DLL Araling Panlipunan Day 2 Week 8

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
KIDAPAWAN CITY DIVISION
AMAS CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

DAILY LESSON LOG IN ARALING PANLIPUNAN V


FIRST QUARTER
IKAWALONG LINGGO – IKALAWANG ARAW

I. LAYUNIN
a. Pamantayang
Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang
mapanuring pag-unawa at kaalaman sa kasanayang
pangheograpiya, ang mga teorya sa pinagmulan ng
lahing Pilipino upang mapahalagahan ang konteksto
ng lipunan/pamayanan ng mga sinaunang Pilipino
at ang kanilang ambag sa pagbuo ng kasaysayan
ng Pilipinas

b. Pamantayan sa
Pagaganap Ang mga mag-aaralay naipamamalas ang
pagmamalaki sa nabuong kabihasnan ng mga
Pilipino gamit ang kaalaman sa kasanayang
pangheograpikal at mahalagang konteksto ng
kasaysayan ng lipunan at bansa kabilang ang mga
teorya ng pinagmulan at pagkabuo ng kapuluan ng
Pilipinas at ng lahing Pilipino

c. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto (Isulat ang 8.2.a. Nailalarawan ang iba pang sinaunang
code ng bawat paniniwala,tradisyon at ang impluwensya ng mga ito
sa araw-araw na pamumuhay
kasanayan)
8.2.b. Naisasadula ang ilang paniniwala at tradisyon
noong unang panahon
8.2.c. Naipapahayag ang reaksyon sa mga
sinaunang paniniwala at tradisyon
AP5PLP-Ig-8

II. NILALAMAN
Sistema ng Paniniwala ng mga Sinaunang
Pilipino
 Paniniwala sa mga Espiritu at Diyos ng
Kalikasan
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay
ng Guro
Gabay Pangkurikulum, Araling Panlipunan 5, pp.106
ng 240
Makabayan Kasaysayang Pilipino 5 Manwal ng
Guro, pp. 16 - 21
Araling Panlipunan Pilipinas Bilang Isang Bansa 5,
Manwal ng Guro, pp. 28 – 32

2. Mga pahina sa
Kagamitang Pang- Makabayan,Kasaysayang Pilipino p.25-27
Mag-aaral Araling Panlipunan Pilipinas Bilang Isang Bansa 5,
pp. 89 - 91

3. Mga pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa https://www.slideshare.net/melprosperomanalo/pags
portal ng Learning amba-ng-mga-sinaunang-pilipino?from_action=save
Resource
5. Iba pang Kagamitang
Panturo aklat,larawan,tsart,power point presentation

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa
nakaraang aralin at/o 1. Balitaan
pagsisimula ng
2. Balik-aral
bagong aralin
Sabihin ang tamang sagot sa mga sumusunod na
tanong:
 Anong P ang tumutukoy sa
pananampalataya mayroon ang mga
sinaunang Pilipino kung saan naniniwala sila
sa mga espiritung tinatawag na anito?

 Ang B tawag sa mga paring babae na


nangunguna sa pagsasagawa ng mga ritwal
ng mga pagano?

Sagot: 1. Paganismo 2. Babaylan

B. Paghahabi sa layunin Panimulang Pagsasanay


ng aralin
Panuto: Basahin ang isinasaad sa pangungusap.
Isulat ang titik T kung ito ay nagpapahayag ng
katotohanan at titik H kung hindi.

1. Naniniwala ang mga unang Pilipino sa mga hula at


pangitain. Hinuhulaan nila ang mabuti at masamang
kapalaran sa pamamagitan ng huni ng ibon.

2. Ayon pa rin sa mga unang Pilipino,ang


paghihilamos ng pusa ay nagpapahayag ng
pagdating ng isang panauhin.
3. Pinaniniwalaan din ng ating mga ninuno na ang
bawat tao ay may kaluluwa na pupunta sa kabilang
mundo kapag ito‟y namatay.

4. May pinaniwalaan din ang mga unang Pilipino


tungkol sa kometa.Ang pagpapakita ng kometa ay
nangangahulugan ng digmaan,hirap,sakit at gutom.

5. Isa sa mga tradisyon na pinahalagahan ng ating


mga ninunong Pilipino ay ang hindi pagbibigay
halaga sa patay.

