EPP Entrep ICT4 V2 PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 40

(Entrepreneurship and Information

EPP and Communication Technology)


G4

1 PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas
sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang
maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang
pahintulot ng Kagawaran.

Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa


pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum
and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat
bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na
isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa
karapatang pampagkatuto.
Mga Tagasuri

PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4


PIVOT 4A Learner’s Material
Ikalawang Edisyon, 2022

EPP
(Entrepreneurship and Information
and Communication Technology)
Ikaapat na Baitang

Job S. Zape, Jr.


PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead
Virgilio O. Guevarra
Internal Reviewer & Editor
Fe M. Ong-ongowan, Jeewel L. Cabriga & Vien Lester L. Flores
Layout Artist & Illustrators
John Albert A. Rico & Melanie Mae N. Moreno
Graphic Artist & Cover Designer
Elpidia B. Bergado, Noel Ortega, Romeo Endraca, Pauline Mae D. Silva,
Fatima Aquino, Cristina A. Borela, Arvin Rocque D. De Castro,
Marianne P. Sekino, Jenny R. Brozo, Jhon Jien Mar M. Traviezo,
Vien Lester L. Flores, Carolina T. Zaracena. Gilbert C. Alva,
Jee-Ann Borines & Joe Angelo L. Basco
Schools Division Office Development Team

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON


Patnugot: Francis Cesar B. Bringas

PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4


Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material
Para sa Tagapagpadaloy
Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga
mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang EPP
(Entrepreneurship and Information and Communication
Technology). Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinegurong naaayon
sa mga ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa
paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa
pagpapakita ng kakayahang magtiwala sa sarili na kanilang magiging
gabay sa sumusunod na mga aralin.
Salamat sa iyo!

Para sa Mag-aaral
Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul
na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.
3. Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung
tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o
tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong magulang o
tagapag-alaga, o sinumang mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas


ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na
pang-unawa. Kaya mo ito!
PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4
Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul
K to 12 Learning
Nilalaman
Delivery Process
Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na
(Introduction)

Alamin resulta ng pagkatuto para sa araw o linggo, layunin ng


Panimula

aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na


halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling
kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang
Suriin
kailangan para sa aralin.

Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad,


Subukin gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa
(Development)
Pagpapaunlad

mag-aaral. Ang karamihan sa mga gawain ay umiinog


sa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay ng
Tuklasin mga kasanayan sa MELC. Layunin nito na makita o
matukoy ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya
alam at ano pa ang gusto niyang malaman at
Pagyamanin
matutuhan.
Ang bahaging ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-
aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at oportunidad
sa pagbuo ng kanilang mga Knowledge Skills, at
Isagawa
Attitudes (KSA) upang makahulugang
Pakikipagpalihan
(Engagement)

mapag-ugnay-ugnay ang kaniyang mga natutuhan


pagkatapos ng mga gawain sa Pagpapaunlad o D.
Inilalantad ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong
sitwasyon/gawain sa buhay na magpapasidhi ng
Linangin kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan,
gawing kasiya-siya ang kaniyang pagganap o lumikha
ng isang produkto o gawain upang ganap niyang
maunawaan ang mga kasanayan at konsepto.
Iangkop
Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral sa
proseso ng pagpapakita ng mga idea, interpretasyon,
Isaisip pananaw, o pagpapahalaga upang makalikha ng mga
(Assimilation)

piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng kaniyang


Paglalapat

kaalaman sa pagbibigay ng epektibong repleksiyon, pag-


uugnay, o paggamit sa alinmang sitwasyon o konteksto.
Hinihikayat ng bahaging ito ang mag-aaral na lumikha
ng mga estrukturang konseptuwal na magbibigay sa
Tayahin
kaniya ng pagkakataong
pagsama-samahin ang mga bago at dating natutuhan.

Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabay sa


pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit na
pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa
tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng
Worktext at Textbook na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng Kagawaran
ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid ng kaalaman
tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI.

PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4


WEEKS
Entrepreneurship
1-2 Aralín
I
Ang entrepreneurship ay isang mahalagang kasanayan na dapat
malinang ng bawat isa. Sa araling ito, tatalakayin natin ang
kahalagahan ng entrepreneurship sa kontekstong madali nating
mauunawaan. Tatalakayin din ang sariling mga kakayahan na magagamit
sa paghahanapbuhay. Dito ay pag-aaralan ang kahulugan at
kahalagahan ng entrepreneurship. Hihimayin upang lalong maunawaan
ang kahulugan at kahalagahan nito sa larangan ng kalakalan.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang: (a) maipaliwanag ang kahulugan
at kahalagahan ng ‘entrepreneurship’; (b) matalakay ang mga katangian
ng entrepreneur; at (c) matalakay ang iba’t ibang uri ng negosyo.

ENTREPRENEURSHIP

Ano ang Entrepreneurship?


Ang Entrepreneurship ay tumutukoy sa paggawa at pagpapalago ng
negosyo o ng mga negosyo upang kumita rito. Sa modernong panahon, ang
entrepreneurship ay tinutukoy rin bilang isang hakbang upang mas
mapaunlad ang mundo sa pamamagitan ng paglutas ng malalaking
suliraning hinaharap nito.

Ang entrepreneurship ay isang sining at kakayahan sa


pagnenegosyo. Ang pagnenegosyo ay hindi madaling gawain subalit
makakatulong ang kaalaman sa iba’t ibang salik na dapat isaaalang-alang
sa pagnenegosyo.
Ano ang kahulugan ng Entrepreneur?

