Katwirang Lohikal at Ugnayan NG Mga Idea Sa Pagsulat NG Mga Pananaliksik
Katwirang Lohikal at Ugnayan NG Mga Idea Sa Pagsulat NG Mga Pananaliksik
Katwirang Lohikal at Ugnayan NG Mga Idea Sa Pagsulat NG Mga Pananaliksik
DIONISIA D. QUINTINO
Tagapaglinang
1
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Wangal, La Trinidad, Benguet
Inilathala ng
Sistema ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Hanguan ng Pagkatuto
Rehiyong Administratibo ng Cordillera
2
Aralin 7 & 8: KATUWIRANG LOHIKAL AT UGNAYAN NG MGA
IDEYA SA PAGSULAT NG PANANALIKSIK
Magandang Buhay!
Binabati kita sa pagtatapos mo ng iyong naunang modyul. Dadako ka na sa pinal
na bahagi ng modyul. Ito na ang paglalapat ng iyong natutunan sa mga naunang aralin.
Sa pagkakataong ito,kinakailangan ang higit na pagsisikap at pagtitiyaga upang matuto
nang husto.
Ang unang bahagi ng modyul ay tumatalakay sa mga gabay sa paghahanda ng
pananaliksik. Ito ang maghahanda sa iyo sa gawain.
Determinasyon ang susi sa iyong pagkatuto.
SUBUKIN
A. Basahin ang mga sumusunod na pahayag at piliin ang wastong titik ng sagot.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ginagamit ito upang ipakita ang pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari.
A. pagsusuri C. kronolohikal
B. heyagrapikal D. sanhi at bunga
2. Sa pananaliksik ipinapakita ang kabutihan at kasamaan ng modular na pag –
aaral.
A. pagsusuri C. sanhi at bunga
B. kronolohikal D. komparatibo
3. Ipinapakita kung paano at bakit nangyari ang isang bagay.
A. Sanhi at Bunga C. pagsusuri
B. Pagsusuri D. Pagsusuri
4. Ang lahat ay tungkulin ng dokumentasyon maliban sa isa.Alin sa mga pahayag
ang hindi kabilang?
A. Ito ay nagsisilbing katibayan ng impormasyong nakalap.
B. Ito ay nagsisilbing kredibilidad sa mga datos o impormasyon
C. Ito ay nagpapakita ng sanggunian upang maiwasan ang plahiyo.
D. Ito ay magpapakitang magaling ang mananaliksik sa pagsulat.
5. Alin sa mga pahayag o pangungusap ang tamang dokumentasyon?
A. Ayon kay Manuel (Agosto 1,2019) ang mga mahilig magbasa ng
pahayagan ay ang mga nagkakaedad ng 50 pataas.
B. Ayon kay Manuel (2019) ang mga mahilig magbasa ng pahayagan ay
ang mga nagkakaedad ng 50 pataas.
C. Ayon kay (Manuel) 2019 ang mga mahilig magbasa ng pahayagan ay
ang mga nagkakaedad ng 50 pataas.
D. Ayon kina Manuel (2019) ang mga mahilig magbasa ng pahayagan ay
ang mga nagkakaedad ng 50 pataas.
3
6. ______ pananaliksik na ginawa ni Del Pilar maraming hindi nakagagawa ng
gawaing pampaaralan dahil sa cellphone.Ano ang angkop na kataga na
gagamitin o isusulat sa patlang?
A. Batay kay C. Batay sa
B. Ayon sa D. Hinggil sa
7 – 9. Tukuyin ang tamang pagdodokumento.
7. A. Ang pag – unlad ng teknolohiya ay nakatutulong sa pag – angat ng buhay ng
nakararami. (Miguel,2018)
B. Ang pag – unlad ng teknolohiya ay nakatutulong sap ag – angat ng buhay ng
nakararami (Miguel, 2018).
C.Ang pag –unlad ng teknolohiya ay nakatutulong sap ag – angat ng buhay ng
nakararami (2018, Miguel).
