Samong, Rosalinda +LP3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Limay Polytechnic College

Limay, Bataan

Detalyadong Banghay Aralin sa EPP V

I. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, 100% ng mga bata na may 75% na antas ng kakayahan ay
inaasahang;

1. Natutukoy ang kahulugan ng Paglalaba


2. Naisasagawa ang wastong paraan ng paglalaba sa pamamagitan ng
paghihiwalay ng puti sa de kolor at
3. Napapahalagahan ang kaalaman sa paglalaba bilang pagsasanay.

II. Paksang Aralin


Paksa : Paglalaba ng Damit
Kasanayan : Pagbasa, pagsulat, pakikinig at pagsasagawa
Sanggunian : Yunit III, Aralin 14, pahina 123
Mga kagamitan : Mga kagamitan sa paglalaba at Slide presentation
Pagpapahalaga : Pagsasanay at Kooperasyon

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
i. Pangunahan mo ang ating Sa ngalan ng Ama ng Anak at ng
panalangin ____. Espirito ...
2. Pagbati Amen.
i. Magandang umaga mga bata!
ii. Maaari na kayong magsiupo. Magandang umaga din po guro!
Salamat po!
3. Pagtatala ng Lumiban
i. Maaari bang sabihin ng mga
taga panguna ng bawat
pangkat kung may lumiban sa
ating klase ngayon?
Lider; Ikinagagalak ko pong iulat sa
inyo na wala pong lumiban sa aming
ii. Mahusay! pangkat.

4. Pagpapasa ng Takdang Aralin


i. Mga bata maaari niyo nang
ipasa ang inyong mga takdang
aralin. (Sumunod ang mga bata).

5. Pagbabalik Aral
Bago tayo tumungo sa panibagong
talakayan. Balikan muna natin ang
nakaraang aralin.

Ano nga ba ang tinalakay natin? Ang pag-alis po ng mantsa!

Magaling!
Sa nakalipas na aralin ipinakita ko sa
inyo ang mga paraan ng pag-aalis ng
mantsa sa mga damit.

Sa tingin ninyo, ano ang kaugnayan


nito sa ating panibagong aralin?

May kinalaman pa rin kaya ito sa


mga damit?

B. Paggaganyak
Bago ninyo sagutin, mahihinuha
ninyo ang sagot sa ating aktibidad.

Handa na ba kayo? Opo! (Sabay-sabay na sagot ng buong


klase).
Mahusay!

Ngayon ay kinakailangan ko ng
tatlong bata na magboboluntaryo (Tumayo ang tatlong bata sa harapan
upang panimulan ang ating ng klase)
aktibidad.

Ang aktibidad na ito ay tinatawag na


ARTISTAHIN! kung saan bubunot
ang isa sa boluntaryo na ipapakita o
isasagawa ang nakasulat sa nabunot
na papel at ang gagawin ng klase ay
hulaan at alamin ang ipinapakita
nitong aksyon.
Opo! (sabay sabay na sagot ng mga
Malinaw ba mga bata? bata)

Kung gayon ay magsimula na tayo! (Isinagawa ang aktibidad)

C. Paglalahad

Ngayon ay balikan natin ang tanong


kanina.

Sa tingin ninyo, ano ang kaugnayan Tungkol ito sa…


nito sa ating panibagong aralin?

May kinalaman pa rin kaya ito sa mga Opo! (sabay sabay na sagot ng mga
damit? bata)

Tama!

Ang tatalakayin natin ngayong araw ay


ang paglalaba ng mga damit.

Ang paglalaba ay tumutukoy sa


paghuhugas ng damit at iba pang mga
tela. Nasa paglalaba rin ang ikatatagal
o ikahahaba sa gamit ng damit. May
mga wastong paraan sa pagkukusot na
dapat sundin. Kailangan din ng pag-
iingat.

Sa paglalaba ng damit:
1. Ihanda ang sabon, palanggana,
tubig eskoba (Pang-alis ng
makakapal na dumi sa pantalon,
hanger, at mga sipit ng damit).