Ang salitang entrepreneur ay hango sa salitang French na


“entreprende” na nangangahulugang isagawa. Ang isang entrepreneur ay
isang indibidwal na nagsasaayos, nangangasiwa at nakikipagsapalaran sa
isang negosyo. Dapat magkaroon ang isang nagnanais maging
entrepreneur ng determinasyon, kaalaman sa negosyo, at marketing skills
upang ang produkto ay maging kapakipakinabang, serbisyo at maganda,at
kumikita ang negosyo.

Ang entrepreneur ay ang may-ari o ang namamahala ng isang


negosyo kung saan ang paraan upang siya ay kumita ay sa pamamagitan
ng pakikipagsapalaran ng may pagkukusa. Ang isang entrepreneur ay
isang indibidwal na pag-sasaayos, nangangasiwa at nakikipagsapalaran sa
isang negosyo.

PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4 6


Katangian ng isang Entrepreneur

May iba’t ibang katangian ang isang entrepreneur. Ito ay ang mga
sumusunod:
1. Mayroong determinasyon
2. May kaalaman sa negosyo
3. Nagtataglay ng marketing skills
4. Nangangasiwa ng maayos sa negosyo
5. Nakikipagsapalaran sa negosyo
6. May malasakit sa negosyo
7. Mahusay na pakikipagkapwa
8. May tiwala sa sarili
9. Marunong tumanggap ng opinyon ng iba
10. Matiyaga

Kahalagahan ng isang Entrepreneur

Ang isang entrepreneur ay may mahalagang tungkuling


ginagampanan. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Ang entrepreneur ay nakapagbibigay ng mga bagong
hanapbuhay.
2. Ang entrepreneur ay nagpapakilala ng mga bagong produkto sa
pamilihan.
3. Ang entrepreneur ay nakapaghahatid ng bagong
teknolohiya, industriya , at produkto sa pamilihan.
4. Ang entrepreneur ay nakakatuklas ng makabagong paraan na
nagpapahusay ng mga kasanayan.
5. Ang entrepreneur ay nangunguna sa pagsasama-sama ng mga salik
ng produksiyon tulad ng lupa, paggawa, at puhunan upang
makalikha ng produkto at serbisyo na kailangan sa ekonomiya ng
bansa.

Paraan sa Pagtatayo ng Negosyo


Pagprodyus ng isang produkto galing sa pinagkukunang-yaman, at
pagkakaloob ng serbisyo kapalit ng kabayaran.
Mga Negosyo na Matatagpuan sa Pamayanan
1. Tahian - ito ay negosyo kung saan gumagawa ng mga damit,
basahan o anumang produktong gawa sa tela sa pamamagitan ng
makinang panahi.
2. Sari-sari Store— ito ay isang maliit na tindahan ng mga
pangunahing bilihin ng mga tao sa isang pamayanan.
3. Karinderya– tindahan ng pagkain kung saan kumakain o bumibili
ang mga tao sa pamayanan o lugar.

7 PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4


4. Barbershop - negosyo na nag-aalok ng gupit sa buhok.
5. Vulcanizing Shop - negosyo kung saan ginagawa o inaayos ang mga
sira ng sasakyan.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pag-aralan ang larawan at basahin ang
teksto sa ibaba.
Ang Tindahan ni Mang Nanie

Dito sa aming nayon sa Brgy. Concepcion, ang kadalasang


ikinabubuhay ng mga tagarito ay ang pagtatanim ng mga halamang gulay
tulad ng talong, sitaw, okra, at kalabasa at pag-aalaga ng mga hayop tulad
ng baka, baboy at ang pag-aalaga ng tilapia. Isa na rito si Mang Nanie na
may ari ng isang sari-sari store sa may kanto ng Sabang sa nasabing
barangay. Isa sa mas pinagtutuunan niya ng pansin sa kanyang mga
hanapbuhay ay ang pag-aalaga ng baboy. Maaga siyang nagtutungo sa
kaniyang mga alaga upang siya mismo ang mag-asikaso ng pagpapakain at
paglilinis ng mga kulungan nito, tunay na napakasipag at matiyaga ni
Mang Nanie sa pag-aalaga sa kaniyang mga hayop. Dahil sa unti unti ng
lumalago ang kaniyang babuyan kinailangan niyang kumuha ng mga
tauhan upang maging katuwang niya sa pagpapalago ng kaniyang negosyo,
sa ganitong paraan ay nakatutulong siya sa mga tao na magkaroon din ng
hanapbuhay. Bukod sa pagtitinda niya ng mga karne ng hayop sa
kanilang tindahan ay nagdadala na din siya sa palengke ng karne upang
mas madagdagan pa ang kaniyang kita.
PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4 8
Sa ganitong paraan din ay nakikilala ang lugar ng Concepcion na isa
sa mga maaaring mapagkunan ng karne ng baboy. Dahil na rin sa
karamihan ng kanyang ibinebenta na karne ng baboy, nag-isip na rin siya
ng ibat-ibang maaaring maging produkto na mula sa kaniyang mga
alagang hayop. Sa tulong ng anak niya gamit ang makabagong teknolohiya
ay nakapagbebenta na rin siya ng kaniyang mga produkto sa pamamagitan
ng pag-oonline at pagpopost nito sa facebook.
Tunay na kung magiging masipag at matiyaga lamang ang isang tao
ay matutupad niya ang kaniyang mga pangarap sa buhay at maaari pa
siyang makatulong sa kaniyang kapwa sa pagbibigay dito ng hanapbuhay.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa iyong sagutang papel.


