Presentation 12 2 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Repleksyon (Unang

Digmaan Pandaigdig)
Name Carl Kenjie D Lagrimas     B –12 
G8 - Sunflower     Created 5/29/2023

Topics
Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig

Simula at pangyayari ng Unang Digmaang


Pandaigdig

Mga Digmaang naganap noong Unang


Digmaang Pandaigdig

Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig

Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa


Pangalawang Digmaang Pandaigdig 
Reflection Paper 
Repleksyon tungkol sa Sanhi ng Unang Digmaang pandaigdig 
Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay naging bunga ng maraming pangyayari sa
kasaysayan tulad ng umaapaw na nasyonalismo sa Europa na , alitan sa mga teritoryo at
ang lumalagong militarismo. Kung tutuusin, maaaring hindi ito nangyari kung walang mga
ganitong pangyayari. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay naging bunsod ng mga
pangyayaring historikal na naglalaman ng labis sa mga teritoryo, pagkasira ng ugnayan ng
mga bansa at pagpapalaganap ng di-pagkakaintindihan at pagkakaunawaan sa pagitan ng
mga bansa. Ang pagkakaroon ng mga pangyayaring ito ay nagtulak sa mga bansa na
maghanap ng paraan upang mapanatili ang kanilang mga interes at makaagaw ng lupaing
hindi pa nasasakop. Pati na ang Imperyalismo ay isa rin sa mga dahilan ng
nangyari.nagging magandang oportunidad para sa mga bansa upang mangalap ng
kayamanan at mapalawak ang kanilang impluwensiya sa ibang bansa. Pagbou ng alyansa
at pagkakampi-kampi rin ang naging dahilan kung bakit lumaki at naging komplikado ang
sitwasyon. pagkakaroon ng matinding kumpetisyon sa pagitan ng mga kapangyarihang
bansa sa Europa. Nagkakaisa ang mga bansa upang magpakita ng kanilang lakas at
kapangyarihan, na nagdulot ng tensyon at hindi pagkakaunawaan sa rehiyon. Sa karagatan
naman, ang pag-aagawan ng mga teritoryo at kontrol sa mga ruta ng kalakalakalan  
Higit sa lahat, ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng malaking pagbabago sa
mundo. Ito ay nagdulot ng pagkakalat ng demokrasya, pagkakatatag ng Liga ng mga Bansa,
at pagkakabuo ng mga bagong teknolohiya na nagsisilbing pundasyon sa pag-unlad ng
mundo. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi dapat nating kalimutan ang mga biktima ng digmaan
at ang epekto nito sa mga bansa at rehiyon 
Sa pamamagitan ng pag-aaral sa kasaysayan, natutunan ko na ang mga pangyayari at
desisyon ng mga tao at bansa ay nakakaimpluwensya sa kasaysayan ng mundo. Ang mga
pangyayari na ito ay maaaring magdulot ng magandang epekto o hindi magandang epekto
sa kabila ng kanilang intensyon. Kaya't mahalagang mag-ingat sa mga desisyon at aksyon
upang maiwasan ng mga bansa ang pakiki digma na nagdulot ng pagkawasak ng mga
bansa at pagkamatay ng milyun-milyong tao. Kung nagkaroon lamang ng mas maingat na
pagpapasya at pagkakaintindihan sa pagitan ng mga bansa, baka maiwasan ang ganitong
trahedya.
Sa kabuuan, ang pag-aaral ng kasaysayan ay mahalaga upang maunawaan natin ang mga
pangyayari at desisyon sa nakaraan at magkaroon ng mga aral na maaaring magamit natin
sa kasalukuyan at sa hinaharap. Ang pagiging maingat at mapagmatyag sa mga desisyon at
aksyon na ginagawa natin ay naglalayong maiwasan ang tensyon ng mga bansa.
Sa aking opinyon, mahalaga na tandaan natin ang mga pangyayaring ito upang hindi na
maulit ang mga nangyari na pumatay sa maraming sibilyan at naging epekto sa pagbagsak
ng ekonomiya sa mga bansa.
Repleksyon Paper

