Q2 AralPan 5 - Module 5

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

5

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan–Modyul 5
Mga Patakarang Pampolitika sa
Panahon ng Espanyol
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Mga Patakarang Pampolitika sa Panahon ng Espanyol

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Deah Love B. Arlan
Editor: Rosemarie T. Realino,PhD
Tagasuri: Rosemarie T. Realino, Jessie J. Magallano at Roldan Roperos
Tagaguhit: Manuel Ruiz
Tagalapat: Deah Love B. Arlan
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena, CESO V
Emma A. Camporedondo, CESO VI
Jinky B. Firman, CESE
Alma C. Cifra, EdD
Amelia Lacerna (AP EPS)
Aris B. Juanillo, PhD (LR EPS)
Fortunato B. Sagayno (ADM Coor)

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Name of SDO Developer
Office Address: _DepEd Davao City Division , E. Quirino Ave.________
_Davao City, Davao del Sur, Philippines____________
Telefax: _(082) 224-0100_______________________________
E-mail Address: [email protected]______________________
5

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan–Modyul 5:
Mga Patakarang Pampolitika sa
Panahon ng Espanyol
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang
gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Maligayang pagdating sa ikalimang modyul ng Araling Panlipunan 5-


Ikalawang Kwarter.

Sa modyul na ito, mauunawaan mo ang pamahalaang kolonyal na


ipinatupad ng mga Espanyol sa ating bansa noong panahon ng pananakop.
Paano kaya nabago ang pamumuhay ng mga Pilipino bunga ng patakarang
pampolitikang ipinatupad nila?

Bilang isang mamamayan ng bansang Pilipinas; anong uri ng


pamahalaan mayroon ka? Sino ba ang namamahala sa ating bansa sa
kasalukuyan? Nang sakupin tayo ng mga Espanyol, ano kayang uri ng
pamahalaan ang itinatag nila?

Halina at simulang tuklasin ang bagong kaalaman sa modyul na ito.

Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang matutuhan mo ang


sumusunod:

• Nailalarawan ang mga patakarang pampolitika na ipinatupad ng


Espanya sa bansa.
• Natutukoy ang mga epekto ng mga patakarang pampolitika na
ipinatupad ng Espanya sa bansa.

Ang mga kasanayang ito ay maaari mong matutunan sa loob ng


dalawang linggo.

1
Subukin Natin

Gawain 1: Pagtambalin Natin!


Piliin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Gamit ang iyong sagutang
papel; isulat ang letra ng wastong sagot sa loob ng kahon.
A B
1. Pinakamataas at pinakamakapangyarihang A. Residencia
opisyal sa panahon ng Espanyol
2. Pinakamaliit na yunit ng pamahalaan noon B. Barangay
3. Kapangyarihan ng gobernador-heneral na C. Alcaldia
magsuspindi sa mga batas na galing sa hari
ng Espanya
4. Lugar na lubos na nasakop na at kumilala D. Gobernador-Heneral
sa pamahalaang Espanyol
5. Hayag na pagsisiyasat sa mga gawain ng E. Cumplase
mga pinunong bayan sa panahon ng
kanilang panunungkulan

Aralin Natin
Ngayon ay susubukin natin ang iyong kaalaman tungkol sa ating
nakaraang aralin. Punan ang mga patlang upang mabuo ang mga kaisipan
tungkol sa mga patakarang pang-ekonomiyang ipinatupad ng mga Espanyol.
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

Gawain 2: Patlang Mo, Punan Ko!

1. _________________ ang tawag sa pinuno ng pueblo o bayan.


2. Ang ____________________ ay ang puwersahang pagtatrabaho ng mga
kalalakihang may 16 hanggang 60 taong gulang.
3. Ang tributo o sistema ng pagbubuwis ay ang pangungulekta ng
salaping kakailanganin ng pamahalaan. Ito ay napalitan ng
______________ noong 1884.

2
4. Ang kalakalang Galyon ay kilala rin sa tawag na Kalakalang
_____________________.
5. Ang ___________ ang tanging halaman na itinanim sa mga lugar na
itinakda ng pamahalaan upang gawing sigarilyo.
Magaling! Nagawa mo nang matiwasay ang gawain.

Ngayon naman ay suriin mo ang larawan.

