q2 6.3 Approved For Printing Ap6 q2 Week 3 Module 3

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

6

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3
Ikatlong Linggo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Ano ang target ko?
Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang nasusuri mo ang pamahalaang
Komonwelt.

Ano ako magaling?


Basahing mabuti ang mga katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alinsunod sa itinadhana ng Batas Tydings McDuffie, anong uri ng pamahalaan ang itinatag
sa Pilipinas?
A. malayang pamahalaan C. masaganang pamahalaan
B. malasariling pamahalaan D. makataong pamahalaan
2. Ito ang lupon na nilikha ni Pangulong Manuel Quezon upang mapag-aralan ang lahat ng
sangay at kalagayan ng gobyerno.
A. Lupon ng Pamahalaang Tagasiyasat
B. Lupon ng Pamahalaang Tagapangasiwa
C. Lupon ng Pamahalaang Tagapagtanggol
D. Lahat ng nabanggit
3. Kailan naganap ang halalan para sa pamumuno ng Pamahalaang Komonwelt?
A. Setyembre, 1935 C. Setyembre, 1937
B. Setyembre, 1936 D. Setyembre,1 938
4. Anong programang pangkabuhayan ang itinatag ni Pangulong Quezon upang mapabuti ang
pamumuhay sa mga probinsya?
A. Rural Progress of the Philippines
B. Rural Progress Administration of the Philippines
C. Rural Progress Administration
D.Rural Administration of the Philippines
5. Ang nahirang na Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ay si ____.
A. Manuel L. Quezon C. Manuel Roxas
B. Sergio Osmeña D. Claro M. Recto
6. Ang Malasariling Pamahalaan na itinatag sa Pilipinas ay tinawag din itong ______.
A. Pamahalaang Demokratiko C. Pamahalaang Militar
B. Pamahalaang Sibil D. Pamahalaang Komonwelt
7. Ang mga sumusunod na sangay ng pamahalaan ay binuo upang matugunan ang mga
pangangailangan ng bansa maliban sa isa.
A. Kagawaran ng Pambansang Tanggulan, Pananalapi, Katarungan, Paggawa
B. Kagawaran ng Pambansang Sangguniang Pangkabuhayan
C. Kagawaran ng Pambansang Sanggunian sa Edukasyon
D. Kagawaran ng Pambansang Sanggunian sa Kalusugan
8. Sino ang nahalal bilang pangalawang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt sa naganap na
halalan noong Setyembre, 1935?
A. Manuel L. Quezon C. Manuel Roxas
B. Sergio Osmeña D. Claro M. Recto

1
9. Ano ang mahalagang nagawa at ipinagkaloob ng Pamahalaang Komonwelt sa mga
kababaihan?
A. karapatang bumoto C. karapatng magtrabaho
B. karapatang manunkulan sa pamahalaan D. arapatang ihalal
10. Ang pagpapasinaya sa pamahalaang Komonwelt ay naganap noong_____ .
A. Nobyembre 15, 1935 C. Nobyembre 17, 1935
B. Nobyembre 16, 1935 D. Nobyembre 18, 1935

Aralin
ANG PAMAHALAANG KOMONWELT
3
Ang Pamahalaang Komonwelt ay nasa ilalim ng Batas Tydings-McDuffie. Ang
pagkakatatag nito ay isang pagsasakatuparan sa pagsisikap ng mamamayang Pilipino sa
pamumuno ni Manuel L. Quezon.

Ano ang balik-tanaw ko?


Panuto : Isulat ang TSEK (/) sa patlang kung ang pahayag ay wasto at EKIS (X) kung hindi.
____1. Nagpadala ng mga misyong pangkalayaan ang mga Pilipino sa Estados Unidos upang
hilinging pagtibayin ang ating ugnayan.
____2. Ang namuno sa unang misyong ipinadala ng Pilipinas sa Estados Unidos ay si Manuel
L. Quezon.
____3. Noong 1924 ipinadala ang pangalawang misyong pangkalayaan sa Estados Unidos na
pinamunuan nina Isauro Gabaldon at Claro M. Recto.
____4. Pinamunuan nina Sergio Osmeña at Manuel Roxas ang Misyong OSROX na ipinadala
sa Estados Unidos noong Disyembre 5, 1931.
____5. Naging matagumpay ang misyong pangkalayaan ng mga Pilipino na mahingi ang
kasarinlan sa kongreso ng Estados Unidos1933.

Ano ang gagawin ko?


Punan ng titik ang patlang upang matukoy ang nasa larawan.

