Corazon Aquino
Corazon Aquino
Corazon Aquino
na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ay ang ikalabing-isang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang babaeng naluklok sa nasabing pwesto (25 Pebrero 198630 Hunyo 1992). Tinagurian siyang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Ipinanganak siya saTarlac kina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. , ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong 25 Pebrero 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay ina ng artistang si Kris Aquino at ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino III. Pumanaw siya noong 1 Agosto 2009 at inlibing noong ika-5 ng Agosto. Snap election Noong mga 1984, ang malapit na personal na kaalyado ni Marcos na si Pangulong Ronald Reagan ng Estados Unidos ay nagsimulang maglayo ng kanyang sarili sa rehimeng Marcos na kanyang malakas na sinuportahan gayundin ng mga nakaraang pangulo ng Estados Unidos kahit pa pagkatapos ideklara ni Marcos ang martial law. Ang tulong na mga milyong milyong dolyar ng Estados Unidos ang sumuporta sa pamumuno ni Marcos sa paglipas ng mga taon.[7] Sa mukha
ng papalalang kawalang kasiyahan ng mga mamamayang Pilipino at dahil sa pagpipilit ng kaalyadong Estados Unidos, pinatawag ni Marcos ang isang Snap election noong 3 Nobyembre 1985 na may natitira pang higit sa isang taon sa kanyang termino. Ang snap election ay tinawag para sa 17 Enero 1986 at pagkatapos ay nilipat sa 7 Pebrero 1986. Pinili ni Marcos si Arturo Tolentino na kasamang tatakbo sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan(KBL) samantalang ang biyuda ni Ninoy na si Corazon Aquino ay naghayag ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo noong 3 Disyembre 1985 kasama ni Salvador Laurel sa ilalim ng partidong United Opposition (UNIDO) na sinuportahan ng oposisyon ni Marcos.[8][9] Sa snap election na idinaos noong 7 Pebrero 1986, ang mga insidente ng pandaraya, pagbili ng mga boto, pananakot at karahasan ay iniulat gayundin ang pakikialam sa mga election return. Ang Commission on Elections (COMELEC) tally board ay nagpapakita na si Marcos ang nangunguna samantalang ang National Citizen's Movement for the Free Elections (NAMFREL) ay nagpapakitang si Corazon Aquino ang nangunguna sa isang komportableng margin. Idenaklara ng opisyal na canvasser na COMELEC si Ferdinand Marcos na nanalo sa halalan. Sa huling tally ng COMELEC, si Marcos ay nagkamit ng 10,807,197 boto laban sa 9,291,761 boto ni Aquino. Gayunpaman, sa final tally ng National Movement for Free Elections (NAMFREL), si Aquino ay nagkamit ng 7,835,070 boto laban sa 7,053,068 ni Marcos.[10] Ang mga 29 mangggawa ng komputer ay lumayas sa tabulation center na nagpoprotesta sa pakikiaalam sa mga resulta ng halalan na pumapabor kay Marcos. Ang oposisyonistang dating Gobernador na si Evelio Javierng Antique ay pinaslang sa harap ng kapitolyo ng lalawigan kung saan idinadaos ang pagka-canvass ng mga boto. Ang mga pangunahing suspek ang mga sariling bantay ng isang lokal na pinuno ngKilusang Bagong Lipunan. Ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ay naglabas ng isang pahayag na kumokondena sa halalan bilang pandaraya. Ang Senado ng Estados Unidos ay nagpasa rin ng isang resolusyon na kumokondena sa halalan. Ang Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan ay naglabas ng pahayag na tumatawag sa mga ulat ng pandaraya na "nakakabagabag".[11] Bilang tugon sa mga protesta, inihyag ng COMELEC na si Marcos ay nanalo ng 53 porsiyento ng mga boto laban kay Aquino. Ito ay sinalungat ng NAMFREL na si Aquino ay nanalo ng 52 porsiyento ng mga boto laban kay Marcos.[12] Noong Pebrero 15, si Marcos ang inihayag ng COMELEC at Batasang Pambansa bilang nanalo sa gitna ng kontrobersiya. Ang lahat ng mga 50 oposisyong kasapi ng Parliamento ay lumayas sa
pagpoprotesta. Tumangging tanggapin ng maraming Pilipino ang resulta ng halalan na naghahayag na si Aquino ang tunay na nanalo. Ang parehong "mga nanalo" sa pagkapangulo na sina Aquino at Marcos ay nanumpa bilang mga pangulo sa dalawang magkaibang mga lugar. Si Aquino ay tumawag ng mga strike at pagboboykot ng mga mamamayang Pilipino laban sa mga negosyo at media na pag-aari ng mga crony ni Marcos. Dahil dito, ang mga bangko, korporasyon at mga media ng mga crony ni Marcos ay matinding tinamaan at ang kanilang mga bahagi sa stock market ay bumagsak. Himagsikang People Power Dahil sa mga iregularidad sa halalan, ang Reform the Armed Forces Movement ay naglunsad ng isang pagtatangkang coup d'etat laban kay Marcos. Ang simulang plano ay salakayin ang Malacanang Palaceat dakpin si Marcos. Ang ibang mga unit ng military ay kokontrol sa mga stratehikong pasilidad gaya ng NAIA, mga baseng militar, mga himpilan ng radyo at telebisyon, ang GHQAFP sa Camp Aguinaldo, at mga highway junctions upang limitahan ang mga kontraopensibo ng mga loyalistang hukbo ni Marcos. Si Lt. Col. Gregorio Honasan ang mangunguna sa pangkat na sasalakay sa Malacanang Palace. Gayunpaman, nang malaman ni Marcos ang tungkol pagbabalak na ito, kanyang inutos ang pagdakip sa mga pinuno nito[13] at itinanghal sa lokal at internasyonal na press ang ilan sa mga nadakip na mga nagtatangkang magpatalsik kay Marcos na sina Maj. Saulito Aromin and Maj. Edgardo Doromal.[14][15] Dahil sa banta ng kanilang nalalapit na pagkakabilanggo, nagpasya sina Enrile at mga kapwa nagbabalak laban kay Marcos na humingi ng tulong AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen Fidel Ramos na hepe rin ng Philippine Constabulary (ngayong Philippine National Police). Si Ramos ay pumayag na magbitiw sa kanyang posisyon at suportahan ang mga nagbabalak laban kay Marcos. Noong mga 6:30 pm noong 22 Pebrero 1986, sina Enrile at Ramos ay nagdaos ng isang pagpupulong ng press sa Camp Aguinaldo kung saan nila inihayag ang kanilang pagbibitiw sa kanilang mga posisyon sa Gabinete ni Marcos at pag-urong ng kanilang suporta sa pamahalaan ni Marcos. Mismong si Marcos ay kalaunang nagsagawa ng mga pagpupulong ng balita na tumatawag kina Enrile at Ramos na sumuko na humihikayat sa kanilang "itigil ang kaestupiduhang ito".[16] Sa isang mensaheng isinahimpapawid sa Radio Veritas noong mga alas 9 ng gabi, hinimok ni Kardinal Sin ang mga Pilipino na tulungan ang mga pinunong rebelde sa pamamagitan ng pagpunta sa seksiyon ng EDSA sa pagitan ng Camp Crame at Aguinaldo at
