EsP 7-Q4-Module 6

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay Unang


Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may- akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Marilyn B. Baldueza
Editor: Vivien Fajilagutan-Vinluan
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, Ph. D., Josephine Z. Macawile
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors


Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP) Bernard
R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao
7
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 6
Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng
Modyul para sa araling Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at estratehiyang magagamit sa paggabay sa m

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul ukol sa


Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
MELC: Naaayon ang mga ginagawang personal na pahayag ng misyon sa buhay na
may pagsasaalang-alang sa tama.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito ikaw ay inaasahang:

A. Naiisa-isa ang mga katangiang dapat taglayin na may magandang layunin.

B. Nakapaglalahad ng mga tamang pagpapasiya na nakatuon sa tamang direksiyon.

C. Nabibigyang-halaga ang mga nakatutulong sa pagpapaunlad ng ating pagkatao.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pagsubok sa ibaba. Piliin o bilugan
ang letra ng pinakaangkop na sagot sa bawat patlang sa pangungusap.

1. Ang ay bahagi na ng buhay kung saan nagbibigay ito ng tamang


direksyion.
A. gawain C. talino
B. layunin D. ugali
2. Tinatawag itong “significant others” na handang tumulong sa lahat ng oras.
A. isip C. kakampi
B. kabutihan D. kapwa
3. Sa pagtatakda ng tunguhin sa paggawa, ang SMART ay tumutukoy sa
katangiang dapat taglayin ng isang magandang layunin. Ano ang mga katangiang
ito na tinutukoy sa SMART?
A. Smart,Measurable, Alert, Reliable, Time bound
B. Smart, Manageable, Attainable, Relevant, Time bound
C. Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time bound
D. Specific, Manageable, Alert, Reliable, Time bound
4. Sa pagkamit ng mga layunin sa buhay, nangangailangan ito ng matibay na
pag- asa sa mga .
A. gawain C. pagpapahalaga
B. katangian D. pagsubok
5. Nakakatulong sa pagpapaunlad ng ating pagkatao ang may sa kanyang
ginagawa.
A. pagpapahalaga C. pagsubok
B. pagssisika[ D. pagtatangi
BALIK-ARAL
Sa nakaraang modyul ay namulat tayo sa pagkilala sa mga gawaing
napagpasyahan nating gawin. Kasama dito ang paglalaan ng panahon sa pagtukoy
ng mga pinahahalagahan sa buhay at ang pagpapahalaga sa mga taong gagabay at
inspirasyon sa buhay.
Itala sa bawat hakbang na dadaanan mo ang mga makatutulong sa iyo
sa pagtupad ng iyong misyon sa buhay. Maaaring ito ay ang mga taong gumabay at
naging inspirasyon mo, ang mga katangiang mayroon ka o ang mga
pinahahalagahan mo sa buhay.

Gawain:
Panuto: Lagyan ng mga mahahalagang kahulugan ang bawat letra na naaayon sa
nabuong konsepto mula sa paggawa ng personal na pahayag ng misyon sa buhay.

M
I
S
Y
O
N

Tandaan! Mahalaga ang magkaroon ng pansariling pagtataya o personal


assessment sa iyong buhay. Ito ang pagsusuri sa iyong ugali at katangian,
pagtukoy sa iyong mga pinahahalagahan at pagtitipon ng mga impormasyon.

ARALIN

ANG PERSONAL NA PAGPAPAHAYAG NG MISYON SA BUHAY NA ISINAALANG-


ALANG ANG TAMA
Naaalala mo ba ang kwento ni Juan Tamad?

Si Juan Tamad ay isang kilalang karakter


ng pinoy kung saan mayroon siyang mga nais
maabot sa kanyang buhay, ngunit hndi siya
nag-iisip ng paraan upang ito ay kanyang
matupad. Ang lagi niya lamang iniisip ay ang
abutin ang kanyang pangarap na hindi niya
ito pinaghihirapan.

Tulad ng isinalaysay sa isa sa mga kwento ni Juan Tamad,ang paghihintay


na mahulog sa kanyang bibig ang bunga ng isang hinog na bayabas sa halip na
ito'y abutin na lamang ng kamay o kaya nama'y sungkitin ng kahoy upang
mahulog. Kung iuugnay natin ito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay,
halimbawa'y nangangarap tayong umunlad ang ating buhay o makaahon sa
kahirapan ngunit ika’y nakaupo lamang sa loob ng ating mga tahanan. Ano kaya
ang maaaring kahinatnan nito? Hindi ba't wala? Hindi maisasakatuparan ang
iyong mga pangarap kung ika'y maghihintay lamang. Kailangang kumilos at
magsumikap sa buhay. Pag- ibayuhin ang paghahanapbuhay upang makamit ang
mga mithiin. Kapag may gusto sa buhay,kinakailangan gawin ang lahat ng
mabuting paraan upang ito'y maabot.

Ang pagbuo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay ay hindi


nabubuo sa isang buong araw lamang. Hindi ito basta na lamang makikita sa
hangin. Mayroong mga bagay na dapat mong itanong sa iyong sarili para makabuo
ka nito: Ano ang pinahahalagahan ko? Ano ang gusto kong mangyari sa aking
buhay? Ano ba ng layunin ko sa buhay?

Ang Diyos ay hindi nagbibiro ng ito ay maglatag ng pangitan sa iyong


buhay at magbigay ng pangarap na maaari mong tuparin, mga gabay upang
mabuhay at ang iyong katuturan sa mundo. “God does not teach you to swim just to
let you drown”.

Sa paghahangad mong makamit ang iyong mga layunin, nangangailangan


ito ng matibay na pag-asa sa mga pagpapahalaga.