1. Sino ang may ari ng tindahan?
______________________________________________________________
2. Saang lugar nakatayo ang kaniyang tindahan?
______________________________________________________________
3. Anu-ano ang malimit na ikinabubuhay ng mga taga-barangay
Concepcion?
______________________________________________________________
4. Anu-anong mga produkto ang nabanggit sa kuwento?
______________________________________________________________
5. Ano ang katangiang taglay ni Mang Nanie batay sa kuwento?
______________________________________________________________
6. Sa mga nabanggit na alaga ni Mang Nanie, alin ang mas binigyan
niya ng panahon upang mas mapalago at mapagyaman ito?
______________________________________________________________
7. Paano nakatulong ang makabagong teknolohiya sa hanapbuhay
ni Mang Nanie?
______________________________________________________________

9 PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4


E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gumawa ng talaan ng mga negosyong
makikita sa inyong pamayanan. Isulat ang mga serbisyong iniaalok nito.
Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

Negosyo Mga Serbisyo

1.

2.

3.

5.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Kung ikaw ay mabibigyan ng


pagkakataon na magkaroon ng sariling negosyo tulad halimbawa ng
tindahan, sa paanong paraan mo ito mapauunlad? Isulat ang inyong sagot
sa iyong sagutang papel.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4 10


A
Sa panahon ngayon na nakararanas tayo ng pandemya, usong uso ngayon
ang pagbebenta ng mga produkto sa pamamagitan ng internet, Sa iyong
sariling pamamaraan sa paanong paraan mo maibebenta ang iyong
produkto? Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

___________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________.

11 PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4


WEEKS
Computer at Internet
3-5
Aralín
I
Ang computer at internet ay mga mahahalagang kagamitan sa ating
kasalukuyang panahon. Sila ay nagsisilbing mga kagamitan sa
komunikasyon, edukasyon at marami pang iba. Sa araling ito,
malalaman natin kung papaano maging ligtas at kapakipakinabang sa
lahat ang paggamit ng kagamitan at pasilidad sa Information and
Communication Technology (ICT) katulad ng computer, email at internet.
Kailangang mahusay na mapag-aralan ang mga gabay sa ligtas at
responsableng paggamit ng computer, internet at email sa paaralan.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang: (a) maipaliwanag ang mga
panuntunan sa paggamit ng computer, internet at email; (b) matalakay ang
mga panganib na dulot ng mga di kanais-nais na software (virus at
malware), mga nilalaman at mga pag-asal sa internet; (c) magamit ang
computer, internet at email sa ligtas at responsableng pamamaraan; at (d)
maipaliwanag ang kaalaman sa paggamit ng computer at internet bilang
mapagkukunan ng iba’t ibang impormasyon.

INFORMATION AND COMMUNICATION TECHNOLOGY (ICT)


Ang Information and Communication Technology (ICT) ay tumutukoy
sa pamaraan, kasangkapan, at teknolohiya na tumutulong sa mga tao
upang makakuha ng impormasyon, maitago, maibahagi at maproseso ito.
Itinuturing din itong sining at agham sa pagtatala (recording), pag-iingat
(storage), pagsasaayos (organizing), pakikipagpalitan (exchange) at
pagpapalaganap ng impormasyon (information dissemination).
Mga salik sa paggamit ng computer, internet at email
A. Exposure o pagkalantad ng mga di-inaangkop na materyales. Maaari
kang makakita ng materyales na tahasang sekswal, marahas, at
ipinagbabawal o illegal.
B. Viruses, Adware, at Spyware. Pwedeng makakuha ng mga virus sa
paggamit ng Internet na maaring makapinsala sa mga files at memory ng
computer at makasira sa maayos nitong paggana.
C. Panliligalig at Pananakot o Harassment at Cyber bullying. Maaari ka ring
makaranas ng cyber bullying o malagay sa panganib dahil sa pakikipag-
ugnayan sa mga hindi kakilala.
Pagnanakaw ng Pagkakakilanlan o Identity Theft. Ang mga naibabahagi
mong pagkakakilanlan ay gagamitin ng ibang tao sa paggawa ng krimen.
Maaari makuha ang impormasyon na hindi mo nalalaman o binibigyang
pahintulot. Ito ang tinatawag na identity theft o fraud.

PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4 12


Mga tamang pamamaraan sa paggamit ng computer, internet at email

A. Siguraduhin o itakda kung aling websites ang dapat bisitahin at kung


gaano katagal maaring gumamit ng kompyuter, internet at email.

B. Magpa-install o magpalagay ng computer. Magagamit ito upang ang


kapakipakinabang na nilalaman lamang ang mababasa at
maidodownload gamit ang internet.

C. Makipag-usap lamang sa mga kakilala o kaibigan tuwing online. Sundin


ang tamang gabay na itinakda sa paggamit ng mga social networking,
instant messaging, email, online gaming at webcam.

Ilang Bagay na Dapat Isaalang-alang para sa Ligtas na Paggamit


ng Internet

A. Magkaroon ng malinaw na patakaran sa paaralan sa paggamit ng


computer, Internet at email
• Ang pasilidad ng internet ay para sa layuning pang edukasyon
lamang.
• I-access o buksan ang internet ng may pahintulot ng guro.
• Bisitahin lamang ang aprubadong sites sa Internet.

B. Ipagbawal ang pagdadala ng anumang pagkain o inumin sa loob ng


computer laboratory
• Ingatan lahat ng kagamitan sa loob ng computer laboratory.
• Sundin ang mga direksyon ng guro tungkol sa tamang paggamit ng
anumang kagamitan.
• Gamitin lamang ang mga ligtas na search engine sa internet.
Halimbawa: www.surfnetkids.com

C. Magkaroon ng kaalaman sa pagkakaiba ng publiko at pribadong


impormasyon
• Hindi dapat maglathala, magbigay o mamahagi ng anumang
personal na impormasyon tungkol sa iyo o sa ibang tao (katulad ng
tirahan, email address o telepono).
• Gumawa ng password na mahirap mahulaan, at palitan ito kung
kinakailangan
• Hindi dapat ibigay ang password kaninuman (maliban sa mga
magulang) at siguraduhing nakalog-out ka bago saraduhan o i-off
ang computer
• I-shut down ang kompyuter at i-off ang koneksiyon ng internet kung
tapos nang gamitin ang mga ito. Hindi dapat hinahayaang
nakabukas ang mga ito kapag hindi ginagamit.