D. Ang pag – angat ng teknolohiya ay nakatutulong sa pag – angat ng buhay ng
nakararami.2018, Miguel.
8. A. Batay sa pag- aaral na ginawa ni Ferdinand & Jose ang mga kabataan ay
madaling matukso dulot ng pagiging mapusok.
B.Batay sa pag – aaral na ginawa nina Ferdinand at Jose ang mga kabataan
ay madaling matukso dulot ng pagiging mapusok.
C. Batay sa pag – aaral na ginawa ni (Ferdinand at Jose) ang mga kabataan ay
madaling matukso dulot ng pagiging mapusok.
D. Batay sa pag – aaral na ginawa ni Ferdinand, Jose ang mga kabataan ay
madaling matukso dulot ng pagiging mapusok.
1. A. Iminumungkahi nina Juan, Thomas at Mario (2015) sa kanilang pananaliksik
na maging mapanuri ang mga kabataan sila sa kanilang binabasa.
B. Iminumungkahi (2015) nina Juan, Thomas & Mario sa kanilang pananaliksik
na maging mapanuri ang mga kabataan sila sa kanilang binabasa.
C. Iminumungkahi nina Juan, et al. (2015) sa kanilang pananaliksik na maging
mapanuri ang mga kabataan sila sa kanilang binabasa.
D. Iminumungkahi nina Juan & Thomas et al. (2015) sa kanilang pananaliksik na
maging mapanuri ang mga kabataan sila sa kanilang binabasa.
10. Kapag nabanggit ang grupo o insitusyon ang dapat nasa loob ng panaklong ay
ang _______.
A. Pangalan ng samahan C. Taon ng pananaliksik
B. Petsa ng pagtatag ng samahan D. Signal na Katag
Kumusta! Nasagutan mo ba nang tama ang mga tanong? Huwag kang mag – alala
kung hindi mo nasagutan nang tama natitiyak kong malalaman mo rin ang tamang
sagot sa iyong pagpapatuloy sa pagsusuri sa modyul.
4
BALIKAN
Bago mo ipagpatuloy ang iyong pagsusuri sa modyul, balikan natin ang iyong
natutunan sa naunang modyul. Natatandaan mo pa ba ang pinagkukunan ng mga
datos sa pananaliksik?
Balikan natin ang nakaraang aralin. Punuan ang talahanayan sa ibaba batay sa
hinihingi nito.Gamitin ang iyong sagutang papel.
Paksa Hanguang Hanguang Paraan ng
Primarya Sekondarya Pangangalap
1. Hindi pag – aaral
sa modyul
2. Sanhi ng hindi
pagpapatuloy ng
pag -aaral
3. Epekto ng Online
Game sa mag -
aaral
4. Impluwensiya ng
Korean Drama sa
Kabataan
5. COVID 19
TULKASIN
Magbigay ng mga bagong salitang mabubuo mula sa salitang DOKUMENTASYON isulat
ang mabubuong salita sa iyong sagutang papel.
________________________
__________________________
5
SURIIN
ARALIN 7 - PAGSASAAYOS NG DOKUMENTASYON
Sa pangkalahatang terminolohiya, ang dokumentasyon ay pangangalap at
pagsasaayos ng mga materyal tulad ng mga teksto, bidyu, aklat, magasin at iba pang
ginamit sa isang akademikong sulatin (Bernardino, et al., 2016).
Ayon sa AMA Online Education (2020), mahalaga ang pagsasagawa ng
dokumentasyon at may ilan itong tungkuling ginagampanan sa isang pananaliksik:
• Ito ay nagbibigay ng kredibilidad sa mga datos o impormasyon na nakalap ng
mananaliksik;
• Ito ang nagbibigay ng kapani-paniwalang impresyon sa isang pananaliksik lalo
kung binabanggit dito ang mga awtor na pinaghanguan ng mga datos.
• Ito ay ang nagsisilbing ebidensya o patunay na balido ang mga nailatag na
impormasyon sa isang pananaliksik
• Nakatutulong ang dokumentasyon upang makita ang partikular na sanggunian
upang maiwan ang plagiarism o plahiyo.
