Uri Katwiran
Uri Katwiran
Uri Katwiran
L A R A N G A N N G F I L I P I N O
Prof. Rafael Leal Santiago, Jr., MAT
___________________________________F I L I P 1 3__________________________________
PAGTALAKAY - PAGSASANAY
PANGALAN:_______________________________________________________________ PETSA: ___________________________
Isang paraan ng pagpapahayag ng katotohanan o ng isang opinyon. Ito ay pagbibigay ng dahilan, kadahilanan o katwiran sa isang bagay o nagawang kilos o
galaw. Ang pangangatwiran ay isa ring sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at magandang pananalita ay makatutulong upang mahikayat na
pankinggan, tanggapin at paniniwalaan ng nakikinig ang nangangatwiran.
Bilang isa sa apat na batayang anyo ng pagpapahayag ay naiiba sa paglalahad, pagsasalaysay, at paglalarawan.
Layunin nito na:
1. hikayatin ang mambabasa na umayon sa kanyang opinyon o kuro-kuro;
2. baguhin ang pag-iisip ng mambabasa;
3. upang mapagtibay ang dating pinaniniwalaan;
4. impluwensiyahan ang kanilang pag-uugali at pagkilos sa pamamagitan ng mga makatwirang pahayag.
1. Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad. Inilahad dito ang magkatulad na katangian, sinusuri ang katangian, at pinalulutang ang katotohanan.
Ang nabubuong paglalahat sa ganitong pangangatwiran ay msasabing pansamantala lamang at maaaring mapasinungalingan. Maaring maging
pareho ang pinaghahambing sa isa lamang katangian subalit magkaiba naman sa ibang katangian.
Halimbawa: Si Atty. Santiago ay mabuting abugado dahil ang ama at ina niya ay mahuhusay ring mga abugado.
2. Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi. Nananalunton ito sa paniniwalang may sanhi kung kaya nagaganap ang
isang pangyayari. Halimbawa: Ang mga estudyante ay bumagsak sa pagsusulit dahil hindi sila nagbalik-aral.
3. Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay. Napapalooban ito ng mga katibayan o ebidensyang higit na magpapatunay
o magpapatutuo sa tinutukoy na paksa o kalagayan.
Halimbawa: Si Jahrakal ang salarin sapagkat sa kanya ang nakuhang tsinelas sa tabi ng bangkay ni Huskar. Kay Jahrakal din ang buckle ng
sinturong siyang ipinamalo sa namatay na natagpuan sa di-kalayuan sa lugar ng krimen. Si Jahrakal ay nakagalit ng biktimang si Huskar.
Halimbawa:
1. Dumadami na ang populasyon sa Pilipinas kailangan ng magtatag ng Batas na kailangan sa isang pamilya ay hanggang tatlo na lamang anak
2. Ang lahat ng hayop ay nilikha ng Diyos. Ang aso ay isang uri ng hayop kung gayon ang aso ay nilikha ng Diyos.
3. Kung masama kang Kristiyano, hindi ka makakapunta sa langit. Si Santino ay hindi masamang Kristiyano. Makakarating si Santino sa langit.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-
PAG SASANAY
Mula sa pagtalakay sa DALAWANG URI NG PANGANGATWIRAN. Kilalanin kung anong uri ng pangangatwiran ang ipinahayag sa bawat bilang. Isulat ang
I R kung inductive reasoning (pabuod na pangangatwiran), samantalang D R kung deductive reasoning (pasaklaw na pangangatwiran).
_____ 1. Lahat ng Katoliko ay Kristiyano. Si RJ ay Katoliko. Si RJ ay Kristiyano.
_____ 2. Alin sa dalawa, si Jose ay Kristiyano o Muslim. Si Jose ay hindi muslim. Si Jose ay Kristiyano.
_____ 3. Si Elsa ay nakagat ng aso. Kaya si Elsa ngayon ay takot sa sa lahat ng aso.
_____ 4. May kasabihan sa ingles na, An apple a day keeps the doctor away. Si Olaf ay kumakain ng mansanas araw-araw. Kaya si Dr. Chief ay hindi
kailangan.
_____ 5. Lahat ng tao ay mortal. Si Bella ay tao. Si Bella ay mortal.
_____ 6. Si Joy ay umaalis ng bahay patungong CSB ng 6:30 ng umaga. Si Joy ay palaging nasa oras kung dumating sa paaralan. Kayat sa nabuo
niyang palagay, siya ay hindi mahuhuli kung aalis siya ng 6:30 ng umaga.
_____ 7. Bachelor ang tawag sa lalaking walang asawa. Si Jacob ay walang asawa. Kung gayon, si Jacob ay bachelor.
_____ 8. Lahat ng manlalaro ng basketball sa koponan ng BLazers ay matatanggad, kayat lahat ng manlalaro ng basketball ay matatangkad.
_____ 9. Kung ang quadrilateral ay may apat na gilid. Samakatuwid ang parisukat (square) ay quadrilateral.
_____ 10. Si Mak ay isang mahusang na manlalangoy (swimmer). Ang pamilya nila Mak ay mayroong swimming pool. Kaya, ang kapatid ni Mak na si
Don ay isang mahusay rin na manlalangoy.
_____ 11. Lahat ng bilang (number) na EVEN ay divisible sa dalawa (2). Ang dalawamput walo (28) ay EVEN. Kayat ang 28 ay divisible sa 2.
_____ 12. Sa tuwing kumakain ka ng mani (peanut), namamaga ang iyong lalamunan at nahihirapan ka nang huminga. Kaya naman, ikaw ay allergic
sa mani.
_____ 13. Sa matematika (mathematics), A = B at B = C, kaya A = C.
_____ 14. Ang mga ahas ay bayabag (reptiles), at ang mga bayabag ay nagtataglay ng dugong malamaig (cold-blooded); kaya, ang mga ahas ay may
malalamig na dugo.
_____ 15. Ang kakto (cactus) ay isang halaman, at lahat ng halaman ay nakabubuo posintesis (photosynthesis) o ang pamamaraang ginagamit ng mga
halamang may kloropil (chlorophyll) sa kanilang mga sihay (cell); kaya ang kakto ay nakabubuo ng potosintesis.
_____ 16. Lahat ng bilang (number) na nagtatapos sa 0 at 5 ay mga nahahati (divisible) sa 5. Ang bilang 35 ay nagtatapos sa 5, kaya ito ay divisible
sa 5.
_____ 17. Lahat ng noble gasses ay matatag (stable) , at ang helyo (helium) ay isang noble gas , kaya ang helyo ay matatag.
_____ 18. Ang red meat ay may iron na mahalagang mineral na kailangan ng katawan , at ang karne ng baka ay red meat. Kayat ang karne ng baka ay
nagtataglay ng iron.
_____ 19. Ang acute angle ay hindi hihigit (less than) sa 90 degri at ang angle nito ay 40 degri kayat ito ay acute.
_____ 20. Kalahati ng aking mga Latinong kaibigan ay ilegal na mga immigrant. Kaya, kalahati ng mga Latinong immigrant sa Piipinas ay ilegal.