Lagumang Pagsusulit - Pagbasa at Pagsusuri NG Teksto

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

Schools Division Office


J JUSTICE CECILIA MUÑOZ PALMA SENIOR HIGH SCHOOL
Amlac Ville, Payatas B, Quezon City

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG TEKSTO


LAGUMANG PAGSUSULIT
Taong Panuruan 2019-2020
Pangalan:____________________________________Petsa:______________Iskor:____________
Taon/Seksyon:______________________Guro:________________________________________

PANGKALAHATANG PANUTO:
 Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag.
 Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang bago ang bilang.
 Anumang uri ng pagbubura ay kinukonsoderang mali.
.

______1. Sistematikong pag-iimbestiga at pag-aaral upang makapagpaliwanag at makapaglatag ng


katotohanan gamit ang iba’t-ibang batis ng kaalaman.
A. Pananaliksik B. Pag-aaral C. Pakikipanayam D. Obserbasyon
______2. Ano ang layunin sa pagbubuo ng isang balangkas?

A. Malagom ang lahat ng tinalakay sa katawan ng saliksik.


B. Maorganisa ang lahat ng mga tala at impormasyong nakalap ayon sa pagkakasunod sunod
nito.
C. Maipaliwanag ang pangunahig kaisipang nais bigyang- diin.
D. Makagawa ng isang lohikal at konkretong pagkakasunod sunod ng mga ideyang
kailangang isali sa bubuuing sulatin.

______3. Ang mga sumusunod ay dapat isaalang alang sa pagpili ng paksa maliban sa
A. interes at kakayahan C. Kabuluhan ng Paksa
B. limitasyon at panahon D. Kasalukuyang kaganapan o isyu
______4. Tinatalakay sa bahaging ito ng konseptong papel ang saligan o batayang dahilan sa
pagsasagawa ng pananaliksik upang maipahiewatig ang kahalagahan ng gagawing
pananaliksik.
A. Layunin B. Metodolohiya C. Rationale D. Inaasahang Bunga
_____5.Sa bahaging ito inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananaliksik .
A. Layunin B. Metodolohiya C. Rationale D. Inaasahang Bunga
______6. Nakasaad dito kung sino ang makikinabang sa proyekto.
A. Metodolohiya B. Mga sanggunian C. Inaasahang Bunga D. Kahalagahan
______7. Nagbubuod sa kabuuang nilalaman ng isang sulatin at nagbibigay ng ideya sa
,mambabasa tungkol sa lawak ng pagtalakay sa paksa.
A. Tesis na Pahayag B. Konseptong papel C. Lagom D. Abstrak
______8. Uri ng graphic organizer na nagpapakita ng ugnayan ng mga konsepto at ideya sa
pamamagitan ng susing salita na akraniwang nasa loob ng mga hugis.
A. balangkas Konseptwal C. Balangkas teoretikal
B. Mapa ng konsepto D. Venn Diagram
______9. Unang dapat puntahan upang mangalap ng impormasyon.
A. Internet B. Computer Shop C. Silid-aklatan D. OPAC
______10. Pangunahing paraan ng pangangalap ng datos sa siyentipikong pananaliksik.
A. Silid-akalatan B. Obserbasyon C. pakikipanayam D. Internet
______11. Pinakamodernong paraan ng paghahanap ng mga sanggunian sa silid-akalatan.
A. catalog B. Obserbasyon C. Pakikipanayam D. OPAC
______12. Isinasagawa ito upang kumalap bg impormasyonmula sa isang tao o pangkat na
itinuturing na awtoridad o nakakaalam tungkol sa paksang nais talakayain.
A. Card Catalog B. Panayam C. Obserbasyon D. Silid-aklatan
______13. Sa uri ng katalogong ito, nakalista nang paalpabeto ang pamagat ng lahat ng sanggunian.
A. Katalog ng awtor B. katalogo ng Paksa C. Katalogo ng Pamagat D. Notecard
______14. Pinakpraktikal na paran ng pagkalap ng datos lalo na sa makabagong panahon ng
teknolohiya.
A. OPAC B. Katalogo C. Internet D. Panayam
______15. Isang paraan upang makuha, masuri at mabigyang-kahulugan ang pananaw ng mga
taong pinag-aaralan o inoobserbahan.
A. Silid-aklatan B. Panayam C. Obserbasyon D. sarbey at Talatanungan
______16. Paraan ng maayos n apaghahayag ng mga ideyang nakuha mula sa ibang sanggunian.
A. Pakikipanayam B. Obserbasyon C. Sarbey at TalatanunganD. Pagtatala
______17. Uri ng Pagtatala kung saan kinukuha mismo ang pananalita ng orihinal na teksto mula sa
sanggunian.
A. Buod B. Abstrak C. Precis D. Direktang-sipi
______18. Inilalagam rito ang mahahalagang punto ng teksto at ilang suportang detalye.
A. Abstrak B. Buod C. Hawig D. Pagsasaling-wika
______19. Hindi personal na interpretasyon ng isang akda o ekspresyon ng saloobin.
A. Hawig B. pagsasaling-wika C. Precis D. Abstrak
______20. Paglilipat mula sa orihinal na anyo ng wika patungo sa ibang wika.
A. Abstrak B. Hawig C. Precis D. Pagsasaling-wika
______21. Muling paglalahad ng ideya ng iba sa sariling pananlita upang mas madaling maunawaan.
A. Abstrak B. hawig C. Precis D. Pagsasaling-wika
______22. Listahan ng mga paghahanguan ng impormasyon na gagamitin sa pananaliksik.
A. Tentatibong Balangkas C. Tentatibong sanggunian
B. Tentatibong Bibliograpiya D. Konseptong papel
______23. Bakit kailangang gumawa ng tentatibong balangkas?
A. upang maitla ang lahat ng pubiikasyong maaring gamitin sa pangangalap ng mga datos.
B. upang maitala ang mahahalagang impormasyon tungkol sa publikasyon para sa
paghahanda ng bibiiograpiya
C. upang madaling mahanap ang sangunian kung nais muling sulatin.
D. upang mapadali ang pagsusulat sapagkat magsisilbing gabay nag balangkas sa
direksyong patutunguhan
______24. Balangkas na gumagamit ng numerong Arabik bilang pananda sa iba’t ibang balangkas.
A. Balangkas na gumagamit ng titik at bilang. C. balangkas na Pangungusap
B. balangkas na Decimal D. Balangkas na Paparirala
______25. Unang hakbang sa pagsulat ng kabuuang nilalaman ng Pananaliksik.
A. Burador B. Tentatibong Balangkas C. tentatibong sanggunian D. Balangkas
______26. Isa sa kabutihang dulot ng pagsulat ng burador ay
A. Nagsisilbing gabay sa proseso ng pagsulat
B. pagkakaroon ng pagkakataon at panahon na mapag-uukula ang pagpapabuti ng
pananaliksik.
C. Nalilinang ang kasanayan ng mananaliksik o manunulat na maging bihasa at mapanuri sa
nilalaman ng sulatin.
D. Natutukoy ang hangganan ng bawat ideyang nakapaloob sa sulatin.
______27. Ang mga sumusunod ay Gabay sa Pagsulat ng Burador maliban sa
A. gumamit ng wastong dokumentasyon.
B. tipunin at organisahin ang mga notecard.
C. gumamit ng iba’t ibang uri ng teksto sa pagtlakay ng mga ideya.
D. talakayin ng husto ang paksa na sasaliksikin.
______28. Matatagpuan sa ibabang bahagu ng pahina kung saan nakasulat ang mga sanggunian ,
komento at iba pang impormasyonng binabanggit sa loob ng teksto.
A. Notecard B. MLA C. APA D. Talababa
29. Sa bahaging ito sinusuri at kinikilatis kung kumpleto na nag mga ideyang inilakip at kung
nasunodang pamantayang inilatag.
A. Tentatibong Balangkas C. Unang Burador
B. Tentatatibong Bibliograpiya D. Pinal na Burador
30. Salitang Latinn na nangangahulugang “kapareho.”
A. Ibid B. Idem C. Opere citato D. Loco citato
Para sa 31-33
Basahin ang talata at suriin ang balangkas. Pagkatapos ay sagutan ang mga kaugnay na tanong.

