Dokumen - Tips - Unang Yugto NG Imperyalismong Kanluranin

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Unang Yugto ng

Imperyalismong
Kanluranin
Pag-aangkin ng
Merkantilismo
India

Mga Sakop ng Mga Sakop ng


England France
Mga Unang Ruta ng Kalakalan
Ang mga kalakal sa Asya ay nakarating
sa Europa sa pamamagitan ng tatlong
ruta.
Hilagang Ruta: Peking -> disyerto sa
Gitnang Asya -> Samarkand at Bokhara
-> Caspian Sea at Black Sea ->
Constantinople
Panggitnang Ruta: India -> Ormus sa
Persian Gulf -> Antioch, Aleppo,
Damascus
Mga Unang Ruta ng Kalakalan
Timog na Ruta: India -> Indian Ocean
-> Arabia -> Red Sea -> Cairo o
Alexandria, Egypt
Limitadong Kaalaman ng mga Kanlutanin
tungkol sa Asya
Kaunti lamang ang nalalaman ng mga
kanluranin tungkol sa Asya.
Ilan sa mga akda tungkol sa Asya ay
isinulat ng mga nakilahok sa krusada
(1096-1273)
Ang pinakatanyag na akda ay isinulat ni
Marco Polo.
Tinawid niya ang Gitnang Asya hanggang
sa China kasama ang kanyang ama at
tiyuhin.
Limitadong Kaalaman ng mga Kanlutanin
tungkol sa Asya
Pagkatapos niyang manungkulan bilang
tagapayo noong Dinastiyang Yuan, bumalik
siya sa Italy (1295) at isinulat niya ang
The Travels of Marco Polo na naging
sanhi para magkaroon ng kaalaman ang
mga Kanluranin tungkol sa Asya.
Pagsasara ng mga Rutang
Pangkalakalan
Laging bukas ang tatlong ruta ng
kalakalan na nag-uugnay sa Asya at mga
Kanluranin ngunit nang sumapit ang ika-14
hanggang 15 siglo, sinalakay ng mga
Seljuk Turk ang malaking bahagi ng
Mediterranean Sea. Noong sila’y
nagtagumpay sa pagsalakay dito,
nagkaroon sila ng kapangyarihan sa
nasabing ruta.
Monopolyo ng mga Italian
Ang Venice, Genoa at Florence sa Italy
lamang ang pinayagan ng mga Seljuk Turk
na mamili sa daungan nila.
Ipinagbili ng Italy ang mga produktong
kanilang nakalakal sa Portugal, Spain,
Netherlands, Italy, at England sa mataas
na halaga.
Nangunguna na dito ang mga rekado
bilang pampalasa ng pagkain, pampreserba
at gamot.
Paghahanap ng Bagong Ruta
Hiningi ng Italian na bilhin ng Portugal,
Spain, France, Netherlands, at England
ang mga produkto ng Asya sa mataas na
halaga ngunit hindi pumayag ang mga
nasabing bansa.
Upang maiwasan ang monopolyo ng Italya
at ang mga Seljuk Turk, sila ay naghanap
ng ibang ruta patungong China at India.
Mga Pagbabago sa Paglalayag
Mula ng ika-12 siglo, mas malalaki na ang
mga barko.
Dalawang bagong tuklas na instrumento
ang nakatulong sa mga manlalayag: compass
at astrolabe.
Compass: Nalalaman ng mga kapita ng
barko kung saan ang direksyon nila kahit sa
isang di-pamilyar at malawak na dagat.
Astrolabe: Para malaman ang latitude ng
barko mula sa Equator.
Panahon ng Paggalugad at
Pagtuklas
Ito ay mula 1450 hanggang 1650
Pinasigla ng paghahanap ng bagong ruta
patungong Asya
Ito ay higit na mas mahalaga kaysa sa
mga rutang pangkalakalan na unang
layunin ng mga Kanluranin.
Ang Bagong Ruta Patungo sa Asya
