Ikalawang Pagsusulit 2nd Sem
Ikalawang Pagsusulit 2nd Sem
Ikalawang Pagsusulit 2nd Sem
Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap sa bawat bilang. Piliin ang letra ng tamang sagot isulat ito sa sagutang
papel.
1. Nirerespeto at iginagalang ang anumang mga pribadong impormasyon tungkol sa kaniyang pinag-aralan.
a. Mapamaraan b. Matiyaga c. mabait d. Etikal
2. Hindi kinilala ni G. Maglaya ang isinalin na akda ni G. Lumbera, ano’ng tawag sa kaniyang ginawa?
a. Plagiarism b. layunin c.Metodo d. Gamit
3. Mahalaga rito ang husay sa pagbuo ng mga kasunod at kaugnayan na tanong (follow-up question).
a. Sarbey b. Obserbasyon c. Pakikipanayam d. Sarbey
4. Pagmamasid sa kilos, pag-uugali, at inter-aksyon ng mga kalahok sa isang likas na kapaligiran.
a. Sarbey b. Obserbasyon c. Pakikipanayam d. Sarbey
5. Kadalasang ginagamitan ng estadistikal na pagsusuri.
a. Dokumentasyon b. Pakikipanayam c. Obserbasyon d. Sarbey
6. Bahagi ng isang pananaliksik na kakikitahan ng talaan ng mga aklat, journal, pahayagan, magasin, o website na
pinagsanggunian o pinagkuhaan ng impormasyon.
a. Datos b. Pagpili ng Paksa c. Konseptong Papel d. Talaan ng Sanggunian/Bibliyograpiya
7. Ang mga Gawain sa ibaba ay nakapaloob sa proseso ng pagdidisenyo ng pananaliksik maliban sa isa.
a. Pagtukoy sa populasyon ng pananaliksik o materyales na pagmumulan ng datos
b. Pagkuha ng datos mula sa kalahok ng pananaliksik.
c. Pamimili ng disenyo at pamamaraan ng panananaliksk
d. Pagpaplano ng mga proseso ng pananaliksik
8. Ang pinagsanggunian o pinagkuhaan ng impormasyon ay makikita sa bahaging ito ng pananaliksik gaya ng aklat,
journal, pahayagan magasin o website.
a. Datos b. Pagpili ng Paksa c. Konseptong Papel d. Talaan ng Sanggunian/Bibliyograpiya
9. Sa isinagawang pananaliksik ni Princess, pinili niyang respondent ng pananaliksik ay mula sa baitang 12 ng
pangkat Automotive at pangkat EPAS sa Senior High School in Proressive. Kinabibilangan irto ng 50 mag-aaral 30
lalake at 20 babae na bumubuo sa kabuoang bilang. Saang bahagi ilalagay ni Joana ang ginawa niyang ito.
a. Kaligiran ng Pag-aaral c. Metodolohiya at Pamamaraan
b. Kaugnay ng Literatura d. Paglalahad ng Datos o Interpretasyon
10. Sa ginamit na sanggunian ay hindi nabanggit ang may-akda o anonymous ang nakalagay sa title page. Paano ito
ilalagay sa gagawing bibliyofgrapiya?
a. Ang pangalan ng nagparehistro sa pamagat ng aklat ang isinusulat sa bibliyograpiya.
b. Ang pangalan na lamang ng publikasyon ang isinusulat sa bibliyograpiya.
c. Ang pamagat na lamng ng unang akda na makikita sa nilalaman.
d. Ang pamagat na lamng ng aklat ang isinusulat sa bibliyograpiya taon ng pagkalimbag, lugar na
pinaglimbagan at palimbagan.
11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang wasto?
a. Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na lamang ng publikasyon ang isulat
sa loob ng parenthesis.
b. Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, pangalan at taon ng publikasyon pa rin
ang isulat sa loob ng parenthesis.
c. Kung nabaggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na lamang ng publikasyon ang isulat
sa hulihan ng pahayag.
d. Kung di nabanggit ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na lamang ng publikasyon ang isulat
sa loob ng parenthesis.