Sagot: 1. M 2. M 3. T 4. T 5. M
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong Magkaroon ng laro. Pipili ang mga bata ng card na
aralin may nakasulat na mga paniniwala at mga larawan.
Hahanapin ngayon nila ang kanilang kapareha.
Basahin ang mga sumusunod na naglalarawan ng
sinaunang paniniwala, tradisyon noong unang
panahon at magbigay ng ideya o kaisipan tungkol
dito.

a. Alulong ng aso
b. Paghuni ng ibon
c. Paghihilamos ng pusa
d. Mangkululam
e. Pagsamba sa mga kalikasan

D. Pagtatalakay ng
bagong konsepto at Magpakita ng video tungkol sa animism.
paglalahad ng bagong
kasanayan #1 https://www.slideshare.net/melprosperomanalo/pags
amba-ng-mga-sinaunang-pilipino?from_action=save

Para sa mga karagdagang impormasyon maaaring


gumamit ng ibang aklat, Araling Panlipunan 5,
Pilipinas Bilang Isang Bansa, pp.89 – 91; Pamana 5
pp.34 – 36)

E. Pagtatalakay ng
bagong konsepto at Pangkatang Gawain
paglalahad ng  Hahatiin sa apat na pangkat ang klase.
bagong kasanayan  Bibigyan sila ng activity cards kung saan
#2 nakatala ang kanilang gagawin.
 Ipapaalala ang mga pamantayang dapat
sundin

Pagsasadula
Isasadula ng pangkat ang mga nakatalagang
sitwasyon sa kanilang pangkat

Unang Pangkat – Buntis


Ikalawang Pangkat – Alulong ng Aso
Ikatlong pangkat – Paggunita sa mga Patay
Ikaapat na Pangkat – pagbasa ng mga guhit ng
palad

(Maaring palitan o dagdagan ang mga sitwasyon


ayon sa nais ng guro.)

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG PRESENTASYON


Pamanatayan Deskripsiyon Puntos
Nilalaman Wasto ang inilahad na 5
impormasyon
Presentasyon Masining ang 5
ng Gawain presentasyon ng datos
at larawan.
Organisasyon Maayos ang daloy ng 5
presentasyon, May
kaugnayan ang mga
larawan na ginamit sa
nilalaman.
KABUUANG PUNTOS 15

F. Paglinang sa
Kabihasan Magkakaroon ng pagtatalakayan tungkol sa
(Tungo sa Formative isinagawang pangkatang gawain.
Assessment)
 Ano sa palagay ninyo ang tawag sa mga
ipinaliwag ninyo, isinadula at mga nasa
larawan?
 Isinasagawa pa rin ba ang mga ito sa
kasalukuyan?
 Ano ang masasabi ninyo sa mga kaugalian o
paniniwala na ipinakilala sa atin ng ating mga
ninuno?
 Ipaliliwanag pa ng guro ang iba pang mga
paniniwala na pinaniniwalaan n gating mga
ninuno.

G. Paglalapat ng aralin sa  Sa iyong palagay, alin sa mga tradisyong


pang-araw-araw na ipinakilala sa atin n gating mga ninuno ang
buhay nagdulot ng kabutihan sa ating pamumuhay
ngayon?
H. Paglalahat ng Arallin
Ano anong mga paniniwala at tradisyon ang
natutuhan ngayon?

Tandaan:

Maraming mga paniniwala at tradisyon ang mga


sinaunang Pilipino na nagkaroon ng impluwensya sa
atin sa kasalukuyan tulad ng paggalang sa
nakatatanda, mga pamahiin at pagdaraos ng ibat
ibang okasyon

I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad ng
bawat pangungusap na naglalarawan sa mga
paniniwala at tradisyon na nagmula sa mga
sinaunang Pilipino.

1. Naniniwala sa mga pamahiin ang mga unang


Pilipino. Ang pag-alulong ng aso sa hatinggabi ay
masamang pangitain ayon sa kanila.

2. Ang mga Pilipino noon ay naniniwala rin sa mga


aswang, tiyanak, tikbalang, manananggal at
mangkukulam.

3. Malakas din ang paniniwala nila sa kabilang


buhay kaya gayon na lamang ang pagpapahalaga
nila sa patay.

4. Naniniwala rin sila na digmaan, paghihirap,


gutom, at sakit ang kasunod ng pagpapakita ng
isang kometa.

5. Ang mga unang Pilipino ay naniniwala din sa hula,


mabuti at masamang kapalaran sa pamamagitan ng
huni ng ibon at mga lamang-loob ng kinatay na
hayop.

Sagot: 1. T 2. T 3. T 4. T 5. M
J. Karagdagang gawain
para sa takdang-aralin Sumulat ng isang kwento na nagsasaad ng
at remediation paniniwala o tradisyon na nagkaroon ng
impluwensya sa inyong pamumuhay

Mga Tala
Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa
sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng
aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni:
CELIA MYRNA M. FILIPINAS
Master Teacher II

Iniwasto ni:

ARNEL P. CIPRIANO
Principal I

You might also like