Repleksyon sa  Simula at Mga Pangyayari ng Unang Digmaang Pandaigdig 

Malaki ang epekto ng pagsisimula ng digmaan sa mga bansang sangkot dito dahil
babagsak ang ekonomiya na maghuhudyat ng pandaigdigang problema at pagpatay sa
mga sibilyan sa gitna ng digmaan. Ang Contest of Nations ay isa rin sa mga Hudyat na
may paparating na digmaan dahil dito makikita ang lakas ng kanilang Makabagong
kagamitan tulad ng machine gun, tank, motorized transport vehicles, matataas na
pampasabog, at chemical weapons. eroplano, field radio, at telepono. ang

Nagsimula ito kay Gavrilo Princip, isang nasyonalistang Yugoslav na kasangkot sa


kilusang pagpapalaya ng Mlada Bosna. Pinaslang ni Princip si Archduke Franz Ferdinand
ng Austria at ang kanyang asawang si Sophie, Duchess ng Hohenberge sa Sarajevo
noong Hunyo 28, 1914. Ang Austria-Hungary ay nagdeklara ng digmaan sa Serbia, na, sa
simula ng Unang Digmaang Pandaigdig, ay agad na nagpakita ng pagiging Nasyonalista
nito. o labis na pagmamahal sa kanyang Bansa at ang layunin ng pagpatay ay palayain
ang Bosnia at Herzegovina mula sa Austria-Hungary dahil gusto niyang protektahan at
palayain ang kanyang mga mamamayan na hawak ng Austria-Hungary. Sa simula ng
Digmaan, ang mga pangunahing digmaan na naganap ay ang mga Digmaan sa
Kanluran, Silangan, Balkan, at Karagatan na isa rin sa mga dahilan ng pagsisimula nito.

Ang aral na natutunan ko sa unang digmaang pandaigdig ay ang pag-iwas sa pagiging


sakim at panibugho, at sa halip ay magkaroon ng kababaang-loob na itaguyod ang
kapayapaan at katiwasayan. Magpakita ng pagmamahal sa isa't isa anuman ang lahi,
kultura, o nasyonalidad. 

Sa aking palagay, dapat itigil na ang mga paligsahan na nagdudulot ng inggit sa mga
nasakop na bansa at nagbibigay ng kahit kaunting kalayaan sa mga nasakop na bansa,
dahil ang bawat tao ay may kanya-kanyang kalayaang magkaroon. At ang huling bagay
ay ang umiwas sa pagiging ako. 
Repleksyon Paper

Repleksyon Tungkol sa mga digmaan na naganap noong Unang Digmaang


Pandaigdig 

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang digmaan na naganap mula 1914
hanggang 1918 na kinasasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa mundo na noon
ay pinagsama sa dalawang magkasalungat na alyansa: ang Allied Powers (batay sa Triple
Treaty of the British Empire, the Russian Empire, at France) at ang Central Powers (mula sa
Triple Alliance ng German Empire, Austria-Hungary at Italy). Ang digmaan ay ang ikaanim na
nakamamatay na digmaan sa kasaysayan. Ang sistema ng alyansa ay maaaring ituring na
partisanship ng ilang bansa dahil sa ilang interes. Ang alyansa ay nagpalala ng mga
simpleng hindi pagkakaunawaan at naging isang mapanganib na labanan, na nagresulta sa
pagsiklab ng unang digmaang pandaigdig. Ang salungatan ay sumiklab sa pagitan ng
dalawang grupo, ang triple alliance, at ang triple entente, kabilang ang mga Balkan. Natapos
ang digmaan nang sumuko ang Imperyong Aleman at ang mga kaalyado nito noong 11
Nobyembre 1918 pagkatapos ng matagumpay na kontra-opensiba ng Allied Powers. Sa
pagtatapos ng digmaan, maraming mga bansa ang itinatag sa Europa mula sa mga labi ng
German, Austro-Hungarian, Ottoman, at Russian Empire. Ang Treaty of Versailles ang
pinakamahalaga sa lahat ng mga kasunduang pangkapayapaan na nagtapos sa World War
I. Ang kasunduang ito ang nagtapos sa digmaan sa pagitan ng Germany at ng mga Allies ng
World War I. Nangangahulugan ito ng pagkawala ng mga teritoryo, pagbabawas ng mga
pwersang militar, at pagbabayad ng mga reparasyon sa ang Allied powers.