Pinangunahan ni Prinsipe Henry (Portugal) ang
paggalugad sa baybayin ng Africa.
Ito ay nagbunga ng pagkakatuklas sa Azores,
Canary, at Cape Verde.
1488 – narating ni Bartholomeu Dias ang dulo ng
Africa
Tinawag na Cape of Good Hope
Matapos ang 10 taon, natagpuan ni Vasco da
Gama ang bagong ruta patungong Asya (1498).
Sa taon ding iyon, dumaong siya sa Calicut sa
kanlurang baybayin sa India.
Merkantilismo
Ang tunay na kayamanan sa isang bansa
ay ang kabuuang dami ng pilak o ginto
dito.
Pinaniwalaan ng Europa na ang ekonomiya
ay maaaring makapagpataas ng
pambansang kapangyarihan (noong ika-16
siglo)
Mga Sakop ng Portugal
Hormuz sa Persian Gulf, Aden sa Red
Sea, Cochin at Goa sa India, Malacca sa
Malaya, Ternate sa Moluccas, at Macao
sa China
Karaniwan sa snakop ay mga baybaying-
dagat
Mga nanguna sa pananakop:
 Francisco de Almeida
 Alfonso de Albuquerque
Mga Sakop ng Spain
Pilipinas
Matapos ang ika-16 siglo, napalawig ng
Spain ang kanyang soberanya sa halos
buong kapuluan ng Pilipinas
Mga nanguna sa pananakop:
 Ferdinand Magellan (bagamat isang
Portugese, isinagawa niya ang paglalakbay sa
ngalan ng Spain)
 Miguel Lopez de Legaspi
Mga Sakop ng Netherlands
Hindi agad nakapagsimula sa
pakikipagsapalaran sa Asya dahil sa
tunggalian laban sa Spain
Bumuo ng Dutch East India Company
Moluccas, Formosa (Taiwan), Batavia
(Jakarta)
Pag-aangkin sa Moluccas
Tinangka ng maraming ulit ng Spain na
sakupin ang timog na bahagi ng Pilipinas
at ang Moluccas ngunit hindi sila
nagtagumpay.
Hindi lubos na napasailalim ng Portugal
ang Moluccas
Noong 1605, pinaalis ng mga Dutch ang
mga Portugese sa Amboina at Tidore.
Mga Sakop ng England
Nagtatag ng English East India Company
(1600)
Ang unang pakay ay magkaroon ng ugnayang
pangkalakalan sa Sumatra, Java at Moluccas
ngunit hindi sila pinahintulutan ng mga Dutch.
Umalis ang mga English matapos ang Amboina
Massacre na kung saan sampung mangangalakal
ng English ang pinatay ng mga Dutch.
Sa India nagtagumpay ang mga English
Unfederated Malay States
Ito naman ang mga tumutol sa Resident
System
Apat na estado rin ang bumubuo dito.
(Kedah, Perlis, Kelantan, at Trengganu)
Mga Sakop ng France
Sinundan ng mga French ang halimbawa
ng mga English
Nagtatag ng French East India Company
(1664)
Mga pamayanang natatag ng French sa
India: Chandarnagore, Mahe, at Karikal
Pag-aangkin ng India
Ang France at England ay naging
magkaagaw sa India.
Nagpahayag ng digmaan ang hari ng Bengal
laban sa mga English (1756)
Pumanig ang France sa India
Sinalakay ng magkasanib na hukbo ang
Calcutta
Nagpadala ang Madras ng isang
makapangyarihang hukbo sa pamumuno ni
Robert Clive upang palayain ang Calcutta.
Pag-aangkin ng India
Tinalo ni Clive sa Battle of Plassey ang
hukbo ng hari ng Bengal at ang mga
French
Ang hangad ng France ay mangibabaw
sila sa India ngunit sila ay nabigo at
napasailalim ng England ang India

You might also like