pagbibigay ng suportang emosyonal, mga pagkain at iba pang mga suplay. Maraming mga tao, pari at madre ang tumungo sa EDSA.[16][17] Sa kasagsagan ng rebolusyong People Power, inihayag ni Juan Ponce Enrile na ang pananambang sa kanya ay pineke upang magkaroon ng dahilan si Marcos sa pagpapataw ng martial law.[18]
Sa kasagsagan ng People Power Revolution, ang tinatantiyang isa hanggang tatlong milyong mga tao ang pumuno sa EDSA mula Ortigas Avenue hanggang sa Cubao. Ang nasa larawan ang area sa interseksiyon ng EDSA at Boni Serrano Avenue sa pagitan ng Camp Crame at Camp Aguinaldo, Pebrero 1986 Sa bukang liwayway ng linggo, ang mga hukbo ng pamahalaan ni Marcos ay dumating upang patumbahin ang pangunahing transmitter ng Radio Veritas na pumutol sa pagsasahimpapawid sa mga taong nasa probinsiya. Ang himpilan ay nilipat sa isang standby transmitter na may isang limitadong saklaw ng pagsasahimpapawid. Ang himpilan ay pinuntirya ni Marcos dahil ito ay naging mahalagang kasangkapan ng pakikipagtalastasan para sa pagsuporta ng mga mamamayan sa mga rebelde na nagbibigay alam sa kanila sa mga pagkilos ng hukbo ni Marcos at paghahatid ng mga mensahe para sa pagkain, gamot at mga suplay. Ang mga tao ay patuloy pa ring tumungo sa EDSA hanggang sa lumobo sa mga daan daang libong hindi armadong mga sibilyan. Ang mood sa mga lansangan ay aktuwal na masaya na marami ay nagdadala ng kanilang mga buong pamilya. Ang mga mang-aawit ay nag-aliw sa mga tao, ang mga pari at madre ay nanguna sa mga prayer vigil at mga tao ay nagtayo ng mga barikada at makeshift na mga bag ng buhangin, mga puno at mga sasakyan sa ilang mga lugar sa kahabaan ng EDSA. Saanman, ang mga tao ay nakikinig sa Radio Veritas sa kanilang mga radyo. Ang ilang mga pangkat ay umaawit ng Bayan Ko[19] na mula pa 1980 ay naging makabayang antema ng oposisyon. Kadalasang ipinapakita ng mga tao ang tandang LABAN[20] na may nabuong "L" sa kanilang hinlalaki at hintuturo. Pagkatapos ng tanghalian noong Pebrero 23, nagpasya sina Ramos at Enrile na palakasin ang kanilang mga posisyon. Tumawid si Enrile sa EDSA mula Camp Aguinaldo hanggang Camp Crame sa gitna ng mga paghihiwayan ng mga tao.[16] Sa gitnang katanghalian, ang Radio Veritas ay naghatid ng mga ulat ng pagmamasa ng mga Marine malapit sa mga kampo sa silangan at mga tangkeng LVT-5
na papalapit mula hilaga at silangan. Ang isang kontinhente ng mga Marin na may mga tangke at mga armoradong van na pinangunahan ni Brigadier General Artemio Tadiar ay pinahinto sa kahabaan ng Ortigas Avenue mga 2 km mula sa mga kampo ng mga sampung mga libong mga tao.[21] Ang mga madreng humahawak ng mga rosaryo ay lumuhod sa harapan ng mga tangke at ang mga babae ay naghawak hawak upang harangin ang mga hukbo.[22] Hiniling ni Tadiar sa mga tao na padaanin sila ngunit hindi gumalaw ang mga tao. Sa huli, ang mga hukbo ni Marcos ay umurong nang walang pagpapaputok ng baril na nangyari.