ESP 7 Q2 Module1 Week 1&2 C. Lao, MA Tuliao

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Edukasyon sa
Pagpapahalaga 7
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Isip at Kilos-Loob
(Week 1 & Week 2)

Inihanda nina:

CLAUDINE D. LAO
Guro II
Bacarra National Comprehensive High School

MARK ANTHONY TULIAO


Guro I
Bacarra National Comprehensive High School
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Isip at Kilos-Loob
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Claudine D. Lao
Mark Anthony D. Tuliao
Editor: Liza M. Piwit
Tagasuri: Jennifer C. Lazaro
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Amalia S. Labii
Division Design & Layout Artist: Jannibal A. Lojero

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Schools Division of Ilocos Norte
Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: [email protected]
7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Isip at Kilos-Loob
(Week 1 & Week 2)
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.

ii
Aralin
Isip at Kilos-Loob
1

Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa para sa iyo. Layunin nitong tulungan ka sa iyong
pag-aaral. Tinatalakay nito ang tungkol sa Isip at Kilos-loob. Sa pamamagitan ng
modyul na ito ay maaari ninyong gamitin ang inyong kakayahan at kahusayan sa
pang-unawa at pagsagot ng mga pagsasanay na buong sipag naming inihanda para
sa iyo.

Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang mga sumusunod na


kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. Natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
(EsP7PS-IIa-5.1)
2. Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at
kilos-loob. (EsP7PS-IIa-5.2)
3. Naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao,
kaya ang kanyang
mga pagpapasiya ay dapat patungo sa katotohanan at kabutihan. (EsP7PS-
IIb-5.3)
4. Naisasagawa ang pagbuo ng angkop na pagpapasiya tungo sa katotohanan
at kabutihan gamit ang isip at kilos-loob. (EsP7PS-IIb-5.4)
Subukin

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Piliin lamang ang titik ng tamang
sagot.
1. Nahahanap ng tao ang kabutihan sa pamamagitan ng ___________.
a. Isip
b. Kilos-Loob
c. Dignidad
d. Kalayaan
2. Ang bawat tao ay may kakayahang sanayin, paunlarin at gawing ganap ang
kanilang _______.
A. Isip at Kilos-loob
B. Karunungan at karangalan
C. Dignidad at kalayaan
D. Isip at kalayaan
3. Sa pamamagitan ng _________, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti.
a. Isip
b. Puso
c. Kilos-loob
d. Konsensya
4. Napag-alaman mong may darating na Super Typhoon sa inyong lugar. Hindi
lingid sa kaalaman
ng iba na ang inyong bahay ay madaling masira at matangay ng hangin. Base
sa iyong isip at
kilos-loob, ano ang gagawin mo?
a. Maging kampante
b. Maging mapagmasid
c. Umasa na lamang sa mga tulong ng mga kapitbahay
d. Magdasal na sana’y walang matinding masalanta ang darating na bagyo
5. Ang tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob ay tunay na napamamahalaan
ng tao ang kanyang ______.
a. Aral
b. Kilos
c. Isip
d. Dangal
6. Ano ang pinaka-pangunahing gamit ng ating isipan?
a. Magpasya
b. Mag-isip
c. Umunawa
d. Magtimbang ng esensya ng mga bagay
7. Analohiya: Kilos-Loob: kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang
pinili – Isip: __________________
a. kapangyarihang mangatwiran
b. kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos
c. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
d. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang
nadarama
8. Nahuli ng mga pulis si Pepito na nagpapatanim ng droga sa kanyang
kinakalabang kapitan na si Rolly sa darating na halalan. Nagawa niya lamang ito
dahil sa patuloy na pagbibigay ng nasabing kapitan ng suhol sa kanyang mga
kababayan. Nang tanungin si Pepito sa presinto kung bakit nya ginawa iyon,
nararapat daw sa kanya iyon dahil siya ay sumusuhol ng pera upang manalo sa
darating na halalan. Ano ang nakaligtaan ni Pepito sa pagkakataon na ito?
a. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto
nito para sa sarili.
b. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng
kapwa ng akuin ang pagkakamali.
c. Walang anumang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos
para sa kanyang sarili.
d. Lahat ng nabanggit
9. Ihing-ihi ka na at nasa lugar ka na kung saan malayo ang palikuran o CR at
may nakita kang bakanteng lote, pero mayroong nakalahad na “Bawal Umihi
Dito”. Ano ang gagawin mo?
a. Wala namang tao, iihi ko nalang dito.
b. Tingnan kung may CCTV, kung wala iihi.
c. Huwag umihi at hahanap nalang ng karatig na pwedeng pag-ihian.
d. Lahat ng nabanggit
10. Ano ang pinakamahalagang regalo sa atin ng Diyos bilang isang mag-aaral?
a. Kakayahang paunlarin ang isip at kilos
b. Kakayahang paunlarin ang nilalaman ng puso’t isipan
c. Kakayahang payabungin ang napapag-aralan sa paaralan
d. Lahat ng nabanggit

Balikan

Gawain 1: Paglalarawan sa Katangian


Panuto: Masdan at suriin mo ang sumusunod na larawan. Tukuyin ang
bawat katangian nito at isulat sa kahon na inilaan.

