Pagbasa at Pagsusuri11 - Q1 - MODYUL6

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t-Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan – Modyul 6
Pangangalap ng Datos

Pag-aari ng Pamahalaa
HINDI IPINAGBIB
Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Pangangalap ng Datos
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Kris Hofileña Herrera
Editor: Pilita A. Villanueva
Tagasuri: Elma H. Ilagan
Helen G. Magnaye
Tagaguhit: Agnes Manaig
Tagalapat: Reden M. Cruzado
Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral
Job S. Zape Jr.
Eugenio S. Adrao
Elaine T. Balaogan
Fe M. Ong-ongowan
Lourdes T. Bermudez
Bernadette T. Luna
Violeta L. Francisco
Marissa O. Aguirre
Ednel A. Almoradie

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region IV-A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro


Cainta, Rizal 1800
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: [email protected]
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Pangangalap ng Datos

3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Grado 11 Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa


Pananaliksik ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Pangangalap ng Datos.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka at
matulungang makamit ng mag-aaral mo ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto tungo sa


Pananaliksik -Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Pangangalap ng Datos!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

5
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

6
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

7
Bilang isang manlalakbay, ikaw ay may mga pagdaraanang pagsubok na huhubog
sa iyong kakayahan upang iyong matamo ang sumusunod na kasanayan
pagkatapos ng aralin.

Kasanayang Pampagkatuto: Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad


ang sariling tekstong isinulat.

F11 EP IIId-36

Layunin:
A. Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng pangangalap ng datos;
B. Nasusuri ang iba’t-ibang paraan ng panangalap ng datos;
C. Naiisa-isa ang pinaghanguan ng datos at;
D. Nakakukuha ng angkop na datos para sa pagsulat.

8
Subukin

Basahin at unawain ang sumusunod. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
iyong malinis na sagutang papel.

1. Ito ay uri ng datos na tuwiran o di tuwiran na nagmula sa isipan ng isang


indibidwal.
A. panayam B. paper trail C. people trail D. sarbey

2. Ito ay isang panayam kung saan malaya ang estilo ng pagtatanong nang
walang kopya o listahan nang mga itatanong.
A. binalangkas B. di binalangkas C. di-malaya D. malaya

3. Ito ay katanungang nabuo habang isinasagawa ang panayam at higit na


mahalaga kaysa sa nakahandang katanungan.
A. follow-up B.observation C. open-ended D. stuructured

4. Tumutukoy sa impormasyong nakukuha mula sa digital storage, media at


mobile platforms.
A. e-trail B.paper trail
C.people trail D.text-trail

5. Ito ay isang uri ng pagtatanong na maaaring sagutin ng oo at hindi o isang


ispesipikong sagot.
A. follow-up B.open-ended
C.structured D.unstructured

6. Pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik, narito ang sustansiya, diwa at


nilalaman ng buong saliksik.

A. datos B. interbyu C.sanggunian D. sarbey

9
7. Ang nag-iinterbyu ay nagtatanong ng walang labis at walang kulang ayon sa
pagkakasunod-sunod nito sa kanyang listahan.
A. di-tuwiran B. tuwiran C.structured D. unstructured

8. Ito ang tawag kung ang impormasyon ay nakuha mula sa mga opisyal na
dokumentong pampubliko man o pampribado.
A. e-trail B. paper trail C. people trail D.text trail

9. Ito ay inilalagay sa baba ng teksto sa pahinang kinasusulatan ng lagom o


sipi.
A. awtor B. bibliograpi C. paksa D. talaan ng nilalaman

10.Ang mga sumusunod ay makikita sa sanggunian maliban sa?


A. larawan ng may-akda
B. pamagat ng aklat
C.pangalan ng may-akda
D.taon ng paglathala

11.Ito ay isa sa kinakailangan sa pananaliksik sa aklatan.


A. kard ng awtor B.kard katalog
C.kard ng paksa D.kard ng pamagat

12.Ano ang kagamitang kailangang ihanda ng tagapanayam?


A. cellphone B.papel at ballpen
C.recorder D.lahat ng nabanggit

13.Ito ang pinakamadaling paraan ng pagkalap ng datos.

A.pag-iinterbyu B.pagsasarbey C. pagtatanong D. pananaliksik

14.Ito ay pakikipanayam sa sikat na tao na may malaking karanasan tungkol


sa paksa ng iyong pananaliksik.