12. Dahilan ng pananaliksik o kung ano ang gustong matamo sa isang particular nap ag-aaral.
a. Inaasahang Bunga b. Konseptong papel c. Layunin d. Metodolohiya
13. Isang mainam na lugar na puntahan upang mangalap ng mga datos o impormasyon na nais saliksikin.
a. Elektroniko o Internet c. Sekondarya
b. Primarya d. Silid-aklatan
14. Maituturing na bilang isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng mga impormasyon o datos. Ito ay
bunga ng kombinasyon ng serbisyong postal, telepono, at silid-aklatan.
a. Elektroniko o Internet c. Sekondarya
b. Primarya d. Silid-aklatan
15. Ito ang kard na kailangang tingnan kung ang mananaliksik ay may naiisip na agad na awtor na awtoridad sa
kaniyang paksa.
a. Kard awtor c. Kard paksa
b. Kard Layunin d. Kard Pamagat
16. Ito ay nagsisilbing proposal sa gagawing pananaliksik.
a. Adyenda c. Memorandum
b. Konseptong papel d. Posisyong papel
17. Ito ay isang plano na nagpapakita kung ano at saang direksyon patungo ang paksang nais pag-aralan.
a. Konsepto c. Metodolohiya
b. Layunin d. rationale
18. Alin sa sumusunod na pangungusap tungkol sa konseptong papel ang hindi kabilang?
a. Ito ay nagsisilbing proposal
b. Ito ay gawaing pang-display lamang sa exhibit
c. Ito ay isang plano na nagpapakita kung saan direksyon patungo ang paksa
d. Nagsisilbing gabay o direksyon lalo na sa mga baguhan sa gawaing pananaliksik.
19. Sa anung bahagi ng pananaliksik matutunghayan ang hangarin o tunguhin batay sa paksa.
a. Inaasahang awtput c. Metodolohiya
b. Layunin d. Rationale
20. Ito ang bahaging nagsasaad ng kinalabasan ng pananaliksik o pag-aaral.
a. Inaasahang awtput c. Metodolohiya
b. Layunin d. Rationale
21. Aling bahagi ng pananaliksik ang nagsasaad o dahilan ng pagpili ng paksang tatalakayin?
a. Inaasahang awtput c. Metodolohiya
b. Layunin d. Rationale
22. Aling bahagi ng konseptong papel ang naglalahad ng pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap
ng datos?
a. Inaasahang awtput c. Metodolohiya
b. Layunin d. Rationale
23. Ilang bahagi mayroon ang konseptong papel?
a. 5 b.6 c. 7 d. 8
24. Ito ang bahagi ng konseptong papel na nagpapakita ng tentatibong pamagat.
a. Inaasahang awtput c. Metodolohiya
b. Layunin d. Rationale
25. Sa bahaging ito matatagpuan ang paglalahad ng suliranin.
a. Kabanata I b. Kabanata II c.Kabanata III d. kabanata IV
26. Binibigyang kahulugan ditto ang mga salitang mahahalaga o pili na ginagamit sa pananaliksik.
a. Instrumento b. kahulugan ng katawagan c. rasyunal d. saklaw at limitasyon
27. Nakalatag ditto ang teoryang pagbabatayan ng pag-aaral.
a. Batayang konseptuwal b. disenyo ng pananaliksik c. interpretasyon d. respondent
28. Sa bahaging ito matatagpuan ang interpretasyon ng kinalabasan ng pag-aaral.
a. Kabanata I b. Kabanata II C. Kabanata III d. Kabanata IV
29. Inilalahad ditto ang eksaktong bilang ng mga sumagot sa inihandang kuwestiyonaryo-sarbey.
a. Instrument b. interpretason c. rasyunal d. respondent
30. Nakasaad ditto ang lawak at limitasyon ng pinag-aaralan.
a. Disenyo b. saklaw at limitasyon c. instrument d. tritment ng mga datos
1.d
2. a
3. c
4.c
5. d
6. d
7. b
8. d
9. c
10. d
11.a
12. c
13. d
14. a
15. a
16. b
17. a
18. b
19. b
20. a
21. d
22. c
23. b
24. c
25.a
26.b
27.c
28.d
29.c
30.d