Ap 7 Reviewer Aralin 1 I. Unang Yugto NG Kolonyalismo at Imperyalismo NG Mga Kanluranin Sa Timog at Kanlurang Asya Kolonyalismo at Imperyalismo

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

AP 7 REVIEWER

ARALIN 1

I. Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya

Kolonyalismo at Imperyalismo

Ang kolonyalismo ay ang pagsakop ng isang bansa upang pakinabangan ang mga likas na yaman nito.
Ang imperyalismo ay pagpapalawak ng teritoryo upang magkaroon ng pandaigdigang kapangyarihan o
world power. Ito rin ang pagkontrol sa pangkabuhayan at pampolitikang kaayusan ng iba’t ibang bansa.

Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

• Hilagang ruta

Ito ay nagmumula sa China at dumaraan sa Samarkand at Bokhara ng Gitnang Asya hanggang sa


Constantinople.

• Gitnang ruta

Mula sa mga lugar sa Asya ang iba pang mangangalakal ay tutungo naman sa baybay ng Syria sa
daang Golpo ng Persia.

• Timog Ruta

Ang sasakyang pandagat ng mga mangangalakal ay bumabagtas mula sa India at iba pang daungan sa
Asya habang sa Karagatang Indian patungong Egypt sa pamamagitan ng Red Sea.

Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin na Magtungo sa Asya

• Merkantilismo
Merkantilismo ang prinsipyong pang-ekonomiya na umiral sa Europa noon kung saan naging
batayan ng kapangyarihan ay ang paglikom ng maraming ginto at pilak. Isa rin itong sistema ng
pamamahala upang itaguyod ang kayamanan at kapangyarihan ng estado. Nagkaroon ng
merkantilismo sa paniniwala ng mga Europeo na may malaking magagawa ang ginto at pilak sa
katuparan ng kanilang mga adhikain.
• Paglalakbay ni Marco Polo
Isinulat ni Marco Polo sa kaniyang aklat na “The Travels of Marco Polo” ang mga nakita niyang
magagandang kabihasnan sa mga bansa sa Asya lalo na sa China. Mahalaga ang aklat na ito
dahil nabatid ng mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng mga bansa sa Asya. Sinasabing
ang aklat na ito rin ang isa sa
gumising sa kuryosidad at imahinasyon ng mga Europeo na nag-udyok sa kanila
upang makipagsapalaran sa mga bansa sa Asya

• Renaissance
Naging inspirasyon din ng mga mangangalakal ang Renaissance (salitang
Pranses na ang ibig sabihin ay panahon ng Muling Pagkabuhay. Ang pagbuhay muli
sa mga magagandang tradisyon at kultura ng mga sinaunang Greyego at Romano
ang sentro ng panahon ng Renaissance) dahil naging maunlad ang ekonomiya. Sa
larangan ng ekplorasyon, binigyang-sigla ng renaissance ang mga manlalakbay na
galugarin ang mundo. Ito ang panahon na nabuhay muli ang interes ng mga
mamamayan sa kalikasan ng tao. Bunga nito, nakilala ang mga taong may
kakayahan sa iba’t ibang larangan. Napalitan ito ng maka-agham na pag-iisip mula
sa paniniwala sa mga pamahiin. Masasabing ang pangunahing interes ay labas sa
saklaw ng relihiyon.
• Ang Pagbagsak ng Constantinople (bahagi ng Turkey sa kasalukuyan)
Ang Constantinople ay isang bahaging teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europa.
Naputol ang ugnayan ng pangangalakal sa mga Europeo at mga Asyano nang dahil sa pagsakop
ng Turkong Muslim sa ruta ng kalakalan. Dahil dito, napilitang maghanap ng bagong ruta ang mga
mangangalakal na Europeo. Ito ang nagsilbing rutang pangkalakalan mula Europa patungong
India, China, at iba pang bahagi ng Silangan na napasakamay ng mga Turkong Muslim noong
1453. Lumakas ang mga Turkong Muslim at sinakop ang Jerusalem, habang nanganib ang
Constantinople na kalaunan ay bumagsak din sa kamay ng mga mananakop. Kaya humingi ng
tulong ang Emperador ng Constantinople para labanan ang mga Turkong Muslim at mabawi ang
Jerusalem. Ang naging resulta ay ang ganap na pagkontrol ng mga mananakop na Muslim sa mga
ruta ng kalakalan mula sa Europa patungong Asya. Ang mga kalakal na nakukuha sa Asya ng mga
Italyano ay dinadala sa kanlurang bahagi ng Europa tulad ng Portugal, Spain, Netherlands,
England at France. Napakahirap at mapanganib ang paglalayag dahil wala pang maunlad na gamit
sa paglalakbay sa dagat. Noong ika-16 na siglo, naimbento ang mas maunlad na kagamitang
pandagat tulad ng astrolabe na kung saan ginagamit upang malaman ang oras at latitud, at ang
compass na ginagamit naman upang malaman ang direksiyon na pupuntahan. Ang iba’t ibang
dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na makarating sa Asya ang naging daan para sumigla
ang palitan ng kalakal ng mga Europeo at mga Asyanong mangangalakal at makilala ng mga
Kanluranin ang mga likas na yaman at mga hilaw na materyal na panustos sa industriya. Ang mga
Indian at Arabe ay lubhang naapektuhan dahil pinakinabangan ng husto ang kanilang likas na
yaman at mga hilaw na sangkap tulad ng langis at iba pang kalakal.
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin

• Portugal
Ang Portugal ay nakakuha ng maraming piling lugar sa Asya. Noong 1498 nagbalik at nagtatag si
Vasco de Gama ng sentro ng kalakalan sa may Calicut, India. Ipinadala din si Francisco de
Almeida bilang Viceroy sa silangan. Samantalang si Albuquerque naman ay natuklasan ang ibang
bahagi ng Asya. Tinalo din nila ang Spanish Armada (mga bapor pandigma ng Spain na ginamit
para sa planong sakupin ang England) at ibinuhos ang atensyon sa pakikipagkalakalan maging
ang lupain ng India

• France
Ang France ang pangatlong bansa na gustong sumakop sa bansang India. Noong ika-18 siglo
sinakop ng France ang Laos, Cochin, China, Cambodia at Annam sa Asya na tinawag na French
Indo-China.

• Spain
Sa ipinadalang ekspedisyon ng Hari ng Espanya at sa pangunguna ni Ferdinand Magellan, ang
rutang pakanluran na gabay ng kanyang paniniwalang ang mundo ay bilog ang tinahak ng
bansang ito upang makilahok sa pandaigdigang paglalayag at pagtuklas. Pinilit ng mga Kastila ang
mga katutubo na kumilala sa kapangyarihan ng Espanya at hinimok na umanib sa Kristiyanismo.
Mula sa Pilipinas ay lumawak ang sakop nito at lumaganap sa China, Japan, at maging sa Taiwan.

• Netherlands
Matapos makipaglaban ang Netherlands sa Spain para sa kanyang kalayaan, ang daungan
naman ng Amsterdam kung saan nakabatay ang pakikipagkalakalan ng bansa ay isinara. Dahilan
upang nagawa ng Dutch na sumunod sa pananakop sa mga bansa sa Asya dahil na rin sa
kawalan ng mga pinagkukunang yaman. Sinakop nito ang Java at Sumatra sa Indonesia,
Formosa, Ceylon o kilala sa tawag na Sri Lanka. Ngunit noong 1795, ang Netherlands ay
napasailalim sa kapangyarihan ng France dahil sa digmaang Napoleonic. Bunga nito humina at
napabayaan ng Holland ang kanyang mga kolonya at kalaunan ay napasailalim sa England ang
kabuoang teritoryo nito.

• England
Sinimulan ang pananakop ng England sa Silangan sa pamamagitan ng English East India Co.,
samahan ng mga mangangalakal na Ingles. Upang mapatupad ang mithiin nito, binigyan ng
kaukulang kapangyarihan upang mangalakal at pamahalaan ang pananakop nito.
Epekto ng Kolonisasyon

1. Nagbigay-daan ang mga eksplorasyong ito sa malawakang pagkakatuklas ng mga lupain sa Asya na
pinangunahan ng Spain at Portugal, lalo na sa hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa
natutuklasan. Ito rin ang nagpalakas sa ugnayang silangan at kanluran.

2. Nakapukaw ng interes ang makabagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag.

3. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa silangan.