[16] Sa gabi, ang standby transmitter ng Radio Veritas ay nabigo. Sa sandaling pagkatapos ng hating gabi, nagawa ng mga staff na pumunta sa isa pang himplian upang simulan ang pagsasahimpapawid mula sa isang lihim na lokasyon sa ilalim ng pangalang "Radyo Bandido". Sa bukang liwayway ng Lunes, 24 Pebrero 1986, ang unang mga malalang pagsagupa sa mga hukbo ng pamahalaan ay nangyari. Ang mga marine na nagmamartsa mula sa Libis sa silangan ay naghagis ng mga tear gas sa mga demonstrador na mabilis na kumalat. Ang ilang mga marine ay pumasok naman at humawak sa silangang panig ng Camp Aguinaldo.[16] Kalauna, ang mga helicopter ng ika-15 Strike Wing ng Philippine Air Force na pinangunahan ni Col. Antonio Sotelo ay inutusan mula sa Sangley Point, Cavite na tumungo sa Camp Crame.[23]Sa lihim, ang squadron ay dumipekto at sa halip na pagsalakay sa Camp Crame ay lumapag rito na may mga naghahiyawang mga tao at yumayakap sa mga piloto at mga crew nito. Ang isang helicopter naBell 214 na piniloto ni Mahjor Major Deo Cruz ng ika-25 Helicopter Wing at mga Sikorsky S-76 gunship na piniloto ni Colonel Charles Hotchkiss ng ika-20 Air Commando Squadron ay mas maagang sumali sa mga rebelde sa himpapawid. Ang presensiya ng mga helicopter ay nagpalakas sa morale nina Ramos at Enrile na patuloy na humihikayat sa kanilang mga kapwa sundalo na sumali sa kilusan.[16] Sa katanghalian, si Corazon Aquino ay dumating sa base kung saan sina Enrile, Ramos, at mga RAM officer at mga tao ay naghihintay.[23] Sa mga parehong oras, nakatanggap si June Keithley ng mga ulat na nilisan ni Marcos ang Malacanang Palace at isinahimpapawid ito sa mga tao sa EDSA. Ang mga tao ay nagdiwang at kahit sina Ramos at Enrile ay lumabas mula sa Crame upang harapin ang mga tao. Gayunpaman, ang pagdiriwang ay panandalian dahil kalaunang lumabas si Marcos sa telebisyong kinokontrol ng pamahalaan na Channel 4,[24] na nagdedeklarang hindi siya magbibitiw sa pagkapangulo. Pinagpalagay na ang maling ulat ay isang kalkuladong pagkilos laban kay Marcos upang humikayat ng masa maraming mga depeksiyon.[16]Sa pagsasahimpapawid na ito, ang Channel 4
ay biglaang naglaho sa himpapawid. Binihag isang kontinhente ng mga rebelde sa ilalim ni Col. Mariano Santiago ang himpilian. Ang Channel 4 ay naibalik sa ere sa katanghalian na naghahayg si Orly Punzalan na ang "Channel 4 ay muling nasa himpapawid upang paglingkuran ang mga tao". Sa mga panahong ito, ang mga tao sa EDSA ay lumobo na sa higit sa isang milyon.[16] Ang pagsasahimpapawid na ito ang itinuturing na pagbabalik ng ABS-CBN sa ere dahil ito ang unang beses na ang mga dating empleyado ay nasa loob ng complex nito pagkatapos ng 14 taong pagsasara nito ni Marcos noong martial law. Sa huling katanghalian, ang mga helicopter ng rebelde ay sumalakay sa Villamor Airbase na nagwawasak sa mga ari-ariang panghimpapawid ng pangulo. Ang isa pang helicopter ay tumungo sa Malacanang Palace na nagpatama ng isang rocket at nagsanhi ng maliit na pinsala. Kalaunan, ang karamihan ng mga opiser na nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) ay dumipekto sa pamahalaan ni Marcos. Ang karamihan ng mga Sandatahang Hukbo ay lumipat na sa kabilang panig