A. feature interview B.non-feature interview


C.formal interview D.structured interview

10
15.Ang mga nabanggit sa ibaba ay mga dapat isaalang-alang sa araw ng
panayam maliban sa;

A. ipakilala ang sarili nang may paggalang


B. ihanda na ang mga katanungan sa papel
C.magtakda lamang ng oras ng panayam
D.hayaang maunang dumating ang kakapanayamin

Aralin Pangangalap ng Datos

11
4
Sa iyong nakaraang aralin ay natutuhan mo ang angkop na gamit ng mga cohesive
devices sa pagbuo ng pahayag. Ngayon ay inaanyayahan kitang sagutin ang
maikling pagsasanay upang matukoy natin ang iyong naging kasanayan sa
nakaraang aralin.

Balikan

Piliin ang ginamit na cohesive device sa bawat pangungusap. Isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Nasa bagong milenyo na tayo, kasabay nito ay ang mabilis na pagbabago


sa larangan ng paggawa ng pelikula.

A. bagong milenyo B. kasabay nito

C.mabilis D.sa larangan

2. Hindi nag-shooting ang mga artista, bagkus dumalo sila sa isang rally.

A. artista B. bagkus

C.nag-shooting D. rally

3. Bilang kongklusyon, marapat na tangkilikin ang pelikulang Pilipino.


A. bilang kongklusyon B. pelikula
C. Pilipino D. tangkilikin

12
4. Mahusay na manonood ang mga Pilipino, patunay nito mahusay rin ang
pagkikritiko nila.

A. mahusay B. manonood C. pagkikritiko D. patunay nito

5. Marahil, higit na uunlad ang pelikulang Pilipino kung maisasabatas ang


karapatan ng mga nasa industriyang ito.

A. karapatan B. maisabatas C. marahil D. uunlad

Tuklasin

Basahin ang bahagi ng panayam sa ibaba:

(Bahagi ng isang panayam)

Si Thea ay nakatakdang magsagawa ng isang panayam sa kanilang Barangay


Chairman tungkol sa kanilang pagkapanalo bilang “Pinakamahusay na Gulayan sa
buong Distrito ng Masipag.

(Isang umaga, humahangos na dumating sa barangay hall si Thea dahil siya ay


huli sa oras na pinag-usapan para sa isang panayam) Gusot ang kaniyang damit,
hindi man lang nakuhang magsuklay ng buhok at tila doon pa lamang
magbabalangkas ng kaniyang mga itatanong. Hindi nakahanda subalit pinilit
niyang humarap upang makakuha ng datos na kaniyang kinakailangan.

Thea: Magandang umaga po Brgy.Chairman!

13
Brgy.Chairman: Magandang umaga rin naman sa iyo Bb. Thea Alonzo.Kanina pa
po kami nag-aantay sa inyo. Ang akala po namin ay hindi na kayo makararating sa
sinabing oras. Kung maaari po sana ay bukas na tayo magsagawa nitong panayam.

Thea: Paumanhin po Kapitan!

Brgy. Chairman: Ikinalulungkot ko po ngunit nahuli po kasi kayo sa oras na ating


napag-usapan.

Nakaalis si Thea sa lugar nang malungkot at naghihinayang sa nasayang na oras


at pagkakataon.

Sagutin ang mga tanong:

1.Ano ang nangyari sa isinagawang panayam?

2.Bakit hindi nagawang makakuha ng tagapanayam ng kinakailangang datos?

14
Suriin

Kahulugan ng Reaksyong Papel

Alam mo ba na ang reaksyong papel ay maituturing na isang uri ng sulatin kung


saan ang may akda ay makakapagbigay ng sariling ideya at opinion patungkol sa
binasang teksto. https://www.bestessays.com/glossary/reaction_paper.php

Ano nga ba ang kaibahan ng pagsulat ng reaksyong papel sa ibang sulatin? Ang
isang reaksyong papel ay naglalahad ng sariling opinyon at mga natutunan ng
isang manunulat patungo sa isang teksto o pangyayari.
https://kingessays.com/reaction-paper.php

At mula rin sa coursehero.com sa pagsulat ng reaksyong papel mahalaga ring


isaalang-alang ang sarili at ang mga maaring makabasa ng isinulat. Maaring ang
mismong pamilya, komunidad, bansa at maging ang daigdig ay maabot ng iyong
isinulat, lalo pa sa panahon ngayon na napakabilis ng teknolohiya. Laging tandaan
na ang bawat isa ay mayroong responsibilidad sa sarili at sa kapwa.

