Lesson Plan in EPP 5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TLE / EPP V

I. Layunin:

 Naipakikita ang wastong pangangalaga ng lupa at mga pananim

II. Paksang Aralin:

Pag-aalaga ng mga Pananim


Sanggunian : MELC. 3.6.2. Q1. Batayang Aklat: Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran, p. 69-71

Kagamitan : Larawan, laptop, projector

Stratehiya : Inter-disciplinary Approach

Pagpapahalaga: Pagkamasipag, Pagkamatiyaga

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral:

Anu-ano ang mga pangunahing pangangailangan ng halaman?

2. Pagganyak:
Magpakita ng larawan na nagsasagawa ng mga kilos sa wastong pangangalaga ng mga pananim.
Ano ang ginagawa ng mga tao sa larawan?

B. Panlinang na Gawain:

1. Paglalahad

May mga wastong paraan ng pangangalaga ng lupa at mga pananim. Anu-ano ito?

Basahin ang an wastong pangangalaga sa lupa - p. 69

Pangangalaga ng mga pananim - p. 71

2. Pagtalakay

Kailan at gaano kadalas ang pagdidilig ng halaman?

Ano ang dapat na gawin sa mga ligaw na damo? Bakit?

Bakit kailangang pangalagaan ang lupa at mga pananim?

3. Paglalahat

Anu-ano ang dapat nating isaisip sa tuwing tayo ay mangangalaga ng lupa at mga pananim?

Paano makabubuti ang kasipagan at pagiging matiyaga sa pangangalaga ng halaman?

C. Pangwakas na Gawain:

1. Paglalapat

Kung ang iyong mga pananim ay payat at di makapagbigay ng bunga, ano ang gagawin mo?

Kapag walang ulan at marami nang ligaw na damo, ano ang gagawin mo?

IV. Pagtataya:

Sagutin ang tseklis ng “Oo” o “Hindi”, upang mgabigyang-halaga ang pangangalaga ng mga bata sa kanilang mga
paninim.
1. Diniligan ba ang mga halaman sa tamang oras at dami?
2. Inalisan ba ng mga ligaw na damo ang mga halaman?
3. Nalagyan ba ng pataba ang mga halamang nangangailangan?
4. Binungkalan ba ninyu ang lupa?
5. Pinuksa ba ninyo ang mga pesteng sumira sa mga halaman?

V. Takdang-Aralin:

Sumulat ng 2-3 paraan ng pangangalaga sa lupa at mga pananim na ginagawa ninyo sa inyong bakuran.

You might also like