Q2 ESP7 Mod5 Layout V1.0

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 29

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Ang Dignidad ng Tao

CO_Q2_ESP7_Module5
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Ang Dignidad ng Tao
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Loida S.Pigon, EdD, Maricon M. Monteliola
Editor: Loida S.Pigon, EdD, Irnanie A. Enrico
Tagasuri: Irnanie A. Enrico, Loida S. Pigon, EdD
Tagaguhit: Khristine S. Lacsamana
Tagalapat: Khristine S. Lacsamana, Edgardo D. Pamugas III
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas
Atty. Suzzette T. Gannaban-Medina
Susana M. Bautista
Cynthia Eleanor G. Manalo
Mariflor B. Musa
Freddie Rey R. Ramirez
Danilo C. Padilla
Annabelle M. Marmol
Domingo L. Mendoza, JR., EdD
Elmer P. Concepcion
Loida S. Pigon, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – MIMAROPA
Office Address: Meralco Ave. corner St. Paul Road Pasig City
Telefax: (02) 631-4070; 637-3093
E-mail Address: [email protected]
7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Ang Dignidad ng Tao
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Sa iyong pagmamasid sa iyong paligid, may mapapansin kang situwasiyon


kung saan higit na pinahahalagahan at iginagalang ang mayaman kaysa mahirap.
Ito ba ay kawalan ng katarungan dahil kahit iba-iba ang katayuan sa buhay, pantay-
pantay pa rin tayo bilang tao sa mata ng Diyos?

Ano ang taglay ng tao kung bakit dapat tratuhin ang bawat isa nang pantay-pantay
at dapat nating mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili?

Sa modyul na ito, mabibigyang-linaw ang konsepto ng dignidad ng tao at inaasahang


maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kasanayan, at pag-unawa:
1. Nakikilala na may dignidad ang bawat tao anoman ang kanyang kalagayang
panlipunan, kulay, lahi, edukasyon, relihiyon at iba pa
2. Nakabubuo ng mga paraan upang mahalin ang sarili at kapwa na may
pagpapahalaga sa dignidad ng tao
3. Napatutunayan na ang
a. paggalang sa dignidad ng tao ay ang nagsisilbing daan upang mahalin
ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili at
b. ang paggalang sa dignidad ng tao ay nagmumula sa pagiging pantay at
magkapareho nilang tao
4. Naisasagawa ang mga konkretong paraan upang ipakita ang paggalang at
pagmamalasakit sa mga taong kapus-palad o higit na nangangailangan kaysa
sa kanila.

1 CO_Q2_ESP7_Module5
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. Bakit may pagkakaiba-iba ang tao kahit matalino, talentado at magaling siya
sa maraming bagay?

a. Dahil sa pagkakapantay-pantay ng lahat


b. Dahil sa paggamit ng isip at kilos-loob
c. Dahil sa kalayaang ipinagkaloob
d. Dahil sa pagiging angat sa iba

2. Ang tao ay may taglay na dignidad. Ano ang nararapat ibigay sa tao?

a. pagmamalasakit at pag-unawa
b. pagpapahalaga at paggalang
c. pagkalinga at paggalang
d. pagkilala at pagtulong

3. “Ang tao ay naiiba sa lahat ng nilalang,“ ayon kay Immanuel Kant. Ano ang
ibig sabihin nito?

a. Ang tao ay mula sa iba’t ibang lahi.


b. Ang tao ay may kakayahang kumilos.
c. Ang tao ay may angking talento at galing.
d. Ang tao ay mayroong hindi nawawala at mapapantayang halaga dahil
sa kanyang isip at kalayaan.

4. “Kumilos ka nang palagian at magkaalinsabay mong tratuhin ang sariling


pagkatao at ang pagkatao ng iyong kapuwa hindi lamang bilang isang
kasangkapan kundi bilang isang telos”. Ano ang kaisipang nakapaloob sa
pahayag?

a. Ang tao ay nilikha ng Diyos.


b. Ang tao ay nililinang ang pagkatao.
c. Ang tao ay hindi maaring ituring na kasangkapan o bagay dahil siya
ay may kakayayahang mag-isip o pagiging rasyonal.
d. Ang tao ay pantay-pantay.

5. Ang tao ay may isip na nagbibigay sa kaniya ng kakayahang umunawa ng


konsepto, mangatuwiran at magmuni-muni. Dahil rin sa taglay niyang kilos-
loob, may kakayahan siyang kilalanin at piliin ang mabuti. “Kung ang mga
ito lamang ang pamantayan sa paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng
tao, paano naman ang mga taong isinilang na may sakit sa isip, mga nawalan
ng katinuan dahil sa mga pangyayari sa kanilang buhay, mga ulyanin na

2 CO_Q2_ESP7_Module5
hindi na makapag-isip?” Mahalagang tandaan na hindi naaalis o natatanggal
ng mga pangyayaring ito sa kanilang buhay ang dignidad nila bilang tao.
Kaya, hindi sila nawawalan ng karapatan na pahalagahan at igalang. Ano ang
ipinababatid ng pahayag na ito?

a. Lahat ng tao anoman ang kalagayang pisikal at mental ay may dignidad


na nararapat pahalagahan at igalang.
b. Ang tao ay may isip.
c. Ang tao ay may isip at kilos-loob.
d. Ang tao ay may kilos-loob.

