EsP7 Q3 MOD1 Birtud at Pagpapahalaga

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Department of Education

7 National Capital Region


SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

Edukasyon sa Pagkakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Birtud at Pagpapahalaga

May-akda: Rose Anne J. Sandagon

Tagaguhit: Mary Jane B. Roldan


Charmilyn P. Galzote

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang mga sumusunod na


kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
a. Nakikilala ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng birtud at pagpapahalaga.
EsP7PBIIIa-9.1

b. Natutukoy (a) ang mga birtud at pagpapahalaga na isasabuhay at (b) ang mga
tiyak na kilos na ilalapat sa pagsasabuhay ng mga ito. EsP7PBIIIa-9.2

Subukin

Piliin sa Hanay B ang mga hinihingi sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa espasyo bago ang numero.

Hanay A Hanay B
1. Birtud na gumagamit ng kilos- A. Katarungan (Justice)
loob upang maibigay sa tao ang B. Maingat na Paghuhusga
nararapat para sa kaniya. (Prudence)
2. Kaalaman na nakatutulong sa C. Pagtitimpi (Temperance o
pagbuo ng mga rason base sa Moderation)
mga tanggap na katotohanan at D. Agham (Science)
prinsipyo. E. Katatagan (Fortitude)
3. Kaalaman na tumutukoy sa F. Karunungan (Wisdom)
kung ano ang nakabubuti at
kung paano ito maisasagawa.
4. Birtud na nagpapatibay sa tao
sa pagharap sa mga pagsubok
sa buhay tungo sa pagkamit ng
kabutihan.
5. Birtud na nagsasaad ng kung
ano ang sapat sa ating mga
ninanais base sa kung ano ang
makatuwiran.

City of Good Character


1
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin
1
Birtud at Pagpapahalaga

Hindi ba’t masayang isipin kung tayo ay


nabubuhay sa mundong payapa? Walang krimen,
pantay-pantay ang pagtingin sa bawat tao at bawat
isa ay naiisip ang kapakanan ng kaniyang kapuwa.
Posible nga bang mangyari ito? Ang sagot ay “OO”,
at ito ay kung lahat ng tao ay hahangarin na
maging mabuti sa kaniyang kapuwa. Ngunit paano
nga ba maging isang mabuting tao? Upang iyong
matuklasan ang sagot sa katanungan na ito ay
iyong alamin ang konsepto ng birtud at
pagpapahalaga sa araling ito. Handa ka na ba?

Balikan
Maglista ng mga katangian na iyong taglay na sa tingin mo ay nagpapatunay na
ikaw ay isang mabuting tao.

Halimbawa: ____________________
____________________
Sumusunod sa mga
____________________
utos ng aking
____________________
magulang.
________

____________________ ____________________
____________________ ____________________
____________________ ____________________
____________________ ____________________
________ ________

____________________ ____________________
____________________ ____________________
____________________ ____________________
____________________ ____________________
________ ________

City of Good Character


2
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin

Sa mga naunang aralin ay natutuhan mo na kabilang na sa mga desisyong iyong


ginagawa sa pang-araw-araw ay ang pagpili sa kung ano ang tama at mali. Ngunit palagi
nga bang tama ang iyong pinipili at isinasabuhay? Ano kaya ang maaring makatulong
sa iyo upang patuloy mong piliin kung ano ang tama? Maaari kayang makatulong ang
mga ito upang ikaw ay maging isang tunay na mabuting tao? Sa pamamagitan ng mga
sumusunod na gawain sa ibaba ay matutuklasan mo ang kasagutan sa mga tanong na
ito.
Hanapin at bilugan ang mga nakalistang salita sa ibaba. Ang mga salita ay
maaring nakasulat ng pahiga ( → ), pababa ( ↓ ) o pahilis ( ).
COMPASSION DILIGENCE FAIRNESS FORTITUDE