Sa aking palagay, dapat iwasan ang pagkakaroon ng maraming digmaan upang ang ating
pinakaprotektado at mahal na kalikasan ay hindi na muling magulo at lalo na ang ating
bansa para na rin sa ating kaligtasan at makapagtatag tayo ng isang alyansa na gagamitin
sa pagpapaunlad ng mga bansa tulad ng Ekonomiya, Pagpapalakas ng Puwersang Militar,
Mga Problema sa Pangkapaligiran, Paggawa ng mga makabagong Kagamitan at iba pa na
makakatulong para mapaganda ang mundo
Repleksyon Paper
Repleksyon tungkol mga naging Bunga ng Unang Digmaang  Pandaigdig

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng mga napakalaking bunga sa


kasaysayan ng mundo. Sa aking pag-aaral tungkol dito, natuklasan ko na ang
digmaan ay nagdulot ng malaking pinsala at pagkawasak sa mga bansa at mga tao.

Unang Digmaang Pandaigdig, o World War 1, ay nagdulot ng matinding pinsala sa


buong mundo. Sa loob ng apat na taon ng digmaan, mahigit 70 milyong tao ang
nahalay, kabilang ang mga sundalo at sibilyan. Maraming mga lungsod, bayan, at
kagubatan ang naging biktima ng pang-aabuso at pagkasira. Ang mga teknolohikal na
pagbabago sa panahon na ito, tulad ng mga makabagong armas at mga gas na
nakakalason, ay nagdulot ng mas malalang pinsala sa mga tao.Ang mga pamilya at
mga komunidad ay nawalan ng kanilang mga mahal sa buhay at nasira ang kanilang
kabuhayan.Ang mga bansa na naging bahagi ng digmaan ay naranasan ang kawalan
ng buhay at kabuhayan ng milyun-milyong tao. Dahil dito, nagkaroon ng malaking
pagbabago sa mga pamamaraan ng pamamahala at pakikipag-ugnayan sa buong
mundo. Ang kaisipang nasyonalista ay naging mas malakas, at nagdulot ito ng
kasukdulan sa pagbuo ng mga bansa at paghihiwalay ng mga teritoryo. Ang mga
bansa ay naglunsad ng mga reporma upang mapabuti ang kanilang mga ekonomiya
at mga sistema ng pagpapamahala.

Isa sa mga magandang bunga ng digmaan ay ang pagkakabuo ng mga bagong


bansa na naging malaya mula sa mga kolonyal na kapangyarihan. Ito ay nagdulot ng
pagbabago sa mapa ng mundo at naging dahilan ng pagkakatatag ng mga bagong
bansa tulad ng Czechoslovakia, Hungary, at Yugoslavia.

Isa pa sa bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig. Ito ay isang internasyonal na


organisasyon na naglalayong mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa buong
mundo. Ang pagkakabuo ng Liga ng mga Bansa ay nagpakita ng pangangailangan
para sa pagkakaisa at kooperasyon ng mga bansa upang maiwasan ang mga
digmaan sa hinaharap. Kahit na hindi ito nakapagtagumpay sa pagpigil sa pag-alsa ng
mga nasyonalista at paglipana ng pangalawang digmaang pandaigdig, ang mga
prinsipyo at layunin nito ay naging pundasyon ng kasalukuyang United Nations.Sa
kabuuan, ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng mga bunga na nagturo sa
atin ng mahalagang aral sa kasaysayan

sa aking palagay  nagbago po ang aking pananaw sa unang digmaang pandaigdig.