Kilala mo ba ang nasa larawan? Tama! Siya ay si


Pangulong Rodrigo R. Duterte, ang pangulo ng
Republika ng Pilipinas. Siya ang pinakamataas at
pangunahing pinuno ng ating bansa.

Basahing mabuti nang may pang-unawa ang


sumusunod na teksto.

May sarili ng pamahalaang kinikilala ang mga katutubong Pilipino bago


pa man dumating ang mga Espanyol. Sa pananakop ng mga Espanyol sa
Pilipinas; inalis sa mga datu, rajah at sultan ang pinakamataas na
katungkulan ng pamunuan ang kanilang sakop at pinalitan ito ng
pamahalaang kolonyal. Itinatag nila sa bansa ang pamahalaang sentral at
lokal.

A. Pamahalaang Sentral
Nang masakop ng mga Espanyol ang malaking bahagi ng Pilipinas,
nagtatatag sila ng pamahalaang sentral upang mapadali ang pamamahala sa
buong bansa. Ang Maynila bilang kabisera ng Pilipinas, matatagpuan ang
Pamahalaang Sentral ng Pilipinas. Pinamumunuan ito ng isang gobernador
heneral. Nahahati sa dalawang sangay ang pamahalaang itinatag ng mga
Espanyol, sa Pilipinas. Ito ay ang ehekutibo o tagapagpaganap at hudisyal o
panghukuman. Ang Gobernador Heneral ay may hawak ng ehekutibo dahil
siya ang nagpapatupad ng batas mula sa Espanya. Ang Royal Audiencia
naman ang may kapangyarihang hudisyal bilang pinakamataas na hukuman
sa kolonya.

3
Gobernador-Heneral

kinatawan ng hari pinakamataas na pinuno


ng Spain Pamahalaang Sentral

Walang kapangyarihang gumawa ng batas ang gobenador-heneral


ngunit may karapatan itong suspindihin ang anumang ipinag-utos ng hari at
ng Council of Indies batay sa pangangailangan ng nasasakupan nito. Ang
kapangyarihang ito ay tinawag na cumplase. Subalit ito ang naging dahilan
ng kanyang pang-aabuso dahil ang mga batas na kanyang ipinatupad ay
naaayon lamang sa pansarili niyang kapakanan at interes.

Gayunpaman, may kapangyarihan itong magtalaga at magsuspindi o


magtanggal ng mga opisyal maliban na lang kung ito ay itinalaga ng hari ng
Espanya. Ang kaniyang mga kilos ay sinusubaybayan ng Residencia at Visita.
Ang Residencia ay ang hayag na pagsisiyasat sa mga gawain ng mga
pinunong bayan sa panahon ng panunungkulan. Ang Visita naman ay ang
lihim na pagsisiyasat sa gawain ng mga papapaalis na opisyal at iba pang
pinuno ng pamahalaan.

Si Miguel Lopez de Legazpi ang hinirang kauna-unahang gobernador-


heneral ng Pilpinas. Ipinagkaloob sa kanya ang titulong ito dahil sa
matagumpay niyang pananakop sa ating bansa. Namahala siya mula 1571
hanggang 1572. Si Diego delos Rios naman ang huling Gobernador-Heneral.
Namahala siya ng isang taon mula 1898 hanggang 1899.

B. Pamahalaang Lokal
Upang higit na mapadali ang pamamahala sa bansa, ang pamahalaang
pambansa ay hinati sa maliliit na yunit. Ang bawat yunit ay pinamumunuan
ng mga lokal na pinunong nasa ilalim pa rin ng pamahalaang sentral.

4
a. Pamahalaang Panlalawigan

Isang maliit na yunit politikal na hinati sa dalawang uri. Una ay ang


alcaldia o mga lugar na sakop at kumilala na sa pamahalaang Espanyol
Pinamumunuan ito ng isang alcalde mayor. Ikalawa ay ang corregemiento o
mga lugar na hindi pa payapa. Ito ay inilagay sa pamamahala ng military at
pinamumunuan ng isang Corregidor. Mga opisyal ng militar ang itinatalagang
corregidor upang tumuligsa sa mga taong tutol sa pamahalaan. Tanging mga
Espanyol lamang ang maaring humawak ng mga posisyong ito.