GENEROSITY GRATITUDE HARDWORK HONESTY

HUMILITY INTEGRITY JUSTICE LOVE

LOYALTY MODESTY OPTIMISM PRUDENCE

PERSEVERANCE TEMPERANCE UNITY WISDOM

City of Good Character


3
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Alin sa mga nakalista sa itaas ang iyo ng taglay bilang isang indibiduwal?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Alin sa mga ito ang hindi mo pa taglay ngunit kailangan mong paunlarin sa iyong
sarili bilang isang nagdadalaga o nagbibinata? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

B. Pumili ng limang larawan sa ibaba na sa tingin mo ay pinakamahalaga para sa iyo.


Kulayan ang mga ito.

kaibigan cellphone pamilya pag-aaral

damit bahay pagkain

kotse pamilya pera

City of Good Character


4
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Bakit mo itinuturing na mahalaga ang mga bagay na iyong napili sa itaas?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Paano mo ipinapakita ang pagpapahalaga sa mga bagay na ito?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Suriin
Basahin ang sumusunod na pahayag sa ibaba upang mas mapalawak ang iyong
pag-unawa sa araling ito.
KAHULUGAN AT KONSEPTO NG BIRTUD
Ang Birtud o Virtue ay
nagmula sa salitang Latin na
virtus (vir) na nangangahulugang
“pagiging tao”. Ibig sabihin ito ay
tumutukoy sa mga katangian na
mabuti at kanais-nais na dapat
taglayin ng isang tao. Ang pagiging
mapagmahal, mabait, matiisin,
mapagkumbaba at matapat ay
ilan lamang sa mga halimbawa
nito.
Ang birtud ay hindi
maaring taglayin ng hayop at iba pang nilikha ng Diyos maliban sa tao sapagkat tayo
lamang ang pinagkalooban ng Diyos ng isip at kilos-loob. Kaya naman, ang birtud ay
itinuturing din na mga kakayahan na naiuugnay sa ating isip at kilos-loob. Ngunit
mahalagang maunawaan din natin na kahit magkakapareho tayong nilikha na may isip
ay magkakaiba pa rin ang kaalaman na ating taglay. Gayon din sa mga birtud na ating
taglay bilang isang indibiduwal. Ayon sa inilathalang libro ni Aristotle na The
Nicomachean Ethics ang birtud ay maaring hatiin sa dalawang uri.

City of Good Character


5
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
City of Good Character
6
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
KAHULUGAN AT KONSEPTO NG PAGPAPAHALAGA
Ang Pagpapahalaga o Values ay ang
mga pangunahing kaalaman at paniniwala
na gumagabay sa ating mga kilos na
isinasagawa. Ito ay nagmula sa salitang
Latin na valore na nangangahulugang
pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng
saysay o kabuluhan. Samakatuwid, ang
Pagpapahalaga ay maaring makatulong sa
iyo upang matuklasan mo ang mga bagay
na mahalaga sa iyong buhay.
Ayon din kay Max Scheler, ang
pagpapahalaga ang nagbibigay ng
kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao. Ito
ang ilan sa mga katangian ng
Pagpapahalaga:

Mga Katangian ng Pagpapahalaga


a. Immutable at objective. Ang pagpapahalaga ay hindi nagbabago sapagkat dito
nakasalalay ang ating pagkatao.

Halimbawa: Kung ang isang tao ay may


pagpapahalaga sa edukasyon, siya ay
mag-aaral ng mabuti. Siya ay magpapasa
ng mga itinakdang gawain sa kaniya ng
kanilang guro at makikinig siya sa mga
diskusyon sa klase dahil kung hindi niya
gagawin ang mga ito ay maaring maging
hadlang ito sa pag-unlad ng kaniyang
pagkatao. Samakatuwid, ang
pagpapahalaga sa edukasyon ay hindi
nagbabago sapagkat noon pa man ay
alam na natin na ang pagkakaroon ng
maayos sa edukasyon ay makatutulong
sa ating pagkatao.

City of Good Character


7
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
b. Sumasaibayo (transcends). Ang
pagpapahalaga ay maaring para sa lahat o
para sa sarili lamang.

