Kababaihan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pangalan:_________________ Petsa:____________________

Lebel at Seksyion:_______________ Guro:Neil T. Monte De Ramos

Gawaing Pagkatuto sa Araling Panlipunan 6


Unang Markahan
Week 4

Aralin 4

Partisipasyon ng mga kababaihan sa Rebolusyong Pilipino

Panimula ( Susing Konsepto )

Napakalaki ang katungkulang ginampanan ng mga kababaihan noong panahon ng himagsikan.


Sa pagnanais na makamtan ang minimithing kalayaan, ang iba sa kanila ay napilitang makipaglaban sa
kabila ng kanilang kasarian.

Partisipasyon ng mga Kababaihan sa panahon ng Rebolusyong Pilipino

1. Sumasali sila sa mga labanan.

2. Nag-aalaga ng mga rebolusyonaryong nasusugata o nagkakasakit.

3. Taga-ingat ng mga mahahalagang dokumento ng Katipunan.

4. Pagiging mamamahayag ng samahan.

5. Tagatahi ng mga bandila ng himagsikan.

Naghinala ang mga asawang babae, kapatid, kamag-anak sa kanilang pagbabago sa pang- araw
araw na gawain tulad ng pagkawala sa gabi at pagkabawas ng kita. Ang mga kasapi ng Katipunan ay
Asawa ng katipunero, Anak ng katipunero, Kapatid ng katipunero, at malapit na kamag-anak ng
katipunero.

Melchora Aquino → tinaguriang “ Ina ng Katipunan” at kilala sa tawag na Tandang Sora kinalinga at
kinupkop ang mga katipunerong sugatan at may sakit, sa gulang na 84 ay aktibo siyang nakibahagi sa
mga adhikain at pakikibaka ng mga katipunero para sa kasarinlan o kalayaan. Sa panahon ng
pakikipaglaban ng mga katipunero ay binuksan niya ang kanyang tahanan pinakain, binigyan ng gamut,
at inalagaan niya ang mga sugatang katipunero.

Trinidad Tecson → kinilalang “ Ina ng Biak- na- Bato o Mother of Mercy “ nagsilbing nars ng mga
katipunero, tinaguriang “ Ina ng Philippine National Red Cross” naipakita niya ang kanyang tapang ng
lumagda siya bilang kasapi ng kilusan gamit ang kanyang sariling dugo. Higit na hinangaan ang kanyang
kahusayan at katapangan nang matagumpay na masamsam ng mga katipunero ang mga armas ng mga
Espanyol sa isang bilangguan sa San Isidro, Bulacan.

Gregoria de Jesus → asawa ni Andres Bonifacio nakilala sa tawag na “ Lakambini ng Katipunan at sa


bansag na Orang Dampuan, naging pangalawang pinuno ng kababaihang kasapi ng Katipunan. Naging
tagapamahala ng mga armas at ibang kagamitan, at pinangasiwaan din niya ang mga papeles na tungkol
sa kilusan.

Teresa Magbanua → binansagang “ Joan of Arc ng kabisayaan” , ipinamalas ang kanyang katapangan at
kahusayan sa taktika ng pakikidigma nang hilingin niya sa kanyang tiyuhin na pahintulutin siyang
lumaban sa mga sundalong Espanyol. Itinalaga bilang komandante sa hilagang Iloilo. Sa una niyang
pakikipaglaban, matagumpay niyang napahinuhod ang mga sundalong Espanyol sa Yating, Pilar sa
lalawigan ng Capiz, sa Sap-ong Hills at Balintang Tacos- Jibao.

Marina Dizon Santiago → kauna-unahang babaeng kasapi ng Katipunan, Pinangunahan niya ang
pagtatanghal sa pag-awit at pagsayaw sa mga kunwari- wariang pagdiriwang upang ilihis ang atensyon
ng mga Espanyol sa tuwing gaganaping lihim na pagpupulong ang mga kalalakihang miyembro ng
Katipunan.

