Kasaysayan NG Pilipinas

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Kasaysayan ng Pilipinas

Araling Panlipunan – Ika-Anim na Baitang


Unang Markahan – Modyul 9: Kasunduan sa Biak na Bato
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Marilyn C. Eden
Editor: Ferdiand P. Apostle/ Nilda J. Pahati
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat: Clifchard D. Valente
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 6
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Mga Pangyayari sa Kasunduan sa
Biak-na-Bato
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Modyul para
sa araling Kasunduan sa Biak na Bato!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 6 Modyul ukol sa Kasunduan sa


Biak na Bato!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Sa pag-aaralan ng mayamang kasaysayan ng ating bansang Pilipinas,
makatutulong ang modyul na ito upang matutuhan mong maipaliwanag ang
mga pangyayari sa Kasunduan sa Biak-na-Bato.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tunay na dahilan ng pagkabigo ng Kasunduan sa Biak na Bato?


A. Pagkamatay ni Andres Bonifaciio
B. Pagsikat ni Emilio Aguinaldo
C. Pagkabulgar ng Katipunan
D.Pag-aalinlangan ng mga Kastila at Pilipino sa isa’t isa

2. Saan lugar napagkasunduan dadalhin sina Aguinaldo at mga kasama


nito?
A. Japan B. Hong Kong C. Espanya D. Amerika

3. Ano ang layunin ng Kasunduan sa Biak-na-Bato?


A. Itigil ang labanan para sa ikatatahimik ng bansa
B. Ibigay na ang kalayaang hinihingi ng Pilipinas
C. Itago sa lahat ang mga anomalya sa pamahalaan
D. Ituloy ang labanan kahit may Kasunduan

4. Ang Kasunduan sa Biak-na-Bato ay nagsasaad na ang mga rebeldeng


Pilipino ay:
A. Papatawan ng parusa C. Papatawan sa kasalanan
B. Papaalisin lahat sa Pilipinas D. Pagtatrabahuhin sa
tanggapan

5. Sino ang namagitan sa Kasunduan sa Biak na Bato?


A. Gobernador Heneral Primo de Rivera C. Pedro Paterno
B. Emilo Aguinaldo D. Cayetano Arellano
BALIK-ARAL

Sa ating nakaraang leksiyon ating napag-alaman na ang pangyayari na


kumbensyon sa Tejeros ay ikinagalit ni Bonifacio dahil hindi iginalang ang
naging resulta ng halalan dito. Idineklara niyang walang bisa ang naganap
na halalan.
Nagtayo ng sariling pamahalaan at hukbo si Supremo Andres Bonifacio.
Nilagdaan niya ang dokumentong Naik Military Agreement noong Abril 19,
1897 kasama ng kanyang mga heneral. Nalaman ni Aguinaldo ang tungkol
dito.
Pagtapos mahalal bilang pangulo ni Aguinaldo, kinumbinsi niya ang
kanyang mga tauhan na ipaaresto si Bonifacio at ituring na taksil at
rebelde. Dinala ang Supremo, kasama ang kanyang kapatid na si Procopio
sa Bundok ng Buntis sa Maragondon, Cavite noong Mayo 10, 1897. Sa araw
na iyon, nagbuwis ng buhay si Bonifacio dahil sa hindi pagkakaisa ng mga
Pilipino.

ARALIN

ANG REPUBLIKA NG BIAK-NA-BATO

Maraming Katipunero ang tumiwalag sa pakikipaglaban nang mamamatay


si Andres Bonifacio. Dahil dito humina ang puwersa ni Aguinaldo. Subalit,
nagpatuloy pa rin sila sa pakikipaglaban sa mga Espanyol. Nagwagi ang mga
Espanyol sa mga labanan sa Cavite. Dahil dito napilitang umurong ni Aguinaldo
sa Batangas at nakiisa kay Heneral Miguel Malvar. Labis ang paghangad ng mga
Espanyol na madakip si Aguinaldo sa Batangas, ngunit ito ay nakatakas
patungong Morong at nagtungo sa Biak-na-bato.

Noong Nobyembre 1, 1897, nagpatawag si Aguinado ng isang


pagtitipon. Dito itinatag ni Aguinaldo ang Republika ng Biak-na-bato upang
mapalakas ang rebolusyonaryong pamahalaan. Layunin nito ay “ang
paghihiwalay ng Pilipinas sa kaharian ng Espanya at ang pagtatatag ng
isang estadong may kasarinlan.” Ito ang kinikilalang kauna-unahang
republika na naitatag sa Pilipinas. Isinulat nina Isabelo Artacho at Felix
Ferrer ito at ibinatay sa saligang batas ng Cuba. Subalit, nagtagal lamang
ng ilang buwan ang Republika ng Biak-na-Bato

Nahalal na pangulo si Aguinaldo at magkakabisa nang dalawang taon


ang saligang batas.