4. Naging dulot ito ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop.

II. Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya

Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog Asya - Nasyonalismo sa India

Ang pag-usbong ng nasyonalismo sa bansang India ay nangyari noong panahon ng pananakop ng mga
Ingles sa kanilang bansa. Dumaan muna sa mahabang panahon ng pag-aalsa, rebolusyon, at reporma ang
India bago nakilala sa kasaysayan ng India ang “Pag-aalsa ng Sepoy” noong 1857-1859. Ang mga “Sepoy”
ay ang mga sundalong Indian na tumutol dahil sa racial discrimination na kanilang naranasan mula sa mga
Ingles

Ang Ahimsa at Satyagraha sa India

Si Mohandas Gandhi ang nangunang lidernasyonalista sa India para makamit ang kanilang kalayaan.
Nakilala siya bilang Mahatma, na nangangahulugang “Dakilang Kaluluwa” dahil sa kaniyang mapayapang
pamamaraan ng paghingi ng kalayaan o nonviolent means mula sa mga mananakop na Ingles. Isa siya sa
nanguna sa pagsulong para tutulan ang pamamahala ng mga Ingles sa kanilang bansa.

Binatikos ni Mohandas Gandhi ang mga Ingles ng ipatupad ng mga ito ang hindi makatarungan patakaran
na naging labag sa kanilang kultura at paniniwala. Ang sumusunod na larawan ay ilan lamang sa mga
halimbawa nito:

• Ang tinatawag na suttee o sati kung saan makikita na ang biyudang babae ay sumasama sa
namatay na asawa sa kanyang libingan.
• Ang ginagawang pagpatay sa mga babaeng sanggol o female infanticide
• Isang halimbawa ng racial discrimination kung saan nakakaranas ng mababang pagtingin ang mga
Indian.

Mga pamamaraang ginamit ni Mohandas Gandhi upang makamit ang kalayaan ng India mula sa
pananakop ng mga Ingles.

• Ahimsa - puwersa o lakas ng kaluluwa upang labanan ang puwersa ng armas


• paggamit ng dasal, meditasyon, at pag-aayuno upang mailabas ang katotohanan o Satyagraha

• Pagboykot sa lahat ng mga produktong Ingles.

• Civil disobedience – hindi pagsunod sa pamahalaan

• Pag-aayuno o hunger strike

Mga Lider Nasyonalista sa Kanlurang Asya na namuno upang makamit ang kalayaan:

Mustafa Kemal Nehru

Hindi siya pumayag sa kasunduan ng Italy at France noong 1911-1912, na hatiin ang Imperyong Ottoman

Ruhollah Khomeini

Gumawa ng makasaysayang pagtatalumpati noong Hunyo 3, 1963 laban sa Shah ng Iran sa pagsuporta
nito sa Israel.

Ibn Saud

Kauna-unahang hari ng Saudi Arabia at nagbigay pahintulot sa isang kompanya ng Estados Unidos na
magkaroon ng oil concession sa Saudi Arabia.

III. Karanasan at Implikasyon ng Digmaang Pandaigdig sa Kasaysayan ng mga Bansang Asyano

Unang Digmaang Pandaigdig (1914-1918)

Central Powers- alyansa ng mga bansang Germany, Austria, at Hungary.

Allies – binubuo ng mga bansang France, England at Russia

Sa pamamagitan ng bansang Iran, Russia, at Great Britain ay nagsagawa ng pag-atake sa Ottoman


Empire na kung saan ay nakipag-alyado sa Germany. Sa kabila nito, ang Iran ay walang pinapanigan. Ang
digmaang ito ay nagdulot ng malawakang pagkasira ng mga pamayanan, ari-arian, pagpatay ng maraming
Iranian, at nagdulot ng pagkagutom. Ang kawalan ng pagkilos ng pamahalaang Iran sa pagkakataong ito
ay nagbigay-daan sa malawakang pag-aalsa at pagkilos ng mamamayan na humihingi ng kalayaan para
sa Hilagang Iran noong 1915-1921. Natalo sa digmaan ang Central Powers sa Versailles, France kasunod
ng isang kasunduan na tinawag na Treaty of Versailles na naghuhudyat sa pormal na pagtatapos ng
digmaan.