MGA LARAWAN KATANGIAN

1.

2.

3.

4.

5.
HALAMAN

1.

2.

3.

4.

5.

HAYOP
1.

2.

3.

4.

5.

TAO

Tuklasin

Gawain 2: Isipin bago gawin!

Iisipin Gagawin
Sitwasyon

1. Nagsimba ka at nakita
mong nagkukwentuhan
ang mga kaklase mo sa
loob ng simbahan.
2. Kinausap ka ng
kaibigan mo na makiisa
sa gawaing
pangkalikasan sa inyong
barangay.
3. Nakita mong itinapon
ng kaibigan mo ang suot
niyang face mask sa daan
habang kayo ay pauwi na.
4. Pinagalitan ka ng iyong
nanay dahil hindi mo na
tapos ang paglilinis ng
inyong bahay dahil sa
paglalaro ng mobile
legends.
5. Niyaya ka ng iyong
kaklase na maglaro na
lamang at hayaan na ang
pagsagot sa inyong
modyul.

Suriin

TAO: ANG NATATANGING NILIKHA


May tatlong uri ng nilikhang may buhay sa mundo: ang halaman, ang hayop
at ang tao. Katulad sa halaman, ang tao ay nangangailangang alagaan upang lumaki,
kumilos at dumami. Kumukuha siya ng sapat na sustansiya upang makaya niyang
suportahan ang sarili. Katulad sa hayop ang tao ay may damdamin kaya’t siya’y
nasasaktan, marahil dahil sa kapabayaan o pagpapahirap. Natatakot siya sa
kalamidad o sa epekto ng pangyayari na hindi inaasahan. Nagagalit siya kapag
pinakitunguhan nang hindi tama subalit kumakalma sa tuwing pinakitaan ng
pagkalinga. Subalit higit pa sa mga ito ang kayang gawin ng tao sapagkat ang tao ay
nilikha ayon sa “wangis ng Diyos”, kaya nga ang tao ay tinatawag na kanyang obra
maestra.

Paano naiiba ang tao sa ibang nilikha?

Ang bawat indibidwal ay biniyayaan ng iba’t ibang kakayahan na nagpapadakila sa


kanya. Ang mga katangiang ito ay nagpapatingkad sa kanya, katangiang taglay
lamang ng tao na nagpapabukod-tangi sa kanya sa iba pang nilikha. Ayon kay Dr.
Manuel Dy Jr., ang tao ay may tatlong mahahalagang sangkap: ang isip, ang puso
at ang kamay o katawan.
• Isip. Ang isip ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang
diwa at buod ng isang bagay. Ito ay may kapangyarihang
maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala at
umunawa ng kahulugan ng mga bagay. Kaya’t ang isip
ay tinatawag na katalinuhan (intellect), katwiran
(reason), intelektuwal na kamalayan (intellectual
consciousness), konsensiya (conscience) at intelektuwal
na memorya (intellectual memory) batay sa gamit nito sa
bawat pagkakataon.

• Puso. Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot


sa buong pagkatao ng tao. Nakararamdam ito ng lahat ng
bagay na nangyayari sa ating buhay. Dito nanggagaling
ang pasya at emosyon. Sa puso hinuhubog ang
personalidad ng tao. Lahat ng kasamaan at kabutihan ng
tao ay dito natatago.

• Kamay o katawan. Ang kamay o ang katawan ay


sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw,
paggawa at pagsasalita (sa bibig o pagsusulat). Ito ang
karaniwang ginagamit sa pagsasakatuparan ng isang
kilos o gawa. Hindi sapat na naiisa-isa ng tao ang iba’t
ibang bahagi ng kanyang katawan, ang mahalaga ay
maunawaan niya kung ano-ano ang gamit ng mga ito.
Mahalagang bahagi ng pagkatao ang katawan, dahil ito
ang ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng isip at
puso sa kongkretong paraan. Sa pamamagitan ng
katawan, naipakikita ng tao ang nagaganap sa kanyang
kalooban. Ito rin ang instrumento sa pakikipag-ugnayan
sa ating kapwa.

Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang makaalam at magpasya


nang malaya. Ang kapangyarihan niyang mangatwiran ay tinatawag na isip. Ang
kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili ay tinatawag na kilos-
loob.
Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng katotohanan; kaya’t
patuloy siyang nagsasaliksik upang makaunawa at gumawa nang naaayon sa
katotohanang natuklasan. Ang pandamdam ng tao ay nakatutulong upang makamit
ang katotohanang ito. Sa pamamagitan ng kaalamang natuklasan, maaari siyang
gumawa para sa ikabubuti ng kanyang kapwa. Dahil ang isip ng tao ay may
limitasyon at hindi ito kasing-perpekto ng Maylikha, siya ay nakadarama ng
kakulangan. Kaya’t ang paghahanap ng isip sa katotohanan ay hindi nagtatapos;
ang katotohanan ang tunguhin ng isip.

Sa kabilang dako, ang kilos-loob ayon sa paglalarawan ni Santo Tomas de


Aquino ay isang makatwirang pagkagusto (rational appetency), sapagkat ito ay
pakultad (faculty) na naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Kung kaya’t ang
tunguhin ng kilos-loob ay ang kabutihan. Ang kilos-loob ay hindi naaakit sa
kasamaan; hindi nito kailanman magugustuhan ang mismong masama. Nagaganap
lamang ang pagpili sa masama kung ito ay nababalot ng kabutihan at
nagmumukhang mabuti at kaakit-akit. Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na
impormasyon ng isip. Naiimpluwensiyahan ng isip ang kilos-loob, dahil hindi nito
nanaisin o gugustuhin ang isang bagay na hindi niya alam o nauunawaan. Ito rin
ang nagbibigay ng kapangyarihan sa tao na gumawa at pumili, kung kaya’t ang kilos-
loob ang siyang ugat ng mapanagutang kilos.
Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti.
Ngunit hindi lahat ng mabuti ay magkakapareho ng uri. Nakasalalay sa tao ang
pagsaliksik at pag-alam kung alin ang higit na mabuti upang ito ang kanyang piliing
gawin. Samakatwid ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan, ay kailangang sanayin
at linangin upang magampanan ng mga ito ang kani-kaniyang layunin. Kung hindi,
magagamit ang mga ito sa maling paraan na makahahadlang sa pagkakamit ng
kaganapan ng tao.
Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawing ganap ang isip at
kilos-loob. Mahalagang pangalagaan ang mga ito upang hindi masira ang tunay na
layunin kung bakit ipinagkaloob ang mga ito sa tao. Inaasahang magkasabay na
pinauunlad ng tao ang kanyang isip at kilos-loob. Habang marami siyang
natutuklasang kaalaman at karunungan sa pamamagitan ng pag-aaral o
pagsasaliksik, inaasahan ding naipamamalas sa kanyang pagkatao ang
mapanagutang paggamit ng mga ito. Sa gayon, higit siyang magiging mabuting
nilalang na may mabuting kilos-loob. Ang katalinuhan ay hindi nasusukat sa dami
ng nalalaman at taas ng pinag-aralan, kundi kung paano ginagamit ang kaalaman
upang ilaan ang sarili sa pagpapaunlad ng kanyang pagkatao, paglilingkod sa kapwa
at pakikibahagi o paglilingkod sa kapwa at pakikibahagi o paglilingkod sa
pamayanan. Natatangi ang tao dahil sa kakayahan ng isip at kilos-loob na kumilos
ayon sa kanyang kalikasan… ang magpakatao. Kailangang gamitin ang isip sa
pagkalap ng kaalaman at karunungan upang makaunawa ang kilos-loob sa paggawa
ng kabutihan tungo sa pagpapaunlad ng pagkatao.

Pagyamanin

Gawain 5. Isip at Kilos Loob, Paunlarin!


Panuto: Maglahad ng tig-apat na paraan upang mapaunlad mo ang iyong
isip at kilos-loob sa aspetong a) sa paaralan b) sa pamilya

a. paaralan b. pamilya

PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Nilalaman - 10 puntos
Pagkamalikhain - 5 puntos
Kalinisan - 5 puntos
Orihinalidad - 5 puntos (Sariling gawa at walang pinagtularan)
KABUUAN = 25 Puntos
Isaisip

Gawain 6. Kumpletuhin mo
Panuto: Sagutan ang talahanayan kung ano ang wastong gamit at tunguhin ng isip
at kilos-loob

Isip Kilos-loob
Gamit

Tunguhin

PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Nilalaman - 10 puntos
Pagkamalikhain - 5 puntos
Kalinisan - 5 puntos
Orihinalidad - 5 puntos (Sariling gawa at walang
pinagtularan)
KABUUAN = 25 Puntos

Isagawa

Gawain 7 Tungkulin ko, Isabuhay ko


Panuto: Bilang isang kabataan na may isip at kilos-loob, mayroong tungkuling dapat
mong isaalang-alang. Tukuyin ang mga sumusunod na pangungusap kung ito ay
iyong ginagawa o hindi. Ilagay ang O kung ito’y iyong ginagawa at X naman kung
ito’y hindi mo ginagawa.