13 PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4


Ano ang Malware?
Ang malware o malicious software ay idinisenyo ilegal upang makasira
ng computer. Sa pamamagitan ng malware, maaaring illegal na makuha
ang sensitibong impormasyon mula sa computer. Ang mga halimbawa ng
malware ay virus, worm, o trojan.

Ilang Karaniwang Uri ng Malware

Programa na nakakapinsala ng computer at maaaring


Virus
magbura ang files at iba pa. Hal. W32 SFCLMDO

Isang nakakapinsalang programa sa computer na


nagpapadala ng mga kopya ng sarili nito sa ibang
Worm
computer sa pamamagitan ng isang network. Hal. W32
SillyFDCBBY at W32Trresba.

Malware na nangongolekta ng impormasyon mula sa mga


Spyware
tao ng hindi nila alam o kakilala.

Software na awtomatikong nagpi-play o nagpapakita ng


Adware nagdadownload ng mga anunsyo o advertisement sa
computer.

Malware na nagtatala ng lahat ng mga pinipindot sa


keyboard keystrokes at ipinapadala ang mga ito sa mga
Keyloggers
umaatake upang magnakaw ng mga password at
personal na data ng mga biktima.

Software na may kakayahang tumawag sa mga


Dialers telepono gamit ang computer kung dial-up modem ang
gamit na internet connection.

Isang mapanirang programa na nagkukunwaring isang


kapaki-pakinabang na application ngunit
Trojan Horse pinipinsala ang iyong computer. Nakukuha nito ang
mahahalagang impormasyon pagkatapos mo itong ma-
install. Hal. ay ang JS Debeski Trojan.

PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4 14


D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Gumuhit ng masayang mukha ☺ kung ang

sagot ay Oo at malungkot naman na mukha  kung Hindi. Isulat ang iyong


kasagutan sa iyong sagutang papel.

Kasanayan sa Ligtas at Responsableng


Paggamit ng Computer, Internet at Email

1. Natitiyak ang ligtas at maayos ang pinalagyan ng


computer.

2. Nakakauupo ng tuwid at nakalapat ang mga paa tuwing


gumagamit ng computer.

3. Nakakasaliksik ng mga impormasyon sa mga sites ng


internet.

4. Natutukoy ang mga panganib na dulot ng


paggamit ng internet at nakakaiwas dito.

5. Nakapag-share o nagpapamahagi ng files sa mga kamag-


aral upang makatulong sa paggawa ng takdang aralin.

6.Nakasusunod sa mga gabay na


pinagkasunduan sa responsableng paggamit ng
computer, internet at email

15 PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4


Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Ang sumusunod ay mga paraan kung
papaano maiiwasan ang pagkakaroon ng malware sa computer. Sagutan
ang checklist sa ibaba. Lagyan ng ( / ) kung naisasagawa at ekis ( X ) kung
hindi. Isulat ang iyong kasagutan sa iyong sagutang papel.

Mga Paraan kung Paano Maiiwasan ang


Oo Hindi
Pagkakaroon ng Malware sa Computer

1. Pag-update ng computer at software.

2. Paggamit ng account na hindi pang administrator.

3. Pagdadalawang-isip bago mag-click ng mga link o


magdownload ng anomang bagay.

4. Pagdadalawang isip bago magbukas ng mga


attachment o larawan sa email.

5. Hindi pagtitiwala sa mga pop-up window na


humihiling na magdownload ng software.

6. Pagiging maingat sa pagbabahagi ng mga files.

7. Paggamit ng anti-virus software.

PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4 16


E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Mga Gabay para sa kasiya-siya at
Responsableng Paggamit ng Internet. Isulat sa loob ng bilog ang mga
gabay para sa ligtas at responsableng paggamit ng computer,
internet, at email.

Panuntunan
sa Paggamit
ng Computer,
Email

17 PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4


Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa
paggamit ng makabagong teknolohiya na nagpapakita ng maganda at di
magandang dulot nito. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
_____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_____________________________________________________________.

A
Sa iyong kuwaderno, isulat ang mga kahalagahang naibigay sa iyong
buhay ng Information and Communication Technology (ICT).

1. ______________________________________________________________________

2. ______________________________________________________________________

3. ______________________________________________________________________

4. ______________________________________________________________________

5. ______________________________________________________________________

Ipakita ang ang impluwensya ng Information and Communication


Technology (ICT) sa ating pamumuhay sa pamamagitan ng pagguhit. Iguhit
ito sa iyong sagutang papel.

PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4 18


WEEKS
Computer File System Features 6-7
at Web Browser
Aralín
I
Gaano kahalaga sa iyo ang mga gamit mo sa bahay at sa
paaralan? Paano mo masisiguro na maayos ang kalagayan ng mga ito?
Saan mo ito inilalagay?
Gaya ng pag-iingat sa ating mga gamit nararapat ding isaayos ang
mga dokumento o computer files sa loob ng computer. Sa araling ito ang
mag-aaral ay magkakaroon ng ideya, kaalaman at
kasanayan sa paggamit ng computer file system.
Mahalaga na matutunan nating ayusin ang mga dokumento o file na
nakapaloob sa ating computer. Sa pamamagitan ng computer file system,
mas nagiging madali ang pag-aayos at pagkuha ng mga dokumento dahil
ang mga ito ay nakaayos batay sa sistemang pinaiiral sa loob ng computer.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang: (a) magamit ang computer file
system; (b) magamit ang web browser at ang basic features ng isang search
engine sa pangangalap ng mpormasyon; (c) makagawa ng table at tsart
gamit ang word processing; makagawa ng table at tsart gamit ang
electronic spreadsheet tool; at (d) makapag-sort at filter ng impormasyon
gamit ang electronic spreadsheet tool.