In-text Citation
Ang in-text na dokumentasyon ay makikita sa loob ng pagtalakay ng
pananaliksik. Sa pagkakataong gumamit ang mananaliksik ng ideyang hinango sa iba,
kailangang malaman ng mga mambabasa kung saan nagsimula ang ideyang hiniram
at saan nagtapos. Samakatuwid, kailangang ipakilala ng mananaliksik ang
pinaghanguan ng datos sa pamamagitan ng pagbibigay ng apelyido at taon ng
pagkalimbag ng aklat na pinaghanguan sa dalawang pamamaraan, ang parentikal na
pamamaraan at ang paggamit ng kataga bilang signal (Bernales, et al., 2012).
Uri ng In-text na Dokumentasyon sa paraang APA
1. Signal na kataga. Ginagamitan ito ng mga signal tulad ng Ayon kay/kina/sa, Batay
kay/kina/sa, Binigyang diin ni/nina/sa at iba pa. Ang signal na kataga ay nasa unahan
ng ideya makikita at tanging ang taon ng pagkakalimbag ang nakapaloob sa
panaklong. Kung dalawa ang awtor, dapat gamitin ang at at hindi ampersand (&) bilang
panghiwalay sa dalawang awtor. Madalas na gamitin ito maliban na lamang sa mga
hanguang walang mga awtor.
Halimbawa:
Binigyang diin ni Santos (2008) na ang wika ay isang behikulo upang
magkaunawaan ang…
2. Talang Parentetikal - Ang talang parentetikal ay sa katapusan ng ideya makikita at
parehong nakapaloob sa panaklong ang apelyido ng awtor at ang taon ng
pagkaalimbag ng aklat. Kung dalawa ang awtor, gamitin ang ampersand (&) bilang
panghiwalay sa dalawang awtor. Maaaring gamitin ang talang parentetikal sa iba’t
ibang hanguan subalit tanging sa parentetikal na pamamaraan lamang pwedeng
maitala ang mga hanguang walang awtor, gaya ng website o aklat na walang awtor.
6
Halimbawa:
Ang wika ay isang pangunahing behikulo upang magkaunawaan ang… (Santos,
2008).
Maraming pamamaraan ang in-text na dokumentsayon, at ilan dito ay
nakadepende sa uri ng hanguan ng ideya. May mga pangkalahatang pormat sa
pagtatala ng in-text tulad ng mga sumusunod:
A. Isang awtor
Ayon kay Halliday (1973), may gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito
sa mga tao upang maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin.
May gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito sa mga tao upang maisagawa
ang mga bagay na gusto niyang gawin (Halliday, 1973).
B. Dalawang awtor
Batay sa pag-aaral na ginawa nina Carpenter at Readman (2006), ang pisikal
na kapansanan tulad ng kapansanan sa mga paa, pagkabulag, pagkapipi at iba pa y
isang malaking hadlang sa mga aktibidades sa pang-araw-araw na pamumuhay ng
mga ito.
Ang pisikal na kapansanan tulad ng kapansanan sa mga paa, pagkabulag,
pagkapipi at iba pa y isang malaking hadlang sa mga aktibidades sa pang-arawaraw
na pamumuhay ng mga ito (Carpenter & Readman, 2006).
C. Tatlo hanggang limang awtor
Sa pananaliksik nina Oller, et al. (2007) ay nagmungkahi na ang mga bilinguwal
na mga mag-aaral ay maaaring magkaroon ng maliit na leksyon sa bokabularyo
kumpara sa mga hindi bilingguwal na siyang dapat mas pagtutuunan sa pagtuturo ng
bokabularyo.
Iminumungkahi na ang mga bilinguwal na mga mag-aaral ay maaaring
magkaroon ng maliit na leksyon sa bokabularyo kumpara sa mga hindi bilingguwal na
siyang dapat mas pagtutuunan sa pagtuturo ng bokabularyo (Oller, et al., 2007).
D. Grupo o Institusyon
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (2009), ang muling pagrebisa ng
Ortograpiya ay ibinunsod ng di-ganap na pagtupad sa Kautusang Pangkagawaran ng
1987.