Halimbawa: Kung ikaw ay papipiliin sa


dalawang bagay, katalinuhan o
kagandahan, ano ang pipiliin mo? Ang
iyong pipiliin na sagot sa tanong na ito ay
maaring iba sa nais at pinapahalagahan ng
ibang tao. Kaya naman ang pagpapahalaga
ay maaring personal o pangkalahatan.

c. Nagbibigay ng direksyon sa buhay ng


tao. Ang pagpapahalaga ay gumagabay
sa tao na isagawa ang mga kilos na
magpapabuti sa kaniyang pagkatao.

Halimbawa: Kung ikaw ay may


pagpapahalaga sa kalikasan at iyong
kapaligiran, ikaw ay magtatapon ng
basura sa tamang tapunan. Ibig
sabihin, ginagabayan ng mga
pagpapahalaga ang mga kilos na iyong
isinasagawa.

d. Lumilikha ng kung anong


nararapat (ought-to-be) at kung anong
dapat gawin (ought-to-do). Ang
pagapapahalaga ang magagamit nating
pundasyon upang malaman natin ang
mga kilos na nararapat at dapat nating
isagawa.

Halimbawa: Ang pagpapahalaga sa


pagmamahal sa kapuwa ang siyang
gumagabay sa atin upang maibigay
natin ang nararapat para sa ibang tao.

City of Good Character


8
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ang Pagpapahalaga ay nahahati rin sa dalawang uri:

KAUGNAYAN NG BIRTUD AT PAGPAPAHALAGA


Ang pagpapahalaga at birtud ay dalawang konsepto na bumubuo sa ating
pagkatao. Ano nga ba ang pagkaka-ugnay ng dalawang ito?
Ayon kay Snow (2019), ang pagpapahalaga ay ating mga ninanais sa buhay.
Matutuklasan mo lamang ang mga bagay na mahalaga sa iyo batay sa mga kilos na
iyong isinasagawa. Halimbawa na lamang ay karamihan sa atin ay ninanais na maging
isang matapat na tao ngunit kung ikaw ay nagnakaw naman ng pera sa iyong ina ay
pinapakita lamang nito na mas pinapahalagahan mo ang pera. Sa puntong ito papasok
City of Good Character
9
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
ang mga prinsipyo, ideya at kaalaman na dapat ay iyong taglayin upang gabayan ka sa
mga kilos na iyong isinasagawa at ito ay ang mga birtud.
Samakatuwid, kung lilinangin natin ang mga uri ng birtud makakabuo tayo ng
mga prinsipyo at paniniwala na makatutulong sa atin na pumili ng mga bagay na ating
pahahalagahan sa buhay.

Pagyamanin

Basahin ang maikling talambuhay sa ibaba at sagutan ang mga sumusunod na


tanong.

Ang Kabutihan ni Mother Teresa

Si Mary Teresa Bojaxhiu o mas kilala sa pangalang


Mother Teresa ay isang madre na kilala sa kaniyang taglay
na kabaitan at pagmamahal sa kaniyang kapuwa. Siya ay
ipinanganak sa Macedonia, Europe at mula pagkabata pa
lamang ay hangad na niya ang kabutihan para sa lahat.

Siya ay naging isang madre sa gulang na dalawampu’t


apat sa tulong ng isang misyonaryo ng mga madre sa India
na Sisters of Loreto. Siya ay naging isang guro sa Calcutta
noong 1931 hanggang 1948 ngunit hindi rin ito nagtagal
sapagkat mas nais niyang makatulong sa mga taong
nangangailangan. Mother-Teresa by Elizaraxi is
licensed under CC BY 2.0
Ninais niyang paglikuran ang mga taong naghihirap
at nakatira sa lansangan sa India kaya naman nagtayo siya ng eskwelahan para sa
kanila. Ang kaniyang kabutihan ay kalaunang napansin ng ibang tao na nagpasiyang
tulungan rin siya para sa layunin niyang ito. Itinayo niya ang The Missionaries of
Charity para sa mga taong naghihirap at nangangailangan ng kalinga.

Isa rin siya sa mga nag-alaga ng mga taong may ketong at TB na noo’y iniiwasan
ng karamihan sapagkat ito ay isang nakakahawang sakit. Ngunit hindi ito inisip ni
Mother Teresa sapagkat mas matibay ang kaniyang paniniwala na ang paglilingkod sa
kapuwa ay para na ring paglilingkod sa ating Diyos.