Kasi po ng dahil sa unang digmaang pandaigdig maraming mga tao ang namatay
dahil sa digmaan ang iba ay namatay sa gutom at sa sobrang hirap ng kanilang
sitwasyon ng dahil sa mga pinuno na walang ginawa kundi kuhain ang gusto nila ng
hindi iniisip kung ano ang pwedeng mangyari sa I bang tao. At kung paano ko po
ipapakita ang pagmamahal ko sa Aking bansa ipapakita ko po ito sa pamamagitan ng
pagiingat pagmamahal at paglaban para sa Aking bansa kahit maaring buhay ko pa
ang maging kabayaran gagawin ko po ang lahat maipagtanggol lng ang Mahal Kong
bayan na Pilipinas
  
Repleksyon Paper 

Repleksyon tungkol sa ang epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig


sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig  

ilang mga koneksyon na maaaring makita sa mga sumusunod na aspeto


ay Ang mga hidwaan sa Unang Digmaang Pandaigdig ay hindi lubusang
natuldukan at naging sanhi naman ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
pagkaraan ng 21 taon. Ang mga tratadong pinirmahan pagkatapos ng
Unang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng mga tensyon at resenmento
sa ilang mga bansa, lalo na sa Alemanya na naparusahan nang mabigat
sa Tratado ng Versailles.

Ang ilan sa mga bansa na naging bahagi ng mga alyansa sa Unang


Digmaang Pandaigdig ay nanatili o nagbago ng kanilang mga kaalyado sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Halimbawa, ang Italya na dati ay kasapi
ng Puwersang Sentral ay lumipat sa Alyadong Puwersa noong 1915, at
muli ay lumipat sa Axis Powers noong 1939 . Ang Unyong Sobyet na dati
ay kasapi ng Alyadong Puwersa ay naging kaalyado ng Alemanya noong
1939 sa pamamagitan ng Pakto ng Non-Agression, ngunit lumipat muli sa
Alyadong Puwersa noong 1941 matapos salakayin ng Alemanya ang
kanilang teritoryo. 

 Ang ilan sa mga teknolohiya at estratehiya na ginamit sa Unang


Digmaang Pandaigdig ay pinabuti o ginamit muli sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Halimbawa, ang mga tangke, eroplano, kemikal na sandata,
a
at trench warfare na unang nagpakita ng kanilang bisa sa Unang
Digmaang Pandaigdig ay ginamit din sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
bagaman may mas mataas na antas ng pagkasira at pagpatay .

Sa aking palagay, dapat binigyan ng kalayaan ang germany at dapat


hinde ito pinatawan ng Versailles sapagkat may karapat sila sa kanilang
lupain na gawin ang kanilang gustong gawin at dapat maging patas sa
bawat bansa
Repleksyon (Pangalawan
g Digmaang Pandaigdig)
Carl Kenjie D. Lagrimas   G8 – Sunflower
B-12                      Create 5/29/2023

Topic

Sanhi ng Ikalawang Digmaang                   
  Pandaigdig

Pagsisimula ng Pangalawang  Digmaan     
Pandaigdig  

Mga digmaang nangyari noong
ikalwang digmaang pandaigdig

Bunga ng Ikalawang Digmaang                 
Pandaigdig

Epekto ng Ikalwang Digmaan Pandaigdig


sa kasalukuyan
(Repleksyon paper)

Sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Ang pina ka una dito ay ang pag agaw ng Japan sa Manchuria ngunit marami pang ibang
mga salik tulad ng pagkabigo sa Treaty of Versailles, Great Depression, pagsaka ng
pandaigdigang kalakalan, pagkakatalo ng mga bansang axis, prehudi .Pag alis ng German
sa liga ng mga bansa at ang pakikipagdigma ni Hitler sa Europa ay nagdulot ng
pangalawang digmaang pandaigdig.Pagsakop ng Italya sa Ethiopia at ang pagsakop ng
Alemanya sa Czechoslovakia at Poland ang nagtulak sa mundo tungo sa digmaan.isa din
Digmaanga Sibil sa Spain na nagdulot din ng Digmaan sa Europa . Ang pag patong ng
treaty of versailles sa alamenya ay ang pulo't dulo ng Digmaang pandaigdig.Ang isang sanhi
pa ay ang pagkakampihan ng mga basa naka tulad ng mga interest tulad ng mga  Axis
Power at Allied Power .Ipanakita rin ito noong Unang Digmaan Pandaigdig na nagkampihan
at nagdulot ng Digmaan

Ang Boung napag aralan ko ay nagpapakita na ang maraming mga pangyayari at


kaganapan sa mundo noong panahon ng ika-20 na siglo ay naging tulay tungo sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.