Ang muling pagrebisa ng Ortograpiya ay ibinunsod ng di-ganap na pagtupad sa
Kautusang Pangkagawaran ng 1987 (Komisyon sa Wikang Filipino, 2009).
E. Walang awtor
Sa pangkalahatan, sa bawat stick ng sigarilyo na nauubos ng mga naninigarilyo
ay labindalawang minuto ang nababawas sa buhay ng mga ito (A Fistful of Risks,
1996, pp. 82).
7
F. Di-direktang hanguan
Binigyang diin ni Gleason (1995, sa Bernales, 2009) na ang wika ay isang
masistemang balangkas na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng
mga taong nasa iisang komunidad.
Ang wika ay isang masistemang balangkas na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong nasa iisang komunidad (Gleason, 1995, sa
Bernales, 2009).
G. Website na walang awtor o hanguang elektroniko
Ang AIDS ay isang seryosong karamdaman at isang nakamamatay na sakit. Sa
mahigit na 20 taon na nakalipas, ang mga manggagamot sa Estados Unidos ang
unang nakakilala ng naturang sakit at kinakitaan ng unang kaso lalo na sa San
Francisco. Sa kasalukuyan, mayroong naitala na 42 milyong kaso ng sakit na HIV
AIDS sa buong mundo at mahigit na tatlong milyon ang namamatay sa ganitong sakit
sa bawat taon (http://www.kidshealth.org).
GAWAIN 1
Basahin ang mga sumusunod na pahayag at ibigay ang hinihinging tamang sagot.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
____________ 1. Makikita ito sa loob ng pagtalakay ng pananaliksik.
____________ 2. Ito ay makikita sa unahan ng impormasyon.
____________ 3. Ito ay in-text na dokumentasyon na ginagamitan ng ampersand (&).
____________ 4. Ito ay makikita sa hulihan ng impormasyon.
____________ 5. Ito ay in-text na dokumentasyon na hindi ginagamitan ng ampersand
(&).
____________ 6. Ito ay nilalagay pagkatapos ng apelyido ng awtor.
____________ 7. Ito ang tanging paraan na pwedeng itala ang hanguan na walang
awtor.
____________ 8. Ano ang isusulat kung mahigit sa dalawa ang awtor?
____________ 9. Ito ay pangangalap at pagsasaayos ng mga materyal.
____________10. Ito ay nagbibigay ng kredibilidad sa mga datos o impormasyon na
nakalap.
8
ARALIN 8 - PAGBUO MAIKLING PANANALIKSIK
Sadyang napakahalaga sa isang sulating pananaliksik ang nilalaman o ang
ideyang pinaabot niyon sa mambabasa. Ngunit kasinghalaga niyon ang matuto at
masanay ang mananaliksik sa wasto at mabisang presentasyon nito - ang wastong
pormat, margin, indensiyon, at iba pa. Bahagi ito ng disiplina ng isang mananaliksik.
Sinasalamin kasi nito ang kanyang kultura sa pananaliksik at sinop sa paggawa.
Isa sa pinakamainam na gagawin sa pagsulat ng teksto ay ang pagpuna sa
kakulangan at kahinaan ng isinulat. Sa bahaging ito nagaganap ang pag-eedit at
pagrerebisa ng draft o burador batay sa wastong gramatika, bokabularyo at
pagkakasunod- sunod ng mga ideya o lohika (Bernales, et al., 2009). Maaaring ang
pagbabago sa isinulat ay ang nilalaman o istruktura ng papel (Magracia, et al., 2008).
Paraan upang madaling mabago, mapaunlad ang papel pananaliksik
▪ Ang tuntunin sa gramatika sa paggamit ng malaking titik ay kailangang istriktong
masunod sa pagsulat ng pamanahong papel tulad ng sa simula ng mga pangungusap,
pangngalang pantangi, mga dinaglat na titulo, mga titulong pantawag tulad Mang, Aling,
Padre at iba pa. Ang tanging ekspresyon sa mga tuntuning ito ay pamagat bilang at
pamagat ng bawat kabanata sa katawan ng pamanahong-papel na isinusulat ng buo sa
malalaking titik (all caps)
▪ Basahing mabuti ang papel pananaliksik.
