EsP 6 Q1 W3 Mod3 Pagbibigay NG Tamang Impormasyon

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Unang Markahan
Ikatlong Linggo

Modyul 3: Pagbibigay ng Tamang Impormasyon

Inaasahan Ko Mula sa Iyo:


Bata man o matanda ay kailangan maging ligtas sa kaniyang
kapaligiran. Kinakailangang mapuksa ang mga nakakahawa at nakakamatay
na sakit na lumalaganap sa komunidad. Dahil sa mabilis na pag-unlad ng
media at teknolohiya, nasanay na ang mga tao sa nakukuhang mabilisang
impormasyon. Subalit hindi lahat ng lumalabas sa internet o sa tradisyonal
na media tulad ng radyo, diyaryo, at telebisyon ay totoo. Sa panahong ito,
marami ang mga naging biktima ng maling impormasyon. Mahalagang
maglaan ng sapat na panahon sa paghahanap ng impormasyon sa iba’t-ibang
sanggunian upang matiyak na ito ay may katotohanan.
Bilang isang mag-aaral, nararapat mong malaman ang mga bagay kung
saan ay makakakuha ka ng tamang impormasyon dahil ang pagbibigay ng
maling impormasyon ay nagdudulot ng kapahamakan. Maging mapagmasid
at masusing pag-aralan ang mga impormasyon nababasa,naririnig at
napapanood sa mga telebisyon, radio at social media.
Sa panahong ngayon ,alam mo ang nangyayari sa iyong kapaligiran.
Nakatitiyak ka ba na ligtas ang iyong komunidad na ginagalawan? May sapat
ka bang kaalaman sa kumakalat na pandemic na Covidvirus? Alam mo ba
kung paano ka makakaiwas sa sakit na ito?
I. LAYUNIN
Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang mga sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Natutukoy ang mga sanggunian na ginagamit sa pagkuha ng tamang
impormasyon
2. Nakapagbibigay ng wastong paraan upang mapangalagaan ang
kalusugan.
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Kasanayang
Pampagkatuto 1.1
a. Naiisa-isa ang mga sanggunian sa pagtukoy ng tamang impormasyon.
b. Natutukoy ang sanhi at sintomas ng isang lumalaganap na sakit.

1
c. Nasusuri ang impormasyon bago gumawa ng desisyon.
II. MGA GAWAIN
Paunang Pagtataya
Bilang panimula, sagutin mo ang paunang pagtataya sa abot ng
iyong makakaya. Mahalaga ito upang matukoy ang konseptong nais mong
malaman. Handa ka na ba?
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong Piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1.Ang mga kabataan ngayon ay madaling maniwala sa kung ano ang mga
nakikita nila sa social media. Ano ang dapat nilang tandaan?
A. Maging mapanuri sa lahat ng nakikita sa online.
B. Sundin lahat ng post na ibahagi sa online.
C. Maniwala lagi sa mga nakikita sa online.

2. Hilig ng kapatid ni Ana na manood sa You Tube at paniwalaan ang


anumang nakikita rito. Ano ang maipapayo mo sa kanya?
A. Ipagpatuloy ang kanyang ginagawang panood sa You Tube.
B. Suportahan siya sa kanyang kagustuhan.
C. Ipaliwanag sa kanya ang kahalagahan ng hindi paniniwala agad-
agad at kailangang maging mapanuri.

3. Kailangan mangalap si Mark ng mga impormasyon tungkol sa COVID-


19. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Manood nang mga balita at magsaliksik sa mga kapani-paniwalang
sites sa internet.
B. Ipagtanong na lamang sa mga kaibigan ang tungkol ditto.
C. Makinig sa usapan ng mga kapitbahay tungkol sa COVID-19.

4.Naghahanap si Karen ng kanyang takdang-aralin sa Google nang


biglang may lumalabas sa screen ng kanyang kompyuter na siya ay
nanalo. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Agad na maniwala tungkol rito.
B. Alamin muna at ipagtanong kung ito ba ay totoo o hindi.
C. I-click agad ito ng basta basta.

5. Habang gumagamit ng Facebook si Jose, may nabasa siyang isang post


tungkol sa nakakamatay na sakit. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Magsaliksik muna kung ito ay tototo o hindi.
B. Ipagkalat agad ito sa mga kaibigan.
C. Huwag na lamang itong pansinin.

2
ALAMIN MO (Mapanuring Pag-iisip)

Gawain 1:
Panuto: Bilugan ang mga larawan sa ibaba na palagi mong ginagamit na
sanggunian upang makakuha ng impormasyon. Pagkatapos, sagutin ang
sumusunod na gabay na tanong.