Apat na bahagi ng Reaksyong Papel

1. Introduksiyon- ito ang pupukaw sa interest ng mga nagbabasa. Sa parteng


ito, kailangang ilarawan ang papel at may-akda na iyong pinag-aaralan.
Kailangang maglagay ng mga tatlo hanggang apat na mga pangungusap
mula sa orihinal na papel na iyong pinag-aaralan. Kailangan ding maglagay
ng iyong maikling thesis statement ukol sa papel.

2. Katawan - Ang katawan ay kung saan nakasaad ang iyong mga sariling
kaisipan ukol sa mga pangunahing ideya ng papel na iyong pinag-aaralan.
Dito sinusuri ang orihinal na papel.

15
3. Konklusyon - Ang konklusyon ay maikli lamang ngunit naglalaman ng
impormasyon ukol sa thesis at mga pangunahing ideya na nasaad sa
reaksyong papel.

4. Pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon - Ito ay ang bahagi kung


saan nakalagay ang maikling impormasyon ukol sa pagsipi at pinagmulan
ng mga impormasyon na iyong nailahad.
https://kingessays.com/reaction-paper.php

Pagyamanin

Ngayong alam mo na ang iba’t-ibang paraan ng pagkuha ng datos subukin natin


kung kaya mo ng paunlarin ang iyong kasanayan.

Sagutin ang mga tanong sa ibaba ayon sa iyong pagka-unawa sa ating naging
talakayan.

1. Ano-ano ang tatlong paraan na maaaring maging batayan sa pagkuha ng


datos? Isa-isahin at ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Bakit sinasabing ang pagsasarbey ang pinakamadaling paraan sa pagkuha


ng datos? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Ihambing ang pagkakaiba ng binalangkas at di-binalangkas na uri ng


panayam?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

16
4. Kung ikaw ay magsasagawa ng pananaliksik, alin sa tatlong paraan ng
pagkuha ng datos ang iyong pinakamalimit na magagamit? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

5. Paano mo masasabing naging matagumpay ang isang panayam?


Ilarawan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Isaisip

Sa yugtong ito, marahil ay naunawaan mo na kung paano magkaroon ng mabisang


teksto mula sa makabuluhang pagkalap ng datos o impormasyon.

Masasagot mo na kung;

1.Ano-ano ang mga kailangang materyales sa pagkuha ng datos?

_________________________________________________________________________________

2.Ano ang mga paraan upang makakuha ng datos mula sa people trail, paper trail
at e-trail.

_________________________________________________________________________________

3.Paano makatutulong ang angkop na pagkalap ng datos sa pagsulat ng teksto?

_________________________________________________________________________________

17
4. Bakit mahalaga ang mga kasanayan sa pagkalap ng datos?

__________________________________________________________________________________

5. Paano isinasagawa ang panayam, pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng


papel at ng elektronikong tala?

__________________________________________________________________________________

Isagawa

Ngayong nalaman mo na ang iba’t ibang paraan ng pangangalap ng datos, maaari


mo na itong subukang ilapat.

I-sarbey Mo!

1.Bumuo ng 5 katanungan tungkol sa opinyon ng ilang indibidwal pagbubukas ng


klase sa gitna ng Covid 19.

2.Magsagawa ng interbyu sa limang (5) magulang hinggil sa kanilang opinyon sa


pagbubukas ng klase sa kabila ng kinakaharap na pandemya. Maaaring
makipanayam sa kanila sa pamamagitan ng virtual o pakikipanayam gamit ang
telepono o cellular phone.

3.Magtala ng apat (4) na sanggunian na maaari mong gamitin upang makakuha ka


ng impormasyon para sa pananaliksik tungkol sa “Epekto ng Pandemya sa
Edukasyon.”

18
Tayahin

Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa isang malinis na sagutang
papel.

1. Ito ay isa sa kinakailangan sa pananaliksik sa aklatan.


A. kard ng awtor B.kard katalog
C.kard ng paksa D.kard ng pamagat

2. Ano ang kagamitang kailangang ihanda ng tagapanayam?


A. cellphone B.papel at ballpen
C.recorder D.lahat ng nabanggit

3.Ito ang pinakamadaling paraan ng pagkalap ng datos.