▪ Mainam na iprint ang papel upang mas maging madali ang pag-edit ng papel
pananaliksik
▪ Tingnan din ang bahaging layout ukol sa ayos ng pahina, laki ng font na gagamitin,
spacing, ilustrasyon kung mayroon at iba pa.
Organisasyon ng Papel
Matapos mong isaayos at suriin ang mga nakalap mong tala, ang susunod mo
namang gagawin ay kung paano mo i-o-organisa ang mga kaisipang ito upang
maisulong mo ang tesis ng iyong sulating pananaliksik sa pag-oorganisa ng papel,
isinasaalang-alang ang tesis at ang mga datos o impormasyong nasuri.
Mahalaga ang organisayon ng papel sa pagsulat ng pananaliksik sapagkat ito
ang susi upang madaling maunawaan ang iyong papel, kaya nararapat lamang na
humanap ng paraan upang mahusay na mapag –ugnay - ugnay ang mga talang nakalap.
Maaari mong gamitin ang alinman sa sumusunod na mga prinsipyo sa pag-oorganisa
ng papel:
▪ Kronolohikal– Ginagamit ang prinsipyong ito kung ang datos o impormasyon ay ayon
sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Kung ang iyong paksa ay naglalahad ng
proseso o pangyayari o maging kasaysayan
Halimbawa: Ang political dynasty sa Pilipinas Ang ebolusyon ng telepono
9
▪ Heyograpikal o batay sa espasyo–Ginagamit ito kung ipakikita at ipaliliwanag ang
lokasyon, lugar, o iba pang paggamit ng espasyo
Halimbawa: Ang mga Internet café sa paligid ng mga paaralan at Pamantasan
Ang sistema ng edukasyon sa kabihasnan
▪ Komparatibo – Ginagamit kapag nais ipaliwanag o ipakita ang pagkakatulad at/o ang
pagkakaiba ng dalawang bagay, tao, prinsipyo o kaisipan.
Halimbawa: Ang paggamit ng e-book at ng tradisyonal na aklat Ang mano-
manong pagbilang ng boto at PCOS machine .
▪ Sanhi/Bunga - Ginagamit kung nais bigyang-diin ang sanhi at bunga ng isang
paksang sinisiyasat.
Halimbawa: Ang kahihinatnan ng mga mag-aaral na nalululong sa Computer
Games Ang dahilan ng maagang pag-aasawa.
▪ Pagsusuri – Ang prinsipyong ito ay ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-
himay ng isang buong kaisipan.
Halimbawa: Ang katotohanan sa likod ng modus na “tanim/laglag – bala”
Ang mga nabanggit ay isa ilan lamang sa mga prinsipyong ginagamit sa organisasyon
ng papel. Maaaring gumamit ng higit sa isang prinsipyo upang mapayaman at
mapaunlad ang iyong papel.
GAWAIN 2:
Piliin ang tamang pagkakasulat ng dokumentasyon. Titik lamang ang isulat sa
sagutang papel.
1. a. Ang parentikal na pamamaraan at ang paggamit ng kataga bilang signal
(Bernales, et al., 2012).
b. Ang parentikal na pamamaraan at ang paggamit ng kataga bilang signal
(Bernales, et al., (2012).
2. a. Ayon kay (Klazema, 2020), Ang pamanahong-papel na nasa kwantiteytib na
pananaliksik ay isang emperikal.
b. Ayon kay Klazema (2020), Ang pamanahong-papel na nasa kwantiteytib na
pananaliksik ay isang emperikal.
3. a. Ayon sa (CHED, 2020), wala munang tatanggapin na iskolar sa taong-aralan na
ito.
b. Ayon sa CHED (2020), wala munang tatanggapin na iskolar sa taongaralan na
ito.
