pinamagatang “Bajo los Cocoteros” (Sa Ilalim
ng Niyugan). Narito naman ang ilang bahagi ng
kanyang isinulat para kay Rizal na
pinamagatang “Ante El Martir”

Tagalog na manunubos! Ang banal na isip


Na ipinunla mo sa kaluluwang Pilipino
Ay matipuno nang pananim ngayon
Na ninibol sa bawat dibdib at lumalaki
Pinamumulaklakan ng mga simulaing
makabayan.

15
Mga Iba pang
Manunulat sa
Wikang Kastila

Isidro Marpori
-napatanyag siya dahil
sa kanyang apat na
aklat na pinamagatang
“Aromas de Ensueno”

16
Adelina Gurrea
- kauna-unahang
makatang babae
sa Pilipinas na
magaling sa
Kastila.
Nagkamit siya
ng gantimpalang
“Premyo Zobel”
sa kaniya tulang
“El Nido”

17
Macario Adriatico
-sumulat ng
magandang
alamat ng
Mindoro na
pinamagatang
niyang “ La Punta
de Salto” Ang
Pook na
Pamulaan”

18
Epifanio De Los
Santos
– nakilala sa tawag
na “Don Panyong”.
Ipinapalagay siyang
magaling na
mamumuno, at
mananalambuhay
sa buong
panitikang Kastila.

19
Pedro Aunario
– sumulat ng
Decalogo Del
Protocionismo.

20
Ang Florante at Laura ni Francisco
“Balagtas” Baltazar at ang Urbana at
Felisa ni Modesto De Castro ang naging
inspirasyon naman ng mga manunulat sa
Tagalog.

21
Panitikan sa Tagalog
Ang Florante at Laura ni Francisco “Balagtas” Baltazar at ang Urbana at
Felisa ni Modesto De Castro ang naging inspirasyon naman ng mga
manunulat sa Tagalog.

22
Tatlong URI NG MAKATANG TAGALOG
ayon kay Julian Cruz Balmaceda
A. Makata ng Puso C. Makata ng Dulaan
Lope K Santos Aurelio Tolentino
Inigo Ed. Regalado Patricio Mariano
Carlos Gatmaitan Severino Reyes
Pedro Gatmaitan Tomas Remegio
Jose Corazon De Jesus
Cirio H Panganiban
Nemecio Carabana
Mar Antonio
B. Makata ng Buhay
Lope K Santos
Jose Corazon De Jesus
Florentino Collantes
Patricio Mariano
Carlos Gatmaitan
Amado V Hernandez
23
Sa panunulat naman ng mga maiikling katha
na magpasimulang lumabas sa mga pampitak ng
PANANDALIANG LIBANGAN at DAGLI, nahanay rito
ang mga pangalan nina Lope K. Santos, Patricio
Mariano, Rosauro Almario, Teodor Gener, Cirio H.
Panganiban, Atbp.
Naging tanyag namang nobelista o
mangangathambuhay sina Valeriano Hernandez
Pena, Lope K Santos, Inigo Ed. Regalado, Faustino
Aguilar, Atbp.

24
 Lope “Taga-Pasig” K. Santos
-isang nobelista, makata,
mangangatha, at mambabalarila sa
tatlong panahon ng panitikang Tagalog:
Panahon Ng Amerikano, Hapones at
Bagong Panahon. Kung si Manuel L.
Quezon ang “Ama Ng Wikang
Pambansa”, si Santos naman ang “Apo”
ng mga Mananagalog. Ang Banaag at
Sikat ang siyang pinalalagay niyang
pinaka-obra maestra. Ang tulang
“Pagtatapat” ang malimit niyang bigkasin
sa tuwing hihingan ng tula.

25
Mga Akda:
Banaag at Sikat
Alas ng kapalaran
Ang Selosa
Ang Pangginggera
Puso at Diwa
Mga Hamak na Dakila
Sino ka….Ako’y Si….
Pagtatapat
Sa Harap ng Libingan
Kadaki-dakilaang Asal

26
 Jose Corazon “Huseng Batute”
De Jesus
-tinaguriang “Makata ng Pag-ibig” noong kanyang kapanahunan. Ang “Isang
Punong Kahoy” na tulang elehiya ang kanyang pinaka-obra maestra.
-Mga Akda:
- Mga Dahong Ginto
- Sa Dakong Silangan
- Itinapon ng Kapalaran
- Ilaw sa Kapitbahay
-Ang Pamana
- Ang Pagbabalik
- Isang Punongkahoy
- Ang Bato
- Halamanan ng Diyos
-Maruming basahan