Mga Gabay na Tanong:


1. Bakit ito lagi ang iyong pinagkukunan ng impormasyon?
2. Paano nakakatulong ang mga sanggunian sa pagkuha ng mga
impormasyon?
3. Paano mo mapupunan ang kawalan ng mapagkukunan ng
impormasyon?

3
Gawain 2: Tamang Impormasyon, Alamin Mo!
Panmuto: Tingnan ang sumusunod na larawan. Basahin ang Health Advisory
tungkol sa lumaganap na Covid-19 o Coronavirus.

Sagutin:
1.Tungkol saan ang health advisory?
2. Ano ang Coronavirus?
3. Anu-ano ang sintomas na dulot ng novel coronovirus?
4. Ano ang maaring mangyari kapag malubha na ang kaso ng sakit?
5. Sa iyong palagay, tama ba ang iyong nakuhang impormasyon? Bakit?

4
TANDAAN

Sa modernong panahon natin ngayon, maraming makabagong


kagamitan ang naiimbento na mapagkukunan ng mga impormasyon.
Mahalagang maglaan ng oras sa paghahanap ng impormasyon gamit ang
iba’t-ibang sanggunian.

CORONA VIRUS ALERT!!

Ano nga ba ang kahulugan ng impormasyon? Ang ibig sabihin ng


impormasyon ay ito: Ang impormasyon ay isang bagay na may kahulugan at
konteksto sa tumatanggap nito. Bukod pa rito, ito ay ang anumang detalye
ukol sa isang tao, sitwasyon, pangyayari, lugar, bagay, at iba pa. Upang
magkaroon ng kahulugan ang isang impormasyon, kailangan itong dumaan
sa pag-proseso.
Upang masabi na impormasyon ang isang bagay, narito ang mga apat
na bagay na maaaring isaalang-alang:
1. Ang impormasyon ay wasto at napapanahon.
2. Ang impormasyon ay maayos at tiyak para sa isang layunin.
3. Ang impormasyon ay may konteksto na nagbibigay ng kahulugan at
kahalagahan nito.
4. Ang impormasyon ay nakadadagdag ng pag-intindi at nakababawas
ng kawalan ng katiyakan.

Sa pagsasaliksik ng tamang impormasyon,makatutulong


upang magtagumpay sa ganitong layunin ang pagmamahal sa
katotohanan at pagbibigay ng sapat na panahon sa
paghahanap ng tamang impormasyon.

5
ISAGAWA MO (Pakikipagtalastasan)

Gawain 3 : Pangangalaga sa Sariling Kalusugan


Panuto: Tingnan ang sumusunod na mga larawan. Pumili ng isa na
nagpapakita ng paraan kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng sakit.
Sumulat ng isang anunsyo upang mapangalagaan ang kalusugan. Isulat ang
sagot sa kahon na makikita sa ibaba.

ANUNSYO

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

_____________________________________

6
ISAPUSO MO (Pakikipagtulungan)

Gawain 4: Wastong Paraan ng Pag-iwas sa Sakit


Panuto: Basahin ang sumusunod na mga gawain. Ilahad ang sarili mong
palagay tungkol dito. Lagyan ng tsek ang hanay ng iyong sagot. Ipabasa sa
magulang ang iyong sagot.

Maga Gawain Hindi Minsan Palagi


1. Nagbabasa ng pahayagan sa araw-araw
upang malaman ang mga pangyayari sa
loob at labas ng bansa tungkol sa covid-
19.
2. Nagsasaliksik tungkol sa kung paano
maiiwasan ang pagkalat ng sakit tulad
ng coronavirus.
3. Naghuhugas ng mga kamay.
4. Kumakain ng masusustansyang pagkain
tulad ng gulay, prutas,isda at karne.
5. Tinatakpan ko ang aking bibig kapag
umubo o bumabahing.

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang natuklasan mo sa sarili mo sa gawaing ito?
2. Paano nakatulong sa iyo ang gawaing ito?
3. Ano ang dapat mong gawin sa impormasyong natutunan mo mula sa
gawaing ito?
4. Bilang bata, paano ka makakatuong sa pamilya upang
mapangalagaan ang kanilang kalusugan?

ISABUHAY MO (Pagbuo ng Pagkatao)

Gawain 5: Pagtukoy sa mga Pinagkukunan ng Tamang Impormasyon


Panuto: Isulat ang mga sanggunian na mapagkukunan ng tamang
impormasyon. Gawin ito gamit ang graphic organizer.