Maraming bagay ang gustong gawin ng tao dahil nakabubuti ito para sa
kanyang sarili at sa iba. Kapag ang isang kilos ay pinag-isipan , mapatutunayan
kung mabuti o masama ang epekto nito sa sarili o maging epekto sa kapwa.

Ang layunin ay bahagi na ng buhay kung saan nagbibigay ito ng tamang


direksiyon, pag-uudyok ng paggawa at paglilinaw sa mga dapat bigyan ng
pagpapahalaga. Sa pagtatakda ng tunguhin sa paggawa, ang SMART ay tumutukoy
sa katangiang dapat taglayin ng isang magandang layunin.
SPECIFIC (Tiyak) ATTAINABLE (Naaabot) TIME BOUND (Nabibigyan
Ng sapat na panahon)

S M A R T
MEASURABLE (Nasusukat) RELEVANT (Angkop)

SPECIFIC o Tiyak. Tiyak ang tunguhin kapag ang tao ay nakasisiguro na ito ang
kanyang nais na mangyari sa kanyang paggawa.
MEASURABLE o Nasusukat. Dapat na pinag-iisipan kung ito ba ay tugma sa
kakayahan ng mga taong gagawa.
ATTAINABLE o Naaabot. Ito ay nangangahulugan lamang na ang tunguhin ay
makatotohanan, maaabot at mapaghamon.
RELEVANT o Angkop. Mahalagang makita ang kaangkupan ng gawain sa pagtugon
sa pangangailangan ng kapwa at timbangin kung ito ay higit na makabubuti.
TIME BOUND o Nasusukat ng Panahon. Kailangan na magtakda ng panahon kung
kalian maisasakatuparan ang tunguhin.

Ang pagpapahayag ng personal na misyon sa buhay ang nagsasaad ng


iyong layunin, isinasaalang-alang nito ang lahat ng iyong pinahahalagahan sa
buhay. Mahalaga ang pagkakaroon ng pagbuo ng personal na misyon sa buhay
bilang ito ang nag-uudyok upang magkaroon ng positibong epekto sa mundo at
makaramdam sa pang-araw-araw na pansariling kasiyahan. THINK BIG. LIVE BIG.

MGA PAGSASANAY

GAWAIN 1
Gaano man kahirap ang tatahakin natin tungo sa mga nais nating
matupad para sa ating sarili, hindi pa rin natin dapat kalimutan na gawin ang
tamang hakbang upang makamit ito.
Panuto: Magbigay ng isa sa iyong mga pangarap sa buhay at ibigay ang mga
hakbang upang makamit ito.

Hakbang upang matugunan


Ang mga pagsubok na kahaharapin.

Mga Kahaharaping Pagsubok


o suliranin.

Ang Pangarap Para sa Sarili.

GAWAIN 2 Hagdan ng mga pamamaraan


Subuking sagutin ang mga katanungang bumuo sa iyong personal na pahayag ng
misyon sa buhay.

Bakit kailangan ko itong gawin?

Ano ang mga dapat kong gawin para


makamit ito?

Ano ang mga kakayahan ko?

Ano ang nais kong makamit sa buhay?

GAWAIN 3

Sa bawat kilos na ating ginagawa, may nakikita tayong pagpapahalaga na


nakakatulong sa pagpapaunlad ng ating pagkatao.

Gawain: Pagsusuri sa larawan


Ano ang layunin niya? At paano makakamit ang mga pangarap na may
pagpupursigi?

Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan. Bigyan ito ng reaksiyon kung paano ang
isang batang mayroong pangarap sa buhay ay kumikilos nang naaayon sa tama at
mabuti.
Tulad ng isang batang nasa larawan, ito ang nagpapakita ng paggawa ng paraan at
pagpaplano ng tama para sa pagtupad ng kanyang layunin bilang isang mag-aaral.

PAGLALAHAT

Panuto: Pag-iisa-isa ng mga katangiang taglay upang maitugma sa mga pangarap o


tunguhin na nais makamit.

My PLANNING PAGE
Ito ang katangian ko…

Ito ang pangarap na tutuparin ko…


PAGPAPAHALAGA

Panuto: Buuin ang pangungusap. Bigyan ng mahalagang tunguhin ang kahulugan


ng iyong personal na pahayag ng misyon sa buhay.

Ang pagbuo ng personal na pahayag ay mahalaga sapagkat

kaya ito ay kinakailangan ng

PANAPOS NA PAGSUSULIT

A. Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba upang mapunan ang mga
kahon sa crossword puzzle.

Pahalang:
3 4
2- ito ay ang paghahanda sa nais
1
mangyari sa hinaharap
5- ito ay mga katangiang dapat
taglayin ng may tunguhin sa buhay
2

5 Pababa:

1- Handang tumulong sa lahat ng oras.

3-Pinakamahalagang handog ng Diyos sa tao.

4- Pinakadakila at Makapangyarihan sa lahat.


B. Panuto: Bumuo ng isang kumpleto at makabuluhang pangungusap
gamit ang mga sagot sa crossword puzzle.

SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
Covey, S. (1989). The 7 Habits of Highly Effective People. New York: Free Press.
Swartz, M. (n.d.). Do You Have a Personal Mission, Vision and Values Statements?.
Retrieved from https://www.monster.ca/career-advice/article/developing-a-
mission-vision-and-value
https://www.andyandrews.com/personal-mission- statement/#:~:text=%E2%80%9CTo
%20encourage%2C%20engage%2C%20and,if%20they%20only%2 0knew%20how.%E2%80%9D
https://thriveworks.com/blog/mission-vision-statements-purpose-motivation-satisfied-
life/#:~:text=A%20personal%20mission%20statement%20simply,satisfied%20in%20your%20everyda
y%20life.
https://www.sagisag.com/article/801/news/Juan-Disiplinado-Breaking-Pinoy-
Juan-Tamad

You might also like