Sa aking palagay , ang pagkakaroon ng maraming mga salik tulad ng politika, ekonomiya, at
teritoryal na ambisyon ay nagdulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 
(Repleksyon Paper)

Pagsisimula ng Pangalawang Digmaan Pandaigdig  (repleksyon) 

 tungkol sa paksang "Pagsisimula ng Pangalawang Digmaan".


 Maikli o mahaba man, hindi mapapantayan ang impact ng pangalawang digmaan sa mundo at
sa kasaysayan. Sa totoo lang, kahit sa simpleng pagbabasa pa lamang ng mga libro at
dokumento tungkol sa pangalawang digmaan, hindi ko maiwasang hindi madurog ang puso't
isipan sa mga pangyayari na naganap. Nakakaalarma isipin na nagawa ng tao na magdulot ng
ganun klaseng pagkasira at kalunos sa kapwa tao. Nagsimula itoay   nagsimula noong ika-1 ng
Setyembre taóng 1939. Natapos ito noong ika-2 ng Setyembre 1945, at nasangkot ang
karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan. Tinuturing ito na
pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanán sa kasaysayan ng sangkatauhan.
Itoy nagsimula noong sinakop ng Alemanya ang Polonya, sa tulong ng Unyong Sobyet   dahilan
upang magdeklara ng digmaan ang Britanya at Pransiya sa unang nabanggit; dalawang araw
ang makalipas ay opisyal nang nagsimula ang digmaan. itinatag ng mga alemanya ang
Nazismo na nagpalakas sa mga alemanya upang sumakop nga mga bansa. At Pagkakampihan
nga mga bansa ay isa rin sa nagpasimula ng Digmaan nahati ito sa dalawang Gruopo ito ang
Axiz Power Ang mga kasaling basa dito ay ang (Japan, Germany,at Italy) At Allied Power ay
(Great Britain, the United States, and the Soviet Union).

Sa aking palagay ang Pagtatalo at pagiging Sakim ay isa sa mga dahilan kung bakit sumisiklab
ang isang  digmaan ang example dito ng pinatawan ng The BIG 4 na sina (Lloyd George ng
Britain, Vittorio Emanuele Orlando ng Italy, Georges Clemenceau ng France, at Woodrow
Wilson sa U.S) itoy ay ang pagpapahinto sa alemanya at ang kanyang  sa pagsakop ng mga
bansa na naging dahilan nang pag aalsa ng mga alemanya sa mga liga ng bansa at nagdulot
ng digmaan na tinatawag na Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Repleksyon Paper

Repleksyon Mga digmaang nangyari noong ikalwang digmaang pandaigdig

Ang ilan sa mga Digmaan na naganap sa Pasipiko Europa at Asya ay ang mga digmaan na
nangyari sa ikalwang Digmaang Pandaigdig na nagdulot ng pagbabago sa
kultura,nasyonalidad,relihiyon at iba pa dulot ng pag impluwensya nga mga mananakop sa
mga bansa

 Digmaan sa Europa: Ito ay nagsimula noong 1939 nang salakayin ng Nazi Germany ang
Poland at tumagal hanggang 1945 nang sumuko ang Germany at Italy. Ito ay kinabibilangan
ng mga labanan sa Western Front, Eastern Front, North Africa, at Mediterranean¹.
  
Digmaan sa Asya-Pasipiko: Ito ay nagsimula noong 1937 nang sumiklab ang   Sino-Japanese
War at tumagal hanggang 1945 nang sumuko ang Japan. Ito ay kinabibilangan     ng mga
labanan sa China, Southeast Asia, India, Philippines, at Pacific Islands Noong ika-7 ng
Disyembre 1941, biglang sinalakay ng Japan ang Pearl Harbor, isa sa mga himpilan ng
hukbong dagat ng United States sa Hawaii. Ang pataksil na pagsalakay na ito sa Amerika ay
tinawag na "Day of Infamy.