COMPUTER FILE SYSTEM


Ang computer file system ay ang pagsasaayos ng files at datos sa
computer sa paraan na madali itong mahanap at ma-access. Ang mga
sumusunod ay mga bagay na maaring pag-imbakan ng computer files
upang ito maingatan at maisaayos; CD-ROM/DVD-ROM, FLASH DRIVES/
EXTERNAL DISK/DRIVES at iba pang mga HARD DISK.

19 PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4


May dalawang uri ng files

1. Soft copy ang computer files na maaring iimbak sa hard disk. Ito ay ang
mga elektronikong files na mabubuksan gamit ang computer at
application software. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga
sumusunod:
A. Word document
B. Spreadsheet
C. Presentation
D. Litrato
E. Audio files
F. Video files.

Uri ng soft copy files


• Document Files – mga files na gawa sa pamamagitan ng mga
software para sa word processing at iba pang productivity tools.
• Image Files – mga larawan o imahe na hindi pa naimprenta sa papel.
• Audio Files – mga tunog, musika o kanta na ating maririnig.
• Video Files – mga panuorin gaya ng pelikula, dokumentaryo, at iba
pa.
• Program Files – ginagamit na pang-install ng mga application at
system files.

2. Hard copy ang dokumento o imaheng nakasulat o nakaimprenta (print)


sa papel.
Lahat ng files ay may FILE NAME, ito ay pangalan na ibinibigay at
ginagamit upang madaling makita at malaman ang isang computer file na
nakasave sa computer. Dapat magbigay ng makabuluhang pangalan sa
isang dokumento upang madaling tandaan at mahanap.
Ang computer file ay maaring i-save sa mga folder o sub-folder upang
maisaayos ito ng organisado at mapadali ang paghahanap dito kung
kailanganin muli. Ang computer file address ay makakatulong upang
mapadali ang paghahanap ng file dahil ito ay kumpletong pathway kung
saan makikita ang nakasave na file.

PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4 20


Computer File Address

• Device – Ito ay ang hardware o device kung saan nakasave ang file.
• Directory – Partikular na lalagyan ng mga files na maaring magkaroon
ng folder.
• Folder – Partikular na lalagyan ng mga files na maaring magkaroon ng
sub-folder.
• Sub-folder – Partikular na lalagyan ng mga files na nasa loob ng isa
pang folder.
• Filename – Natatanging pangalan ng isang computer file.
• File extension – tumutukoy ito sa uri ng computer file.

Web Browser
Ang web browser ay isang computer software na ginagamit upang
maghanap at makapunta sa iba’t ibang websites. Mayroon din itong
kakayahan na ipakita ang nilalaman ng isang website tulad ng teksto at
larawan.
Ilan sa mga kilalang web browser ay ang mga sumusunod:

• Tab Name – dito makikita ang pangalan ng kasalukuyang bukas na


website.
• Navigation Buttons – kabilang dito ang Back Button, Forward Button at
Reload Button.
• Back Button – i-click ito para bumalik sa webpage na naunang binisi-
ta.
• Forward Button – i-click ito kung nais balikan ang webpage na
pinakahuling binisita.
• Reload Button – i-click ito kung nais muling i-update ang website sa
browser.
• New Tab – i-click ito kung nais magkaroon ng panibagong tab kung
saan maaring magbukas ng bagong website.

21 PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4


• Customize and Control – dito makikita ang iba’t ibang options at
commands upang baguhin ang kasalukuyang settings ng browser.
• Bookmark – hugis bituin na ginagamit upang i-save ang address ng
website upang madaling mabalikan kung kailanganin muli.
• Address Bar – maaaring makita o i-type sa bahaging ito ang address ng
isang website o ang tinatawag na Website Address ang
tumutukoy kung saan makikita ang isang website.
• Display Window – ito ang pinaka malaking bahagi ng browser na
nagpapakita ng piniling website.
• Scroll bar – maaari ito na i-drag pataas o pababa upang makita ang
kabuuan ng isang web page sa browser window.

Ang Search Engine

Ang search engine ay isang software system an ginagamit sa


paghahanap ng impormasyon sa internet. Ilan sa mga kilalang search
engine ay Google, Yahoo, Bing at iba pa.
Kung gagamit ng internet sa pagsasaliksik, mahalagang magkaroon
ng kasanayan sa paggamit ng search engine. Ang sumusunod ay bahagi
ng Search Engine Home Page:
• Search Box o Search Field – dito tina-type ang keyword na
gagamitin sa pagsasaliksik. Halimbawa: “Talambuhay ni Dr. Jose
Rizal”
• Search Button – matapos i-type ang keyword ay maaari nang i-click
ang button na ito. Maari ding pindutin sa keyboard ang Enter Key
upang masimulan ang pagsasaliksik.

Mga Bahagi ng Search Engine Result Page

PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4 22


Ang Search Engine Result Page ay isang pahinang naglalaman ng
iba’t ibang websites na may kinalaman sa keyword na ginamit. Lumalabas
ito matapos i-click ang search button. Ang sumusunod ay mga bahagi ng
Search Engine Result Page:
• Search Field o Search Box – kung nais maghanap muli, i-type lamang
dito ang bagong keyword.
• Search Button - matapos i-type ang keyword ay maaari nang i-click
ang button na ito. Maari ding pindutin sa keyboard ang Enter Key
upang masimulan ang pagsasaliksik.
• Top Links – dito makikita ang mga serbisyong maaring magamit sa
search engine katulad ng web, imahe, balita, videos, at iba pa.
• Page Title – ito ang pamagat ng web page na kasama sa search
results.
• Text Below the Title – maliit na piraso ng teksto an sipi buhat sa
webpage. Naka-bold text ang mga salitang ginamit bilang keyword.