Si Mother Teresa ay isang halimbawa ng isang taong mapagmahal sa kaniyang


kapuwa. Siya ay nagsilbing inspirasyon sa karamihan upang tunguhin rin nila ang
landas ng paglilingkod sa iba. Ipinakita niya na kahit siya man ay nagmula sa ibang
lahi, ang pagtulong sa kapuwa ay hindi mahahadlangan kailanman. Siya ang isa mga
taong dapat nating kilalanin at tularan sa ating buhay.

Mga Tanong:

1. Ano sa tingin mo ang mga birtud na taglay ni Mother Teresa? Ipaliwanag.


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
City of Good Character
10
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2. Ano kaya ang bagay na pinapahalagahan ni Mother Teresa sa kaniyang buhay?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Sa tingin mo ba ay makakaya mo ring maging tulad ni Mother Teresa?


Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Isaisip
Kumpletuhin ang tsart sa ibaba. Tukuyin ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng
birtud at pagpapahalaga.

Kahulugan at Konsepto Kahulugan at Konsepto


ng Birtud ng Pagpapahalaga

Kaugnayan ng Birtud at
Pagpapahalaga

Isagawa
Pumili ng isang birtud at gawan ito ng isang maikling slogan. Para sa mga may
access sa internet, kuhaan ng litrato ang iyong gawa at ipasa ito sa E-Learning Platform.
Para naman sa mga walang access sa internet, gawin ito sa espasyo sa ibaba.
Halimbawa:
Birtud: Humility/Pagpapakumbaba

City of Good Character


11
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Slogan: Naabot mo sa buhay kahit gaano man kataas, matutong magpakumbaba sa
lahat ng oras,

Tayahin
Bilugan ang letra ng iyong sagot sa mga sumusunod na tanong,
1. Ito ay nagmula sa salitang Latin na virtus (vir) na nangangahulugang “pagiging
tao”.
a. Birtud b. Isip c. Kilos-loob d. Values

2. Ang mga hayop ay may taglay din na birtud. Ang pahayag ay ____.
a. tama, sapagkat lahat tayo ay nilikha ng Diyos.
b. tama, sapagkat tulad ng tao ang hayop ay mayroon ding damdamin.
c. mali, sapagkat hindi naman kayang mag-isip ng hayop.
d. mali, sapagkat tao lamang ang pinagkalooban ng Diyos ng isip at kilos-loob.

3. Ano ang pagkakaiba ng Intelektuwal at Moral na birtud?


a. Ang Intelektuwal na Birtud ay nagbabago samantalang ang Moral na Birtud
ay hindi nagbabago.
b. Ang Intelektuwal na Birtud ay may kinalaman sa kilos-loob ng isang tao
samantalang ang Moral na Birtud ay may kinalaman sa isip ng tao.
c. Ang Intelektuwal na Birtud ay may kinalaman sa isip ng tao samantalang ang
Moral na Birtud ay may kinalaman sa kilos-loob ng isang tao.
d. wala sa nabanggit

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa Moral na Birtud?


a. Karunungan b. Katarungan c. Katatagan d. Pagtitimpi

5. Ito ay kaalaman na tumutukoy sa kung ano ang nakabubuti at kung paano ito
maisasagawa.
a. Art b. Prudence c. Science D. Wisdom

6. Ito ay nagmula sa salitang Latin na valore na nangangahulugang pagiging


makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan.
City of Good Character
12
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
a. Birtud b. Isip c. Kilos-loob d. Values

7. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng pagpapahalaga?


a. Ang pagpapahalaga ay hindi nagbabago.
b. Ang pagpapahalaga ay maaring para sa lahat o para sa sarili lamang.
c. Ang pagapapahalaga ang magagamit nating pundasyon upang malaman natin
ang mga kilos na nararapat at dapat nating isagawa.
d. Lahat ng nabanggit.