27
Florentino “Kuntil
Butil” Collantes
-isa ring batikang
“duplero” tulad ni
Batute. Siya ang
unang makatang
tagalog na gumamit
ng tula sa
panunuligsang
pampolitika sa
panahon ng mga
Amerikano. Ang
kanyang obra
maestra ay ang
“Lumang Simbahan”

28
 Amado “Makata Ng Mga
Manggagawa” V. Hernandez
– sa kanyang mga tula masasalamin
natin ang marubdob na
pagmamahal sa mga dukhang
manggagawa. Para sa kanya, ang
tula ay halimuyak, taginting,
salamisim, aliw-iw. Ang panitik ay
makapangyarihan at ayon sakanya
pati hari ay mapapayuko ng panitik.
Marami siyang akdang naihandog
tulad nang: Isang Dipang Langit,
Mga Ibong Mandaragit, Luha Ng
Buwaya, Baying Malaya, Ang
Panday, Munting Lupa, Atbp. Ngunit
ang pinakaobra mestra niya ay ang
tulang “Ang Panday”

29
ANG PANDAY

Kaputol na bakal na galing sa bundok. Ang lumang araro'y pinagbagang muli


sa dila ng apoy kanyang pinalambot; atsaka pinanday nang nagdudumali
sa isang pandaya'y matyagang pinukpok naging tabak namang tila humihingi,
at pinagkahugis sa nasa ng loob. ng paghihiganti ng lahing sinawi!

Walang ano-ano'y naging kagamitan, Kaputol na bakal na kislap ma'y wala


araro na pala ang bakal na iyan; ang kahalagahan ay di matingkala
Ang mga bukiri'y payapang binungkal, ginawang araro: pangbuhay ng madla
nang magtaniman na'y masayang tinamnan. ginawang sandata: pananggol ng bansa!

Nguni't isang araw'y nagkaroon ng gulo Pagmasdan ang panday, nasa isang tabi,
at ang boong bayan ay bulkang sumubo, bakal na hindi man makapagmalaki;
tanang mamamaya'y nagtayo ng hukbo subali't sa kanyang kamay na marumi
pagka't may laban nang nag-aalimpuyo! ay naryan ang buhay at pagsasarili!

30
 Valeriano “Kintin Kulirat”
Hernandez Peña
-kilala siya sa tawag
na “Tandang Anong”
at ang kanyang
pinaka-obra ay ang
“Nena at Neneng”.

31
Inigo Ed. “Odalager”
Regalado
-anak siya ng isang tanyag
na manunulat noong
panahon ng Kastila.
Pinatunayan niya na hindi
lamang siya nanalunton sa
dinaanan ng kanyang ama,
kundi nakaabot pa sya sa
karurukan ng tagumpay o
“sumpong” sa panitik.
Naging tanyag din siyang
kuwentista, nobelista, at
peryodista. Ang kalipunan ng
kaniyang tula ay
pinamagatang “Damdamin”

32
 Ang Dulang Tagalog
Sa pagpasok ng panahon ng mga
Amerikano, sina Severino Reyes at
Hermogenes Ilagan ay nagsimula ng
kilusan laban sa moro-moro at nagpilit na
magpakilala sa mga tao ng mga lalong
kapakinabangang matatamo sa zarzuela
at tahasang dula.

33
Severino Reyes
-“Ama ng Dulang Tagalog” at “Ama ng Sarswelang
Tagalog”.
- unang patnugot ng lingguhang Liwayway kaya’t
tinawag din ng ibang manunulat ng Ama ng
Liwayway.
- dahil sa kanyang mga akdang “Mga Kwento ni Lola
Basyang” ay tinawag siyang lola Basyang.
-Akda:
-Walang Sugat - Puso ng isang Pilipina
- Ang Kalupi - Bagong Fausto
- Cablegrama Fatal - Alma Filipina
- Los Martires dela Patria - Tatlong Babae
-Filipinas para los Filipinos - Mga Pusong Dakila
- Mga pusong Dakila - Minda Mora
- Opera Italiana - Filotea 34
Video Footage ng WALANG
SUGAT by Tanghalang
Ateneo

35
Aurelio Tolentino
- ang ipinagmamalaking
mandudula ng mga
Kapangpangan. Kabilang sa
kanyang sinulat ay ang
“Luhang Tagalog” na
tinagurian niyang obra-
maestra at ang “Kahapon,
Ngayon At Bukas” na siya
niyang kinabilanggo.