Pamahalaan:

Panunungkulan Pangalan
Pangulo Emilio Aguinaldo
Ikalawang-pangulo Mariano Trías
Kalihim ng Banyagang Kapakanan Antonio Montenegro
Kalihim sa Pandirigma Emiliano Riego de Dios
Kalihim sa Panloob Isabelo Artacho
Kalihim sa Pananalapi Baldomero Aguinaldo

KASUNDUAN SA BIAK-NA-BATO

Naging malala ang hidwaan ng ng mga Pilipino at Espanyol. Sa


pangyayaring ito nagkusang loob na mamagitan si Pedro A. Paterno upang
maisulong ang pagkakasundo ng dalawang panig para sa kapayapaan. Kaya
noong Disyembre 15, 1897 ay nagpatawag ng negosasyon si Gobernador
Heneral Primo de Rivera sa pangkat ni Emilio Aguinaldo at kanilang
nilagdaan ang Kasunduan sa Biak-na-Bato, sa San Miguel, Bulacan.

Ang napagkasunduan ng dalawang grupo ay ang sumusunod:

 Tutungo sina Emilio Aguinaldo sa Hong Kong


 Magbabayad ng halagang P800,000 ang mga Rebolusyonaryong Espanol
ng tatlong bigayan:

1. P400,000 pagkaalis nila Aguinaldo


2. P200,000 kapag naisuko na ng mga rebelde ang higit na 700 sandata
3. P200,000 kapag ipinahayag ang pangkalahatang amnestiya
 Magbabayad ng halagang P900,000 sa mga pamilya ng mga Pilipinong
hindi sumama sa labanan ngunit napinsala.

Lumisan patungong Hong Kong sina Aguinaldo noong Disyembre 27,


1897 kung saan nagtatag sila ng Junta, isang pagpapatuloy ng kanilang
rebolusyon at pagkilos para sa kalayaan mula sa mga Espanyol.

PAGKABIGO NG KASUNDUAN SA BIAK-NA-BATO

Nabigo ang kasunduan dahil walang tiwala ang dalawang panig sa


isa’t isa. Parehong hindi sinunod ng dalawang grupo ang mga napagkasunduan.
Hindi naibigay ang buong halagang nasa kasunduan lalo na ang para sa mga
pamilya ng mga naiwan. Ang rebolusyon ay hindi ganap na nagwakas dahil
nagplanong bumalik ang grupo ni Aguinaldo.

Tumanggap ang grupo ni Aguinaldo ng ₱400,000.00 na inihulog nila sa


bangko sa Hong Kong. Balak ni Aguinaldo na gamitin ang salapi sa pagbili
ng mga sandata at ibang kagamitan para sa pakikipagdigma upang
magamit sa pagpapatuloy ng himagsikan. Tumanggap pa rin sila ng
karagdagan bayad, ngunit hindi nakompleto ang kabayarang napag-usapan.
Hindi nagkaroon ng katahimikan sa Pilipinas matapos malagdaan ang
kasunduan, bagkus lalo pang naging marahas ang mga labanan.

MGA PAGSASANAY

Panuto: Pagtambalin ang hanay A at B. Isulat ang sagot sa guhit


A B
___1. Kailan naganap ang Kasunduan sa A. Nobyembre. 1, 1897
Biak na Bato?
B. Disyembre 15, 1897
___2. Kailan naganap ang exile nila Aguinaldo
at mga kasamahan patungong Hong Kong? C. Disyembre 27, 1897

___3. Ano ang tunay na dahilan ng pagkabigo D. Emilio Aguinaldo


ng Kasunduan sa Biak na Bato?
E. Nobyembre 5, 1896
___4. Siya ang namagitan sa Kasunduan sa
Biak-na-Bato? F. Walang tiwala ang mga
Kastila at Pilipino sa isa’t isa
___5. Nagpatawag ng negosasyon si Gobernador
Heneral Primo de Rivera sa pangkat ni ___. G. Pedro Paterno

PAGLALAHAT

Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang.