10
4. a. Ang paggamit ng ideya at/o salita na hindi nagbibigay ng karampatang pagkilala
ay isang seryosong krimen na tinatawag na plagyarismo (Phurr at Busemi, 2005).
b. Ang paggamit ng ideya at/o salita na hindi nagbibigay ng karampatang pagkilala
ay isang seryosong krimen na tinatawag na plagyarismo (Phurr & Busemi, 2005).
5. a. Walang rehiyonal na mga patimpalak Deped, 2020.
b. Walang rehiyonal na mga patimpalak (Deped, 2020).
6. a. Huwag magnakaw ng mga salita; sipiin ang mga ito at bigyan ng karampatang
pagkilala (Atienza, et al., 1996, sa Bernales et al., 2008).
b. Ayon kina Atienza et al. (1996) sa Bernales et al., (2008) huwag magnakaw ng
mga salita; sipiin ang mga ito at bigyan ng karampatang pagkilala
7. a. Ayon kina Bernales, et al. (2000), ang sumusumod ay mga katangian ng isang
mabuting mananaliksik: masipag, matiyaga, maingat, sistematiko at kritikal/mapanuri.
b. Ayon kina, ang sumusumod ay mga katangian ng isang mabuting mananaliksik:
masipag, matiyaga, maingat, sistematiko at kritikal/mapanuri Bernales, et al. (2000).
8. a. Ang pananaliksik ayon kay O’Hare at Funk (2000) ay isang pangangalap ng
impormasyon galling sa iba’t ibang hanguan sa pamamaraang impormatibo obhetibo.
b. Ang pananaliksik ay isang pangangalap ng impormasyon galling sa iba’t ibang
hanguan sa pamamaraang impormatibo obhetibo (O’Hare at Funk, 2000).
PAGYAMANIN
I. Sipiin ang mga sumusunod na pangungusap at lagyan ang bawat isa ng
wastong dokumentasyon. Gamitin ang dalawang uri ng in-text na
dokumentasyon sa paraang APA. Dawalang (2) puntos bawat bilang. Isulat sa
sagutang papel ang sagot.
1. Gabay sa Ortograpiyang Filipino, 2007
Ang Batas Komonwelt Blg. 579 na pinagtibay ng Kongreso ay nagpapahayag na ang
Wikang Pambansang Pilipino ay isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas.
_____________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Mula sa Komisyon sa Pagsulat sa Pilipinas, 2003
Ang suporta ng gobyerno at pribadong sektor sa komisyon ay napakalaking tulong lalo
na sa larangan ng pagsulat.
_____________________________________________________________
___________________________________________________________________
11
3. Mula kay Cooney, 2008
Sa kabila ng kahinaan ng tula, mababanaag pa rin ang kalakasan ng proyekto sa mga
huling bahagi ng suri. Dito natanto na maaari pa lang makaapekto ang isang
reyalisasyon sa isang kritik na isinagawa sa mga buhay ng mga mambabasa nito.
________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4. Mula sa akdang Webster’s New Biblical Dictionary, 1998
Inilarawan si William James bilang “American psychologist and philosopher”. Ang
paglalarawang ito ay napakalaking tulong upang tuluyang umangat ang karera niy.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
5. Mula sa website ng Social Security Administration ng Gobyerno, 2010
“Kapag nahuli na umaabuso sa katungkulan ang isa ng empleyado ay papatawan siya
nang nauukol na kaparusahan upang di pamarisan ng iba.”
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
6. Sinabi ng McCullough sa Truman’s Campaign, 2009
“No President in history had ever gone so far in quest of support from the people, or
with less cause for the effort, to judge by informed opinion.”
_________________________________________________________________
___________________________________________________________________
7. Mula sa akda nina Cassambre at Alcantara, 200 sa Santos, 2006
Walang makabuluhang kaibahan ang pag-unawa ng mga nakinig ng mensahe sa
wikang Filipino at sa mga nakinig ng mensahe sa Ingles.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
8. Mula sa akdang Kapag Pumula ang Tubig, 2001
Nagaganap ang red tide kapag biglaan at mabilisan ang pagdami o pagkapal ng bilang
ng pagkaliliit na mga dinoflagellate.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
12
9. Mula sa akda nina Bernales, Gabuya, Gonzales, Ledesma at Tuazon, 2001
May boom ngayon sa real estate bunga ng pagdami ng nag-i-invest dito.