2. Ihiwalay ang pinakamaruming


damit, gayundin ihiwalay ang mga
puti sa mga de kolor
3. Suriing isa-isa ang damit kung may
mantsa o sira; tignan din kung may
laman ang bulsa.
4. Basain isa-isa ang mga damit
5. Sabunin nang una ang mga puti at
bigyang pansin ang kuwelyo,
kilikili, bulsa at mga laylayan.
6. Ikula ang mga puting nsabon na
habang nilalabhan ang mga damit
na di-gaanong marumi at de-kolor.
7. Banlawang mabuti ang mga damit
8. Ulitin ang pagsasabon ng mga
putting damit kung kinkailangan.
9. Isampay gamit ang sipit o hanger
sa nasisikatan ng araw ang mga
puting damit at ang mga de kolor
sa di gaanong nasisikatan ng araw
upang hindi agad kumupas ang
kulay. Wala na po.

D. Paglalahat
May mga katanungan pa ba mga bata?
O may mga hindi nasundan?

Ngayon ay nalaman na ninyo ang mga


wastong paraan sa paglalaba ng mga (Sagot ng mga bata)
damit.

(Nagtawag ng mga batang gustong


sumagot)
Ngayon ay magbigay nga kayo ng mga
importanteng gawin sa paglalaba na
isinagawa ko kanina.

Mahusay!
(Sagot ng mga bata)
Sa kabuuan ng ating aralin, ano sa
tingin ninyo ang kahalagahan ng
paglalaba ng mga damit? Ito ba ay
masasabing panimula na ng inyong
pagsasanay?

E. Paglalapat
Ngayon naman ay may inihanda akong
Gawain para sa inyo. Gawain 1.

Gawain 1.
Panuto: Ilagay sa kahon ang titik ng mga
tamang gamit sa paglalaba at ilagay naman a d e
sa bilog ang hindi.

a. b.
f g i

c. d.

e.
f.

c j

h
g. h.

i. j.

Gawain 2.
Ngayon naman ay hahatiin ko ang klase sa
dalawa pangkat. Ang kailangan gawin ng
bawat grupo ay isagawa ang paglalaba ng
damit.
Narito ang susundan ninyong rubriks:

Rubrik para sa pagsasagawa


Pamantayan Puntos
5 4 3 2 1
1. Kahandaan
Kinakikitaan ng
tiwala sa sarili sa
pagsasagawa
2. Kaangkupan
Pagpapakita ng
tamang gawain

3. Daloy ng
pagsasagawa
Maayos at
organisado ang
daloy ng gawain
Kabuuang Puntos

Pagpapakahulugan
20-16= Naisagawa ang lahat
15-11= Bahagyang naisagawa
10-6= Hindi naisagawa
5-1=Kailangan pang paunlarin

IV. Pagtataya

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga


pangungusap sa wastong paraan ng
paglalaba ng damit. Lagyan ng bilang 1-8.

____1. Isampay gamit ang sipit o hanger sa


nasisikatan ng araw ang mga puting damit at
ang mga de kolor sa di gaanong nasisikatan
ng araw upang hindi agad kumupas ang
kulay.
____2. Ulitin ang pagsasabon ng mga 1. 9
putting damit kung kinkailangan. 2. 8
____3. Banlawang mabuti ang mga damit. 3. 7
____4. Ikula ang mga puting nsabon na 4. 6
habang nilalabhan ang mga damit na di- 5. 5
gaanong marumi at de-kolor. 6. 4
____5. Sabunin nang una ang mga puti at 7. 3
bigyang pansin ang kuwelyo, kilikili, bulsa 8. 2
at mga laylayan. 9. 1
____6. Basain isa-isa ang mga damit.
____7. Suriing isa-isa ang damit kung may
mantsa o sira; tignan din kung may laman
ang bulsa.
____8. Ihiwalay ang pinakamaruming
damit, gayundin ihiwalay ang mga puti sa
mga de kolor.
____9. Ihanda ang sabon, palanggana, tubig
eskoba (Pang-alis ng makakapal na dumi sa
pantalon, hanger, at mga sipit ng damit).

V. Takdang Aralin

Para sa inyong takdang aralin, magsaliksik


ng modernong gamit na panglaba ng mga
damit at ilarawan ito.

Paalam mga bata!

Paalam din po!

Inihanda ni:

ROSALINDA P. SAMONG
BEED-III

You might also like