b. Pamahalaang Pambayan

Ang mga lalawigan ay nahati sa mas maliit na yunit politikal na tinatawag


na pueblo o bayan. Pinamumunuan ito ng gobernadorcillo. Siya ay may
tungkuling mangulekta ng buwis, magpatupad ng batas at magpanatili ng
kapayapaan. Ang posisyong ito lamang ang pinakamataas na tungkuling
maaring gampanan ng isang Pilipino.

c. Pamahalaang Panlungsod

Nang lumaon, ang mga pueblong malalaki’t maunlad ay ginawang


lungsod. Ang pamahalaan dito ay tinawag na ayuntamiento na
pinamumunuan ng alkalde at mga konsehal. Ito ang naging sentro ng
kalakalan, edukasyon at iba pang gawain.

d. Pamahalaang Pambarangay

Ang barangay ang pinakamaliit na yunit sa pamahalaang Espanyol.


Pinamumunuan ito ng cabeza de barangay na karaniwang mga datu o rajah
noon. Ang paniningil ng buwis ang kaniyang pangunahing tungkulin. Wala
siyang tinatanggap na sweldo ngunit hindi niya kailangang magbayad ng
buwis at mapabilang sa sapilitang paggawa.

5
Gawin Natin

Gawain 3: Sino Ako?

Alamin kung sino ang pinuno ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang
titik ng wastong sagot sa iyong sagutang papel.

_____ 1. Ako ang pinakamataas na pinuno sa pamahalaang sentral.

_____ 2. Ako ang namumuno sa isang maliit na yunit politikal na binubuo ng


alcaldia o mga lugar na sakop at kumilala na sa pamahalaang Espanyol.

_____ 3. Ako ang pinuno sa mga mas maliit na yunit politikal na tinatawag na
pueblo o bayan.

_____ 4. Ako ang namumuno sa isang barangay o ang pinakamaliit na yunit


ng pamahalaang lokal.

_____ 5. Ako ang namumuno sa mga lugar na hindi pa payapa at hindi pa


kumikilala sa pamahalaang Espanyol.

A. Corregidor
B. Gobernador-Heneral
C. Cabeza de Barangay
D. Alcalde Mayor
E. Gobernadorcillo

Sanayin Natin

Gawain 4: Graphic Organizer

Punan ang graphic organizer upang mabuo ang balangkas ng


pamahalaang kolonyal. Gawin ito sa isang buong papel.

6
Hari ng Espanya

Pamahalaang Sentral;
1.____________________

Pamahalaang Lokal

Alcaldia ; 3. ________________; Pueblo;


2. ________________ Corregidor 4. _________________

Ayuntamiento; 6. ________________
5. ___________________ Cabeza de Barangay

Tandaan Natin
Laging tandaan ang sumusunod:

1. Nahahati sa dalawang sangay ang pamahalaang itinatag ng mga


Espanyol sa Pilipinas. Ang ehekutibo o tagapagpaganap at
lehislatibo o panghukuman.
2. Ang Gobernador-heneral ang may hawak ng ehekutibo dahil siya
ang nagpapatupad ng batas mula sa Espanya at ang Royal
Audiencia ang may kapangyarihang hudisyal bilang pinakamataas
na hukuman sa kolonya.
3. Si Miguel Lopez de Legazpi ang hinirang na kauna-unahang
gobernador-heneral ng Pilpinas.
4. Ang ayuntamiento ang naging sentro ng kalakalan, edukasyon at
iba pang gawain.
5. Ang gobernadorcillo ang tanging pinakamataas na tungkuling
maaring gampanan ng isang Pilipino sa pamahalaang kolonyal.

7
Suriin Natin

Gawain 5: Tayain Natin!


A. Sagutin ang pagtataya sa modyul na ito. Isulat ang letra ng wastong
sagot sa sagutang papel.
____ 1. Pamahalaang itinatag ng mga Espanyol sa Pilipinas

a. Sentral b. Komonwelt c. Militar d. Sibil


_____ 2. Maliit na yunit politikal at pinamumunuan ng isang gobernadorcillo
a. alcaldia b. ayuntamineto c. lalawigan d. pueblo
_____3. May kapangyarihang hudisyal bilang pinakamataas na hukuman sa
kolonya
a. Residencia b. Royal Audiencia c. cumplase d. visita
_____4. Pinakamaliit na yunit sa pamahalaang lokal at pinamumunuan ito ng
cabeza de barangay
a. pueblo b. barangay c. alcaldia d. corregimiento
_____5. Kapangyarihan ng gobernador-heneral na suspindihin ang anumang
ipinag-utos ng hari
a. corregidor b. residencia c. cumplase d. visita

B. Isulat ang Tama kung ang wasto ang ipinapahayag ng pangungusap ay


Mali naman kung ito ay di-wasto.

