Epp 5 LM1Q4
Epp 5 LM1Q4
Epp 5 LM1Q4
Naipamamalas ang pagkatuto sa mga kaalaman at kasanayan sa mga gawaing pang-industriya tulad ng
gawaing kahoy, metal, kawayan, elektrisidad at iba pa.
Naisasagawa ng may kawilihan ng pagbuo ng mga proyekto sa gawaing kahoy, metal, kawayan, elektrisidad,
at iba pa
Para sa Modyul na ito, ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pamantayang pagkatuto kung saan pagkatapos
mong aralin ay iyong susuriin at lalagyan ng tsek ang kolum na naglalarawan ng iyong sariling pagkatuto.
Bilang isang mag-aaral ng Katolikong paaralan na may pagmamalasakit sa daigdig, ikaw ay inatasang
lumikha ng maikling panalangin upang and daigdig ay malayo sa sakit na dulot ng COVID-19.
_______________________________________________________________________________________________

Panalangin ng Mag-aaral
Panuto: Punan mo ang Initial at Revised na bahagi ng IRF ng iyong paunang kaalaman sa tanong.
Pokus na Tanong: Paano mo maipapakita ang iyong kasanayan sa mga gawaing pang-industriya tulad
ng gawaing kahoy, metal, kawayan, elektrisidad, at iba pa?
1|Page
LM_EPP5_Q4
INITIAL REVISED FINAL
Simulan Natin!
Basahin at Matuto
1. Kawayan-Pinakakilalang uri ng halaman. Matatag at makikita saan mang bahagi ng bansa. May 49 na uri at
walo nito ay karaniwang ginagamit sa Pilipinas.
Uri ng kawayan:
a. Anos- (Schizostachyum lima) Namumulaklak na uri ng kawayan.
b. Bayog- (Dendrocalamus merilliana) Kawayang tuwid, makintab at walang tinik. Ginagawang
papel nuwebles, bahay, basket at panggatong.
c.Botong- (Dendrocalamus latiflorus) Ginagawang bahay, tubong tubig, balsa, pangingisda at
papel.
d. Buho- (Schizostachyum lumampao) Tinatawag na sawali. Ginagamit sa paggawa ng flute,
handicrafts at iba pa
e. Kawayang Bolo- (Gigantochloa levis) Karaniwang nakakumpol sa isang lugar, mabalahibo at
ginagamit sa haligi at bubung ng bahay.
f. Kawayang Kiling-(Bambusa Vulgaris) Tuwid at may dilao na tangkay
g. Kawayang Tinik- (Bambusa Spinoza) May mga tinik. Maaari rin itong kainin at ipanggamot.
h. Giant Bamboo- (Dendrocalamus Asper) Karaniwang magaspang at nasa kumpol. Ito ay
ginagawang tulay, bahay, instrumentong musikal, chopstick, muwebles at lutuan.
2. Rattan- May kakayahang gumapang sa mga puno. Ginagamit sa paggawa ng kasangkapan sa bahay tulad ng
upuan, duyan, higaan, kabinet, at mga buslo.
3. Mga himaymay:
a. abaka- seda na gawa sa punong abaka. Ang fiber ay ginagawa sa paggawa ng sinulid, lubid, manila
paper at damit.
b. Buri- pinakamalaking palmera. Mapagkukunan ng “tuba”, pagkain, tabla, walis, basket,
c. Rami- Amiray o Ramie, ginagamit sa paggawa ng tela. Ang fiber nito ay mas matibay kaysa bulak.
d. Pinya-May taglay na pino, puti, labot at pagkasutla. Ang fiber ay ginagamit sa paggawa ng tela at
papel.
4. Niyog-Isang uri ng palmera. Tinatawag na “the tree of life” dahil sa dami ng gamit nito. Dito galing ang
virgin coconut oil, copra at panggamot sa may sakit sa pag ihi.
5. Kahoy- Tumutukoy sa matigas na bahagi ng puno. Ginagamit sa paggawa ng bahay. Halimbawa ng
matitibay na kahoy na ginagawang muwebles ay yakal, molave, narra at kamagong. Ang malalambot naman ay
lawan, palosapis dao at mahogany ay ginagawa sa paggawa ng kuwadro, papel at palito ng posporo.
6. Katad- Tumutukoy sa balat ng malalaking hayop. Ginagawang sapatos, dyaket atbp.
7. Metal- anumang uri ng elemento kagaya ng aluminum, pilak, ginto atbp
8. Seramika- Uri ng lupa na ginagamit sa mga produktong seramika o luwad. Ito ay pino, malagkit. Hurno ang
ginagamit upang maihulma sa gusto mong anyo.
9. Plastik- Ginagawa mula sa malawak na organic compound gamit ang prosesong polymerization. Mga
produkto ay plato, baso, lutuan, basket, kutsara at tinidor.
2|Page
LM_EPP5_Q4
10. Kabibe- isang uri ng matigas at pamprotektang panlabas na balat, kaham, balot o baluti. Karaniwang
ginagawang palamuti sa bahay, katawan, bag, wallet at iba pa.
11. Baging- ginagamit sa ibat- ibang produkto tulad ng kampanilya, niyog-niyogan haomin at kadina de amor.
Isa sa mga kasanayan sa paggawa ng matagumpay na proyekto ay ang pagpaplano. Mahalaga ang plano
ng isang proyekto. Dito nakasaad ang pangalan ng proyekto, mga kagamitan, layunin, bilang at halaga.
Dito rin makikita ang pamamaraan sa paggawa at krosis ng proyekto.
I. Pangalan ng Proyekto:
II. Layunin:
III. Guhit/Batayang Larawan:
IV. Kagamitan/Materyales
V. Kagamitan at Kasangkapan na Kakailanganin:
VI. Paraan ng Paggawa
VII. Puna
HALIMBAWA:
I. Pangalan ng Proyekto: Paggawa ng Extension Cord
II. Layunin:
1. Naipapakita ang tamang paraan ng paggawa ng extension cord
2. Napapanatili ang seguridad sa kaligtasan sa paggawa
Source:
https://www.howtogeek.com/303848/what-kind-of-extension-cord-should-i-use/
IV. Kagamitan at Materyales:
Long Nose
Wire cutter
Screw driver (flat head or Philips)
1 male plug
3 meters gauge #14 stranded wire
3|Page
LM_EPP5_Q4
VII. Puna:
Narito ang mga hakbang na dapat sundin kapag nagpaplano ng proyekto:
1. Gumawa ng batayang larawan na magiging gabay sa pagbubuo ng proyekto. Ilagay dito ang mga sukat
ng proyektong gagawin, mga inaasahang anyo ng proyekto kapag nataposat ang mga materyales na
ginagamit sa bawat bahagi.
2. Gumawa ng talaan ng mga materyales at iba pang kagamitang kakailanganin sa paggawa ng proyekto.
Gamitin ang batayang larawan upang malaman ang dami ng uri ng materyales na gagamitin. Pangkat-
pangkatin ang mga materyales ayon sa uri.
3. Itala ang mga pangunahing kasangkapan na kakailanganin sa paggawa ng proyekto. Alamin din ang iba
pang pantulong na kagamitang maaring kailanganin upang matapos kaagad ang proyektong gagawin.
4. Balakin ang pagkakasunud-sunod ng mga hakbang na gagawin sa pagbuo ng proyekto. Dapat alamin
nang mabuti ang mga hakbang sa paggawa ng napiling proyekto upang walang masayang na materyales
at upang marapos ito kaagad.
5. Isulat nang maayos sa papel ang lahat ng binalak tulad ng nabanggit sa naunang bilang. Ito ang gamiting
gabay habang ginagawa ang proyekto upang hindi maaksaya ang panahon, pera at lakas. Malaki ang
naitutulong ng pagtatala sa papel upang hindi malimutan ang mga bagay na binalak.
GAWAIN 1: Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag. Kung hindi wasto, isulat ang MALI
sa patlang.
Gawain 2: Panuto: Basahing mabuti ang mga impormasyon na nasa itaas. Isulat ang sagot sa patlang. (5 puntos
bawat tanong)
1. Paano dapat iplano ang proyektong gagawin mo? Isa-isahin ang mga hakbang na dapat mong gawin.
__________________________________________________________________________________________

