Handout FL 1 Prelim

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

REPUBLIKA NG PILIPINAS

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION


SAMAR COLLEGES, Inc.
Lungsod ng Catbalogan
KOLEHIYO NG EDUKASYON

MODYUL
ng
PAGTUTURO - PAGKATUTO
sa
Filipino 1
(Komunikasyon sa Akademikong Filipino)

PRELIM
Inihanda ni:

G. JERICK CAJEFE CUEVAS


Instruktor, CoEd
REPUBLIKA NG PILIPINAS
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION
1 Modyul sa FL 1 (Komunikasyon sa Akademikong Filipino/Unang Semestre T.P. 2022-
2023/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
SAMAR COLLEGES, Inc.
Lungsod ng Catbalogan
KOLEHIYO NG EDUKASYON

Tagapagsalita : JERICK CAJEFE CUEVAS


Ispesyalisasyon : FILIPINO
Koda ng Kurso : FILIPINO 1
Pamagat ng Kurso : KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

I. Balangkas ng mga Paksa/Aralin


A. Deskripsyon ng Kurso

Ito ay 54-oras, 3-yunit na kursong sumasaklaw sa metalinggwistik na pag-aaral


ng wikang Filipino. Nakatuon ito sa estruktura, gamit, katangian at kahalagahan ng
wikang Filipino sa akademikong larangan. Sa lapit multidisiplinaryo at paraang
interaktibo, inaasahang matutukoy at matatalakay ang mga pangunahing kaalaman sa
wikang ito. Malilinang dito ang mga kasanayan sa paggamit ng wikang Filipino tungo sa
lalong mataas na komunikasyon at sa kritikal na pagdidiskurso.

B. Pangkalahatang Layunin
Sa loob ng isang semestre, inaasahang makakamit at maisasakatuparan
ang mga sumusunod na layunin:
1. Matukoy ang mga pangkalahatang kaalaman at konsepto kaugnay ng
metalinggwistik na pag-aaral ng wikang Filipino;
2. Malinang ang lalong mataas na antas ng kasanayan sa akademikong
komunikasyon: pagbasa – pakikinig at pagsulat - pagsasalita;
3. Makilala ang iba’t ibang diskurso sa wikang Filipino tungo sap ag-
unawa at pagpapahalaga sa teksto at konteksto nito; at
4. Mailapat ang mga kasanayang pangkomunikasyon sa pag-alam,
pagtaya at pagpapahalaga sa mga kaalaman at konseptong may
kinalaman sa kultura at lipunang lokal at global.

C. Talaan ng mga Paksa/Aralin

Bilang ng Paksa/Aralin Pamagat ng Paksa/Aralin


Paksa Blg. 1 METALINGGWISTIK NA PAGTALAKAY SA
WIKANG FILIPINO: Mga Batayang Kaalaman/Konsepto
1.1 Kahulugan ng Wika
1.2 Katangian ng Wika
1.3 Teorya sa Pinagmulan ng Wika
1.4 Barayti at Baryasyon ng Wika
1.5 Antas ng Wika
1.6 Tungkulin o Gamit ng Wika
1.7 Pahapyaw na Pagtalakay sa Kasaysayan ng Wikang
Filipino
1.8 Tagalog, Pilipino at Filipino: Ang Pagkakaiba

2 Modyul sa FL 1 (Komunikasyon sa Akademikong Filipino/Unang Semestre T.P. 2022-


2023/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
II. Nilalaman
UNANG BAHAGI
(Prelim)
PAKSA BLG. 1
METALINGGWISTIK NA PAGTALAKAY SA WIKANG FILIPINO:
Mga Batayang Kaalaman/Konsepto

PANIMULA

Sa paglalang ng Diyos sa tao na siyang sinasabing pinakamagandang hayop sa


mundo, naging kasangkapan na niya o instrumento sa paglikha ang pinakamagandang
regalo niya dito – ang wika. Sabi nga, sa ikaanim na araw ay nilikha ng Diyos ang tao at
ginamit niya ang wika bilang instrumento. Gayundin, dahil sa wika ay nagagawa nating
maipakita ang ganda ng mundo, ang tuwa o lungkot na ating nararamdaman, ang saya
o pighating pinagdaraanan, ang sarap sa pakiramdam o kahit ang ikaw ay saktan.