7
Mga
Pinagkukunan ng
IMPORMASYON

Repleksiyon
Ngayon alam mo na mahalaga ang mga wastong sanggunian sa
pagbibigay ng tamang impormasyon may kakayahan ka ng suriing ang mga
nangyayari sa iyong kapaligiran. Gumawa ka ng isang pangako kung saan ay
mangangako ka na susundin ang mga paraang upang maiwasan ang
lumaganap na sakit sa ating bansa na Covid-19.
Bilang mag-aaral, ako ay nangangako na_____________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

SUBUKIN MO

III. PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong
sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ang pagtanggap ng anumang uri ng pagbabago sa buhay nang maluwag
sa kalooban ay nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng _______________.

8
A. bukas na isipan C. mapanuring pag-iisip
B. tiyaga D. kahinahunan

2. Ang pagiging kalmado at pag-iwas sa anumang uri ng gulo ay tanda ng


_____________.
A. pagkamatiyaga C. pagkakaroon ng bukas na isipan
B. pagmamahal sa katotohanan D. pagkamahinahon

3. Upang malaman kung tama ang impormasyon na iyong nakalap o


nabalitaan, ano ang dapat mong gawin?
A. Magtatanong ako sa mga kaklase ko kung ito ay alam din nila
B. Hahayaan ko na lamang dahil ito ay nakakaabala sa akin
C. Hindi ko aalamin pa ang totoo dahil marami naman ang nakaalam
nito sa mga dyaryo at telebisyon.
D. Magsasaliksik ako kung saan nanggaling ang impormasyon at
susuriin ko kung totoo ba ito o hindi.
4. Habang gumagamit ka ng facebook nabasa mo sa newsfeed ang mga
sintomas ng pagkakaroon ng sakit na coronavirus. Nais mo itong ibahagi
sa iyong kapamilya. Ano ang nararapat mong gawin bago mo ito ibahagi?
A. Aalamin ang pinanggalingan ng balita at ito ay susuriing mabuti.
B. Babasahin lang at ibabahagi na ito agad.
C. Ibabahagi ko sa kanila at sila ang bahala kung maniniwala sila o
hindi.
D. Ibabahagi ko na agad at sasabihin ko na sila na ang magsaliksik
kung totoo o hindi ang impormasyon.
5. Ang _________________ay pagkuha ng datos sa tunay na nangyari at
paghahanap ng katiyakan ng tamang impormasyon.
A. mapanuring pag-iisip C. pagkamahinahon
B. pagmamahal sa katotohanan D. pagkamalikhain

Kamusta na? Naisakatuparan mo ba ng maayos ang mga


gawain sa modyul na ito?

Kung oo, binabati kita! Maari ka nang magpatuloy sa susunod na


modyul. Kung hindi, balikan angnina:
Inihanda mga gawaing hindi natapos.
Katangian ng isang mapanagutang mag aaral ang sumangguni at
humingi tulong o paggabay sa kanilang kamag-aral o guro.

9
Mga Sanggunian

EsP - K to 12 CG d. 81 (Code: EsP6PKP-Ia-i-37)


Peralta, G.A at Ylarde, Z. R. (2016) Edukasyon sa Pagpapakatao 6:Ugaling
Pilipino sa Makabagong Panahon: Manila: Vicarish Publication and
Traning
Google application on Coronavirus
https://brainly.ph/question/409678#readmore

Management and Development Team

Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Lucita A. Gener
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Validators: Lucita A. Gener


Paulo T. Adorio

Writer/s: Maria Lourdes R.Aquino


Teacher III, Rosauro Almario Elementary School

Lourdes B.Cenon
Master Teacher I, Juan SumulongElementary School

10
11
Gawain 2
1.Tungkol sa health advisory ng Coronavirus.
2. Ang coronaviruses ay mga pamilya ng mga virus na nagdudulot ng sakit mula sa
karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East
Respiratory Syndrome (MERS) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS).
3. Ang mga karaniwang sintomas na dulot ng coronavirus ay lagnat, ubo’t sipon,
hirap at pag-iksi ng paghinga at iba pang problema sa daluyan ng paghinga.
4. Kapag ito ay naging malubha, maaari itong maging sanhi ng pneumonia, acute
respiratory syndrome at pagkamatay.
5. Opo, dahil ito ay nanggaling sa mapagkakatiwalaang source gaya ng Kagawaran
ng Kalusugan.
Gawain 3
Tungkol sa anunsiyo
Gawain 4
Ang sagot ay depende sa magiging palagay ng bata kung ang inilalahad ay hindi,
minsan at palagi.
Gawain 5
Mga pinagkukunan ng impormasyon:
-telebisyon - aklat (encyclopedia, diksyunaryo)
-radyo - pahayagan o dyaryo
-social media
-resource person
Paunang Pagtataya
1. A 4. B
2. C 5. A
3. A
Panapos Pagtatataya
1.A 4. A
2.D 5. B
3.D
3.D
Susi sa Pagwawasto

You might also like