A.pag-iinterbyu B.pagsasarbey C. pagtatanong D. pananaliksik

4 Ito ay pakikipanayam sa sikat na tao na may malaking karanasan tungkol sa


paksa ng iyong pananaliksik.

A. feature interview B.non-feature interview


C.formal interview D.structured interview

5.Ang mga nabanggit sa ibaba ay mga dapat isaalang-alang sa araw ng


panayam maliban sa;

A. ipakilala ang sarili nang may paggalang


B. ihanda na ang mga katanungan sa papel
C.magtakda lamang ng oras ng panayam
D.hayaang maunang dumating ang kakapanayamin

19
6.Ito ay uri ng datos na tuwiran o di tuwiran na nagmula sa isipan ng isang
indibidwal

A. panayam B. paper trail C. people trail D.sarbey

7.Ito ay isang panayam kung saan malaya ang estilo ng pagtatanong nang
walang kopya o listahan ng mga itatanong

A. binalangkas B. di binalangkas C. di-malaya D.malaya

8.Ito ay katanungang nabuo habang isinasagawa ang panayam at higit na


mahalaga kaysa sa inihandang katanungan

A. follow-up B.observation C. open-ended D.stuructured

9.Tumutukoy sa impormasyong nakukuha mula sa digital storage, media at


mobile platforms.

A. e-trail B.paper trail


C.people trail D.text-trail

10.Ito ay isang uri ng pagtatanong na maaaring sagutin ng oo at hindi o isang


espisikpikong sagot.

A. follow-up B.open-ended
C.structured D.unstructured

11.Pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik, narito ang sustansiya, diwa at


nilalaman ng buong saliksik.

A. datos B. interbyu C.sanggunian D. sarbey

20
12.Ang nag-iinterbyu ay nagtatanong ng walang labis at walang kulang ayon sa
pagkakasunod-sunod nito sa kanyang listahan.

A. di-tuwiran B.tuwiran C. structured D. unstructured

13.Ito ang tawag kung ang impormasyon ay nakuha mula sa mga opisyal na
dokumento pampubliko man o pampribado.
A. e-trail B. paper trail C. people trail D.text trail

14.Ito ay inilalagay sa baba ng teksto sa pahinang kinasusulatan ng lagom o


sipi.
A. awtor B. bibliograpi C. paksa D. talaan ng nilalaman

15.Ang mga sumusunod ay makikita sa sanggunian maliban sa?


A. larawan ng may-akda B.pamagat ng aklat
C.pangalan ng may-akda D.taon ng paglathala

Karagdagang Gawain

Ngayong alam mo na ang iba’t-ibang paraan ng pangangalap ng datos maaari mo


pang paunlarin ang iyong kasanayan bilang paghahanda sa iyong pananaliksik.

Kumalap ng datos tungkol sa epekto ng teknolohiya sa gitna ng Covid-pandemic


2019 sa pamamagitan ng sumusunod na pamamaraan na nakatala sa ibaba.
Pagkatapos ay sumulat ng maikling talata kaugnay sa nakalap na mga
impormasyon:
a. Paper Trail
b.E-Trail

21
Susi sa Pagwawasto

Tayahin Pagyamanin Subukin

1. B 1. B 1. A
2. D 2. B 2. B
3. B 3. A 3. A
4. A 4. D 4. A
5. D 5. C 5. B
6. A 6. A
7. B 7. C
8. A 8. B
9. A 9. B
10. B 10. A
11. A 11. B
12. C 12. D
13. B 13. B
14. B 14. A
15. A 15. D

22
Sanggunian

Online Supplementary Reading Materials

https://www.academia.edu/30277619/PANGANGALAP_NG_DATOS_new

https://www.slideshare.net/RainierAmparado/kabanata-3-pamamaraan-
atpinagkunan-ng-mga-datos

Online Instructional Materials

https://www.youtube.com/watch?v=F5-1eVF1OGU

https://www.youtube.com/watch?v=jfzSmMH2c4Q

https://www.youtube.com/watch?v=cLIFeS4Igtg

https://www.youtube.com/watch?v=s4hAGpEH2kE

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

24

You might also like