36
Hermogenes “Ama ng
Zarsuelang Tagalog”
Ilagan
– nagtayo ng isang samahang “Compana Ilagan” na nagtatanghal ng
maraming dula sa kalagitnaang Luzon.
-Kilala sa tawag na “Ka Mohing”
-Mga Akda:
- Dalagang Bukid
- Dalawang Hangal
- Biyaya ng Pag-ibig
- Ilaw ng Katotohanan
- Kagalingan ng Bayan
- Punyal de Rosas
- Wagas na Pag-ibig
- Ang Mangkukulam
- Ang Buhay nga Naman

37
Patricio Mariano
-Tinawag siya ni G. Artigas y Cuerva na “anak ng pahayagang Tagalog”
- tinawag din syang puno ng mandudulang Tagalog
-Mga Akda:
- Ang Sampaguita
-Tulisan
-Luha’t Dugo
-Silanganan
-Ang Unang Binhi
- Ang pakakak
-Ako’y Iyo pa rin
- Ang Dalawang Pag-ibig
- Deni
-Lakambini
-Nena at Neneng
- Ang Anak ng Dagat

38
Julian Cruz
Balmaceda
– sumulat ng “Bunganga Ng Pating”. Ito ang nagbigay sakanya ng karangalan at
kabantugan.
- Sagisag “Itang Badbarin”
Mga Akda:
- Sugatang Puso
- Piso ni Anita
- Sa Bunganga ng Pating
- Higanti ng Patay
- Dahil sa Anak
- Sankwalatang Abaka
- Heneral Gregorio del Pilar
- Kayamanang lumilipad
- Budhi ng Manggagawa
- Kaaway na Lihim

39
 Ang Nobelang Tagalog
Maganda rin ang naging kalagayan ng nobelang
tagalog nang panahon ng Amerikano. Bukod kina Lope
K. Santos. Valeriano Hernandez Pena, naging dakila
rin namang nobelista sina Faustino Aguilar at Inigo
Ed.Regalado.

40
 Ang Maikling Kwentong Tagalog
Dalawang aklat na kalipunan ng mga kwento ang
napalathala noong panahon ng mga Amerikano.
Una’y ang “Mga Kwetong Ginto” na napalathala
noong 1936, at ang ikalawa’y ang “50 Kuwentong
Ginto Ng 50 Batikang Kuwentista” noong 1939. Ang
una ay inakda nina Alejandro Abadilla at Clodualdo
Del Mundo na naglalaman ng 25 ng pinakamabuting
kuwento, ayon sa kanila. At ang ikalawang ay kay
Pedrito Reyes. Ang “Parolang Ginto” ni Del Mundo at
ang “Talaang Bughaw” ni Abanilla ay nagpatanyag
din nang panahong ito.

41
 Ang Tulang Tagalog
Lahat halos ng mga manunulat natin sa
tagalog nang panahon ng Amerikano
ay nakalikha ng magagandang tula na
sadyang napakahirap tarukin kung alin
ang pinakamaganda. Palibhasa na
kahit na sintanda na ng kasaysayan
ang pitak panulaan, sa tuwing ito’y
lilitaw ay nagpapakita parin ito ng
katamisan, kagandahan at kalamyuan.

42
Panitikang Ilokano
Pedro Bukaneg
-“Ama Ng Panitikang
Iloko” sa pangalan
niya hinango ang
salitang “bukanegan”
na nangangahulugan
sa tagalog ng
balagtasan.

43
Claro Caluya
– “Prinsipe ng mga
Makatang Ilukano”
kilala siya sa
pagiging makata at
nobelista.

44
Leon Pichay
– “ Pinakamabuting Bukanegero” isa rin
syang makata, nobelista, kuwentista,
mandudula, at manananaysay.

45
Panitikang
Kapampangan
Juan Crisostomo Soto
– “Ama ng Panitikang Kampangpangan” ang
salitang “Crisotan” na nangangahulugan ng
“balagtasan” sa tagalog ay hinango sa
kanyang pangalan.

46
Aurelio Tolentino
-ang may-akda ng Kahapon, Ngayon At Bukas, na ginawan nya ng salin sa kapampangan na
pinamagatang Napon, Ngeni At Bukas.
-Unang gumamit ng salitang dula upang irumbas sa “drama”. Isang salitang Bisaya ang dula
- Mga Akda:
- Kahapon, Ngayon at Bukas
- Luhang Tagalog
- Germinal
- Bagong Kristo
- La Rosa
- manood Kayo
- Sinukuan at Sinumpaan
- Lagrimas
- Neneng
- Filipinas at Espanya

47
Panitikang Bisaya
Eriberto Gumban
– “Ama Ng Panitikang Bisaya”
nakasulat siay ng zarsuela,
moro-moro at mga dula sa
Bisaya.