6. Ano ang batayan ng paggalang sa dignidad ng tao?

a. Ang pagkakaroon ng tao ng isip lamang.


b. Ang pagiging bukod-tangi ng tao at pagmamahal.
c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa at sa pakikitungo sa kapwa.
d. Maglaan ng panahon pang iparamdam sa malapit na kapwa ang
pagmamahal at pagpapahalaga.

7. Ano ang nagsisilbing motibasyon upang umunlad ang pagkatao ng isang


minamahal at nagmamahal?

a. Pagmamahal
b. Pagtitiwala
c. Pagmamalasakit
d. Paggalang

8. Bakit mahalaga ang paggalang sa dignidad ng kapuwa habang nabubuhay?

a. dahil ito ang paraan upang maging matagumpay sa buhay


b. dahil ito ang inaasahan at makabubuti para sa sarili at kapwa
c. upang makilala sa lipunang ginagalawan
d. upang maging mabuting halimbawa sa kapwa

9. Ano ang itinuturing na pagiging moral?

a. Ito ay paggalang sa buhay ng kapwa


b. Ito ay pagsaalang-alang sa kapakanan ng kapwa bago kumilos
c. Ito ay paggawa ng mabuting kilos ayon sa iyong konsensiya na
nahuhubog sa Likas Batas Moral
d. Ito ay pakikitungo sa kapwa ayon sa nais na gawin nilang pakikitungo
sa iyo

10. Alin ang situwasiyon na nagpapakita ng moral na pamumuhay?

a. Pagtuturo ng kagandahang asal sa anak


b. Pagbibigay tulong na may hinihintay na kapalit.
c. Pagbibigay ng pagkain sa mga pulubi upang makita ng ibang tao.
d. Pagpuna sa pagkakamali ng anak sa harap ng mga kaibigan.

3 CO_Q2_ESP7_Module5
Aralin

1 Ang Dignidad ng Tao

Balikan

Gawain 1: Kuwento ng Buhay

Panuto:

1. Mangalap ng kuwento, maikling insidente o balita, o larawan na nagpapakita


ng isang situwasiyon ng pagkakaroon ng kalayaan.

2. Lagyan ito ng maikling deskripsyon o caption.

3. Sagutin ang tanong. Bilang isang kabataan, paano mo magagamit ang


kalayaan na ipinagkaloob sa iyo?

4 CO_Q2_ESP7_Module5
Tuklasin

Gawain 2: “Web Map”

A. Panuto:
1. Gamit ang web map, bigyan ng kahulugan ang salitang “dignidad” sa
pamamagitan ng pagguhit ng mga larawan, pagsulat ng mga salita o liriko ng
awit na maaaring iugnay dito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

2. Sagutin ang mga tanong sa kuwaderno.


a. Saan nagmula ang pagkaunawa mo sa salitang “dignidad”?
b. Sino-sino ang nagtataglay nito?
c. Ano-ano ang maaari mong gawin upang pangalagaan ang iyong
dignidad at ng iyong kapuwa?

5 CO_Q2_ESP7_Module5
B.
Panuto: Tunghayan ang mga larawan. Suriin ang bawat isa sa pamamagitan ng
pagsagot sa hinihinging impormasyon ng titik a, b, at c. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

a. Madalas na katawagan sa kaniya ng mga tao


b. Ang iyong damdamin kapag nakakikita ka ng mga tulad niya
c. Paraan ng pakikitungo sa kaniya ng mga tao

Halimbawa:

a. Pulubi
b. Naaawa
c. Pinandidirihan, nilalayuan,
iniiwasan

1.
a.

b.

c.

2.
a.

b.

c.

3.

a.

b.

c.

4.

a.

b.

c.

6 CO_Q2_ESP7_Module5
Mga Tanong:
Sagutin sa kuwaderno.

1. Ano ang iyong naging damdamin pagkatapos ng gawain?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Ano ang iyong natuklasan tungkol sa iyong sarili pagkatapos mong punan ang
mga hinihinging impormasyon?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Bakit iba-iba ang iyong pakikitungo sa iba’t ibang uri ng tao?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Paano makaaapekto sa kalagayan ng iba’t ibang tao ang pagkakaiba ng


pakikitungo mo sa kanila?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

7 CO_Q2_ESP7_Module5
Suriin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang


“Tayahin ang Iyong Pag-unawa”.

Ang Dignidad ng Tao


Paanong nagiging pantay-pantay ang lahat ng tao kung tayo ay magkakaiba
ng itsura, edad, kasarian, talento, kakayahan, at estado sa buhay? Ano nga ba ang
batayan sa pagsasabi ng pahayag na ito?