M U E L Q E N

E R O O M A

1. Anong uri ng pamahalan ang kanilang pinamunuan? _____________________________


________________________________________________________________________
2. Ibigay ang kahalagahan nito sa mga Pilipino?___________________________________
________________________________________________________________________

2
Ano ang kahulugan?
ANG PAMAHALAANG KOMONWELT
Alinsunod sa itinadhana ng Batas Tydings-McDuffie isang malasariling pamahalaan
ang itinatag sa Pilipinas. Ito ay tinawag na Pamahalaang Komonwelt (Commonwealth) .
Nagkaroon ng halalan para sa mamumuno ng Pamahalaang Komonwelt noong Setyembre
1935. Pinasinayaan ito noong Nobyembre 15, 1935 at noong araw ding yaon, nanumpa si
Manuel L. Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt. At si Sergio Osmeña naman ang
Pangalawang Pangulo.Naitatag ang Tanggulang Militar bilang paghahanda sa kasarinlan ng
bansa. Nang manungkulan si Manuel L. Quezon bilang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt,
nagsagawa agad siya ng mga reorganisasyon sa pamahalaan batay sa mga probisyon ng bagong
Saligang Batas ng 1935. Nilikha niya ang Lupon ng Pamahalaang Tagasiyasat upang mapag-
aralan ang lahat ng sangay at kalagayan ng gobyerno. Maraming kagarawaran at kawanihan
ang binuo upang matugunan ang mga pangangailangan ng bansa. Ang ilan sa mga ito ay ang
Kagawaran ng Pambansang Tanggulan, Pananalapi, Katarungan, Paggawa. Naitatag din ang
Pambansang Sangguniang Pangkabuhayan, Pambansang Sanggunian sa Edukasyon, at Surian
ng Wikang Pambansa.
Programang Pangkabuhayan
Dahil sa pagsasamantala ng mga dayuhang mananakop, hindi naging matatag ang
kabuhayan sa ating bansa noon. Upang umunlad ang kabuhayan, matugunan ang suliranin at
pangangailangan ng bansa, at magkaroon ng katarungang panlipunan (social justice) isinagawa
ng Pamahalaang Komonwelt ang sumusunod:
1. Nagtatag ng Court of Industrial Relations para mapahusay ang hukuman na siyang
susuri sa mga alitan ng mga manggagawa at kapitalista;
2. Nagtatag ng Rural Progress Administration of the Philippines upang mapabuti ang
kalagayan ng pamumuhay sa mga probinsya;
3. Nagkaloob ang pamahalaan ng malalaking piraso ng lupa sa mga magsasaka para
magkaroon sila ng sariling lupang sasakahin;
4. Nagtayo ng mga hiraman ng salapi para sa mga magsasaka;
5. Ipinatupad ang patakarang Homestead. Nagtayo ng mga pamayanan sa pagsasaka sa
Koronadal at ibang pook sa Mindanao. Naglikas ng mga manggagawa sa Luzon upang
manirahan sa pook.
6. Nagkaroon ng kontrata ang mga magsasaka at nagmamay-ari ng lupang sasakahin.
7. Nagtalaga ng kaukulang sahod (minimum wage) at 8-hour labor para sa mga
manggagawa.
8. Nagtatag ng mga sangay at tanggapan na naglalayong mapaunlad ang industriya at
korporasyong pangangalakal. Maging ang kilusang pangkooperatiba sa larangan ng
pamamahagi at pagbibili ng paninda.
Programang Pang-edukasyon
Sinikap ng Pamahalaang Komonwelt na mapahusay ang sistema ng edukasyon sa bansa.
Nilikha ni Pangulong Quezon ang Pambansang Sanggunian sa Edukasyon o National Council
for Education. Inilabas din ng Pambansang Asamblea ang Education Act ng 1940 na nagbigay
daan sa mga pagbabago ng sistemang pang-edukasyon. Ang ilan sa mga probisyon nito ay ang:
1. Pagtaas sa gulang ng mga mag-aaral na dapat tanggapin sa unang taon ng mababang
paaralan sa pitong taon sa halip na anim;
2. Pag-alis sa ika-7 baitang sa mababang paaralan kung kaya naging anim na taon na
lamang ito;