1. Tumulong sa mga gawaing bahay


2. Magbasketbol pagkatapos ng mga responsibilidad sa bahay
3. Makiisa at makipagtulungan sa sa proyekto ng pamayanan o
barangay na kinabibilangan
4. Sumunod sa patakaran na itinakda ng magulang
5. Magsimba upang maging matatag ang ugnayan sa Diyos
6. Matatag na ugnayan sa mga kapatid.
7. Ginagawa ang bagay ng walang pag-aalinlangan.
8. Maayos na pakikisama sa nakakatanda.
9. Nagkakaroon ng malusog na pangangatawan, puso't isipan
10. Mapagpakumbaba sa lahat ng pagkakataon

Tayahin

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Piliin lamang ang titik ng tamang
sagot.
1. Napag-alaman mong may darating na Super Typhoon sa inyong lugar. Hindi
lingid sa kaalaman ng iba na ang inyong bahay ay madaling masira at
matangay ng hangin. Base sa iyong isip at kilos-loob, ano ang gagawin mo?

a. Maging kampante
b. Maging mapagmasid
c. Umasa na lamang sa mga tulong ng mga kapitbahay
d. Magdasal na sana’y walang matinding masalanta ang darating na bagyo
2. Ang bawat tao ay may kakayahang sanayin, paunlarin at gawing ganap ang
kanilang _______.
a. Isip at Kilos-loob
b. Karunungan at karangalan
c. Dignidad at Kalayaan
d. Isip at kalayaan
3. Nahuli ng mga pulis si Pepito na nagpapatanim ng droga sa kanyang
kinakalabang kapitan na si Rolly sa darating na halalan. Nagawa niya
lamang ito dahil sa patuloy na pagbibigay ng nasabing kapitan ng suhol sa
kanyang mga kababayan. Nang tanungin si Pepito sa presinto kung bakit
nya ginawa iyon, nararapat daw sa kanya iyon dahil siya ay sumusuhol ng
pera upang manalo sa darating na halalan. Ano ang nakaligtaan ni Pepito sa
pagkakataon na ito?
a. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng
epekto nito para sa sarili.
b. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng
kapwa ng akuin ang pagkakamali.
c. Walang anomang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng
kilos para sa kanyang sarili.
d. Lahat ng nabanggit
4. Nahahanap ng tao ang kabutihan sa pamamagitan ng ___________.
a. Isip
b. Kilos-Loob
c. Dignidad
d. Kalayaan
5. Ang tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob ay tunay na
napamamahalaan ng tao ang kanyang ______________.
a. Aral
b. Kilos
c. Isip
d. Dangal
6. Ano ang pinaka-pangunahing gamit ng ating isipan?
a. Magpasya
b. Mag-isip
c. Umunawa
d. Magtimbang ng esensya ng mga bagay
7. Analohiya: Kilos-Loob: kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan
ang pinili – Isip: __________________
a. kapangyarihang mangatwiran
b. kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos
c. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
d. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang
nadarama
8. Ihing-ihi ka na at nasa lugar ka na kung saan malayo ang palikuran o CR at
may nakita kang bakanteng lote, pero mayroong nakalahad na “Bawal Umihi
Dito”. Ano ang gagawin mo?
a. Wala namang tao, iihi ko nalang dito.
b. Tingnan kung may CCTV, kung wala iihi.
c. Huwag umihi at hahanap nalang ng karatig na pwedeng pag-ihian.
d. Lahat ng nabanggit
9. Ano ang pinakamahalagang regalo satin ng Diyos bilang isang mag-aaral?
a. Kakayahang paunlarin ang isip at kilos
b. Kakayahang paunlarin ang nilalaman ng puso’t isipan
c. Kakayahang payabungin ang napapag-aralan sa paaralan
d. Lahat ng nabanggit

10. Sa pamamagitan ng _________, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti.

a. Isip
b. Puso
c. Kilos-loob
d. Konsensya

Karagdagang Gawain

Gawain 1.10 Ipagmalaki Mo!

Panuto: Gumupit ng mga larawang nagpapakita sa paghubog ng isip at kilos-loob at


idikit ito sa sagutang papel.

Susi sa Pagwawasto

10.d
9. c
8. c
7. a
6. c 6.
5. b 5. 5.
4. d 4. 4.
3. c 3. 3.
2. a 2. 2.
1. b 1. 1.

Tayahin Suriiin Subukin


Sanggunian
A. Books
Eliza D. Bustamante, et.al., 2015. Sulyap sa Kasaysayan ng
Asya 7. Quezon City: St. Bernadette Publishing House
Corporation.
Rosemarie C Blando, et.al., 2014. Araling Asyano- Modyul para
sa Mag-aaral. Pilipinas: Eduresources Publishing, Inc.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : [email protected]
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

You might also like