Bagamat ang tao ay maraming hindi pagkakatulad sa kaniyang kapuwa, hindi


ito nangangahulugan na nakaaangat siya sa huli. Halimbawa, magaling sa Math at
Science ang iyong kaibigan. Sa kaniya ka humihingi ng paliwanag kung may hindi
ka naiintindihan sa inyong klase. Maganda rin ang boses ng kaibigan mong ito at
mahusay pa na emcee o Guro ng Palatuntunan. Kaya, siya lagi ang kinukuha na
emcee ng mga guro sa tuwing may palatuntunan kayo sa Baitang 7. Ngunit kahit
matalino, talentado at magaling siya sa maraming bagay, hindi ito
nangangahulugang angat siya sa iyo at sa iba pa ninyong mga kamag-aral. Bakit?
Ito ay dahil may pagkakaiba man ang bawat tao, hindi nito
iniaalis ang pagkakapantay-pantay ng lahat. Paano nangyari
Lahat ng tao,
ito? Saan nagmumula ang pagkakapantay-pantay ng tao? Ito
anuman ang
ay mula sa kaniyang dignidad bilang tao at ang mga karapatan
kanilang
na dumadaloy mula rito.
gulang, anyo,
Ano ang dignidad ng tao? Ang dignidad ay salitang Latin antas ng
na dignitas, mula sa dignus, na ang ibig sabihin ay “karapat- kalinangan at
dapat”. Ibig sabihin, dahil sa taglay niyang dignidad, karapat- kakayahan, ay
dapat ang tao sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang may dignidad.
sarili at kapuwa. Hindi ito nagmula sa lipunan o pananaw ng
tao dahil likas na taglay ito ng tao. Hindi ito nakabatay sa kaniyang kalagayan o
estado, yaman, karangyaan sa buhay, taas ng inabot sa pag-aaral, relihiyon o lahing
pinagmulan o posisyon sa organisasyon o pamahalaan. Lahat ng tao, anuman ang
kanilang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan, ay may dignidad. Kung
hindi nakabatay ang dignidad ng tao sa kung anong mayroon siya, saan ito
nakabatay?

Bawat tao ay may dignidad dahil sa kaniyang pagkatao. Ayon sa pilosopiya ni


Sto. Tomas, nilikha ang tao na kawangis ng Diyos at pinagkalooban ng isip at
kalayaan. Ayon naman sa pilosopong si Immanuel Kant, ang tao ay naiiba sa lahat
ng nilalang. Ibig sabihin, mas mahalaga at mas magaling siya sa ibang nilalang.
Mayroon siyang hindi nawawala at mapapantayang halaga dahil sa kaniyang
kakayahang mag-isip at pagiging malaya. Ang isip, kilos-loob at kalayaan ang mga
katangian ng pagkatao ng tao na tuon ng Modyul 5 at 7. Kaya karapat-dapat na
igalang ang dignidad ng sarili at ng kapuwa.

8 CO_Q2_ESP7_Module5
Dahil sa dignidad ng tao, hindi siya dapat ituturing na kasangkapan lamang.
Nakasaad ito sa pahayag na “Kumilos ka nang palagian at magkaalinsabay mong
tratuhin ang sariling pagkatao at ang pagkatao ng iyong kapuwa hindi lamang bilang
isang kasangkapan kundi bilang isang telos din.” Ang telos ay salitang Griyego na
ang ibig sabihin ay layunin. Ibig sabihin, nakabatay ang pagka-layunin mismo ng
tao sa kaniyang kakayahang mag-isip o pagiging rasyonal. Sa simpleng paliwanag,
dahil sa kaniyang kakayahang mag-isip, hindi maaaring ituring na isang
kasangkapan lamang o bagay ang tao. Balikan natin ang halimbawa tungkol sa
kaibigan mo na magaling sa Math at Science. Kahit may mga pagkakataong hindi
mo kailangan ang tulong niya dahil nauunawaan mo ang inyong talakayan,
mahalaga pa rin siya dahil siya ay tao. Hindi nakabatay sa ginagawa niyang
pagtulong sa iyo ang kaniyang halaga. Kaya, may kailangan ka man o wala sa
kaniya, mahalaga pa rin siya. Dahil dito, hindi mo siya basta-basta na lang iniiwan
na parang isang kagamitan na pagkatapos gamitin ay itatabi na lamang. Lumalapit
ka pa rin sa kaniya at nakikipag-usap kahit wala kang hihilingin na anumang tulong
o pabor mula sa kaniya.

Dahil hindi isang bagay o kagamitan ang tao, inaasahang may paggalang ang
pakikitungo mo sa kaniya - may kailangan ka man sa kaniya o wala. Kaya’t kapag
may kailangan ka, nakikiusap ka nang maayos at malumanay. Iginagalang mo siya
dahil pareho kayong may kakayahang mag-isip at may kalayaan.
Binanggit sa Modyul 5 na may mga katangian ang tao na nagpapabukod-tangi
sa kaniya kung ihahalintulad sa ibang nilalang. Ito ay dahil mayroon siyang isip na
nagbibigay sa kaniya ng kakayahang umunawa ng konsepto, mangatuwiran at
magmuni-muni. Dahil rin sa taglay niyang kilos-loob, may kakayahan siyang
kilalanin at piliin ang mabuti. Dahil sa kaniyang isip at kilos-loob, nalalaman at
nagagawa niya ang karapat-dapat na kilos para sa kaniyang sarili at kapuwa.
Marahil, nabubuo ngayon sa iyong isip ang tanong na “Kung ang mga ito lamang
ang pamantayan sa paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao, paano naman
ang mga taong isinilang na may sakit sa isip, mga nawalan ng katinuan dahil sa mga
pangyayari sa kanilang buhay, mga ulyanin na hindi na makapag-isip?” Mahalagang
tandaan na hindi naaalis o natatanggal ng mga pangyayaring ito sa kanilang buhay
ang dignidad nila bilang tao. Kaya, hindi sila nawawalan ng karapatan na
pahalagahan at igalang.