_______________________________________________________________
________________________________________________________________
10. Mula sa akda nina Atienza, et al., 1996, sa Bernales, et al., 2010
Ang hindi pagkilala sa pinagmulan ng mga hiram na salita/ideya ay isang uri ng
pagnanakaw ng intelektuwal na pag-aari ng iba sa larangan ng pananaliksik,
pamamahayag at literatura na tinatawag na plagyarismo.
_________________________________________________________________
___________________________________________________________________
ISAISIP
Halos lahat ng bagay ay dumadaan sa pagpaplano.Malaki ang
naitutulong ng pagpaplano sa ating lahat. Sa aspekto ng pananaliksik,
napakahalaga ng pagpaplano upang mapagtutuunan natin nang pansin
ang bawat bahagi na kailangang buoin.
13
ISAGAWA
Ayusin ang mga sumusunod na talata upang makabuo ng isang konseptong papel ayon
sa tamang pagkasunod-sunod. Isulat ang sagot sa inyong sagutang kwaderno.
Nais ng papel na ito na malaman ng mga mag-aaral kung ano ang kursong
makatutulong sa kanila sa pagpili ng tamang paaralang akreditado.
Ikalawang Talata
14
Ikatlong Talata
Ikaapat na Talata
TAYAHIN
A. Basahin ang mga sumusunod na pahayag at piliin ang wastong titik ng sagot.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ginagamit ito upang ipakita ang pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari.
A. pagsusuri C. kronolohikal
B. heyagrapikal D. sanhi at bunga
2. Sa pananaliksik ipinapakita ang kabutihan at kasamaan ng modular na pag –
aaral.
A. pagsusuri C. sanhi at bunga
B.kronolohikal D. komparatibo
3. Ipinapakita kung paano at bakit nangyari ang isang bagay.
A. Sanhi at Bunga C. pagsusuri
B.Pagsusuri D. Pagsusuri
4. Ang lahat ay tungkulin ng dokumentasyon maliban sa isa.Alin sa mga pahayag
ang hindi kabilang?
A. Ito ay nagsisilbing katibayan ng impormasyong nakalap.
B. Ito ay nagsisilbing kredibilidad sa mga datos o impormasyon
C. Ito ay nagpapakita ng sanggunian upang maiwasan ang plahiyo.
D. Ito ay magpapakitang magaling ang mananaliksik sa pagsulat.
5. Alin sa mga pahayag o pangungusap ang tamang dokumentasyon?
A. Ayon kay Manuel (Agosto 1,2019) ang mga mahilig magbasa ng
pahayagan ay ang mga nagkakaedad ng 50 pataas.
B. Ayon kay Manuel (2019) ang mga mahilig magbasa ng pahayagan
ay ang mga nagkakaedad ng 50 pataas.
C. Ayon kay (Manuel) 2019 ang mga mahilig magbasa ng pahayagan
ay ang mga nagkakaedad ng 50 pataas.
D. Ayon kina Manuel (2019) ang mga mahilig magbasa ng pahayagan
ay ang mga nagkakaedad ng 50 pataas.
6. ______ pananaliksik na ginawa ni Del Pilar maraming hindi nakagagawa ng
gawaing pampaaralan dahil sa cellphone.Ano ang angkop na kataga na
gagamitin o isusulat sa patlang?
A. Batay kay C. Batay sa
B. Ayon sa D. Hinggil sa
15
7 – 9. Tukuyin ang tamang pagdodokumento.
7. A. Ang pag – unlad ng teknolohiya ay nakatutulong sa pag – angat ng buhay ng
nakararami. (Miguel,2018)
B. Ang pag – unlad ng teknolohiya ay nakatutulong sa pag – angat ng buhay ng
nakararami (Miguel, 2018).