3
3. Pagtakda sa taong pampaaralan mula Hunyo hanggang Marso;
4. Walang bayad na edukasyong primarya sa buong bansa ayon sa itinadhana ng Saligang
Batas;
5. Pagbigay-diin ng edukasyon ang paglinang ng damdaming makabayan sa mga
mamamayan.
Ang mga itinuro sa mga paaralan ay ang buhay at nagawa ng mga dakilang Pilipino .
Tulad nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Marcelo H. Del Pilar, Apolinario Mabini at iba pang
bayani. Hindi na pinag-ukulan ng pansin ang buhay ng mga bayaning Amerikano. Ang pinag-
ukulan ng pansin ay ang paglinang ng kabutihang asal, sibika, disiplina at kahusayan sa
gawaing kamay at karunungang bokasyonal. Mga itinatag na tanggapan at sangay ng
pamahalaan gaya ng Tanggapan ng Edukasyong Pribado. Ito ay upang higit na mapabuti ang
pangangasiwa sa mga paaralang pribado.Itinatag din ang Tanggapan ng Edukasyong
Pangmatanda (Adult Education Office) . Ito ay pang higit na mapalaganap ang edukasyon sa
madla pati sa matatanda.
Programa sa Sining at Agham
Ayon sa itinadhana ng Saligang Batas, ang pamahalaan ay magtatakda ng salaping
gugugulin para sa pagpapaunlad ng sining, agham at panitikan. Nagpadala ang pamahalaan ng
pensyonadong dalubhasa sa mga larangang ito sa ibang bansa. Nagkaroon din ng mga
patimpalak sa pagpipinta at pagsusulat. At nagkaloob ang pamahalaan ng malalaking gantimpla
para sa mga nagwagi. Ang lahat ng uri ng pagganyak upang maibalik sa mga katutubong awitin
at sayaw ng mga Pilipino ay binigyan ng kaukulang pansin.
Programa sa Transportayon at Komunikasyon
Itinaguyod ng Pamahalaang Komonwelt (Commonwealth) ang pagpapabuti ng sistema
ng transportasyon at komunikasyon sa bansa. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapagawa at
pagpapahusay ng mga sumusunod:
1. Tulay at daan upang mapaglapit ang mga lungsod at bayan;
2. Paliparan upang mapabilis ang transportasyon at komunikasyon sa malalayong lugar;
3. Mga linya ng tren, tulad ng pagpapahaba ng linya mula La Union hanggang Albay;at
4. Mahusay na lingkuran ng telepono at radyo.
Ang Tanggulang Bansa
Itinadhana ng Saligang Batas na ang pagtatanggol sa Estado ang pangunahing tungkulin
ng pamahalaan. Sa pagtupad ng tungkuling ito lahat ng mamamayan sa ilalim ng batas ay
kailangang magkaloob ng serbisyong militar o sibil. Ang Batas sa Tanggulang Bansa o
National Defense Act ay nagtadhana ng sapilitang pagkakaloob ng serbisyong militar. Ang
pagtatatag ng Hukbong Pilipino na siyang mamamahala sa pagsasanay, pag-aayos, at
pagpapanatili ng hukbong magtatanggol sa bansa laban sa mga dayuhang mananakop. At iba
pang gawain upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa bansa. Hindi nakapagtatag ng
hukbong propesyonal dahil malaki ang salaping gugugulin ng pamahalaan upang maitatag ito.
Dahil dito, lahat ng mag-aaral na lalaki sa mataas na paaralan ay sinamay sa pamamagitan ng
Preparatory Military Training o PMT . Ito ay upang maging handa sa anumang
pangangailangan ng bansa.
Wikang Pambansa
Alinsunod sa tadhana ng Saligang Batas gumawa ng hakbang ang Pamahalaang
Asamblea para sa paglinang ng isang wikang pambansa . Ito ay batay sa isa sa mga ginagamit
na katutubong wika. Iminungkahi ni Quezon sa Asamblea na magpatibay ng isang batas na
lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang wikang Tagalog ang napili nilang gawing
saligan ng wikang pambansa. Ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Blg. 134 na

4
Tagalog ang saligan ng wikang Pambansa. Ito ay upang magbigay daan sa pagkakaisa ng mga
Pilipino. Naglabas din siya ng isang kautusan para sa pagtuturong panlahat na ang wikang
Pambansa ay ituro sa lahat ng antas ng mga paaralan. Dahil dito , siya ay tinaguriang “Ama ng
Wikang Pambansa”.
Karapatan ng mga Kababaihan
Isa sa mga mahalagang nagawa ng Pamahalaang Komonwelt ay ang pagkakaloob sa
mga babae ng karapatang bumoto. Kung nanaisin ng mga babae maaari silang bumoto. Isang
plebisito ang idinaos noong Abril 30, 1937. Nagnais na alamin kung ano ang hangad ng mga
babae. Ang bilang ng mga babae na sumang-ayon ay umabot sa 500,000. Kaya mula noon,
nagkaroon na sila ng karapatang bumoto. Hindi lamang ang karapatang ito ang ipinagkaloob
sa kababaihan. Maaari din silang kumandidato sa anumang pwesto sa tanggapan ng
pamahalaan. Si Bb. Carmen Planas ang unang babaeng konsehal sa Maynila, at ang unang
babaeng inihalal sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas ay si Gng. Elisa Ochoa.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ilarawan ang tinatawag na malasariling pamahalaan o Komonwelt. _______________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Ibigay ang mga iba’t-ibang programang ipinatupad ng administrasyong Quezon.
Ilarawan ang bawat isa. _________________________________________________
____________________________________________________________________
3. Ano ang kahalagahan ng pagbibigay ng karapatang bumoto sa mga kababaihan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Ano pa ang gagawin ko?