Hindi lamang ang pagkakaroon ng tao ng isip (o pagiging rasyonal) ang


batayan ng paggalang sa kaniyang dignidad. Ayon sa pilosopong si Max Scheler,
mahalagang isaalang-alang ang kaniyang pagiging bukod-tangi. Ibig sabihin, ang
pagkatao ng tao ay ang kaniyang pagka-persona (person), ang kaisahan ng kaniyang
iba’t ibang kilos. Binubuo ito ng mga katangiang nagpapabukod-tangi sa kaniya sa
kapuwa niya tao – ang kaniyang pagka-ako na kumikilos sa iba’t ibang pagkilos.
Ayon kay Dr Manuel Dy, sa lahat ng kilos ng tao, pinakapangunahin ang
pagmamahal. Ibig sabihin, ito ang pinagbabatayan ng lahat ng kilos ng tao dahil
lahat ng iba’t ibang pagkilos niya ay sa kahuli-hulihan nauuwi sa pagmamahal.
Bakit ka nag-aaral? Bakit mo inaalagaan ang iyong kalusugan? Hindi ba dahil mahal
mo ang magulang mo? Hindi ba dahil mahal mo ang iyong sarili?

Ang pagmamahal ay isang pagtungo sa isang umiiral na may halaga patungo


sa mas mataas na halagang likas sa kaniya. Kaya sa pamamagitan ng pagmamahal
umuunlad ang pagkatao ng minamahal at nagmamahal. Halimbawa, nakita mo na

9 CO_Q2_ESP7_Module5
walang tiwala sa kaniyang sarili ang iyong kaibigan. Kaya, ginawa mo ang lahat
upang tulungan siyang ihanda ang mga kailangan sa kaniyang pag-uulat sa inyong
klase. Nagawa niya nang maayos ang kaniyang ulat. Pinalakpakan siya ng inyong
mga kamag-aral at pinuri ng inyong guro. Ito ang simula ng pagkakaroon niya ng
tiwala sa sarili.

Ang pagkabukod-tangi ang halaga ng tao sa kaniyang pagkatao. Wala siyang


katulad sa buong kasaysayan at hindi na mauulit pa. Halimbawa, umalis ang pinsan
mo upang magbakasyon sa lolo at lola ninyo sa probinsiya. Maaari mo bang sabihin
sa kaniyang mga magulang na ikaw na muna ang papalit sa kaniya bilang anak nila?
Maaaring ihalintulad ang halaga ng tao sa isang diyamante. Ang diyamante
ay isa sa pinakamahal na bato. Mahirap itong matagpuan at mahaba ang prosesong
kailangan upang mabuo ito. Dahil dito, napakataas ng halaga na ibinibigay natin
dito. Kung napakahalaga nito, paano pa ang tao? Hindi ba’t hindi mapapantayan
ang kaniyang halaga dahil siya ay nag-iisa at walang katulad?

Dahil sa dignidad, lahat ay nabibigyan ng halaga at may karapatang mabuhay


at umunlad nang hindi makasasakit sa ibang tao. Kaugnay nito, kailangan niyang
makikipagkapuwa at pangingibabawin ang paggalang at pakikipagkapatiran.
Nakikita ang pagiging komunidad ng mga tao sa lipunang kinabibilangan sa
pamamagitan ng paggawa ng kung ano ang makabubuti, hindi lamang para sa sarili
kundi para sa lahat. Ano-ano ang maaari mong gawin upang maipakita ang
pangangalaga sa dignidad mo at sa dignidad ng iyong kapuwa? Narito ang dalawang
paraan:

1. Pahalagahan mo ang tao bilang tao. Ibig sabihin, nararapat na hindi mo


ituring ang tao na isang bagay o behikulo lamang na gagamitin sa
pagsasakatuparan ng iyong pansariling layunin. Lalong hindi makatao kung
igagalang mo lamang siya dahil nagtataglay siya ng mga katangiang
mapakikinabangan mo. Halimbawa, malaki ang posibilidad na hindi mo na
magiging guro sa Baitang 8 ang guro mo ngayon sa Edukasyon sa
Pagpapakatao 7. Hindi mo na ba siya igagalang at babatiin ng “Magandang
umaga po, Ma’am” kapag nasa Baitang 8 ka na? Mahalagang tandaan na
hindi nawawala ang pagiging tao at dangal ng isang tao kung siya ay hindi na
kapaki-pakinabang sa iyo.

2. Igalang mo ang dignidad ng kapuwa habang ikaw ay nabubuhay. Inaasahan


sa iyo na patuloy mong isaalang-alang at nanaisin ang lahat ng makabubuti
para sa iyong sarili at kapuwa habang ikaw ay may buhay dahil ang dignidad
ay hindi natatapos. Hindi ito nakadepende sa damdamin o pangyayari.