 Atomic bombings of Hiroshima and Nagasaki: Ito ay naganap noong Agosto 6 at 9, 1945
nang gumamit ang United States ng mga bombang atomika laban sa dalawang lungsod ng
Japan.    Ang bombang Little Boy ay ginamit sa Hiroshima at ang bombang Fat Man sa
Nagasaki. Maraming namatay sa mga Hapon hanggang sila'y sumuko noong Agosto 15,
1945
Repleksyon Paper

Repleksyon Ang Bunga ng Ikalwang Digmaang pandaigdig

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng malalaking pagbabago sa kasaysayan ng


daigdig ito ang ilan sa mga epekto noong ikalwang digmaang pandaigdig.Malaki ang bilang ng
mga namatay at nasirang ari-arian.Tinatayang halos 60 bansa ang naapektuhan ng digmaan at
higit na mas marami ang namatay kaysa Unang Digmaang Pandaigdig.  Natigil ang pag sulong
ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng agrikultura,industriya,transportasyon,at
pananalapi mg maraming bansa.Bumagsak ang pamaalaang totalitaryang nazi ni Hilter,
Facismo ni Mussolini at Imperyong japan nihirohito.Napagtibay ang simulating command
responsibility para sa pag kakasalang nagawa ng mga opisiyal ng bayan ay mga pinunong
military.Naging daan ito ng pag silang ng malalayang bansa ang East Germany,

Sa Aking palagay may mabuti at masamang dulot ang digmaan isa na dito ang pagbibigay
eduksyon sa mga bansang nasakop mga makabagong mga kagamitan na nagagamit na natin
hanngang sa kasalukuyan at ang mga masasamang dulot ay pagsira sa ekonomiya at
pagpatay sa mga sibilyan at sundalo 

Ang Boung napagaralan ko na dapat tayo magkaisa at dapat magtulongan ang bawat bansa
na  reazlise ko na napakadaming ari arian ang nasira sa pamamagitan ng digmaan at isa ko pa
na napagaralan ay ang pagiging mapagmahal sa bayang Pinagmulan at ang halaga ng
Kalayaan sapagkat pag pinawalan mo ng kalayaan ang isang bansa ay pwede itong mag alsa
Repleksyon paper

Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng matinding epekto sa kasaysayan at


kasalukuyang panahon. Narito ang ilan sa mga pangunahing epekto nito: 

 Pagkakabuo ng United Nations - ito ay binuo upang mabigyan ng mas epektibong solusyon
ang mga pandaigdigang usapin at maiwasan ang sunod-sunod na digmaan. 

Pag-usbong ng pandaigdigang komersyo at ekonomiya - malaki ang naging bahagi ng


digmaan upang mabuksan ang mga pinto para sa pandaigdigang kalakalan. Ang mga bansang
nabilanggo noon ay naging parte ng global na ekonomiya. 

Pag-unlad ng teknolohiya - napalawak at naimbento ang mga bagong teknolohiya dahil sa


paglikha ng mga kasangkapan na dapat gamitin sa digmaan. Mabilis na nakalaganap ang
telebisyon, radyo, at mga kagamitan sa medisina na nagsisilbi pa rin sa kasalukuyang
panahon. 

Pag-usbong ng kababaihan sa lipunan - Ang pangangailangan sa mga babaeng manggagawa


sa panahon ng digmaan ay nagdulot ng pagkakataon sa mga kababaihan upang makapasok
sa mga trabaho na dati ay para lamang sa mga kalalakihan. Ito ay nagbukas ng mga pintuan
para sa mga kababaihan upang maabot ang kanilang potensyal at makababangon sa lipunan.  

 Mapait na alaala ng digmaan - hanggang sa kasalukuyang panahon, ang pagkakamali ng mga


bansa at panandaliang kapayapaan ay nananatili sa alaala ng mga tao. Ito ang nagbigay-daan
para sa pagbuo ng International Criminal Court upang mapanagot ang mga nagkasala ng
krimen na magaganda sa larangan ng digmaan. 

Ang Boung napag aralan ko ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nananatiling isang
bahagi ng ating kasaysayan at nagdulot ng maraming epekto sa pandaigdigang lipunan. Ang
aral sa mga pagkakamali noong digmaan ay nag-aalok ng mga aplikasyon sa kasalukuyan
upang maiwasan ang mga nakapipinsalang pagtutunggalian.

You might also like