8. Ano ang pagkakaiba ng Absolute Moral Values at Cultural Behavioral Values?


a. Ang Absolute Moral Values ay nagmula sa labas ng tao at ang Cultural
Behavioral Values ay nagmula sa loob ng tao.
b. Ang Absolute Moral Values ay nagmula sa loob ng tao at ang Cultural
Behavioral Values ay nagmula sa labas ng tao.
c. Ang Absolute Moral Values ay mga prinsipyo na tanggap ng lahat ng tao at
ang Cultural Behavioral Values ay mga pansariling prinsipyo ng isang tao.
d. A at C

9. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng Pagpapahalagang Kultural na


Panggawi (Cultural Behavioral Values)?
a. Eternal b. Obhetibo c. Pangkalahatan d. Subhetibo

10. Paano nagkaka-ugnay ang birtud at pagapapahalaga?


a. Ang birtud at pagpapahalaga ay parehas na tumutulong sap ag-unlad ng
ating pagkatao.
b. Ang birtud at pagpapahalaga ang nakatutulong upang hangarin ng isang tao
na maging mabuti.
c. Ang birtud ay makatutulong sa atin na piliin ang mga bagay na ating
pahahalagahan sa buhay.
d. Lahat ng nabanggit.

Gumawa ng collage ng mga larawan ng tao/bagay na mahalaga para sa iyo.


Ipaliwanag kung bakit ito mahalaga sa iyo at ano ang naibahagi nila/nito sa paghubog
ng iyong pagkatao bilang isang nagdadalaga o nagbibinata. Para sa mga may access sa
internet, gawin ito sa Word Document at ipasa sa E-Learning Platform. Para naman sa
mga walang access sa internet, gawin ito sa isang malinis na papel.

City of Good Character


13
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Maikling Pagsusulit – Modyul 1

Panuto: Bilugan ang letra ng iyong sagot sa mga sumusunod na tanong,


1. Ito ay nagmula sa salitang Latin na virtus (vir) na nangangahulugang “pagiging
tao”.
a. Birtud b. Isip c. Kilos-loob d. Values

2. Ang mga hayop ay may taglay din na birtud. Ang pahayag ay ____.
a. tama, sapagkat lahat tayo ay nilikha ng Diyos.
b. tama, sapagkat tulad ng tao ang hayop ay mayroon ding damdamin.
c. mali, sapagkat hindi naman kayang mag-isip ng hayop.
d. mali, sapagkat tao lamang ang pinagkalooban ng Diyos ng isip at kilos-loob.

3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa Moral na Birtud?


a. Karunungan b. Katarungan c. Katatagan d. Pagtitimpi

4. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng pagpapahalaga?


a. Ang pagpapahalaga ay hindi nagbabago.
b. Ang pagpapahalaga ay maaring para sa lahat o para sa sarili lamang.
c. Ang pagapapahalaga ang magagamit nating pundasyon upang malaman
natin ang mga kilos na nararapat at dapat nating isagawa.
d. Lahat ng nabanggit.

5. Ito ay kaalaman na tumutukoy sa kung ano ang nakabubuti at kung paano ito
maisasagawa.
a. Art b. Prudence c. Science d. Wisdom

6. Ito ay nagmula sa salitang Latin na valore na nangangahulugang pagiging


makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan.
a. Birtud b. Isip c. Kilos-loob d. Values

7. Ano ang pagkakaiba ng Intelektuwal at Moral na birtud?


a. Ang Intelektuwal na Birtud ay nagbabago samantalang ang Moral na Birtud
ay hindi nagbabago.
b. Ang Intelektuwal na Birtud ay may kinalaman sa kilos-loob ng isang tao
samantalang ang Moral na Birtud ay may kinalaman sa isip ng tao.
c. Ang Intelektuwal na Birtud ay may kinalaman sa isip ng tao samantalang ang
Moral na Birtud ay may kinalaman sa kilos-loob ng isang tao.
d. wala sa nabanggit

8. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng Pagpapahalagang Kultural na


Panggawi (Cultural Behavioral Values)?
a. Eternal b. Obhetibo c. Pangkalahatan d. Subhetibo