10 CO_Q2_ESP7_Module5
Naipakikita sa iyong kilos ang pagmamahal at
napananatili ng iyong mapagmahal na kilos ang dignidad Ang pagpananatili
mo bilang tao. Kaya mahalaga na naglalaan ka ng sa iyong dignidad
panahon na suriin ang iyong mga kilos upang makita ay ang pagkilala sa
kung hindi ba pinapababa ng mga ito ang iyong dignidad. tunay na mahalaga.
Paano mo mapananatili ang iyong dignidad at maiiwasan Ang tunay na
ang pagpapababa nito? May kaugnayan ito sa pagiging mahalaga ay hindi
moral mo na tao. Ang pagiging moral ay ang paggawa ng ang panandalian
mabuting kilos ayon sa iyong konsensiya na nahuhubog kundi ang
sa Likas na Batas Moral. Bakit kailangan mong maging panghabambuhay
moral na tao? Sa pagiging moral, napananatili ang at ang
kaayusan ng pamayanan na iyong kinabibilangan at panghabambuhay
naiingatan ang karapatan ng bawat isa tungo sa tunay ay walang iba kundi
na kalayaan. Ayon kay Confucius, nangangahulugan ito ang pagmamahal.
na ang pagpapaunlad mo sa iyong sarili ay hindi para sa
iyong sarili lamang kundi para sa pagkakaisa ng lahat: mula sa iyong sarili patungo
sa iyong pamilya, sa bansa at sa buong mundo. Ang moral na pamumuhay kung
gayon ay ang pagsasagawa mo ng iyong mga obligasyon sa iyong pamilya, sa
paaralan, sa pamayanan, sa lipunan at sa mundo. Sa madaling salita, ang
pagpananatili sa iyong dignidad ay ang pagkilala sa tunay na mahalaga. Ang tunay
na mahalaga ay hindi ang panandalian kundi ang paghabambuhay at ang
panghabambuhay ay walang iba kundi ang pagmamahal.
Ang pagsisikap na magkaroon ng moral na pamumuhay ay ang pagsisikap na
mamuhay na nagmamahal na walang kondisyon - walang hinihintay na kapalit.
Maaaring may mga pagkakataon na gusto mo nang sumukong magmahal at maging
moral na tao lalo na kung nakikita mo na parang walang nangyayari sa iyong
ginagawang pagsisikap para sa iyong sarili at sa kapuwa. Nakapapagod nga naman
ang ganitong sitwasiyon lalo na kung wala kang kasama, walang masasandalan,
wala man lang nakakapansin o nabu-bully ka lang sa iyong pagsisikap. Pero alam
mo ba? Ang totoo, may iisang nakakakita sa iyo at labis na natutuwa sa iyong
paggsisikap na magmahal at maging moral na tao- may Diyos na laging nakatingin
sa bawat isa sa atin.
Kung mahalaga sa Diyos ang lahat ng ating pagsisikap na gumawa ng
mabuti, lalo nating kailangang pagtibayin ang paggalang sa dignidad ng ating sarili
at kapuwa. Mahalaga ang lubos na pag-unawa sa mga konseptong tinalakay upang
maiwasan ang iba’t ibang uri ng kawalan ng pagpapahalaga sa kapuwa. Kailangan
mong simulan ang pagpapahalagang ito sa iyong sarili upang mas madali mong
mailapat ito sa iyong kapuwa – sa pamilya, paaralan o pamayanan. Kailangan mo
ang tulong at gabay ng Diyos at mga taong may moral na pamumuhay upang
maisagawa ito.
Walang kinakailangang edad para sa paggalang sa dignidad ng tao. Lahat
tayo, bata man o matanda ay inaasahang ginagawa ito. Ano ang tugon mo bilang
isang kabataang Pilipino, sa inaasahang ito sa iyo? Paano mo sisimulan ang
pagtataya ng iyong sarili sa paggalang sa iyong dignidad at ng iyong kapuwa sa
kabila ng mga balakid?

11 CO_Q2_ESP7_Module5
Mga Tanong
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa kuwaderno:

1. May dignidad ba ang lahat ng tao? Patunayan.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Sa anong aspekto hindi nakabatay ang dignidad ng tao? Ipaliwanag.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Sang-ayon ka ba kay Immanuel Kant na ang tao ay nakaaangat sa lahat ng


nilkha? Pangatwiranan.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Sa paanong paraan nagkakapantay-pantay ang lahat ng tao? Ipaliwanag.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

5. Saan nakabatay ang pagkabukod-tangi ng tao ayon kay Max Scheler?


Ipaliwanag.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

6. Bakit itinuturing na pangunahing kilos ng tao ang pagmamahal? Ipaliwanag.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

7. Bakit mahalaga ang paggalang ng dignidad ng sarili at kapuwa?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

12 CO_Q2_ESP7_Module5
Pagyamanin

Gawain 3: Suriin ang Sitwasyon


Panuto:

1. Basahing mabuti ang mga situwasiyon sa ibaba.


2. Suriin kung ang mga tao sa bawat situwasiyon ay nagpapakita ng paggalang
o hindi paggalang sa dignidad ng sarili at kapuwa.

Situwasyon 1. Nagmula si Julius sa isang mayamang pamilya. Gayunpaman,


inaatasan pa rin siya ng kaniyang magulang na tumulong sa gawaing-bahay
kahit sila ay may mga kasambahay. Sa kaniyang libreng oras, tumutulong siya
sa paglilinis ng kuwarto, pagluluto at pag-aalaga ng kanilang aso. Sa oras ng
pagkain, inaanyayahan niyang sumabay sa kaniya ang mga kasambahay.

Situwasyon 2. Habang namamasyal sa parke si Mark, isang lalaking may


kapansanan ang hindi inaasahang natumba. Nahulog ang kaniyang mga dalang
gamit. Agad na lumapit si Mark upang tulungang makatayo ang lalaki. Pinulot
at nilinis din niya ang mga nalaglag na gamit. Inalalayan niya ito sa
pinakamalapit na upuan at binilihan pa ng maiinom na tubig.