Maaaring makaapekto sa kalusugan ng isang bata ag sobrang paglalaro gamit ang mga digital gadget
tulad ng smartphone, tablet at IPad. Sa Southeast England, isang apat na taong gulang ang naitalang
pinakbatag digital addict sa Britanya dahil sa pagkakalulong sa digital games gamit ang IPad ng kaniyang
magulang. Sumailalim ngayon ang naturang bata sa digital detox sa clinic ni Dr. Richard Graham sa
London matapos kakitaan ng withdrawl symptom na gaya ng dinaranas ng isang adik sa alcohol at droga.
Gagastos ng 16,000 pounds o halos 1 milyong piso para sa digital-detox program,

I. Adiksiyon sa Digital Gadget


A. Nakaaapekto sa kalusugan ng isang bata
1. digital games
` a. Smartphone, tablet, IPad
II. Digital Detox Program
A. digital withdrawal symptoms
B.Gagastos ng halos 1 milyon para sa detox program

______31. Batay sa balangkas, ano ang pinakamahalagang ideya nito?


A. adiksyion sa digital gadget C. digital games
B. digital detox prigram D. digital addict
______32. Batay sa balangkas, alin ang mas mahalagang ideya?
A. digital games C. digital withdrawal symptoms
B. digital detox program D. aabot ng 1 milyon ang gastos
______33. Batay sa balangkas, alin sa sumusunod ang nasa maling dibisyon?
A. digital games C. adiksiyon sa digital gadget
B. smartphone D. nakaapekto sa kalusugan
Para sa bilang 34-35
Piliin ang titik na nagpapakita ng tamang pagkakasunud sunod ng mga pahayag ayon sa mga
bahagi ng konseptong papel.

______34. A. Nagkakinteres ang mga mamamyan sa football sa Pilipinas.


B. Lilinawin kung paano matutulungan ang larangan ng isports.
C. Isasama ang apendiks
D. Magsasaliksik ukol sa kasaysayan ng isports sa Pilipinas.
A. D-C-B-A B. A-B-C-D C. B-C-D-A D. A-B-D-C
______35. A. Magtanong sa mga doktor at sikolohista.
B. Aalamin ang dahilan ng bangungot
C. naobserbahang marami ang namamatay sa bangungot
D. Bubuo ng questionnaire
A. C-D-A-B B. C-B-A-D C. B-C-A-D D. B-C-D-A

You might also like