Dalawang inaugurasyon ng pangulo Nanumpa si Corazon Aquino bilang Pangulo ng Pilipinas sa Club Filipino, San Juan noong 25 Pebrero 1986 Noong umaga ng Martes, Pebrero 25, bandang ikapito ng umaga, nagkaroon ng saguypaan sa pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. May mga sniper na bumabaril sa mga rebeldeng sundalo. Subalit patuloy na sinugod ng mga rebeldeng sundalo ang estasyon ng Channel 9, na nasa hindi kalayuan ng Channel 4. Maya-maya lamang ay nanumpa si Corazon Aquino bilang bagong pangulo ng Pilipinas sa isang seremonya sa Club Filipino sa Greenhills, isang kilometro mula sa Kampo Crame. Pinasumpa si Aquino ni Senior Associate Justice Claudio Teehankee, at pinasumpa naman si Laurel bilang Pangalawang Pangulo ni Justice Abad Santos. Hawak ni Aurora Aquino, nanay ni Ninoy Aquino, ang bibliang ginamit sa panunumpa ni Aquino. Kasama sa seremonya si Ramos, na napromote bilang Heneral, si Enrile at ang iba pang mga pulitiko. Nasa labas ang maraming mga taga-suporta ni Aquino, na karamihan ay naka-dilaw bilang pagpapakita ng kanilang suporta. Matapos ang panunumpa ni Aquino ay kumanta sila ng Bayan Ko. Samantala, nanumpa naman si Marcos sa Malacanang Palace. Nandoon ang ilan sa kanyang mga taga-suporta na sumisigaw ng "Marcos! Marcos! Marcos pa rin!" Ang panunumpa ay ginawa ni
Marcos sa balkonahe ng palasyo ng Malacanang na isinahimpapawid ng IBC-13 at GMA7.[16] Walang mga inanyayahang mga dayuhang dignitaryo ang dumalo sa seremonyang ito sa kadahilang pangseguridad. Ang mag-asawang Marcos ay lumabas sa balkonahe sa harap ng mga 3000 loyalistang KBL na nagsisigawan kina Marcos na "Dakpin ang mga Ahas!".[25] Pagkatapos ng panunumpa ay mabilis na umalis ang mag-asawa sa labas ng Palasyong Malacanang. Naputol ang pagbrodkast nito noong kubkubin ng mga rebeldeng sundalo ang mga nalalabing mga estasyon. Marami ding mga demonstrador ang nagmasa sa mga barikada sa kahabaan ng Mendiola, hindi kalayuan mula sa Malakanyang, ngunit hinarang sila doon ng mga loyalistang mga sundalo. Maraming mga demonstrador ang nagalit, ngunit inawat sila ng mga pari na nakiusap na huwag maging marahas
Mga Nagawa Ang PEOPLE POWER ang nagluklok kay Corazon C. Aquino sa pagkapangulo ng bansa. Sa ilalim ng kanyang pamamahala, muling naitatag ang pamahalaang Demokratiko. Ito ang simula ng Ikaapat na Republika ng Pilipinas. Maraming pagbabagong nagawa ang dating pangulong Corazon C. Aquino. Napataas ang pasahod sa mga kawani ng pamahalaan, nabago ang Saligang Batas (1987), at naitatag ang Presidential Commission on Good Governance (PCGG). Ekonomiya Sa pagluklok ni Corazon Aquino bilang pangulo, agad niyang tinugunan ang utang pandayuhang 28 bilyong dolyar na nalikom ng nakaraang pangulong si Ferdinand Marcos na masamang dumungis sa katayuang internasyonal na kredito ng Pilipinas. Binayaran ng administrasyong Aquino ang 4 bilyong dolyar ng 28 bilyong utang ng Pilipinas sa dayuhan ngunit humiram rin ang administrasyong Aquino ng 9 bilyon na nagpataas ng utang ng Pilipinas ng 5 bilyong dolyar. Sa ilalim ng pamumuno ni Aquino mula 1986 hanggang 1992, ang aberaheng paglago ng GDP ay 3.4 porsiyento.