Situwasyon 3. Tunay na nangyari ang sitwasiyong ito sa isang sikat na network


ng telebisyon.: Isang tanyag at iginagalang na field news reporter si Alvin. Sa
isang programang pantelebisyon, naatasan siyang magpanggap bilang pulubi o
taong grasa. Gagawan niya ito ng dokyumentaryo at susubukan ang kakayahan
ng mga tao na tumulong at magmalasakit sa kapuwa. Nang magpalit-anyo si
Alvin, ang mga dating pagbati at papuri sa kaniya bilang kagalang-galang na
news reporter ay napalitan ng pag-iwas at walang galang na pagtaboy.

13 CO_Q2_ESP7_Module5
Situwasyon 4. Isa sa mga pinakasikat na manlalaro ng basketball si Mikey sa
kanilang paaralan. Isang araw habang siya ay naglalakad papunta sa locker sa
kanilang gym, hindi sinasadyang nabangga siya ng isang lalaki. Napagtanto
niya na ito ay isa sa mga manlalaro ng nakalaban nilang koponan ng basketball.
Sa kasamaang-palad, natalo sila sa larong iyon. Sa inis niya, sinigawan at
hinamon niya ng suntukan ang lalaki.

Situwasyon 5. Na-promote si Eric bilang department head sa kompanyang


pinagtatrabahuhan niya. Dahil ito sa kaniyang sipag at tiyaga noong
ordinaryong empleyado pa lamang siya. Naalala niya na noong siya’y
nagsisimula pa lamang, madalas siyang mapagsabihan at mapagalitan ng
kaniyang boss. Ito ang ginamit niyang motibasyon upang paunlarin ang sarili
at higit na magsumikap. Tiniis niya ang paghihigpit ng kaniyang boss. Ngayon
ay retired na ito at namumuhay na lamang nang simple. Nabalitaan nito ang
kaniyang promotion at agad na nagpadala ito ng pagbati sa kaniya sa text
message at e-mail. Pinili ni Eric na hindi ito sagutin o magpasalamat man
lamang. Naisip niyang hindi na niya ito kailangan dahil nakuha na niya ang
hinahangad na posisyon.

1.
2. Situwasyon 6. Sa house blessing ng pamilyang Abuela, dumalo ang isang
kamag-anak na lumaki, nagtagumpay at yumaman sa ibang bansa. Agad
ipinakilala siya ng maybahay ng pamilya sa kaniyang mga kapatid na
nakaaangat na rin sa buhay. Ngunit nang dumating si Enteng, ang kaniyang
kapatid na nanatiling mahirap, binati lamang niya ito ngunit hindi ipinakilala
sa mayamang kamag-anak.
3.

14 CO_Q2_ESP7_Module5
4. Punan ang tsart sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Situwasiyon Nagpakita ng Paliwanag Ano ang maaaring


Paggalang sa Dignidad gawin upang
Ng Sarili Ng maipakita ang
Kapuwa paggalang sa
Oo Hindi Oo Hindi
dignidad ng tao?
(Kung “Hindi” ang
sagot sa ikalawang
kolum)
1
2
3
4
5
6

Mga Tanong: Sagutin sa kuwaderno.


1. Ano-anong situwasiyon ang nagpakita ng paggalang sa dignidad ng sarili at
kapuwa?

2. Ano-ano namang situwasiyon ang nagpakita ng hindi paggalang sa dignidad


ng sarili at kapuwa? Patunayan ang iyong sagot.

3. Kung ikaw ang nasa katayuan ng iyong kapuwa, ano ang magiging
damdamin mo kung hindi iginagalang ang iyong dignidad? Ipaliwanag.

4. Bakit kailangang igalang mo ang dignidad mo at ng iyong kapuwa?

5. Bakit mahalagang makatanggap ka ng paggalang mula sa iyong kapuwa?

15 CO_Q2_ESP7_Module5
Isaisip

Gawain 4: Dugtong Kaalaman

Panuto: Ano ang iyong naunawaang Batayang Konsepto ng aralin? Buuin ito gamit
ang graphic organizer sa ibaba. Gabay mo ang Mahalagang Tanong na:
Bakit mahalaga ang paggalang sa dignidad ng tao?

Mahalaga ang para (2)__________ ang


paggalang sa (3)______tulad ng
(1)____________ upang (4)________________sa
ng tao magsilbing daan (5)_________________.

Isulat sa kahon ang nabuong Batayang Konsepto.

16 CO_Q2_ESP7_Module5
Isagawa

Gawain 4: Dugtong Kaalaman

A. Panuto:
1. Gumawa ng mapanagutang pagpapasiya sa pagpananatili ng dignidad ng sarili
at sa pag-iwas ng pagpapababa nito sa pagsisikap na magiging moral at
mapagmahal na tao.
2. Suriin ang sarili sa mga nakasanayang kilos o pananalita na nagpananatili ng
iyong dignidad bilang tao upang gumawa ng mga paraan kung paano mo
ipagpapatuloy ang mga ito. Suriin din ang sarili sa iyong mga nakasanayang kilos
o pananalita na nagpapababa ng iyong dignidad upang gumawa ng mga paraan
kung paano mo ihihinto ang mga ito.
3. Gamitin mong gabay ang tsart sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa iyong
kuwaderno.