GAWAIN 3: Direksyon: Iguhit ang kung tama ang isinasaad tungkol sa pagbubuo ng plano ng proyekto.
Iguhit naman ang kung mali ito.
PERFORMANCE TASK
Panuto: Sa inyong lugar, ikaw ay nabigyan ng isang proyekto para sa pagpapatayo ng street light sa inyong
buong barangay. Bilang isang Electrical Engineer, ikaw ay mag-iisip ng isang magandang plano para sa iyong
gagawing proyekto. Bumuo ng isang plano kung paano ito sisimulan. Gawin ito sa isang long bond paper.
TOTAL 50 puntos
IKSPS:
Panuto: Batay sa iyong napag-aralan, sagutin ang tanong na may kinalaman sa iyong pamumuhay.
Pokus na Tanong: Paano mo maipapakita ang iyong kasanayan sa mga gawaing pang-industriya tulad
ng gawaing kahoy, metal, kawayan, elektrisidad, at iba pa?
INITIAL REVISED FINAL
Binabati kita! Patunay na marami kang natutuhan sa modyul na ito kaya sa sunod na aralin batid kong
mawiwili ka rin sa ating gagawing paglalakbay.
Base sa araling ito, anu-ano ang iyong mga napagtanto sa buhay bilang anak ng Diyos? Sa ibaba, isulat
ang sariling repleksyon. Sa loob ng kahon ay may nakasulat na Bible verse na makakatulong sa iyo sa
pagsulat mo ng iyong repleksyon
Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka,
mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo. –
2 Timoteo 4:2
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________
Nais namin marinig mula sa iyo ang inyong komento at obserbasyon mo sa unang modyul.
Kung ikaw ay mayroong mga suhestiyon, malaya mo itong isulat sa nakalaang kahon.
Pakatandaan, tayo ay magkaisa sa modyul na ito.Ang inyong sagot ay lubos naming
ipapasalamat.
_____________________________________________________________________________________________

Ang bahagi na ito ay nakalaan lamang para sa iyong magulang o ang mga tagapatnubay na
6 dumadalo.
| P a g e Maaring isulat ang inyong obserbasyon base sa gawi na ipinakikita ng inyong anak
mula sa kanyang mga natutuhan o napag-aralan sa modyul. Maaari rin na ilahad ang inyong
suhestiyon o mga katanungan, kayo ay malaya na makakapagsulat ng iyong kasagutan sa
kahon sa ibaba.
LM_EPP5_Q4
Obserbasyon:____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
Tanong (Kung mayroon):__________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
Suhestiyon:_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
Cellphone Number:_______________________________
7|Page