CO2 EPP - DLP-Dajero

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Division of General Santos City

Apopong District
NEW SOCIETY CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
General Santos City

Banghay Aralin sa EPP 5

Name: GUILLAN A. DAJERO Baitang at Pangkat: 5 - DAJERO


Petsa: Marso 1, 2023 - Miyerkules Oras: 10:20AM-11:10PM

I. LAYUNIN:
A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang kaalaman at kasanayan upang maging matagumpay na entrepreneur.
B. Pamantayang Gawain
Mapahusay ang isang produkto upang maging iba sa iba.
C. Learning Competencies
Natutukoy ang mga taong nangangailangan ng angkop na produkto at serbisyo CODE: (EPP5IE0a-3)

II. PAKSA: Mga Taong Nangangailangan ng Angkop na Produkto at Serbisyo


a. Sanggunian: EPP K-12 Most Essential Learning Competency (3rd Quarter)
b. Kagamitan: Powerpoint presentation, videos, pictures, chart

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtala ng liban
3. Pampasigla
4. Pagtatakda ng Pamantayan
5. Motivation: (Hulaan mo!)
- Basahin at unawaing mabuti ang Comic strip.
- Alamin kung ano ang kanyang pinahuhulaan;

Ordinaryong tao lamang ako, may mga pangangailangan


at kagustuhang material sa buhay. Hanap ko’y produkto
at serbisyong makatutugon sa pangangailangan at
kagustuhan ko. Kapag iyong natugunan aking
pangangailangan, ikaw ay aking tatangkilikin
magpakailanman. Sino ako?

Balik-aral: Produkto at Serbisyo (Pangkatang Gawain)


“MIND CRAFT”

 Ihanda ang mga mag-aaral sa pagsasanay.


 Ilahad sa mga mag-aaral na gagamitin ang gunting at papel upang gumupit ng mga hugis na
kailangan ng guro. Ang unang pangkat na makapagbibigay ng hugis ay mabibigyan ng
pagkakataon na sumagot at mabibigyan ng tatlong (3) puntos at isang (1) puntos naman sa
mga nahuli.
1. Ano ang tawag sa tagalaba ng mga damit, kumot at iba pa?
2. Anong uri ng trabaho ang tawag sa taong mahusay sa pagluluto?
3. Ano ang tawag sa isa sa mga produkto ng baka o kalabaw?
4. Ano ang tawag sa produkto ng sastre o mananahi?
5. Ano ang tawag sa tagapag-alaga ng iba’t ibang uri ng halaman?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
 Ipakita ang isang mapa. (Integration Araling Panlipunan)
 Bigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral na magpahayag ng kanilang ideya patungkol sa
kwento.

Anak, maaari
ka bang bumili
ng mga
sangkap kasi
magluluto ako
ng adobo?

Tanong: Ano kaya ang gagawin ni Ana?


Saang serbisyo kaya dapat pumunta si Ana?
Nasa anong direksyon ang palengke?
Bakit nga ba hindi sa istasyon ng pulis pumunta si Ana?
2. Presentasyon

 Ihanda ang mga mag-aaral sa pagsasanay.


 Ilahad sa mga mag-aaral na gagamitin ang mga strips na papel sa pagsagot.
Panuto: Pag-aralang mabuti ang mga salita. Tukuyin ang wastong pares ng mga salita batay
sa ugnayan ng mga ito.

1. Doctor:stethoscope ; guro: _______

2. Bola:manlalaro ; basket: _______

3. Barbero: _______ ; karpintero:martilyo

4. _______ :sasakyan ; kusinero:palayok

5. dyanitor:walis at dustpan ; _______: karayom at sinulid

C. Paglinang sa Kasanayan

1. Pagpapaunlad ng Kaalaman

 Pag-aralan at Intindihin: Iprisinta sa mga mag-aaral ang mga larawan ng isang tindahan na
may iba’t ibang produkto. Ilahad sa mag-aaral na gagamitin ang perang papel (Play money)
sa pagbili ng mga pangangailangan ng isang tao.
 Malayang Talakayan: Ipahayag ang tanong at hayaan ang mga mag-aaral na magbahagi ng
kanilang ideya batay sa mga larawan.

P100 P100 P50 P30

P70
P110 P80
P500
P80
P120
P250 P200 P1000
P250
P80 P200
P110 P130 P350 P100
 Alin sa mga produkto ang sa tingin mo’y kailangan ng isang buntis? sanggol? matanda? mag-
aaral?
 Magpakita ng bidyu na makakatulong sa pagpagpapalalim ng aralin.
Gabay na mga Tanong:

1. Sinu-sino ang mga binanggit sa bidyu?


2. Batay sa mga sagot niyo, mahalaga ba sa bawat isa ang mga naitala nyong pangangailangan
nila?Bakit?
3. Masasabi nyo bang kapaki-pakinabang ang mga ito? Bakit?
2. Gawin at Matuto

 Ilahad ang pamantayan sa pangkatang Gawain.