GAWAIN A. Panuto: Suriin ang mga programang pinairal noong Panahon ng
Komonwelt. Lagyan ng NB kung ang programa ay nakabuti sa ating bansa, DNB kung
ang mga programa ay di nakabuti, at DT kung hindi tiyak. Isulat sa patlang ang tamang
sagot.
____1. Paglinang ng wikang Pambansa.
____2. Pagkakaroon ng malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
____3. Pagbibigay ng karapatang bumoto ng mga babae.
____4. Pagkakaloob ng lupang masasaka ng mga tao.
____5. Pagbabawas ng isang taon mula sa pitong taong pag-aaral sa mababang
paaralan.
GAWAIN B: Panuto: Tukuyin ang mga programa ng pamahalaang Quezon ang
inilalarawan ng pangungusap. Piliin ang sagot sa ibaba at isulat sa patlang.
_____1. Nagtayo ng mga hiraman ng salapi para sa mga magsasaka
_____2. Walang bayad na edukasyong primarya sa buong bansa ayon sa itinadhana ng
Saligang Batas.
_____3. Pagpapabuti ng sistema ng transportasyon at komunikasyon sa bansa.
_____4. Ipinatupad ang patakarang Homestead.
_____5. Nagtalaga ng kaukulang sahod at 8-hour labor para sa mga manggagawa.
A. Programang Pangkabuhayan
B. Programang Pangedukasyon
C. Programa sa transportasyon at komunikasyon

5
GAWAIN C : Panuto:Isulat sa patlang ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali
kung hindi.
____1. Nagtatag ng patakarang Homestead para mapahusay ang hukuman na siyang
susuri sa mga alitan ng mangagagawa at kapitalista.
____2. Isang malasariling pamahalaan ang itinatag sa bansa sa pamumuno ni Manuel
Quezon.
____3. Nagtalaga ng kaukulang sahod at at 6-hour labor para sa mga manggagawa.
____4. Pinagbuti ng pamahalaan ang sistema ng transportasyon, edukasyon at
komunikasyon sa bansa.
____5. Pagkakaloob ng karapatang bumuto sa mga kababaihan.

Ano ang natamo ko?

Tandaan Natin Ito!


Itinadhana ng Batas Tydyings-McDuffie pagtatag ng malasariling pamahalaan sa
Pilipinas. Ito ay tinawag na Pamahalaang Komonwelt (Commonwealth) na pinasinayaan noong
Nobyembre 15, 1935. Nanumpa bilang pangulo si Manuel L. Quezon at pangalawang pangulo
si Sergio Osmena Sr. Kabilang sa mga naitatag ang mga kagawaran at kawanihan upang
matugunan ang pangangailangan ng bansa. Nagpatupad din ng mga programang
pangkabuhayan, pang-edukasyon, transportasyon at komunikasyon. Naitatag din ang Surian ng
Wikang Pambansa. Ito ang naging dahilan ng pagkakaroon ng wikang Tagalog bilang ating
pambansang wika.

Ano ang kaya kong gawin?

Sagutin ang pangunahing tanong sa malikhaing paraan batay sa natutunan mong aral.
A. Anong programa ng Pamahalaang Komonwelt ang patuloy pa ring ipinatutupad
hanggang sa kasalukuyan. Ipaliwanag ang sagot.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Kumusta na ang target ko?


Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang programang pangkabuhayan para mapahusay ang hukuman na siyang susuri sa
alitan ng mga manggagawa at kapitalista ay ang _____.
A. Patakarang Homestead C. Kautusan Blg.134

6
B. Court of Industrial Relations D. Preparatory Military Training
2. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang naglalarawan ng Patakarang Homestead?
A. Pagpapatayo ng mga pamayanan sa pagsasaka sa Koronadal at ibang pook sa
Mindanao.
B. Paggawa ng mga daan, gusali at tulay
C. Pagtatatag Rural Progress Administration upang mapabuti ang kalagayan ng
pamumuhay sa probinsya
D. Pagkakaroon ng kontrata at lupang sasakahin.
3. Ano ang programang nilikha ni Pangulong Quezon upang mapahusay ang sistema sa
edukasyon?
A. Pambansang Sanggunian sa Pananalapi
B. Pambansang Sanggunian sa Edukasyon
C. Pambansang Tanggulang Militar
D. Surian ng Wikang Pambansa
4. Ang mga sumusunod ay naglalarawan ng programa sa transportasyon maliban sa isa.
A. Pagpapatayo ng tulay at daan upang mapaglapit ang mga lungsod at bayan.
B. Pagkakaron ng Paliparan para mapabilis ang transportasyon at komunikasyon sa
malalayong lugar.
C. Pagkakaroon ng mahusay na lingkuran ng telepono at radio.
D. Pagpapalawak ng mga patubig sa sakahan.
5. Ano ang batas na nagtadhana ng sapilitang pagkakaloob ng serbisyo militar?
A. National Defense Act
B. Preparatory Military Training
C. Adult Education Office
D. Court of Industrial Relations
6. Sino ang kauna-unahang babaeng nahalal sa Mababang Kapulungan ng Kongreso?
A. Bb. Carmen Planas C. Gng. Corazon Aquino
B. Gng. Elisa Ochoa D. Gng. Gloria Aroyo
7. Kailan naganap ang plebisito upang alamin ang hangad ng mga kababaihan sa
pagkakaloob ng karapatang bumoto?
A. Abril 27, 1937 C. Abril 29, 1937
B. Abril 28, 1937 D. Abril 30, 1937
8. Anong wika ang napili upang gawing saligan ng wikang pambansa?
A. Cebuano C. Tagalog
B. Waray D. Ilokano
9. Ang mga sumusunod na probisyon ay nakasaad sa Education Act ng 1940 na nagbigay
daan sa pagbabago ng sistema ng edukasyon maliban sa isa.
A. Pagtakda sa taong pampaaralan mula Agosto hanggang Abril.
B. Pagbibigay diin ng edukasyon ang paglinang ng damdaming makabayan sa mga
mamamayan.
C. Pag-alis sa ika-7 baitang sa mababang paaralan kung kaya naging anim na taon na
lamang ito.
D. Pagtaas sa gulang ng mga mag-aaral na dapat tanggapin sa unang taon ng mababang
paaralan sa pitong taon sa halip na anim.
10. Sino ang kauna-unahang nahalal bilang konsehal sa lungsod ng Maynila ?
A. Bb. Carmen Planas C. Gng. Corazon Aquino
B. Gng. Elisa Ochoa D. Gng. Gloria Arroyo

7
Ano pa ang kaya kong gawin?

GAWAINA. Panuto: Salungguhitan ang tatlong salitang naglalarawan ng Pamahalaang


Komonwelt. Ipaliwang ang napiling sagot.
1. Magulo ____________________________________________________________
2. Maayos____________________________________________________________
3. Makatao____________________________________________________________
4. Makatarungan_______________________________________________________
5. Makabayan_________________________________________________________
GAWAIN B. Panuto: Panoorin ang video gamit ang link na nasa ibaba at sagutin ang mga
tanong. (https://www.youtube.com/watch?v=M5UGeFQu6JQ )
1. Ano-ano ang mga mahahalagang pangyayari ang nabanggit sa video, magtala ng 3
hanggang 5 mahahalagang pangyayari o impormasyon.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Sanggunian
• Antonio, Eleonor D, Emilia L. Banlaygas, and Evangeline M.
Dallo(2017) : KAYAMANAN 6. Rex Publishing; Sampaloc Maynila.
pp. 131-134
• https://www.scribd.com/doc/259371989/Mga-Misyong-
Pangkalayaan
• https://www.youtube.com/watch?

8
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS


Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS

Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA


Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ

Writer: DOLLY V. FERNANDO


Content Evaluators: JULITA L. MACARANAS
Language Evaluator: NAPOLEON G. JUNIO
Reviewers: AMOR C. PERALTA
JULITA L. MACARANAS
NAPOLEON G. JUNIO
MA. LIGAYA M. AZUR
Illustrator: CRISELLE G. FERRERAS
Lay-out Artist: MICHAEL P. LAURENTE
Content Validator: JULITA L. MACARANAS
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES
School Head In-Charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
EPS In-Charge: FERDINAND PAGGAO, EPS – ARALING PANLIPUNAN
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros, Central Bicutan,Taguig City

Telefax: (02) 8533-1458; (02) 8514-7970

Email Address: [email protected]; [email protected]

You might also like