Tekstong Prosidyural
Tekstong Prosidyural
Tekstong Prosidyural
Layunin – Ang nais mong maisagawa pagkatapos ng gawain. Tinutukoy rin nito ang dapat
maging resulta ng susunding prosidyur. Ang layunin ay laging sumasagot sa tanong na
“paano”.
Mga Kagamitan/Sangkap – Dito papasok ang mga kagamitan na dapat gamitin para
maisakatuparan ang gawain. Sa recipe, kailangan mong ilista ang lahat ng sangkap upang
maihanda ng mambabasa ang kanilang ilalahok sa iluluto.
Hakbang (Steps) / Metodo (Method) – Ang serye o pagkakasunod-sunod ng prosidyur.
Konklusiyon/Ebalwasyon – Sa tekstong prosidyural, ang konklusiyon ay nagbibigay ng gabay
sa mga mambabasa kung sa paanong paraan nila maisasakatuparang mabuti ang isang
prosidyur.
Ang Karaniwang Pagkakaayos/Pagkakabuo ng Tekstong Prosidyural
1. Pamagat – ang nagbibigay ng ideya sa mambabasa kung anong bagay ang gagawin o
isasakatuparan.
2. Seksiyon – ang pagkakabuklod ng nilalaman ng prosidyur. Mahalaga ang seksiyon upang
hindi magkaroon ng kalituhan ang mambabasa.
3. Sub-heading – kung mayroon nang seksiyon, dapat ito ay binibigyan din ng pamagat na
magsasabi kung anong parte iyon ng prosidyur.
4. Mga Larawan o Visuals – mahalaga ang larawan sapagkat may mga bagay na mahirap
ipaintindi gamit lamang ang mga salita.
Mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng Tekstong Prosidyural