Mmbyn News Script
Mmbyn News Script
Mmbyn News Script
Script
Both: Nagaalerto, naggagabay at nagpapasigla, ito ang MMbyn
news na pinagtatangol ang katotohanan.
(Sound effect at transition)
Angel: Magandang araw buong pilipinas at sa lahat ng mga
kababayan sa buong Luzon, Visayas at Mindanao.
Brianna: Ganon rin sa karating bansa!
Both: Kami ang MMbyn news, ang stasyon na nagpapalawak ng
kaalaman sa buong mundo.
Angel: Ako si Angelica Olegario
Brianna: At ako naman si Brianna Casey Doctor.
Both: Maghahatid ng balita para sa inyo.
(Transition sa sports)
Kian: Handa na ang Gilas Pilipinas sa kanilang huling laro ngayong
Lunes sa 6th window ng FIBA World Cup Asian qualifiers kontra
Jordan na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
(Simula ng clip)
Kian: Ayon kay national men’s basketball team coach Chot Rehyes,
magsasagawa lang sila ng ilang adjustment para sa laban kontra
Jordan. Matatandaang nakabawi at nakaganti ang Gilas kontra
Lebanon noong Biyerner matapos nitong tambakan ang Lebanon,
107-96.
(Wakas ng clip)
Kian: Pinasalamatan din ni Reyes ang mga mambabatas ng bansa
dahil sa napabilis ang naturalization process ni Justin Brownlee na
siyang bumandera sa laban nila kontra Lebanon.
Christian: Sa FIG Artistic Gymnastics World Cup naman tayo.
Hindi uuwing luhaan si Tokyo Olympics veteran Carlos Edriel Yulo
matapos masungkit ang tansong medalya sa men’s parallel bars sa
FIG Artistic Gymnastics World Cup Series na ginanap sa Cottbus,
Germany.
(Simula ng clip)
Christian: Nasiguro ng Pinoy gymnast ang podium finish matapos
magtala ng 15.166 puntos sa naturang event. Mas maganda ito
kumpara sa 14.933 puntos na nakuha ni Yulo sa qualifying round.
(Wakas ng clip)
Christian: Napasakamay ni Illia Kovtun ng Ukraine ang ginto
bunsod ng nakuha nitong 15.366 puntos habang pumangalawa si
Matteo Levantesi ng Italy na may 15.266 puntos. Magandang
pakonsuwelo ito kay Yulo matapos mabigong makapasok sa final
round ng ibang apparatus.
(Transition)
Brianna: Buti na lang may lakas sila na magpasigla, mahirap kaya
magcompetition lalo na kapag international competition.
Angel: Tama ka diyan, goodluck sa kanila!
(Transition)
Angelica: Ito ang balita ngayon. Muli, ako si Angelica Olegario.
Brianna: At ako naman si Brianna Casey Doctor.
Both: Nagaalerto, naggagabay at nagpapasigla, ito ang MMbyn
news na pinagtatangol ang katotohanan.
(Wakas ng Balita)