Ang Word Processor


Ang word processor o word processing application ay isang
software na tumutulong sa paglikha ng mga tekstuwal na dokumento, sa
pag-eedit at pag-save ng mga ito sa computer file system.

Ang Table
Ang Table ay koleksiyon ng magkakaugnay sa tekstuwal na
nakaayos sa pamamagitan ng rows at column. Mas madaling nasusuri ang
datos kung ito ay nakaayos sa table.
Ang rows ay mga linyang nakahanay pahalang, ang column naman ay
mga linyang pababa. Ang cell ay ang kahon kung saan nagtatagpo ang mga
column at row.

23 PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4


Iba’t Ibang Uri ng Tsart
May iba’t ibang uri ng tsart. Ang sumusunod ay ilan sa mga
pinakamadalas gamitin.
1. Bar Chart – binubuo ng mga pahalang na parihaba na nagpapakita ng
paghahambing ng mga numerical na datos.

2. Column Chart – ito gumagamit ng mga patayong bar upang ipakita


ang paghahambing ng mga numerical na datos.

3. Line Chart – binubuo ito ng mga linya na nagpapakita ng trend o kilos


ng pagtaas at pagbaba ng mga nuerikal na datos.

4. Pie Chart – kamukha ito ng pizza pie. Nagpapakita ang ganitong uri
ng tsart ng pagkakahati ng isang buo sa iba’t ibang kategorya.

PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4 24


Paggawa ng Table

1. Pumunta sa desktop at buksan


ang word processing application.

2. I-click ang insert tab na makikita


sa gawing itaas ng inyong screen.
I-click ang Table button.

3. Itakda ang bilang ng hanay na


pahalang o rows at hanay na
pababa o columns. Para sa
gawain, gumawa ng tatlong
columns at anim na rows.
Magkakaroon ng table sa inyong
document window.
4. I-type ang sumusunod na datos
sa cells ng table.

5. Tingnan ang halimbawa ng output


sa ilalim.

6. I-save ang file, bigyan ito ng file


name na Paggawa ng Table.

25 PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4


Electronic Spreadsheet Tool
Ang impormasyong numerikal (dami o bilang, presyo o halaga,
timbang at populasyon) at tekstuwal na impormasyon (pangalan,
produkto at aytem) ay maaaring magbigay ng mahalagang kaalaman sa
atin kung ang mga ito ay sa isasaayos at maipapakita gamit ang table at
tsart.
Ang spreadsheet ay isa pang software na maaaring gamitin upang
makagawa ng mga table at tsart. Kadalasan itong may isang workbook na
naglalaman ng mga worksheets. Bawat worksheet ay naglalaman ng rows
at columns. Ipinapasok ang datos sa loob ng cells. Ang mga cells ay ang
mga kahon kung saan nagtatagpo ang bawat column at row.

Ang cell name or cell reference ay ang pangalan ng bawat cell sa


spreadsheet. Ang bawat row ay gumagamit ng numero bilang label
habang ang bawat column ay gumagamit ng titik o letra.
Makikita ang cell reference box sa bandang itaas ng screen.

PAGGAWA NG TABLE SA SPREADSHEET


Sa pagpapasok ng mga datos sa electronic spreadsheet, ang tekstwal
na datos ay naka-ayon sa kaliwa, samantalang ang mga numerikal na
datos ay naka-ayon sa kanan ng cell.

1. Buksan ang inyong electronic


spreadsheet tool.

PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4 26


2. I-type ang sumusunod na datos sa nakatalagang cell. Tandaang
pagkatapos i-type ang datos sa bawat cell, pindutin ang Enter key.
Cell A1: Bilang ng mga Mag-aaral Cell A6: Grade 3
Cell A2: Baitang Cell B6: 44
Cell B2: 2018-2019 Cell C6: 42
Cell C2: 2019-2020 Cell A7: Grade 4
Cell A3: Kinder Cell B7: 45
Cell B3: 43 Cell C7: 44
Cell C3: 33 Cell A8: Grade 5
Cell A4: Grade 1 Cell B8: 38
Cell B4: 42 Cell C8: 45
Cell C4: 42 Cell A9: Grade 6
Cell A5: Grade 2 Cell B9: 50
Cell B5: 43 Cell C9: 39
Cell C5: 43

3. Ayusin (adjust) ang lapad ng bawat column sa pamamagitan ng


pagtatapat sa pointer ng mouse sa linyang naghihiwalay sa
dalawang column (border) at hilahin ito. Pagkatapos mai-type ang
datos at ma-adjust ang lapad ng columns ay magkakaroon ka ng
output na katulad nito.

4. I-click ang file tab at piliin ang save as. I-save ang workbook sa iyong
folder at bigyan ito ng file name na Spreadsheet Table.

27 PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4


D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tingnan ang larawan at basahin ang
maikling tula.

ANG FLASH DRIVE

May isang maliit na bagay


Files at Datos ang inilalagay
Puwede mong ibahagi at ibigay
Ngunit hindi mo maari siyang basta ipamigay.

Maliit man ituring


Ngunit malaki ang pakinabang din
Isang metal na kayang pag imbakin
Ng importanteng dokumento at babasahin

Huwag ipagamit kung kani-kanino


Baka malagyan ng virus na walang sinasanto
Files at datos maaaring mawala ito
At maging sanhi ng pagkalito.

PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4 28


Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Batay sa nabasang tula, sagutin ang mga
sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang tinutukoy sa tula?
___________________________________________________________________
2. Ano-ano ang puwedeng ilagay sa flash drive?
___________________________________________________________________
3. Bakit hindi puwedeng ipamigay basta-basta ang flash drive?
___________________________________________________________________
4. Paano nagkakaroon ng virus ang isang flash drive?
___________________________________________________________________
5. Bakit mahalagang maging maingat sa paggamit ng flash drive?
___________________________________________________________________

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Pag-aralan ang presyo ng bilihin sa isang
pamilihan. Gawin ang mga sumusunod at idikit sa sagutang papel ang
awtput
1. Presyo ng mga bilihin

Wet Market
Karneng baboy - 220.00 / kilo
Isda - 130.00 / kilo
Manok - 160.00 / kilo
Patatas - 70.00 / kilo
Carrots - 45.00 / kilo
Sibuyas - 20.00 / kilo
Bawang - 20.00 / kilo

2. Gumawa ng table at tsart sa mga datos na makukuha.


3. I-format ang table at tsart upang mas maging kaaya-aya.

29 PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4


A
Gawin ang mga sumusunod at pagkatapos ay i-print at idikit sa iyong
sagutang papel.
1. I-type ang sumusunod na datos sa isang worksheets electronic
spreadsheets application.

MANG PEDRO FRUITS STAND

Prutas Kilo Presyo

Avocado 1kilo 30.00

Pinya 2 kilo 70.00

Rambutan 1 ½ kilo 60.00

Lansones 3 kilo 75.00

Guyabano 4 kilo 80.00

Saging 3 ½ kilo 87.50

Mangga 4 kilo 100.00

Papaya 5 kilo 125.00

Duhat 6 kilo 120.00

Buko 7 kilo 105.00

PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4 30


2. I-filter ang impormasyon. Sundin ang sumusunod na pamantayan:
Ang mga prutas
Ang mga kilo ng mga prutas.
Ang presyo
3. I-sort ang mga prutas mula sa pinakamura hangang pinakamahal.
4. Pumunta sa pinakamalapit na tindahan sa inyong barangay.
Alamin kung ano-ano ang kanilang tinda, presyo at bilang ng stock
ng mga ito,
5. Gamit ang electronic spreadsheets, gumawa ng listahan o
imbentaryo nito.
6. Gumawa ng pagsusuri ng paninda sa pamamagitan ng paggamit ng
Sort at Filter command. Itala lahat ang paninda.
a. Nakaayos mula sa pinakamataas na presyo hanggang
pinakamababa.
b. Nakaayos mula sa pinakamababang presyo hanggang
pinakamataas.
c. Nakaayos ng paalpabeto mula A - Z
d. Mayroon na lamang 1-10 na stock.

31 PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4


WEEK
Email, Pictures at Graphics
8 Aralín

I
Mahalagang iyong matutunan ang pagpapadala ng email. Mahalaga
ring matutunan ang pagpoproseso ng mga larawan sa tulong ng ilang
mahahalagang software.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang: (a) makasagot sa email ng iba; (b)
makapagpadala ng email na may kalakip na dokumento o iba pang media
file; (c) makaguhit gamit ang drawing tool o graphics software;
(d) makapaggawa ng dokumento na may picture gamit ang word
processing tool o desktop publishing tool; at (e) makagawa ng maikling
report na may kasamang mga table, tsart at photo o drawing gamit ang
iba’t ibang tools na nakasanayan.
Bahagi ng Email Address

• Username – ito ay hinihinging pangalan tuwing ikaw ay gagamit ng


bemail. Madalas ginagamit dito ay pangalan at apelyido.
• Pangalan ng domain – ito ay pangalan ng mail server kung saan
maaring gumawa ng isang account. Halimbawa nito ay Gmail at
Yahoo.
• Uri ng domain – Ito ay naglalarawan kung sino ang gumagamit o saan
nanggaling ang domain. Ito ay nilalagay pagkatapos ng mail server sa
isang sulok.
Paano gumawa ng isang email account?
1. Sa iyong computer, gamitin ang internet at magpunta sa home page ng
Google at i-type ang: www.gmail.com
2. Hanapin ang “Create an Account” button. I-click ito at i-type ang
lahat ng impormasyong hinihingi ng Gmail upang makapag-sign up at
magkaroon ng sariling account.
3. Hihingin din nito ang gusto mong gamitin username. Dahil marami ng
taong may account sa Gmail, titingnan nito kung wala kang
kapareho ng username at kung maari mo pa itong gamitin. Kung
nagamit na ito, magbibigay ito ng mga pagpipilian ng username na
maari mong gamitin, kung wala itong kapareho, maari mong gamitin na
ibinigay na username.
4. Hihingi din ito ng password na dapat i-type sa keyboard sa tuwing
gagamitin ang iyong account. Binubuo ito ng walo (8) o higit pang
kombinasyon ng mga letra, numero, o simbolo.Dapat na laging tandaan
ang iyong password at panatilihin itong sikreto.
5. Sundin ang iba pang hakbang na hihingin ng Gmail. Matapos gawin ang
mga ito, Makakalikha ka na ng sariling account sa Gmail server.

PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4 32


Ang Paint Tool
Ang pagguhit ay isang mabisang paraan upang ipahiwatig ang isang
mensahe. Maaaring gamitin ang computer upang makabuo ng larawan.
Gamit ang drawing software, maaaring mapadali ang pagguhit, pagkukulay
at pagguhit ng hugis at pagdagdag ng text.