Wika ang pinakaunang pangangailangan ng tao sa pakikipagkomunikasyon.


Wika ang nagiging dahilan para matuklasan natin ang nakaraan; kabihasnan, kultura,
paniniwala at kung anong lipunan ang mayroon tayo sa ngayon at nakaraan. Wika ang
magiging dahilan para sa ating magandang kinabukasan upang masulyapan ang mga
nagdaan at magamit natin bilang batayan para sa mas maganda at maayos na lipunang
ginagalawan.

Ayon nga sa aklat na KSAF, 2012, ni Perla S. Carpio et al., kung walang wika,
walang mabubuong lipunan. Kung walang lipon ng tao o lipunan, walang uusbong na
kultura.

Patunay lamang ito na ang wika ang siyang buhay at hininga ng isang tao o
bansa. Na wika ang bubuo at magbubuklod-buklod sa isang bansa. Ito ang magbibigay
ng kulay sa ating buhay.

1.1 Kahulugan ng Wika

Wika ang daluyan ng mas epektibong komunikasyon at salalayan ng mabuting


pakikipagtalastasan o ating pakikipag-ugnayan. Ito ay sumasagisag sa anumang bagay
na binibigyang interpretasyon, kahulugan, kabuluhan at pagpapakahulugan sa
pamamagitan ng mga salita, nakasulat man o binabasa at binibigkas.
Tunghayan natin ang ilan sa mga kahulugang mula sa mga kilalang sikologo at
mga dalubwika:

Ang wika ang pangunahin at pinakakomplikadong anyo ng simbolikong gawaing


pantao. (Archibal A. Hill)

Ang wika ay sistematikong balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos


sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. (Henry
Gleason)

Ang wika ang tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang
mga minimithi o pangangailangan ng tao. (Paz, et al., 2003)

3 Modyul sa FL 1 (Komunikasyon sa Akademikong Filipino/Unang Semestre T.P. 2022-


2023/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at pamamaraan ng pagsasama-sama
ng mga ito para magkaunawaan o makapagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao.
(Pamela Constantino at Galileo Zafra)
Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon ng mga tao sa pamamagitan ng
mga pasulat at pasalitang simbolo. (Webster)

Ang wika ay gamit sa komunikasyon na binubuo ng mga simbolo o letra


(symbols) at mga panuntunan (set of rules in grammar). Ang mga simbolong ito ay
maaaring pagsama-samahin upang makalikha ng mga salita na bumubuo ng isang
wika. (Austero et al., 2009)

Ayon sa aklat ni Austero et al., (2009), naipapahayag sa wika ang mga


kaugalian, isio at damdamin ng bawat grupo ng mga tao at maging sa larangan ng
kaisipan. Ang wika pa rin ang impukan – kuhanan ng isang kultura, ito ang pahayag ni
Zeus Salazar.

Ang wika ang gamit ng tao upang magkaroon ng ugnayan sa bawat isa at
ipinapalagay na ang wika ay salamin ng lahi at ng kanyang kalagayan. (Alfred
Whitehead)

Ang wika ay halaw o bunga ng larawang pangkaisipan at instrument sa


pagpapahayag ng ating imahinasyon o nararamdaman. Ito rin ang nagsisilbing
repleksyon ng ating pagkatao at kaluluwa ng isang bansa. (Cindie B. Almeda)

Halos lahat ng kahulugan ay tugma sa isa’t isa, maaaring nababago sa


pagkakabuo subalit iisa ang layunin ng mga pahayag na ito – ang ipaalam o ipabatid
ang kahulugan at kahalagahan ng wika sa buhay ng tao. Wika rin ang nagsasalamin
kung anong uri ng pamumuhay mayroon ang ninunong pinagmulan at nang dahil sa
wika ay naitatala at nailalarawan ng mga tao ang kanilang karanasan, kultura at sining,
kaya masasabing sangkap ng kultura at sining ang wika. Sa pamamagitan ng wika ay
nagkakaroon ng kakayahang makapagpahayag ang tao ng kanyang karanasan sa
kanyang kapwa.

