PDF Arts

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

WEEKS

Ang Komplementaryong Kulay


Aralin 4-5
I
Ang aralin na ito ay idinisenyo at isinulat para sa iyo. Ito ay upang
matulungan ka na maunawaan ang aralin tungkol sa pagpipinta. Ito ay
makatutulong upang makaguhit ka ng isang likhang-sining na may kinal-
aman sa magandang tanawin sa bansa. Ang mga salita ay angkop para sa
iyo. Ang aralin ay naaayon sa tamang pagkakasunod-sunod para sa iyong
pagkatuto.

Matapos basahin at gawin ang aralin na ito, naasahang maipaliwa-


nag ang halaga ng mga magagandang tanawin sa bansa, maipagmalaki ang
mga magaganda at maksaysayang lugar at makaguhit ng gamit ang mga
complementary colors.

Taglay ng ating bansa ang pagkakaroon ng maraming likas na tanawin


na nagpapayaman sa pagiging Pilipino at maipagmamalaki sa buong mundo.
Ang mga ito ang naging inspirasyon ng mga Pilipinong pintor sa kanilang
pagpipinta ng iba’t ibang mga dibuho. Ito’y lalo pang pinatingkad ng
paggamit nila ng komplementaryong kulay.

Balikan natin ang larawan ng color wheel. Ang mga kulay na direktang
magkakaharap ay tinatawag na komplementaryong kulay (complimentary
colors). Pag hinalo ang komplementaryong kulay, makakabuo ng kulay abo,
puti o itim. Pero kung gagamitin natin ito na kumbinasyon sa pagkukulay,
ito ay makakagawa ng isang kakaibang gan- da lalo na at mamamalas pa
ang proporsyon na isa sa mga prinsipyo sa paggawa ng likhang sining.
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Batay sa color wheel, tukuyin ang mga
komplementaryong kulay (complementary colors) na nasa kaliwang grupo
na mga kulay. Isulat ito sa iyong kwaderno

1. violet
a. green b. orange c. yellow

2. yellow-orange
a. orange b. blue-violet c. blue

3. blue
a. orange b. green c. yellow

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Lagyan ng tsek () kung tama ang


ipinahahayag ng pangungusap at ekis () kung mali.

1. Nakadaragdag sa ganda ng gawang sining ang paggamit ng


kumbinasyon ng kulay.

2. Komplementaryong kulay ang tawag sa kulay na katabi nito sa col-


or wheel.

3.Ang proporsyon ay isang mahalagang prinsipyo sa paggawa ng


likhang sining.

4. Nagiging kahali-halina ang likhang-sining kung tama ang ginamit


na magkasalungat na kulay.

5. Nakatutulong ang color wheel upang matiyak ang magkasalungat


na kulay.
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gumawa ng lettering ng iyong “nickname” o
palayaw. Kung may pangkulay, kulayan at pagandahin ito gamit ang
komplementaryong kulay. Kung wala naman ay isulat ang mga kulay na
gusto mong ikulay dito. Gawin ito sa iyong kwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gumawa ng slogan tungkol sa mga


komplementaryong kulay.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Pagtambalin ang mga kulay na
komplementaryo sa isa’t isa. Isulat ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa
iyong kwaderno.

Hanay A Hanay B
1. Dilaw a. Berde
2. Asul b. Orange
3. Pula c. Violet

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Kumpletuhin ang pahayag batay sa


natutuhan sa aralin.

Natutuhan ko

Magagamit ko ito

You might also like