 Bumuo ng tatlong pangkat.
 Ipaliwanag ang pamantayan sa pagmamarka.
 Bigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral sa pagpiprisinta ng gawain.

Pamantayan para sa Pangkatang Gawain

 Igalang ang opinyon/ideya ng iba.


 Gumamit ng mga salitang kanais-nais
 Makipagtulungan sa lahat ng kasapi.
 Tapusin ang gawain sa ibinigay na oras.
 Pumili ng representante upang ipresinta ang gawain ng may kawilihan.
 Panatilihin ang kalinisan at kaayusan ng mga gawain.

B. Pangkatang Gawain: Bumuo ng tatlong pangkat at sikaping maipaliwanag ang bawat konsepto sa
iba’t-ibang pamamaraan.

Pamantayan sa Pagmamarka

Puntos Nakuhang Puntos


Pamantayan Deskripsiyon
Wasto at mayaman sa 10
Impormasyon impormasyon
Wasto ngunit hindi maayos ang 8
daloy ng impormasyon
Mababaw at hindi gaanong 6
nakikita ang ugnayan ng
impormasyon
Walang kaugnayan sa tanong ang 4
kasagutan
Walang impormasyong naibigay
2
Kabuuang Puntos 10
 Pangkat 1: TULA’y Alay Sayo!

Gawain: Gumawa ng tula tungkol sa mga pangangailangan na kailangan ng teenagers.

 Pangkat 2: Sumabay sa pag-awit!

Gawain: Gamit ang tono ng awiting Leron Leron Sinta, gumawa ng komposisyon tungkol sa
pangangailangan ng mga taong nasunugan.

 Pangkat 3: Balita Balita, Iuulat ko!

Gawain: Gumawa ng isang balita tungkol sa pangangailangan ng mga taong may karamdaman.

D. Paglalapat

Sa kasalukuyang panahon at sitwasyon ng bansa, anu-ano ang mga pangangailangang produkto at


serbisyo ng iyong pamilya? Isulat ito sa inyong kwaderno.

IV. Pagtataya

Panuto: Tukuyin kung sino ang taong nangangailangan ng produkto at serbisyo sa mga sumusunod na
sitwasyon. Pumili sa loob ng kahon at isulat ang titik sa patlang.

____1. Sapat na floor wax, walis, mop at ibang panlinis.

____2. Malinis na bote, tsupon, at mga bitaminang pampalakas at pampasigla.

____3. Maayos na sasakyan at murang gasolina.

____4. Maayos na panggagamot sa isang klinika o ospital.

____5. Malinis at kumpletong gamit sa paggawa ng tinapay.

____6. Kumpletong gamit pang-eskuwela.

____7. Matibay at kumpletong gamit sa pagbabantay ng paaralan.

____8. Sapat na kagamitang pangturo.

____9. Malinis, mabango at matibay na kagamitang panlinis ng ngipin.

____10. Kompleto at matibay na kagamitan tulad ng martilyo, lagari, at iba pa.


A. Gwardiya B. Doktor C. GuroD. Dentista E. Dyanitor
F. Panadero G. Mag-aaral H. Drayber I. Sanggol J. Karpentiro

V. KARAGDAGANG GAWAIN:

Punan ang K-W-L tsart na nasa ibaba. Kopyahin at gawin ito sa iyong
kwaderno.

K W L
Sinu-sino ang mga taong alam Ano ang gusto mong malaman Ano ang natutunan mo
mo na nangangailangan ng sa mga taong nangangailangan tungkol sa mga taong
angkop na produkto at ng angkop na produkto at nangangailangan ng angkop na
serbisyo? serbisyo? produkto at serbisyo?

VI-MGA TALA __________________________

VII-PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya ___________________________________

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan


ng iba pang gawain para sa remediation. ___________________________________

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng


mag-aaral na nakaunawa sa aralin. ___________________________________

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa remediation? ___________________________________

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo


nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong? _________________________________

F. Anong suliranin ang aking naranasan na


solusyunan sa tulong ng aking punungguro
at superbisor? __________________________________

G. Anong kagamitan panturo ang aking


nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro? __________________________

Checked and Observed:

__________________________
PORTIA P. FRANCO
Master Teacher I

You might also like