1. Marami ang tumiwalag sa pakikipaglaban nang mamamatay si__________.
2. Sila ___________ at __________ ang sumulat ng Republika ng Biak na Bato
at ito ay ibinatay nila sa saligang batas ng Cuba.
3. Si___________ ang namagitan sa negosasyon sa Kasunduan sa Biak-na-
Bato.
4. Si__________ay kasama ni Emilio na lumagda rin sa Kasunduan sa Biak-
na Bato.
5. Nabigo ang kasunduan dahil_____________ ang dalawang panig sa isat isa.

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Isulat ang iyong sagot sa inyong kuwaderno.
1. Saan lalawigan sa Pilipinas matatagpuan ang Biak na Bato?
2. Ano ang layunin ng Kasunduan sa Biak na Bato?
3. Kailan nilagdaan nila Aguinaldo ang Republika ng Biak-na-bato?
4. Bakit nabigo ang Kasunduan sa Biak na Bato?
5. Ano sa iyong palagay, ano ang kinahantungan ng himagsikan ng umalis si
Aguinaldo dahil sa kasunduan?
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Bakit hindi nagtagumpay ang Himagsikang 1896?
A. Hindi malinaw ang layunin nito
B. Kulang sa pagkakaisa ang mga Pilipino
C. Wala itong mahusay na pinuno
D. Kaunti ang bilang ng mga mamamayang Pilipino noon

2. Kailan itinatag ang Republika ng Biak-na-Bato?


A. Nobyembre 1, 1896 C. Nobyembre 1, 1897
B. Nobyembre 5, 1896 D. Nobyembre 7, 1897

3. Kailan naganap ang Kasunduan sa Biak na Bato?


A. Nobyembre 1, 1897 C. Disyembre 15, 1897
B. Nobyembre 7, 1897 D. Disyembre 27, 1897

4. Ang kasunduan sa Biak-na-Bato ay nilagdaan ng dalawang Heneral sa


halagang__________Mexican peso.
A. 400,00 C. 200,00
B. 800,00 D. 900,00

5. Saan lalawigan sa Pilipinas matatagpuan ang Biak na Bato?


A. San Miguel, Bulacan C. Naic, Cavite
B. Malolos, Bulacan D. Kawit, Cavite
SUSI SA PAGWAWASTO
5. A D 5. 5. C
4. B G 4. 4. B
3. C F 3. 3. A
2. C C 2. 2. B
1. B B 1. 1. D
Panapos na Pagsusulit Pagsasanay Unang Pagsubok

Sanggunian
1. Published on Feb 8, 2008
Digital Image All rights reserved “Ang Rebolusyong 1896” by Shaoie,
https://www.slideshare.net/shaoie/ang-rebolusyong-1896
2. Published on -February 25, 2020
Digital Image All rights reserved by rektdata
https://mgabayani.ph/biak-na-bat/
3. Published on August 2011
Digital Image All rights reserved by Hannah:P
http://pilipinong-katha.blogspot.com/2011/08/wika-ay-katarungan-
kapayapaan-at.html
4. Published on December 14, 2013
Digital Image All rights reserved by, “The Verdict,” obra ni Rody Herrera. Ayon
sa testimonya ni Lazaro Makapagal. Makikita sa aklat na Fine Artists of the
Philippines 1999 ni Marlene Aguilar at Larry Bortles.
https://xiaochua.net/2013/12/14/bakit-parang-ayaw-kong-paniwalaan-si-
lazaro-makapagal-kahit-siya-ang-nanguna-sa-pagpatay-kay-andres-bonifacio/
5. Published on December 14, 2013
Digital Image All rights reserved by, Ang pagpaslang kay Procopio at Andres
Bonifacio sa serye ng GMA Network na “Katipunan.” Sa kagandahang loob ni
Jayson Bernard Santos.
https://xiaochua.net/2013/12/14/bakit-parang-ayaw-kong-paniwalaan-si-
lazaro-makapagal-kahit-siya-ang-nanguna-sa-pagpatay-kay-andres-bonifacio/
6. Published on June 10, 2018, 12:05 AM
Digital Image All rights reserved by Dom Galeon
https://newsbits.mb.com.ph/2018/06/10/the-politics-of-our-forefathers/
7. Published on Sunday August 05, 2012
Digital Image All rights reserved by, Posted under General History
https://kahimyang.com/kauswagan/articles/1258/the-tejeros-convention-
according-to-general-artemio-ricarte
8. Antonio, Eleanor at Banlaygas, Emilia, Dallo, Evangeline
Aklat ng Kayaman Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 6,
Edisyon 2017

You might also like