1.2 Katangian ng Wika

Iba-iba man ang kulturang pinagmulan at may kaniya-kaniya mang


pinaniniwalaan ang mga tao sa ating lipunan, wika pa rin ang magbubuklod para sa
pagkakaunawaan. Kaya nga, mayroon pa ring pagkakatulad at iisang katangian:

A. Masistemang Balangkas
Proseso ito upang makabuo ng isang mahusay, maayos, makabuluhang
pahayag at magamit nang mabisa ang wika sa pakikipagkomunikasyon. Kinakailangang
maunawaang mabuti ang mga prosesong kinapapalooban at panuntunan nito.
Nagsisimula ang pagbuo ng isang salita sa pagbuo ng mga tunog. Ang bawat letrang ito
na pinagsama-sama at tinumbasan ng tunog na nabubuo at nagiging salita. Sa bawat
salitang nabubuo at pinagsasama, nakabubuo naman tayo ng mga pangungusap. Sa
pagsama-sama naman ng mga pangungusap, nakabubuo naman tayo ng mga talata na
nagpapakita ng buong diwa ng isang pahayag.

B. Sinasalitang Tunog
Maraming tunog ang naririnig natin sa ating kapaligiran, tulad na lamang ng
lagaslas ng tubig sa ilog, hanging sumisipol, tunog ng kampana at iba pang tunog na
naririnig natin sa ating kapaligiran, subalit, hindi lahat at matatawag na wika. Ang wika
ay nabubuo sa tulong ng iba’t ibang sangkap sa pagsasalita tulad ng labi, dila, ngipin,
ngalangala at lalamunan. Ang wika ay may kanya-kanyang makahulugang tunog o
4 Modyul sa FL 1 (Komunikasyon sa Akademikong Filipino/Unang Semestre T.P. 2022-
2023/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
ponema. Nagiging makahulugan ang isang tunog sa isang wika kapag ito ay
nagtataglay ng kahulugan o kaya’y may kakayahang magpabago ng kahulugan ng
isang morpema o salita.
C. May Kakanyahan, Maingat na Pinili at Isinasaayos
Tulad ng pahayag na: walang kambal na magkapareho, wala rin namang
wikang lubos na magkatulad, sapagkat ang wika ay likas na “unique” o kakaiba.
Maituturing na masining an gating pahayag kung ito ay maingat na pinipili at
isinasaayos. Nagiging mas makabuluhan ito kung pinag-iisipan at maingat na pinipili ng
bawat tagapagsalita ang angkop na mga salita sa kanilang pagpapahayag partikular sa
isang pormal na usapan o depende sa pangangailangan at taong kinapapanayam. Ang
mga bahagi ng pananalita sa wikang Filipino ay may mga tanging gamit kung kaya
kailangan piliin at isaayos ang mga salitang gagamitin kung nais gumawa ng
pagpapahayag o pangungusap upang maunawaan.

D. Arbitraryo
Maraming wika ang ginagamit at binibigyang kahulugan na nakabatay sa isang
grupo o samahan ng mga tao. Minsan ang isang partikular na wika ng isang
pamayanan ay maaaring kakatwa sa iba dahil sa pagkakaiba ng kahulugan. At kung
minsan naman may mga salitang ginagamit na nang makabagong panahon ngunit
walang katuwiran kung ito’y susuriin. May wika na iba ang kahulugan sa isang bayan at
iba naman sa ibang bayan, bagamat parehas lamang sila ng lengguwaheng ginagamit.
Halimbawa:
Toyo sa Tagalog - Patis sa Hiligaynon
Sitaw sa Tagalog - Latoy sa Bisaya at Utong sa Ilocano
Nafe sa Ibanag - Kanin sa Tagalog

