New Model
New Model
New Model
7:
IKATLONG MARKAHAN
Unang Yugto ng
Kolonyalismo at
Imperyalismo ng mga
Kanluranin sa Timog at
Kanlurang Asya
Kolonyalismo at Imperyalismo
Ang kolonyalismo ay ang pagsakop ng isang bansa upang pakinabangan ang mga likas na yaman nito.
Merkantilismo
Merkantilismo ang prinsipyong pang-ekonomiya na umiral sa Europa noon kung saan naging batayan ng
kapangyarihan ay ang paglikom ng maraming ginto at pilak. Isa rin itong sistema ng pamamahala upang
itaguyod ang kayamanan at kapangyarihan ng estado. Nagkaroon ng merkantilismo sa paniniwala ng mga
Europeo na may malaking magagawa ang ginto at pilak sa katuparan ng kanilang mga adhikain.
Mga Krusada
Isang kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong hari upang mabawi sa mga mananakop
na gaya nang Turkong Seljuk at Ottoman ang banal na lugar, ang Jerusalem sa Israel. Dahil dito nagkaroon ng
kontak ang mga Europeo sa silangan. Ang krusada ang nagpasigla ng kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya.
Naging masigla ang palitan ng kalakalan kaya maraming Europeo ang nagkainteres na makarating sa Asya. Ito
rin ang naging daan para magkainteres ang malalaking bansa sa Europa na sakupin ang ilang lugar o bansa sa
Asya.
Renaissance
Naging inspirasyon din ng mga mangangalakal ang Renaissance (salitang Pranses na ang ibig sabihin ay
panahon ng Muling Pagkabuhay. Ang pagbuhay muli sa mga magagandang tradisyon at kultura ng mga
sinaunang Greyego at Romano ang sentro ng panahon ng Renaissance) dahil naging maunlad ang ekonomiya.
Sa larangan ng ekplorasyon, binigyang-sigla ng renaissance ang mga manlalakbay na galugarin ang mundo. Sa
panahon ng Renaissance ay natuon ang interes ng tao sa istilo at disenyo sa pamahalaan, sa edukasyon, sa
wastong pag-uugali at sa paggalang ng pagkatao ng isang indibidwal, na ito ang binigyang-pansin ng
Renaissance kaya hindi nakapagtataka na maraming pagbabago sa sining at agham. Ang Renaissance ang
nagbukas ng daan sa pagbabago sa larangan ng kalakalan at negosyo kaya umusbong ang rebolusyong
komersiyal na nagdulot ng mga pagbabago sa gawang pang-ekonomiya.
Ang Constantinople ay isang bahaging teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europa Naputol ang
ugnayan ng pangangalakal sa mga Europeo at mga Asyano nang dahil sa pagsakop ng Turkong Muslim sa ruta
ng kalakalan. Noong ika-16 na siglo, naimbento ang mas maunlad na kagamitang pandagat tulad ng astrolabe na
kung saan ginagamit upang malaman ang oras at latitud, at ang compass na ginagamit naman upang malaman
ang direksiyon na pupuntahan.
Portugal
Ang Portugal ay nakakuha ng maraming piling lugar sa Asya. Noong 1498 nagbalik at nagtatag si Vasco
de Gama ng sentro ng kalakalan sa may Calicut, India. Ipinadala din si Francisco de Almeida bilang Viceroy sa
silangan. Samantalang si Albuquerque naman ay natuklasan ang ibang bahagi ng Asya. Tinalo din nila ang
Spanish Armada (mga bapor pandigma ng Spain na ginamit para sa planong sakupin ang England) at ibinuhos
ang atensyon sa pakikipagkalakalan maging ang lupain ng India.
France
Ang France ang pangatlong bansa na gustong sumakop sa bansang India. Noong ika-18 siglo sinakop
ng France ang Laos, Cochin, China, Cambodia at Annam sa Asya na tinawag na French Indo-China.
Spain
Sa ipinadalang ekspedisyon ng Hari ng Espanya at sa pangunguna ni Ferdinand Magellan, ang rutang
pakanluran na gabay ng kanyang paniniwalang ang mundo ay bilog ang tinahak ng bansang ito upang
makilahok sa pandaigdigang paglalayag at pagtuklas. Pinilit ng mga Kastila ang mga katutubo na kumilala sa
kapangyarihan ng Espanya at hinimok na umanib sa Kristiyanismo. Mula sa Pilipinas ay lumawak ang sakop
nito at lumaganap sa China, Japan, at maging sa Taiwan.
Netherlands
Matapos makipaglaban ang Netherlands sa Spain para sa kanyang kalayaan, ang daungan naman ng
Amsterdam kung saan nakabatay ang pakikipagkalakalan ng bansa ay isinara. Dahilan upang nagawa ng Dutch
na sumunod sa pananakop sa mga bansa sa Asya dahil na rin sa kawalan ng mga pinagkukunang yaman.
Sinakop nito ang Java at Sumatra sa Indonesia, Formosa, Ceylon o kilala sa tawag na Sri Lanka. Ngunit noong
1795, ang Netherlands ay napasailalim sa kapangyarihan ng France dahil sa digmaang Napoleonic. Bunga nito
humina at napabayaan ng Holland ang kanyang mga kolonya at kalaunan ay napasailalim sa England ang
kabuoang teritoryo nito.
England
Sinimulan ang pananakop ng England sa Silangan sa pamamagitan ng English East India Co., samahan
ng mga mangangalakal na Ingles. Upang mapatupad ang mithiin nito, binigyan ng kaukulang kapangyarihan
upang mangalakal at pamahalaan ang pananakop nito.
IGUHIT ANG MGA BANSANG PORTUGAL, SPAIN, ENGLAND, NETHERLANDS at
FRANCE.