Kanluran at Timog Asya noong Unang Digmaang Pandaigdig

• Sa Kanlurang Asya, nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Triple Entente sa pangunguna ng


Russia, France, at Great Britain at ang Central Powers sa pangunguna ng Imperyong Ottoman.
• Noong taong 1917, nasakop na ng Allied Powers ang iba’t ibang importanteng lugar sa Kanlurang
Asya katulad ng Baghdad, Iraq, at ang Jerusalem.
• Armistice of Murdos – ito ay ang kasunduan na nagwakas sa digmaan sa pagitan ng Allied
Powers ng Ottoman Empire.
• Noong Nobyembre 1918, nakuha at nasakop na ng Allied Powers ang sentro ng Imperyong
Ottoman, ang Constantinople.
• Ang Unang Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang Asya ang nagbigay daan sa paglaya o pag-
usbong ng damdaming nasyonalismo. Halimbawa rito ay si Mustafa Kemal Ataturk, na
pinangunahan ang laban sa imperyong Ottoman.
• Mandate System - sistemang ipinatupad ng Allied Powers. Nakasaad dito na paghahati-hatian ng
mga Allies ang mga bansang dating sakop ng imperyong Ottoman.
• Noong Marso 3, 1924 bumagsak ang imperyong Ottoman.
• Noong mga unang bahagi ng 20th Century, ang kabuoan ng Timog Asya ay nasasakop ng
Imperyong British. Noong 1914, nagdeklara ng digmaan ang India bilang suporta sa Imperyong
British sa Triple Alliance, partikular na ang Alemanya. Ang India ay ang pangalawa sa
pinakamalaking suportang armiessa buong daigdig.
• Khudadad Khan Minhas – pagkatapos ng unang labanan sa Ypres, siya ay ang unang Indian na
nagawaran ng Victoria Cross.
• Ang Unang Digmaang Pandaigdig sa Timog Asya ang nagsilbing inspirasyon upang lalong
sumidhi ang pagnanais na makalaya ang mga bansa sa Timog Asya sa mga Briton. Lalong
dumami ang mga organisasyon na naglalayong palayain ang kani-kanilang bansa.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Noong Setyembre 1939 ay ang pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europa. Samantala
taong 1942, isang kasunduan ang pinangunahan ng Estados Unidos ang Tehran Conference na
nagsasaad na kapwa lilisanin ng Rusya at Britanya ang bansang Iran upang makapagsarili at maging
Malaya

Isa rin ang bansang India na kolonya noon ng Inglatera ang naapektuhan matapos ang digmaan dahil
minsan na rin niyang binigyan ng suporta ang Inglatera sa pakikidigmang ginawa nito. Si Gandhi at ang
kaniyang mga kasamahan ay nagprotesta tungkol dito dahil ayaw nila ng digmaan. Sa pagtatapos ng
digmaan lalong sumidhi ang ipinaglalaban ng mga taga-India para sa kalayaan ngunit ito ay naging daan
upang muling hindi magkaisa ang mga Indian. Sa paglaya ng India noong 1947, ito ay nahati sa dalawang
pangkat, ang pangkat ng Hindu at ng Muslim. Ang India para sa mga Hindu at Pakistan para sa mga
Muslim.

Kanluran at Timog Asya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig


• Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula sa pagsakop ni Adolf Hitler noong Setyembre 1,
1939 sa Poland.

• Anglo-Iraqi War – ito ay ang digmaan sa pagitan ng pamahalaan ni Rashid Ali, isang masugid na
sumusuporta kay Adolf Hitler at ng mga bansang Great Britain, Australia, at Greece. Pagkatapos ng
digmaan, sinakop ng Britanya ang Iraq hanggang 1947 upang maprotektahan ang mga plantasyon ng
langis.

• Operation Countenance (Pagsakop ng Anglo-Soviet sa Iraq) – ito ang pagsakop sa Imperyong Iran ng
Russia at British noong 1941. Ang layunin ay masiguro ang mga Iranian oil fields at ang mga Allied Supply
lines patungong Russia

. • Ang India noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay sakop pa rin ng Imperyong British. Noong
Setyembre 1939, opisyal na nagdeklara ng digmaan ang India sa Nazi Germany. Nagpadala ito ng 2
milyong sundalo upang labanan ang Axis Powers sa Europa, Asya, at Hilagang Africa.

• Ang ikaapat, ikalima at ikasampu na dibisyon ng Indian Army ay nakipaglaban sa Hilagang Africa. Naging
maigting at malupit ang labanan ng India at ng Germany sa pangunguna ni Erwin Rommel.

Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Timog at Kanlurang Asya

1. Pagkakaroon ng kasarinlan ng mga bansa

2. Maraming namatay na sundalo na sumabak sa digmaan

3. Paglago ng ekonomiya

4. Maraming gusali ang nawasak

5. Pagkakaroon ng slave labour at genocide

6. Pag-unlad ng teknolohiya

IV. Kaugnayan ng Iba’t Ibang Ideolohiya sa Pag-usbong ng Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalista

Ang Kahulugan ng Idelohiya

Ang ideolohiya ay isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag
tungkol sa daigdig at pagbabago nito na nabuo, ibinabahagi at sinusunod ng mga grupo ng tao o ng
lipunan. Ang ideolohiya ay tumutukoy sa kaisipang nakaimpluwensya sa pagiisip, pananaw, at pagkilos ng
mga tao na kabilang sa grupo o sa partikular na lipunan.

Si Desttuff de Tracy ang nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinaikling pangalan ng agham ng mga
kaisipan o ideya. Ang pakahulugan nito ay pinalawig pa ng iba’t ibang pilosopo at eksperto sa Agham
Panlipunan
Kategorya ng Ideolohoya:
Ideolohiyang Pang-ekonomiya - nakatuon sa mga patakarang pangkabuhayan ng bansa at paraan ng
produksyon, distribusyon, palitan ng produkto at serbisyo at pagmamay-ari ng lupa at iba pang kayamanan.

Ideolohiyang Pampolitika - nakapokus sa paraan ng pamumuno, paggawa at pagpapatupad ng mga


batas sa isang bansa. - Nauugnay ang politikal na ideolohiya sa mga kilusan para sa panlipunang
pagbabago. - Hinihikayat nito ang mga tao na kumilos ayon sa ninanais nilang mga pagbabago sa lipunan.

Iba’t ibang Ideolohiya na Nabuo sa Asya

Sa pampolitika, ito ay ang demokrasya, at pasismo at sa ekonomiya ay sosyalismo, komunismo at


kapitalismo. Ang mga ideolohiyang pang-ekonomiya ay ipinatupad ng mga pamahalaan ng iba’t ibang
bansa. Pag-aaralan natin ang piling kaso ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

Demokrasya - ang pamamahala ng mga tao. Ang demokrasya ay tunay o tuwiran kapag ang mga tao ang
namamahala sa kanilang sarili sa pamamagitan ng lantarang pagpapahayag ng kanilang saloobin.

Ama ng Demokrasya - Cleisthenes

Pasismo - Iniuri ang pasismo sa pamamagitan ng mga pagsubok ng estado na ipataw ang pagkontrol sa
lahat ng aspeto ng buhay. Maraming iskolar na binibilang ang pasismo na bahagi ng o kasama ng
koalisyon, sukdulang makakanang politika.

Sosyalismo - Tumutukoy sa teoryang ekonomiko na ang pagmamay-ari ng malalaking sistema ng


produksyon kasama ang pagmamay-ari ng lupa at iba pang kayamanan ay nasa kamay ng estado
samantalang ang mga maliliit na sistema ng produksyon ay nasa kamay ng pribadong mamamayan.
Niyayakap ng pamahalaan ang sistemang ito gayundin ang pagkakaroon ng pantay-pantay na
pagkakataon sa lahat ng indibidwal na magkaroon ng patas o igalitaryang pamamaraan ng pasahod,
pabahay, edukasyon, pangkalusugan at iba pang serbisyong panlipunan. Ang China at North Korea ay
kabilang sa Sosyalismo ng uri ng gobyerno kung iaayon sa libro niKarl Marx

Komunismo - Isang ideolohiya na naniniwala na ang sistema ng produksyon at pagmamayri ng lupa at iba
pang kayamanan ng bansa ay wala sa pribadong mamamayan bagkus ito ay pagmamay-ari ng lahat. Ang
mga mamamayan ay nakakatamasa ng pantay na serbisyong palipunan. Ang pamahalaan ang siyang
namamahala sa ganitong sistema ng ekonomiya. Ang China at North Korea ay kinokonsidera ang kanilang
sarili bilang komunismo.

Kapitalismo - Ang ideolohiya na ang pagmamay-ari ng sistema ng produksyon, distribusyon, at palitan ng


produkto at serbisyo ay nasa kamay ng pribadong indibidwal. Malaking bahagi ng lupa at kayaman ng
bansa ay pag-aari ng pribadong mamamayan maliban sa mga kayamanang ideneklarang pag-aari ng
estado.

You might also like