Gaya ng nakagawiang paraan ng pagguhit at pagpipinta na di


gumagamit ng computer, ang graphic software ay mayroong drawing area
na nagsisilbing canvas o papel sa isang pintor.

Bahagi ng MS Paint

A. Paint Tool- naglalaman ng mga command tools na gagamitin sa


paggawa ng bago, pagbukas at pagsave ng file.
B. Quick access toolbar- naglalaman ng mga tool shortcuts para sa
mabilisang pag-access dito.
C. Ribbon- naglalaman ng iba’t-ibang tools na maaaring gamitin sa
pagguhit, pagkulay, pag-edit ng larawan at iba pa.
D. Drawing area- canvas kung saan maaaring gumuhit o mag-edit ng
larawan.

33 PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4


Ang isang larawan na ginawa sa paint ay maaaring i-save sa iba’t-
ibang format. Ang JPEG, GIF, at PNG ang pinakamadalas gamitin.
A. JPEG o Joint Photographic Experts Group. Ang format na ito ay
compatible sa halos lahat ng devices at programs. Mas akmang
gamitin ang format na ito, kung kailangan mong i-display ang
larawan online.
B. PNG o Portable Network Graphics. Ang format na ito ay akma sa
graphic image file tulad ng logo, infographics at maliit na images.
Hindi ito compatible sa lahat ng software o applications.
C. GIF o Graphics Interchange Format. Ang format na ito ay akma sa
maliit na graphics tulad ng banners, charts at buttons.

Mga Hakbang sa Paggawa Gamit ang Graphic Software


1. Buksan ang graphic software o paint application.
2. I-click ang pencil tool at color. Pumili ng kulay sa color pallete sa
pamamagitan ng pag-click nito.
3. I-click at drag ang mouse sa bahagi ng drawing canvas kung saan mo
gustong gumuhit.
4. Maari kang magset ng dalawang kulay gamit ang Color 1 at color 2.
I-click ang color 2 at pumili ng kulay gamit ang color palette.
5. Subukang magpalit ng brush at kulay. Ang bawat brush ay
nakagagawa ng iba’t-ibang effects gaya ng mga artistic brush na gamit
ng mga pintor.

PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4 34


D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Anong paraan ang iyong ginagamit upang
makapagpadala ng isang mensahe? Ikaw ba ay pamilyar sa paggamit ng
email? Tingnan ang larawan at ang ibig sabihin nito.

• Ang email ang isa sa pinakamabilis na


paraan ng pagpapadala at pang tangap
ng mensahe sa ibang tao gamit ang
internet.

• “Compose Mail”.upang makagawa ng


mensahe kailangan mong i-click ang
compose sa taas na bahagi ng inbox.

• Inbox. Lahat ng email mo ay papasok


sa inbox na siyang pinakabirtuwal na
letter box mo.

• Username hinihinging pangalan


tuwing ikaw ay gagamit ng email.
Madalas ginagamit dito ang pangalan
at apelyido ng tao.

• Password ay ginagamit tuwing


bubuksan mo ang inyong account.

35 PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4


E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat ang mga hakbang sa Paggawa gamit
ang Graphic Software. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
_____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Isulat ang mga hakbang kung paano


gumawa ng isang email account.
_____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

A
Isulat ang mga bahagi ng MS Paint at paano ito nakakatulong sa pang
araw-araw na buhay.

PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4 36


PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4 37
Week 8
Gawain sa Pagkatuto 1: Answers may vary Week 6-7
Gawain sa Pagkatuto 2: Answers may vary
Gawain sa Pagkatuto 1: Answers may vary
Gawain sa Pagkatuto 3: Answers may vary
Gawain sa Pagkatuto 2: Answers may vary
Gawain sa Pagkatuto 4: Answers may vary
Gawain sa Pagkatuto 3: Answers may vary
Gawain sa Pagkatuto 6: Answers may vary
Gawain sa Pagkatuto 4: Answers may vary
Gawain sa Pagkatuto 6: Answers may vary
Week 3-5
Gawain sa Pagkatuto 1: Answers
may vary
Gawain sa Pagkatuto 2: Answers
may vary
Gawain sa Pagkatuto 3: Answers Weeks 1-2
may vary Gawain sa Pagkatuto 1: Answers may vary
Gawain sa Pagkatuto 4: Answers Gawain sa Pagkatuto 2: Answers may vary
may vary
Gawain sa Pagkatuto 3: Answers may vary
Gawain sa Pagkatuto 5: Answers
may vary Gawain sa Pagkatuto 4: Answers may vary
Gawain sa Pagkatuto 6: Answers
may vary
Susi sa Pagwawasto
Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong
naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa
Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon
bilang gabay sa iyong pagpili.
-Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na
nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
-Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa
nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
-Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko
naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o
dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain sa Pagkatuto
Week 1 LP Week 2 LP Week 3 LP Week 4 LP
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8
Week 5 LP Week 6 LP Week 7 LP Week 8 LP
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8
Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing
nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2,
lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ,✓, ?.

PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4 38


Sanggunian

Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning


Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City:
Department of Education Curriculum and Instruction Strand.

Department of Education Region 4A CALABARZON. (2020). PIVOT 4A


Budget of Work in all Learning Areas in Key Stages 1-4: Version 2.0.
Cainta, Rizal: Department of Education Region 4A CALABARZON.

Edukasyong Pantahanan at pang kabuhayan 4, Patnubay ng Guro.

Barza, M.A. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4.

Learning Resource Management and Development System LRMDS.


Entrepreneurship and ICT 5 (Quarter 2).

39 PIVOT 4A CALABARZON Entrep&ICT G4


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education Region 4A CALABARZON

Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal


Landline: 02-8682-5773, locals 420/421

https://tinyurl.com/Concerns-on-PIVOT4A-SLMs

You might also like