48
Magdalena Jalandoni
– nag-ukol naman
sa panahon sa
nobelang bisaya.
Isinulat niya “Ang
Mga Tunuk San Isa
Ca Bulaclac”.

49
PANITIKANG FILIPINO SA INGLES
Noong 1900, sinimulang ituro sa mga paaralang
Filipino ang asignaturang Ingles. Mula sa taong ito
hanggang 1903 ay maraming naisulat na
mahahalagang sanaysay, maikling kwento, at mga tula.
Ang ilan sa mga sanaysay ay madaling unawain dahil
pawing mga katatawanan subalit ang iba nama’y
nauukol sa mga paksang pormal tulad ng tungkol sa
edukasyon, kasaysayan, pulitika at mga suliraning
panlipunan. Kadalasan tungkol sa pag-ibig ang mga
paksa at pangyayari ay pawing mga ginaya lamang. Sa
larangan naman ng tula, pinunang pawing mga
mukhang artipisyal ang gayon sa paglalarawan ng mga
makatang Amerikano. Sa madaling salita, walang
orihinalidad ang mga akdang pampanitikang naisulat
noong panahon ng Amerikano.
50
Jose Garcia Villa
-“Doveglion’’
pinakatanyag
na Pilipinong
manunulat sa
Ingles sa
larangan ng
maikling katha.

51
Jorge Bocobo
– isang mananaysay
at mananalumpati.
Ilan sa kaniyang mga
sinulat ay ang
“Filipino Contact
With American, A
Vision Of Beauty” at
“College Education”.

52
Zoilo Galang
- sumulat ng
kauna-unahang
nobelang
Pilipino sa
wikang Ingles
na
pinamagatang
“A Child Of
Sorrow”.

53
Angela Manalang
Gloria
– umakda ng
“April Morning”
nakilala siya
pagsulat ng
mga tulang
liriko sa
panahon ng
Komonwealth.
54
Zulueta De Costa
- nagkamit ng unang
gantimpala sa
kaniyang tulang “Like
The Molave” sa
Commonwealth
Literary Contest
noong 1940.

55
Nestor Vicente Madali
Gonzales
– may-akda ng
“My Islands” at
“Children of the
Ash Covered
Loom”. Ang huli
ay isinalin sa
iba’t-ibang wika
sa India.

56
Estrella Alfon
- ipinalalagay ng
pinakapangunahi
ng manunulat na
babae sa ingles
bago
magkadigma. Siya
ang sumulat ng
“Magnificence” at
“Gray Confetti”.
57
Arturo Rotor
– may-akda ng
“The Wound and
the Scar” na
siyang kauna-
unahang aklat na
nailimbag sa
Philippine Book
Guild.

58
59
PANAHON
NG
HAPON

60
Kaligirang Kasaysayan
Ang panitikang Filipino sa wikang Ingles sa pagitan ng taong 1941-1945 ay nabalam sa kaniyang
tuloy-tuloy na sanang pag-unlad nang muling sakupin ng isa na namang dayuhan mapaniil - ang mga
Hapones. Natigil ang panitikang Ingles. Maliban sa Tribune at Philippine Review, ang lahat halos ng
pahayagan sa Ingles ay pinatigil ng mga Hapones.
Naging maganda naman ang bunga nito sa panitikang Tagalog. Patuloy na umunlad ito sapagkat
ang mga dating sumulat, sa Ingles ay bumaling sa pagsulat ng Tagalog. Si Juan Laya na dating manunulat sa
Ingles ay nabalng sa pagsulat ng Tagalog, dahil sa mahigpit na pagbabawal ng pamahalaang hapon tungkol sa
pagsulat ng anumang akda sa Ingles.
Ang lingguhang liwayway ay nilalagay ng mga Hapones sa mahigpit na pagmamatyag hanggang
sa ipabahala ito sa isang Hapong nangangalang Ishikawa.
Sa madaling salita, nabigyan ng puwang ang panitikang tagalog ng panahong ito. Marami ang
mga nagsisulat ng dula, tula, maikling kwento, at iba pa. ang mga paksain ay pawang natutungkol sa buhay
lalawigan.

61
Ang pangunahing paksa sa panahon ng mga Hapones ay tungkol
sa bayan o pagkamakabayan, pag-ibig, kalikasan, buhay
lalawigan o nayon, pananampalataya, at sining.

