COT Filipino5 Uri NG Pangungusap

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

School: BAGONG SIKAT INTEGRATED Grade Level: FIVE

SCHOOL
LESSON PLAN Teacher: SHARMAINE S. LACANARIA Learning Area: FILIPINO
Date/Time: Quarter: FOURTH

I. OBJECTIVES
A. Content Standards Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan,
mapanuring pag-iisip at, pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa
pamamagitan ng iba’t ibang teksto/ babasahing lokal at pambansa.
B. Performance Standards Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan,
mapanuring pag-iisip at, pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa
pamamagitan ng iba’t ibang teksto/ babasahing lokal at pambansa.
C. Learning Competencies MELC: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa
isang usapan (chat) F5WG-IVf-j-13.6
1. makagagamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa
isang usapan
2. makabubuo ng sariling pangungusap sa pagsali sa usapan
II. CONTENT Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng Pangungusap sa Pagsali sa Isang Usapan
(chat)
LEARNING RESOURCES
A. References
1. MELC K-to-12 MELC Guide page 164
2. Learner’s Material
3. Textbook
4. Additional Materials ADM Araling Panlipunan Module 4: Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng
from LRMDS Pangungusap sa Pagsali sa Isang
Usapan (chat)
B. Other Learning Resources Interactive PowerPoint presentation
Puzzle
Kanta
Videoclip
Spin
III. PROCEDURES
A. Reviewing past lesson or  Panalangin
presenting the new lesson  Setting of Standards
 Balik Aral
Kilalanin ang lipon ng mga salita. Isulat sa sagutang papel ang Par
kapag ito ay parirala at Pang naman kung ito ay pangungusap.

1. ang mahiyaing mag-aaral


2. Masaya ang mga magkakaibigan sa kanilang nakuhang marka.
3. sa ilalim ng tulay nakatira
4. ang mga kalahok sa paligsahan
5. Tulong-tulong ang lahat para sa ikabubuti ng sambayanan.
B. Establishing a purpose of the Sundan ang kantang pinamagatang “Hello, Hello, How Do You Do”
new lesson ( Motivation)
https://www.youtube.com/watch?v=AV7ZDeGXXY0

Ano ang kahalagahan ng pakikipag-kamay sa ibang tao?


Paano ito nakakatulong sa pakikipag-kapwa?
C. Presenting examples/ Basahing mabuti ang dayalog. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong.
instances of the new lesson Isulat ang sagot sa sagutang papel.
AY, SUWERTE!

JOSE: Inay, maaari po ba akong magpunta sa lumang basketball court


at maglaro?

INAY: Sige anak, kaya lamang ay huwag mong pabayaang matuyo ang
pawis sa iyong likod. Idaan mo itong ginataan kay Mareng Sela.

JOSE: Opo. (pasipol-sipol pa si Jose dala ang bola at mangkok ng


ginataan). Uy, singkuwenta pesos! Kanino kaya ito? Kay Inay? Ah, dina
bale, akin
na ito! Napulot ko ‘to. Ibibili ko ng kendi sina Carlo, Oscar, May, at
Grace. Inay!
Pag-uwi ng bahay…

JOSE: Nawalan po ba kayo ng pera? Singkuwenta pesos, o! Napulot ko


sa tabi ng pinto.

INAY: Naku, salamat Jose! Kanina ko pa nga iyan hinahanap. Maraming


salamat. (Hahalikan si Jose.)
D. Discussing new concepts and Tanong:
practicing new skills no. 1 1. Ano ang napulot ni Jose?
2. Ano ang una niyang naisip gawin tungkol dito?
3. Ano ang tawag natin sa umaangkin ng bagay na hindi nila
pagmamay-ari?
4. Kung ikaw si Jose, gayon din ba ang iyong gagawin?
5. Anong uri ng bata si Jose? Patunayan.
6. Paano ginamitang pangungusap sa usapan?
7. Magkatulad ba ang paraan ng paggamit sa pangungusap?
8. Ano ang ipinapahayag ng bawat pangungusap?
9. Anong bantas ang ginamit sa hulihan ng bawat pangungusap?

E. Discussing new concepts and Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salita na may paksa at
practicing new skills no. 2 panaguri at nagsasaad nang malinaw na diwa. Tandaan na sa ating
pagpapahayag ng ating mga kaisipan, tayo’y gumagamit ng iba’t ibang
uri ng pangungusap ayon sa gamit. Narito ang mga uri ng pangungusap
ayon sa gamit.

1.Pasalaysay – nagsasalaysay o naglalarawan ng isang pangyayari. Ito’y


nagtatapos sa bantas na tuldok (.).
Hal.
Ang gulay at prutas ay mainam sa ating katawan.
Maraming gulayan sa aming probinsiya.