Pagpapanatili ng Aking Dignidad


Mga Nakasanayan Mga Paraang
Kong Kilos o Gagamitin Ko sa
Dahilan ng Aking Pasiya
Pananalita na Pagpapatuloy ng
Ipagpapatuloy ko mga Ito
Halimbawa:
1. Kusa kong 1. Masasanay akong 1. Lalabhan ko lagi
nilalabhan ang maging responsable sa ang aking uniporme
aking mga mga gawaing bahay at kapag nakapahinga
uniporme at hindi hindi mapagod ang na ako mula sa
ko na hihintaying aking ina sa kakasabi paaralan.
utusan ng aking sa akin.
ina.
2. Pagsasabi ng 2. Maipakikita ko na 2. Sasabihin ko ito sa
“Salamat” sa pinapahahalagahan ko lahat ng mga driver
driver ng jeep ang kaniyang ginawang ng jeep na
bago ako bumaba. paghatid sa akin sa masasakyan ko.
paaralan.
Ikaw naman:

17 CO_Q2_ESP7_Module5
B. Panuto:

1. Gumawa ng tsart ng paggalang sa dignidad.


2. Sumulat ng mga kilos na pagsisikapan mong gawin sa buong linggo upang
masanay ka at mapatibay ang paggalang mo sa dignidad ng sarili at kapuwa.
3. Lagyan ng tsek ang araw kung saan nagtagumpay ka sa pasasagawa ng nasabing
kilos at ekis naman kung hindi.

Tsart ng Paggalang sa Dignidad

Miyerkule

Huwebes
Mga kilos ng paggalang sa

Biyernes

Sabado
Martes

Linggo
dignidad ng sarili
Lunes

A. Sa Sarili s
Halimbawa:   x x   
1. Magsuot ng disenteng
damit
2.

3.

4.

5.

B. Sa Kapuwa
1. Pagsasabi sa kaklase ng
mga paalalang humihikayat
  x   x x
na magsumikap (words of
encouragement)
2.

3.

4.

5.

18 CO_Q2_ESP7_Module5
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na aytem. Piliin at isulat lamang
ang letra na may wastong sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang nagsisilbing motibasyon upang umunlad ang pagkatao ng isang


minamahal at nagmamahal?
a. pagmamahal
b. pagtitiwala
c. pagmamalasakit
d. paggalang

2. Bakit may pagkakaiba-iba ang tao kahit matalino, talentado at magaling siya sa
maraming bagay?
a. Dahil sa pagkakapantay-pantay ng lahat
b. Dahil sa paggamit ng isip at kilos-loob
c. Dahil sa kalayaang ipinagkaloob
d. Dahil sa pagiging angat sa iba

3. Ano ang itinuturing na pagiging moral?


a. Ito ay paggalang sa buhay ng kapwa
b. Ito ay pagsaalang-alang sa kapakanan ng kapwa bago kumilos
c. Ito ay paggawa ng mabuting kilos ayon sa iyong konsensiya na nahuhubog
sa Likas Batas Moral
d. Ito ay pakikitungo sa kapwa ayon sa nais na gawin nilang pakikitungo sa
iyo

4. Ang tao ay may taglay na dignidad. Ano ang nararapat ibigay sa tao?
a. pagmamalasakit at pag-unawa
b. pagpapahalaga at paggalang
c. pagkalinga at paggalang
d. pagkilala at pagtulong

5. Ano ang batayan ng paggalang sa dignidad ng tao?


a. Ang pagkakaroon ng tao ng isip lamang.
b. Ang pagiging bukod-tangi ng tao at pagmamahal.
c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa at sa pakikitungo sa kapwa.
d. Maglaan ng panahon pang iparamdam sa malapit na kapwa ang
pagmamahal at pagpapahalaga.

6. Bakit mahalaga ang paggalang sa dignidad ng kapuwa habang nabubuhay?


a. dahil ito ang paraan upang maging matagumpay sa buhay
b. dahil ito ang inaasahan at makabubuti para sa sarili at kapwa
c. upang makilala sa lipunang ginagalawan
d. upang maging mabuting halimbawa sa kapwa

19 CO_Q2_ESP7_Module5
7. Alin ang situwasyon na nagpapakita ng moral na pamumuhay.
a. Pagtuturo ng kagandahang asal sa anak
b. Pagbibigay tulong na may hinihintay na kapalit.
c. Pagbibigay ng pagkain sa mga pulubi upang makita ng ibang tao.
d. Pagpuna sa pagkakamali ng anak sa harap ng mga kaibigan.

8. “Kumilos ka nang palagian at magkaalinsabay mong tratuhin ang sariling


pagkatao at ang pagkatao ng iyong kapuwa hindi lamang bilang isang
kasangkapan kundi bilang isang telos”. Ano ang kaisipang nakapaloob sa
pahayag?
a. Ang tao ay nilikha ng Diyos.
b. Ang tao ay nililinang ang pagkatao.
c. Ang tao ay hindi maaring ituring na kasangkapan o bagay dahil siya ay may
kakayayahang mag-isip o pagiging rasyonal.
d. Ang tao ay pantay-pantay.

9. “Ang tao ay naiiba sa lahat ng nilalang,“ ayon kay Immanuel Kant. Ano ang ibig
sabihin nito?
a. Ang tao ay mula sa iba’t ibang lahi.
b. Ang tao ay may kakayahang kumilos.
c. Ang tao ay may angking talento at galing.
d. Ang tao ay mayroong hindi nawawala at mapapantayang halaga dahil sa
kanyang isip at kalayaan.