Mga Uri ng Tula


1. Haiku- isang tulang may malayang taludturan na kinagigiliwan
ng mga Hapones. Ito’y binubuo ng labimpitong pantig na
nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod nito ay may
limang pantig, ang pangalawa ay may pitong pantig, at ang
ikatlo ay may limang pantig ang una. Maikli lamang ang haiku
ngunit nagtataglay ng masaklaw at matalinghagang
kahulugan.
2. Tanaga- tulad ng haiku, ito’y maikli ngunit may sukat at tugma.
Ang bawat taludtod ay may pitong pantig. Nagtataglay din ng
mga matatalinhagang kahulugan
3. Karaniwang anyo

62
Tutubi
ni Gonzalo K Flores

Hila mo’y
tabak …
Ang bulaklak
nanginig
Sa paglapit
mo

63
PALAY
ni Ildefonso Santos

Palay siyang
matino
Nang
humangi’y
yumuko
Nguni’t
muling
tumayo
Nagkabunga
ng ginto.

64
PAG-IBIG
ni Teodoro Gener
Umiibig ako at ang inibig
Ay hindi dilag na kaakit-akit
Pagkat kung talagang gandalang ang nais
Hindi ba nariyan ang nunungong langit?
Lumiliyag ako at ang nililiyag
Ay hindi ang yamang pagkariliag-rilag
Pagkat kung totoong perlas lang ang hangad
Di ba’t masisisid ang pusod ng dagat?

Umiibig ako at sumusintang tunay


Di sa ganda’t sa gintong ni yaman
Ako’y umiibig sapagkat may buhay
Na di nagtitikim ng kaligayahan.
Ang kaligayahan ay wala sa langit
Wala rin sa dagat ng hiwang tubig
Ang kaligayaha’y nasa iyong dibdib
Na inaawitan ng aking pag-ibig.

65
Nagkaroon ng puwang ang dulang Tagalog sa panahon ng Hapones
dahil napinid ang mga sinehang nagpapalabas ng mga pelikulang
Amerikano. Ang mga malalaking sinehan ay ginawa lamang
tanghalan ng mga dula. Karamihan sa mga dulang pinalabas ay
salin sa Tagalog mula sa Ingles. Ang mga nagsipagsalin ay sina
Francisco Rodrigo, Alberto Cacnio, At Narciso Pimentel. Sila rin ang
nagtatag ng isang samahan ng mga mandudulang Pilipino na
pinangalanang “Dramatic Philippines”. Ilan sa mga naisulat na dula
ay ang mga sumusunod:
Panday Pira ni Jose Ma. Hernandez
Sa Pula, Sa Puti ni Francisco Soc. Rodrigo
Bulaga ni Clodualdo Del Mundo
“Sino Ba Kayo?”, “Dahil Sa Anak” at “Higanti Ng Patay” ni
Julian Cruz Balmaceda

66
Naging maunlad ang larangan ng maikling kwento noong
panahon ng Hapones.Maraming mga nagsisulat ng maikling kwento.
Kabilang dito sina Brigido Batungbakal, Macario Pineda, Serafin
Guinigundo, Liwayway Arceo, Narciso Ramos, Nvm Gonzales, Alicia
Lopez Lim, Ligay Perez, Gloria Guzman, atbp.
Ang pinakamahusay na akda ng taong 1945 ay pinili ng lupon ng
mga inampalan na binubuo nina Francisco Icasiano, Jose Esperanza
Cruz, Antonio Rosales, Clodualdo Del Mundo, at Teodor Santos. At ang
25 maikling kwentong pinili ay pinasuri naman kina Lope K. Santos,
Julian Cruz Balceda, at Inigo Ed. Regalado. ang kinawakasan ng
pagsusuri ay nagsasabing ang mga sumusunod ang nagkamit ng unang
tatlong gantimpala:
Unang Gantimpala: Lupang Tinubuan – ni Narciso Reyes

Ikalawang Gantimpala: Uhaw Ang Tigang Na Lupa – ni Liwayway Arceo

Ikatlong Gantimpala: Lunsod Nayon At Dagat-Dagatan – ni NVM


Gonzales

67
Panitikang Filipino sa wikang
Ingles
Kung baga sa langit, naging makulimlim ang
panitikang Filipino sa wikang Ingles noong
panahon ng Hapon dahil sa mga mahigpit na
pagbabawal ng mga hapones ng pagsulat at
pagtatanghal ng akda sa Ingles. Ilan lamang
ang naglakas loob sumulat nito at kabilang sa
mga nagsipagsulat ay sina Salvador Lopez,
Francisco Icasiano, Federico Mangahas,
Manuel Aguilla, Carlos P. Romulo, At Carlos
Bulosan. 68

You might also like