Alamat NG Uling
Alamat NG Uling
Alamat NG Uling
nina
Raizza Nagayo
Jacqueline De Guzman
Noong unang panahon, sa malayong bayan ng probinsya ng Bulacan nakatira ang pamilya
Perez. Na kung saan isa sila sa pinakakilalang pamilya sa probinsya ng Bulacan. Ang mag-
asawang sina Alfonzo at Flor ay namamahala ng isang malaking pabrika ng mga gulong. Mahigit
limang taon din silang nagsasama ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak. Hanggang
sa dumating ang araw na naglihi si Flor. Masayang-masaya ang dalawa dahil dumating na ang
araw na kanilang hinihintay. Ngunit habang lumalaki ang bata ay nagiging mapanghusga ito. Si
Suling ay lumaking napakagandang bata, maputi at matalino. Maraming lumalapit sa kanya upang
makipagkaibigan, ngunit lahat ng ito ay kanang hinuhusgahan at inaapi. Isang araw napapansin ni
Suling na nagbabago ang kanyang kulay at anyo. Ang kanilang pabrika ay unti-unting nalulugi
dahil sa sobrang itim ng usok nito ay ipinasara ng gobyerno dahil sa nakakasama ito sa kalusugan
ng mga taong nakapaligid dito. Hanggang isang araw nalaman ni Suling na pinaparusahan siyia
dahil sa panghuhusga at panlalait niya sa mga taong gustong mapalapit sa kanya at nalaman rin
niya na siya ang may kasalanan, kung bakit ipinasara ang pabrikang pagmamay-ari ng kanyang
mga magulang. Matapos ang paghihirap na nararanasan ng kanyang buong pamilya ay
nagdesisyon si Sulin na siya na lang ang maghirap. Matapos sabihin ni Saling ang lahat ng iyon
ay nakaramdam siya ng pagbabago sa kanyang katawan, dumilim ang kanyang paningin hanggang
sa nawalan siya ng malay. Binuksan ng mga magulang ni Suling ang kwarto nito matapos silang
makarinig ng hiyaw mula roon. Nagtaka ang mga ito kung bakit wala siya roon at isang kakaibang
bagay ang Nakita nila. Doon ay napag-alaman nila na ang bagay na iyon ay katulad ni Suling.
Kung gaano kaitim ang usok ng kanilang pabrika ay nakasingkulay si Suling kaya tinawag nila
itong uling na nagmula sa pangalan ni Suling. At dito nagmula ang alamat ng Uling.
Alamat ng Saging
nina
Reah Jlyn Y. Sanchez
Lloyd Ivan H. Juayang
Noong unang panahon may isang bata na laging maganda ang kasuotan. Siya si Samuel,
lagi na lang siyang may magandang kasuotan, kapag may baong labas na damit ibinibili agad ng
kanyang mga magulang at lahat ng kanyang bagong gamit ay kanyang iniyayabang sa kanyang
mga kaibigan at isang araw sinama siya ng kanyang magulang na bumili ng damit at bago sila
pumasok sa mall may Nakita silang pulubi, sabi ng pulubi Palimos po, pwede pong manghingi
ng limos pangkain ko lang po. Eto po ang 50.00, pasensya na po kayo, sumagot naman si
Samuel, nanay, bakit mo po binigyan yang gusgusin na pulubi nay an? Ang baho baho. Bwisit
na buwisit na sabi ni Samuel at pumasok na ang mag-ina sa mall ang hindi nila alam ay isang
ermetanyo ang pulubi, sabi ng ermetanyo Magsisisi ka bata sa sinabi mo dahil sa isang ka hangal,
parurusahan kita. Sabi ng emertanyo kay Samuel. Dahil sa sinabi ni Samuel siy ay
mapaparusahan ng walang hanggang kaparusahang pumasok ang mag-ina sa mall. Si Samuel ay
namili na ng knayang mga damit, binili na niya lahat ng gusto niyang damit at sabi niya sa kanyang
ina, Nanay, pwede po bang bilan nyo ko ng maraming damit? Pag ako po ay binilan nyo hindi na
po ako hihiling ng kahit na ano sa inyo at hindi na rin po ako magpapabili sa inyo ng damit. Ang
sabi ni Samuel sa kanyang ina. At sabi ng kanyang ina, Sige anak, bilin mo na yung gusto mong
damit. Ang hindi alam ni Samuel kaya pumayag ang kanyang ina na bilin lahat ng gusto niyang
damit dahil malapit na rin ang kanyang birthday ni Samuel at nang natapos na ni Samuel ang
kanyang mga bibilin ang mag-ina ay nagpahinga na at sabay sila na kumain at sabi ni Samuel,
Nay, Salamat po ah, dahil binili nyo yung mga damit na gusto ko dahil po ditto hindi na po ako
hihiling ng kahit na ano sa inyo, at hindi na rin ako po hihiling ng regalo sa birthday ko,
ipandagdag nyo na lang po yung mga perang magagastos sa birthday ko sa babayarin natin ditto
sa bahay. Ang hindi ala ni Samuel ay itutuloy pa rin ang kanyang ina ang paghahanda sa kanyang
kaarawan. Naghahanda na ang kanyang ina para sa espesyal na araw ng kanyang anak bukas.
Napatanong ang kanyang ina sa sarili, magugustuhan kaya ng aking anak ang mga ihahanda ko
para bukas? at dumating na ang pinakhihintay ng kanyang anak at habang naghahanda ang
kanyang ina bigla niya na lang napansin na hindi pa niya nakikita ang anak simula kagabi. At
lumabas ang kanyang ina, hinahanap si Samuyel at bigla siyang may nakitang kakaibang puno sa
kanila, hindi lang muna niya pinansin at patuloy pa rin siyang naghanap at nang hindi niya nahanap
siya bumalik sa kanila ngunit may Nakita siyiang bunga na kulay dilaw na siyan ring suot ni
Samuel, nang mawala siya at pumitaas ng bunga ang kanyang ina ng Nakita ang loob ng bunga
na mya korte sa balat ni Samuel, sa sobrang lungkot ang pulubi na isa palang ermetanyo, ako ang
nagparusa sa iyong anak sa isang hangal, mayabang, mapangmaliit, nararapat lang isyang
parusahan sa kanyang mga nagawa.
Ang puno na ito ay tatawagin mong saging, nahango sa pangalan na Samuel.
Kaya doon nagmula ang Alamat ng Saging
Gintong aral: Matutong magbigay kung anong meron ka at wag magyayabang sa lahat ng bagay.
Alamat ng Pag-ibig
nina
Kleah Mariah A. Nery
Denise M. Aguiflor
Gintong Aral: Hindi matutumbasan ng kahit ano, kahit na sino ang pagmamahal ng isang tao
dahil kung mahal mo ipaglaban mo.