10. Ang tao ay may isip na nagbibigay sa kaniya ng kakayahang umunawa ng


konsepto, mangatuwiran at magmuni-muni. Dahil rin sa taglay niyang kilos-
loob, may kakayahan siyang kilalanin at piliin ang mabuti. “Kung ang mga ito
lamang ang pamantayan sa paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao,
paano naman ang mga taong isinilang na may sakit sa isip, mga nawalan ng
katinuan dahil sa mga pangyayari sa kanilang buhay, mga ulyanin na hindi na
makapag-isip?” Mahalagang tandaan na hindi naaalis o natatanggal ng mga
pangyayaring ito sa kanilang buhay ang dignidad nila bilang tao. Kaya, hindi
sila nawawalan ng karapatan na pahalagahan at igalang. Ano ang ipinababatid
ng pahayag na ito?
a. Lahat ng tao anoman ang kalagayang pisikal at mental ay may dignidad na
nararapat pahalagahan at igalang.
b. Ang tao ay may isip.
c. Ang tao ay may isip at kilos-loob.
d. Ang tao ay may kilos-loob.

20 CO_Q2_ESP7_Module5
Karagdagang Gawain

Gawain 4: Dugtong Kaalaman

A. Panuto: Ngayong nauunawaan mo na ang kahalagahan ng paggalang sa dignidad


ng sarili at kapuwa, pagkakataon mo na upang ipadama ang iyong pagmamahal at
pagmamamasakit para sa kapus-palad na kapuwa na nangangailangan ng iyong
pagkalinga.

1. Maaaring pumili mula sa sumusunod kung sino ang kapus-palad na kapuwa sa


inyong pamayanan ang nangangailangan ng inyong paggalang at
pagmamalasakit.

a. Mga nawalan ng hanapbuhay o e. Kamag-aral o kaibigan na nahinto ng


pinagkakakitaan dahil sa pandemya pag-aaral dahil nalulong sa droga,
o kalamidad alak o paglalaro ng computer
b. Mga matandang kapitbahay f. Maysakit na kapitbahay o nasa
na nag-iisa, walang kumakalinga o ospital dahil sa Covid 19
nasa Home for the Aged
c. Mga katutubo g. Pamilyang walang ng tirahan

d. Mga batang inabandona ng tatay o h. Mga kabataan na maagang nag-


nanay asawa o nabuntis

2. Tandaan na kailangang may magulang o nakatatanda lalo na sa pagbisita sa mga


delikadong lugar. Sundin ang health protocols sa gagawing pagbisita/pagtulong
upang matiyak na maipakita ang paggalang sa dignidad ng kapuwang binibisita
at tinulungan at maipadama ang pagmamahal.

3. Kumuha ng detalye ng mga impormasyong kailangan tungkol sa sitwasiyon ng


inyong napiling tao/mga tao upang matukoy kung ano talaga ang
pangangailangan niya/nila na maaari ninyong tugunan ayon sa inyong
kakayahan bilang kabataan.

4. Magtala ng mga konkretong paraan sa kinakailangang pagtugon na inyong


gagawin. Isa-isahin ang mga ito ayon sa kaangkupan sa pangangailangan ng
taong bibisitahin/tutulungan.

21 CO_Q2_ESP7_Module5
5. Ilista ang mga bagay na kailangang dalhin.

6. Idokumentaryo ang lahat ng mga detalye ng gawain.

7. Gumawa ng ebalwasiyon pagkatapos ng kabuuang gawain upang maisapuso at


maisaisip ang mga natutuhan mula rito.

B. Pagninilay
Panuto: Sumulat ng pagninilay sa journal tungkol sa:

1. Ano-ano ang mga konseptong pumukaw sa akin? Bakit?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa
modyul na ito?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

22 CO_Q2_ESP7_Module5
CO_Q2_ESP7_Module5 23
Subukin
Paksa Kasanayan Sagot
1. Dignidad Kaalaman A
2. Dignidad Ebalwasyon B
3. Pilosopiya Tungkol sa Dignidad Pagsusuri D
4. Dignidad Pagbubuo C
5. Katangian ng tao Pagbubuo A
6. Katangian ng tao Pagbubuo B
7. Ang Pagmamahal Pag-unawa A
8. Paraan ng Pangangalaga sa Ebalwasyon
Dignidad B
9. Moral na Kilos Pag-unawa C
10. Moral na Kilos Pagsusuri A
Tayahin
Paksa Kasanayan Sagot
1. Ang Pagmamahal Pag-unawa A
2. Dignidad Kaalaman A
3. Moral na Kilos Pag-unawa C
4. Dignidad Ebalwasyon B
5. Katangian ng tao Pagbubuo B
6. Paraan ng Pangangalaga sa Dignidad Ebalwasyon B
7.Moral na Kilos Pag-unawa A
8. Dignidad Pagbubuo C
9. Pilosopiya Tungkol sa Dignidad Pagsusuri D
10. Katangian ng tao Pagbubuo A
Isaisip
1. dignidad
2. mahalin
3. kapwa
4. pagmamahal
5. sarili
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 7. Modyul Para
sa Mag-aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2017.

24 CO_Q2_ESP7_Module5
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like