C.Ang pag –unlad ng teknolohiya ay nakatutulong sa pag – angat ng buhay ng
nakararami (2018, Miguel).
D. Ang pag – angat ng teknolohiya ay nakatutulong sa pag – angat ng buhay ng
nakararami.2018, Miguel.
8. A. Batay sa pag- aaral na ginawa ni Ferdinand & Jose ang mga kabataan ay
madaling matukso dulot ng pagiging mapusok.
B.Batay sa pag – aaral na ginawa nina Ferdinand at Jose ang mga kabataan
ay madaling matukso dulot ng pagiging mapusok.
C. Batay sa pag – aaral na ginawa ni (Ferdinand at Jose) ang mga kabataan ay
madaling matukso dulot ng pagiging mapusok.
D. Batay sa pag – aaral na ginawa ni Ferdinand, Jose ang mga kabataan ay
madaling matukso dulot ng pagiging mapusok.
2. A. Iminumungkahi nina Juan, Thomas at Mario (2015) sa kanilang pananaliksik
na maging mapanuri ang mga kabataan sila sa kanilang binabasa.
B. Iminumungkahi (2015) nina Juan, Thomas & Mario sa kanilang pananaliksik
na maging mapanuri ang mga kabataan sila sa kanilang binabasa.
C. Iminumungkahi nina Juan, et al. (2015) sa kanilang pananaliksik na maging
mapanuri ang mga kabataan sila sa kanilang binabasa.
D. Iminumungkahi nina Juan & Thomas et al. (2015) sa kanilang pananaliksik
na maging mapanuri ang mga kabataan sila sa kanilang binabasa.
10. Kapag nabanggit ang grupo o insitusyon ang dapat nasa loob ng panaklong ay
ang _______.
A. Pangalan ng samahan C. Taon ng pananaliksik
B. Petsa ng pagtatag ng samahan D. Signal na Katag
KARAGDAGANG GAWAIN
16
SUSI NG PAGWAWASTO
Gawain 1: Panimula at Pangwakas na Pagtataya:
1. Dokumentasyon 1.C
2. Signal na kataga 2.D
3. Talang parentitikal 3.A
4. Talang parentitikal 4.D.
5. Signal na kataga 5.B
6. Taon 6.B
7. Talang parentitikal 7.B
8. et al. 8.B
9. Dokumentasyon 9.C
10. .dokumentasyon 10.C
Gawain 2:
1.a 5. b
2. b 6. a
3. b 7. a
4.b 8. a
Isagawa:
Unang Talata:
Maraming mga paaralan ang mga nagsusulputan sa panahong ito. Nag-aalok ng mga kursong in-
demand. Ang mga paaralan ay magaganda at may pasilidad na makabago. Bukod pa rito, sila’y
nangangakong magiging sulit ang ibinabayad ng mga mag-aaral. Subalit marami rin sa kanila ang di
akreditado ng Commission on Higher Education (CHED). Ano nga ba ang proseso nito? Mahalaga bang
maging akreditado ang isang kurso upang masabing mataas ang kalidad nito?
Ikalawang Talata:
Nais ng papel na ito na malaman ng mga mag-aaral kung ano ang kursong makatutulong sa kanila
sa pagpili ng tamang paaralang akreditado.
Ikatlong Talata:
Ikaapat na Talata:
17
TALASANGGUNIAN
A. AKLAT
Altes, J. A.et al. Kognitibong Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo sa
Akademikong Pananaliksik. Davao City: Blue Patriarch Publishing House, 2015
Bandril, L. T. et al Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Quezon City: Vibal Group, 2016
B. WEBSITE
https://modules.arvicbabol.com/files/FILI112/Lesson%2020%20Pagsulat%20ng%20Do
kumentasyon Pagsulat%20ng%20Pananaliksik%20(IMRD).pdf
https://modules.arvicbabol.com/files/FILI112/Lesson%2021%20Pagsulat%20ng%20Pin
al%20na%20 Draft
18
Para sa mga katanungan, puna o fidbak, sumulat o tumawag:
19