______ 1. Nahahati sa dalawang sangay ang pamahalaang itinatag ng mga


Espanyol, sa Pilipinas. Ang ehekutibo o tagapagpaganap at hudisyal o
panghukuman.

______ 2. Si Diego delos Rios naman ang kauna-unahang Gobernador-


Heneral. Namahala siya ng isang taon mula 1898 hanggang 1899.

______ 3. Ang cumplase ang naging dahilan ng pang-aabuso ng gobernador-


heneral dahil ang mga batas na kanyang ipinatutupad ay naaayon lamang sa
pansarili niyang interes.

8
______ 4. Ang Residencia ay ang lihim na pagsisiyasat sa gawain ng mga
papapaalis na opisyal at iba pang pinuno ng pamahalaan.
______ 5. May sarili ng pamahalaang kinikilala ang mga katutubong Pilipino
bago pa man dumating ang mga Espanyol.

Payabungin Natin

Gawain 6: Isulat Natin!


Ngayon ay gusto kong malaman ang iyong saloobin tungkol sa mga
epekto ng mga patakarang pampolitika ng mga Espanyol sa bansa. Sa
pamamagitan ng pagsulat ng isang sanaysay, ipaliwanag mo kung nakabuti
ba o hindi ang mga patakarang ito sa ating bansa.

Narito ang pamantayan sa pagmamarka ng iyong ginawa.

Krayterya Natatangi Mahusay Medyo Hindi


4 puntos 3 puntos Mahusay Mahusay
2 puntos 1 puntos
Kaalaman sa Paksa
Kalidad ng mga
Impormasyon o
ebidensiya
Kaalaman sa
kontekstong
Pangkasaysayan
Istilo at pamamaraan ng
presentasyon
Kabuuang Marka

9
Pagnilayan Natin

Ngayon ay tapos na nating pag-aralan ang modyul na ito. Lagi nating


tandaan ang mga patakarang pampolitikang ipinatupad ng mga Espanyol.
May naidulot itong mabuti at di-mabuting epekto sa ating bansa. Sa kabila
nito, naging matatag at nanatili ang pagkakaisa ng mga katutubong Pilipino.

Ikaw, ninanais mo rin ba balang araw na manungkulan sa ating bansa?


Kung ikaw ay maging lider ng isang pangkat, paano ka makikitungo sa iyong
mga miyembro o kasamahan? Isulat ang iyong sagot sa hugis-puso. Gawin
ito sa kuwaderno.

Binabati kita! Mahusay mong nagampanan ang mga gawain sa modyul


na ito. Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa mga
patakarang pampolitika sa panahon ng Espanyol. Handa ka na sa susunod
na aralin sa ikatlong markahan.

10
11
Subukin Natin Gawin Natin
1. D 1. B
2. B 2. D
3. E 3. E
4. C 4. C
5. A 5. A
Aralin Natin Sanayin Natin
1. Gobernadorcillo 1. Gobernador-heneral
2. Sapilitang Paggawa 2. Alcalde -mayor
3. Cedula Personal 3. corregimiento
4. Maynila-Acapulco 4.gobernadorcillo
5. Tabako 5. alkalde
6.barangay
Suriin Natin
Gawain 1 Gawain 2
1. A 1. Tama
2. D 2. Mali
3. B 3. Tama
4. B 4. Mali
5. C 5. Tama
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Gabuat, Maria Annalyn P., Mercado, Michael M., Jose, Mary Dorothy dL, 2016
Araling Panlipunan: Pilipinas Bilang Isang Bansa

Blando, Rosemarie C. et. Al Kasaysayan ng Daigdig, Vibal Group Inc.


(DepEd-IMCS)

12
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Davao City

Quirino St., Davao City

Telefax: (082) 224-0100

Email Address: [email protected]

You might also like