[26] Noong 1989, ang administrasyong Aquino ay pinautang ng IMF ng 1.3 bilyong dolyar sa kondisyong ang liberasyon ng ekonomiya ay ipagpapatuloy nito at pagsasapribado ng mga industriyang pag-aari ng pamahalaan. Ang ekonomiya ay lumago ng 3.4 porsiyento sa kanyang unang taon sa opisina ngunit ang pagtatangkang coup noong 1989 ay nagsanhi ng pagtigil ng paglago nito. Ang paglago ng ekonomiya ay may aberaheng paglago na 3.8 porsiyento sa buong anim na taon ng pamumuno ni Aquino. Ang mga 50 porsiyento ng populasyon ay nasa sa ilalim ng linya ng kahirapan na sinasabing pagbuti mula 1985 nang ang halos 60 porsiyento ay nasa ilalim ng kahirapan.[27] Hindi rin nalutas ang pagiging hindi pantay ng sahod ng mamamayan. Sa huling taon ni Aquino, ang implasyon ay nasa 17 porsiyento at ang kawalang trabaho ay 10 porsiyento. Sinikap ni Aquino na kalasin ang mga cartel,
mga monopolyo at mga oligopolyo ng mga industriya na itinatag ng mga crony ni Marcos lalo na sa mga industriyang buko at asukal.[27] Noong 1986, nangako si Aquino ng isang reporma sa lupain. Bago ng pagluklok ni Aquino, ang halos 20 porsiyento ng populasyon ay nagmamay-ari ng 80 porsiyento ng lupain.[27] Noong 1988 ay nilagdaan ni Aquino ang Comprehensive Agrarian Reform Program na ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas na pinanaigan ng mga kasaping mambabatas nitong nagmamayari ng mga lupain.[27] Ang batas ay nagbabahagi ng mga lupain sa mga manggagawang magsasaka mula sa mga may ari ng lupain na babayaran ng pamahalaan ngunit pumapayag rin sa mga may ari ng lupain na magpanatili ng hindi higit sa 5 hektarya ng kanilang lupain. Sinasabing ang batas na ito ay kumikiling sa mga may ari ng lupain gaya ng opsiyong pagbabahagi ng stock na pumapayag sa mga may ari ng lupain na makaiwas sa pagbebenta ng kanilang lupain at sa halip ay magbabahagi ng stock sa kanilang mga manggagawa sa loob ng 30 taon. Ito ay nag-iwan pa rin sa mga may ari ng mga malalaking pribadong lupain at kanilang mga pamilya na may kontrol ng kanilang lupain. Ang Hacienda Luisita na isang 6,453-hektaryang lupain na pagmamayari ng pamilya ni Corazon Aquino sa Tarlac ay hindi ipinamahagi sa mga manggagawa nito ngunit namahagi lamang ng stock sa mga manggawa nito. Marami ring mga may ari ng lupain ay sumunggab sa pagkakataon na ipagbili ang mga hindi kanais nais nilang lupain sa pamahalaan sa labis na mataas na halaga. Inangkin ng mga administrador ni Aquino na nailipat nila ang halos isang milyong hektarya ng lupain mula 1998 hanggang 1992 ngunit ang kalahati nito ay mula sa hindi produktibong lupain at kaunti ng 2 porsiyento nito ang inaatas. Nabigo ang pamahalaan ni Aquino na makaakit ng pamumuhanang pandayuhan sa panahon ng pagsulong ng mga nito sa Timog Silangang Asya.[27] Ang mga karatig na bansa ay lumago mula sa mga pamumuhanang ito samantalang ang Pilipinas ay nanatiling matamlay. Sinasabing ang Pilipinas ay nalampasan ng mga pamumuhunang pandayuhan dahil sa kawalang katiyakan ng politika sa Pilipinas gayundin sa mga naglilimitang mga regulasyon ng pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa pamumuhunang pandayuhan.[27] Sa ilalim ni Aquino, ang mga sistema ng korupsiyon ng nakaraang administrasyon ni Ferdinand Marcos ay hindi rin nasugpo at ang cronyismo, padrino at paboritismo ay nananatiling nasa lugar