Ap Report

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-KULTURAL

Mabilis na tinangkilik ng mga mamamayan sa developing countries ang paggamit


ng cellular phones o mobile phone na nagsimula sa mauunlad na bansa. Partikular dito
ang mga bansang tulad ng Pilipinas, Bangladesh at India.
Advantages ng paggamit ng Cellular phones :
• Mabilis na nakahihingi ng tulong sa panahon ng pangagailangan
• Mabilis na transaksiyon sa pagitan ng mga tao.

Ayon sa pag-aaral ni Dr. Pertierra, marami sa mga cellphone users ay hindi


lamang itinuturing ang cellphone bilang isang communication gadget, ito ay nagsisilbi
ring ekstensiyon ng kanilang sarili kaya naman hindi madaling maihiwalay ito sa kanila.

Kung mabilis na binago at binabago ng mobile phone ang buhay ng maraming


gumagamit nito, higit na pagbabago ang dinala ng computer at internet sa nakakarami.
• Napabilis ang pag-aaplay sa mga kompanya
• Pag-alam sa resulta ng pagsusulit sa kolehiyo at pamantasan
• Pagkuha ng impormasyon at balita
• Pagbili ng produkto at serbisyo na mas kilala sa tawag na e-commerce
Kaugnay sa pagdami ng mga mobile phones at computer ay ang mabilis na
pagdaloy ng mga ideya at konsepto patungo sa iba’t ibang panig ng mundo dahil ito ay
nasa digitized form.
Ang mga ideyang ito ay nakapaloob sa iba’t ibang anyo tulad ng :
• Musika
• Pelikula
• Larawan
• E-books
at iba pa na makikita sa iba’t ibang social networking sites at service provider.
Ang mga awitin, pelikulang palabas sa telebisyon, viral videos at pictures, hashtags,
memes at mga tulad nito ay ilan lamang sa mga mabilis na kinokonsumo gamit ang
electronic device na may internet access.
Sa kasalukuyan, dama rin sa Pilipinas ang impluwensiyang kultural ng Koreans sa anyo
ng Pop Culture dahil sa mga sikat na pelikula, Korean novela, K-pop culture, at mga
kauri nito.
Ang pag-usbong ng mga social networking sites tulad ng facebook, twitter,
instagram ay ang pagbibigay ng mga ordinaryong mamamayan na ipahayag ang
kanilang saloobin sa iba’t ibang paksa o usapin.
Netizen – terminong ginagamit sa taong gumagamit ng social networking site bialng
midyum o entablado ng pagpapahayag.
Ang mga tao na nagkokonsumo ng isang bagay o ideya habang nagpo-produce
ng bagong ideya ay tinatawag na prosumers.
Mga suliranin ng Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-Kultrual:
• Pagkalat ng iba’t ibang uri ng computer viruses at spam
• Intellectual dishonesty
• Ginagamit ng ilang terorista at mga kriminal ang internet bilang kasangkapan sa
pagpapalaganap ng takot at karahasan sa mga target nito.

You might also like