Agueda Kahabagan → taga Santa Cruz Laguna nakilala bilang natatanging babaeng heneral ng
himagsikan. Kinilala din sa tawag na Heneral Agueda. Taga silbing tagapuslit ng gamit pandigma noong
1896.

Gregoria Montoya → nasawi habang nakikipaglaban, siya ay namuno sa isang yunit ng mga Katipunero
sa labanan sa Tulay ng Caleo sa Cavite noong Nobyembre 1896.

Gabriiela Silang → Asawa ni Diego Silang. Ipinagpatuloy ang laban ng masawi ang asawa. Unang
Pilipinong babaeng namuno sa isang paghihimagsik noong kolonisasyon ng Kastila sa Pilipinas.

Josefa Rizal → kapatid ni rizal, nahalal bilang pangulo ng babae sa Katipunan.

Marcela Agoncillo → siya ang nanguna sa pagtahi n gating watawat, kaya siya ang tinawag na “ Ina ng
watawat ng Pilipinas.

Josefa Llanes Escoda → siya naman ang nagtatag ng Girl Scout sa Pilipinas.

Josephine Bracken → ang asawa ni Jose Rizal.

Gawain 1. Piliin ang tamang sagot.

1. Siya ang kumalinga at kumupkop sa mga katipunerong nasusugatan at nagkakasakit?

a. Marina Dizon b. Trinidad Tecson c. Melchora Aquino d. Gabriela Silang

2. Gumamit ng mga estratehiyang pagtatanghal upang hindi mahuli ang lihim na pagpupulong?

a. Marina dizon b.Trinidad Tecson c. Gregoria de Jesus d. Gabriela Silang

3. Tagapag-ingat ng mga mahahalagang dokumento saan man siya tutungo?


a. Gregoria de Jesus b. Trinida Tecson c. Marina Dizon d. Melchora Aquino

4. Ipinagpatuloy ang pakikipaglaban sa mga kastila ng namatay ang asawa?

a. Melchora Aquino b. Gabriela Silang c. Trinidad Tecson d. Marina Dizon

5. Naging nars mga Katipunero sa Biak- na- Bato?

a. Marina Dizon b. Trinidad Tecson c. Gabriela Silang d. Melchora Aquino

Gawain 2. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag sa pangungusap ay totoong tungkulin ng
kababaihan sa panahon ng rebolusyon at MALI KUNG Hindi.

1. Ang ilan ay nagsanay sa pagahawak ng armas na panlaban at natutong sumakay sa kabayo upang
makalaban kasabay ng kalalakihan sa rebolusyon.

2. Kumikilos ang kababaihan ayon sa kanilang pagnanais at sariling pagkukusa.

3. Nagkaroon ng sariling pangkat ang kababaihan noong panahon ng Katipunan.

4. Nanguna sa kontra paninik-tik o pagtatangkang matuklasan ng mga kalaban ang kanilang estratihiya
sa labanan.

5. Sa tulong ng kababaihan, napanatiling lihim ang pangkat ng Katipunan sa loob ng apat na taon.

6. Ang ilan sa kanila ay nagsilbing tagasuri o tagatago ng mahahalagang dokumento.

7. Nagpakita sila ng katatagan sa kabila ng paglisan ng kanilang kabiyak upang tumakas sa digmaan.

8. Naging heneral ang ilan sa kababaihan noon.

9. Mayroon ding kababaihang nagpapakita ng kanilang katapangan sa pamamagitan ng pagsusulat ng


mga akdang laban sa mga dayuhan.

10. Ang kababaihan sa Katipunan ay nagpapakain, nanggagamot at ang iba ay namumuno sa ritwal ng
samahan.

Gawain 3. Sagutan ang mga tanong.

Ano-ano ang katangianng kababaihan sa panahon ng rebolusyon?

Sagot:

Bakit naging mahalaga ang partisipasyon ng kababaihan sa panahon ng rebolusyon?

Sagot:

Sanggunian: Kayamanan 6 (pahina 42 ) / Department of Education- Bureau of Learning Resources


( DepEd- BLR )

You might also like