9. Ano ang pagkakaiba ng Absolute Moral Values at Cultural Behavioral Values?


City of Good Character
14
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
a. Ang Absolute Moral Values ay nagmula sa labas ng tao at ang Cultural
Behavioral Values ay nagmula sa loob ng tao.
b. Ang Absolute Moral Values ay nagmula sa loob ng tao at ang Cultural
Behavioral Values ay nagmula sa labas ng tao.
c. Ang Absolute Moral Values ay mga prinsipyo na tanggap ng lahat ng tao at
ang Cultural Behavioral Values ay mga pansariling prinsipyo ng isang tao.
d. A at C

10. Paano nagkaka-ugnay ang birtud at pagapapahalaga?


a. Ang birtud at pagpapahalaga ay parehas na tumutulong sap ag-unlad ng
ating pagkatao.
b. Ang birtud at pagpapahalaga ang nakatutulong upang hangarin ng isang
tao na maging mabuti.
c. Ang birtud ay makatutulong sa atin na piliin ang mga bagay na ating
pahahalagahan sa buhay.
d. Lahat ng nabanggit.

mag-aaral. sagot ng mga mag-aaral.


ang sagot ng mga mag-aaral. B. Maaaring iba-iba ang
➢ Maaaring iba-iba ang sagot ng mga
Gawain: ➢ Maaaring iba-iba sagot ng mga mag-aaral.
Karagdagang A. Maaaring iba-iba ang
Isagawa:
Tuklasin:
10.D
9. D mag-aaral.
8. D ang sagot ng mga aaral.
➢ Maaaring iba-iba sagot ng mga mag-
7. D Maaaring iba-iba ang ➢
6. D Isaisip:
5. B Balikan:
4. A
3. C mag-aaral. C 5.
2. D ang sagot ng mga E 4.
1. A B 3.
➢ Maaaring iba-iba
D 2.
A 1.
Tayahin: Pagyamanin: Subukin:

City of Good Character


15
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sanggunian

ESP 7 Ikatlong Markahan, Modyul para sa mga Mag-aaral; pahina 1 – 22


Amparo, Ynna nd. “Mga Halimbawa ng Birtud”. Brainly.Ph
https://brainly.ph/question/1070664
Hardy, Peter Thomas Lawrence 2011. “Aristotle’s Virtue Ethics”. Wordpress. Last
modified December 18, 2011.
https://vibrantbliss.wordpress.com/2011/12/18/aristotles-virtue-ethics/
Mintz, Steven 2018. “What are Values?”. Ethics Sage. Last modified August 8, 2018.
https://www.ethicssage.com/2018/08/what-are-
values.html?fbclid=IwAR1Gmo10OGACFlS45Iy-t7-LYMJTDng-
xCfB8U9VMSQuuZg3HstpgCYZZNE
Read & Digest. “A Short Biography of Mother Teresa”.
https://readanddigest.com/who-was-mother-
teresa/#:~:text=Mother%20Teresa%20is%20a%20universal%20name%20in%20
the,that%20she%20could%20see%20in%20other%20people%E2%80%99s%20li
ves.
Snow, Shane 2019. “How to be good: A theory about virtues and values”. LADDERS.
Last modified Septembser 30, 2019.
https://www.theladders.com/career-advice/how-to-be-good-a-theory-about-
virtues-values
The Picket Line nd. “Aristotle on the Intellectual Virtues”.
https://sniggle.net/TPL/index5.php?entry=06Nov09

City of Good Character


16
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Rose Anne J. Sandagon (Guro, Nangka High School)


Mga Tagasuri: Mei P. Opano (Guro, NHS ) Arlene Caingat (Guro, SRNHS)
Olive Eclevia (Guro, BNHS) Catherine C. Marcella (Guro, MSHS)
Leilani N. Villanueva (Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao)

Tagaguhit at Tagalapat: Mary Jane B. Roldan (Guro, Jesus Dela Pena NHS)
Charmilyn P. Galzote (Guro, Parang Elementary School)
Tagapamahala:

Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leilani N. Villanueva
Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: [email protected]

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 8682-2472 / 8682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like