2.Patanong - nagtatanong ito o humihingi ng kasagutan. Nagtatapos ito


sa tandang pananong(?).
Hal.
Kanino kaya ito?
Magkano ang supot ng tinapay?

3.Pautos - nag-uutos o nakikiusap. Nagtatapos ito sa bantas na


tuldok(.).
Hal.
Huwag mong pabayaang matuyo ang pawis mo.
Kumain ka ng prutas at gulay araw-araw.

4.Padamdam - nagsasaad ito ng matinding damdamin tulad ng tuwa,


lungkot, pagkagulat, at iba pa. Nagtatapos ito sa tandang pandamdam
(!).
Hal.
Uy! Singkuwenta pesos!
Naku, ang daming insekto!

Tukuyin kung ang sumusunod ng pangungusap ay pasalaysay,


patanong, pautos o padamdam.
1. Ang mga rebelde ay nagdudulot ng takot sa mamamayan.
2. Kaya ba nilang manakit ng mga inosenteng tao?
3. Naku, maraming naapektuhan sa pangyayaring ito!
4. Puwede bang tumulong ang mga mamamayan sa bagay na ito?
5. Sino ang maaari nating hingan ng tulong upang matapos ang
kaguluhang ito?
F. Developing Mastery (Leads Suriin ang mga pangungusap. Tukuyin kung anong uri ng
to Formative Assessment) pangungusap ang mga sumusunod na pahayag. Gamitin ang
spinning wheel para malaman kung sino ang sasagot sa bawat
bilang.

____ 1. Aray, ang sakit!


____ 2. May kumagat ba sa iyo?
____ 3. Kinagat yata ako ng langgam.
____ 4. Huwag kang tumayo riyan.
____ 5. Pakikuha nga ang gamot sa loob ng bahay.

G. Finding Practical Application Pangkatang Gawain:


of concepts and skills in daily Pangkat 1: Basahin at kumpletuhin ang sumusunod na pag-uusap o
living. chat gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap.
SILINA: Maaari po bang magtanong?
SANDRA: ___________________________________________________
SILINA: Naliligaw po kasi ako?
SANDRA: ____________________________________________________
SILINA: Pupunta po sana ako sa simbahan subalit hindi ko po alam ang
daan?
SANDRA: Ang tinutukoy mo bang simbahan ay ‘yong bagong gawa
lamang?

SILINA: _____________________________________________________
SANDRA: Naku! Lumagpas ka na.
SILINA: Ganun po ba?
SANDRA: Lumakad ka pabalik tapos kumaliwa sa pangalawang kanto.
Sa ikalawang bloke ay makikita mo ang bagong gawang simbahan.
SILINA: ______________________________________________________

Pangkat 2:
Ang mga sumusunod na jumbled letters ay mga uri ng pangungusap.
Buuin ang mga ito at sabihin kung anong uri. Pagkatapos, gumawa ng
tig dalawang halimbawa nito.

1. tapanong
2. dampadam
3. saypasalay
4. uptosa

Pangkat 3:
Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap. Gamitin ang mga sumusunod
na titik: PS (pasalaysay), PT (patanong), PD (padamdam), PU (pautos),
at PK (pakiusap).
____ 1. Mukhang hindi pa ito marunong lumipad.
____ 2. Pakisabi po sa akin kung may nakita kayong pugad.
____ 3. Ipasok mo muna ang sisiw sa loob ng bahay.
____ 4. Umaambon na po ba?
____ 5. Ay, mababasa ang mga sampay ko!

H. Making Generalization and Sagutin


abstraction about the lesson Ano ang mga uri ng pangungusap?
Ano angkahalagahanng mga uri ng pangungusap sa ating
pakikipag-usap sa ibang tao?
IV. EVALUATING Panuto: Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap. Gamitin ang mga
LEARNING sumusunod na titik: PS (pasalaysay), PT (patanong), PD (padamdam),
PU (pautos), at PK (pakiusap).
1. Nawalan ng kuryente sa Barangay San Mateo.
2. Ay, ang dilim!
3. Pakikuha ang mga kandila at posporo sa kusina.
4. Alam mo ba kung nasaan ang flashlight?
5. Aray, inapakan mo ang paa ko!
6. Sindihan mo na ang mga kandila.
7. Kailan kaya babalik ang kuryente?
8. Naku, sana hindi buong gabi ito!
9. May balita ka bang narinig tungkol sa brownout?
10. Makinig ka sa radyo ng cellphone mo.
V. ASSIGNMENT Sumulat ng 10 na pangungusap sa kuwaderno na makukuha sa iyong
pag-uusap sa inyong bahay. Tukuyin kung anong uri ito.

You might also like