E. Kabuhol ng Kultura
Kabuhol na ng kultura ng bawat tao sa mundo ang wika. Sabi nga, kung ano ang
wika mo, iyon ka. Wika ang nagpapakilala sa kinagisnang kultura, ito ang repleksyon ng
ating pagkatao. Sa bawat tradisyon, paniniwala, kaugalian, pananampalataya at
pakikibaka ay wika ang kaakibat upang isalaysay at isaling-bibig ang lahat ng
nangyayari sa iba’t ibang henerasyon ng kanilang lahi.
Halimbawa: Kano at Pinoy (paraan ng pagsasalita)
Kano: Tayo na?
Pinoy: Pwedi ba ko manligaw?

Ingles at Filipino (ice formation)


Sa Ingles, ito ay maaaring glacier, hailstorm, icebergs, frost at iba pa.
Sa Filipino, ito ay yelo o nyebe lamang.

F. Buhay
Sa paglipas ng panahon, may bagong salita o wika ang isinisilang at
umuusbong. Buhay ang wika. Kung ating mapagninilayan, likas na sa tao ang pagiging
malikhain, hindi lamang sa usapin sa teknolohiya kundi pati na rin sa wika. Habang ang
tao’y umuunlad, kasabay, kaakibat nito ang wika. Sa katunayan, ito ay parami nang
parami sa paglipas ng panahon depende sa pangangailangan ng tao o lipunang ating
ginagalawan. Katulad na lamang ng: halimbawa ng mga salitang kanto (balbal) “gay-
lingo”, ilang grupo ng mga tao batay sa kanilang trabaho, gaya ng mga drayber, guro
magsasaka, barber, reporter at iba pa.

G. Daynamik o Nagbabago
Ang panahon ay lumilipas, nagbabago at ang wika ay nagbabago batay sa mga
grupo o samahan ng mga taong gumagamit nito. Napapalawak ang gamit at
mapapayabong an gating wika sa iba’t ibang paraan, tulad ng pananaliksik ng mga
manunulat at mga dalubwika, subalit, hindi ito nawawala o namamatay kundi ito ay
nagbabago lamang. Yumayaman ang bokabularyo ng wika kapag may naidadagdag na
5 Modyul sa FL 1 (Komunikasyon sa Akademikong Filipino/Unang Semestre T.P. 2022-
2023/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
mga bagong salita na dulot ng pananaliksik, pagkamalikhain ng tao kasabay ng
modernong teknolohiya. Tulad ng mga lenggwahe ng mga kabataan ngayon, siyota ang
tawag sa “girl friend” nila, samantalang noong mga taong 1960, kasintahan o kaya’y
nobya ang katawagan nito. Ang mga salitang hindi na ginagamit dahil itinuturing na
luma at hindi naayon sa modernong panahon ay nawawala o namamatay.

H. Ginagamit sa Komunikasyon
Ayon sa kasabihan sa English: “Man is by nature gregarious”, ang tao ay
naghahangad na laging may makakasama. Sa puntong ito, ang tao ay hindi masaya na
nag-iisa at kailangan niya ang kasama upang maipahayag ang anumang
nararamdaman, saloobin, damdamin, paniniwala, kalungkutan, kaligayahan idelohiya at
iba pa. Nangangahulugan na ang tao ay hindi maaaring mabuhay na mag-isa sa
mundo. An gating lipunan ay binubuo ng mga grupo o lipon ng mga tao na patuloy ang
pakikisalamuha sa kapwa, nag-uugnayan at nagtatalastasan. Saan mang lugar,
sinuman ang ating kakausapin, mayaman o mahirap, may pinag-aralan o wala, wika
ang gamit natin.

1.3 Teorya sa Pinagmulan ng Wika

Katulad ng lahat ng bagay sa mundo, ang wika ay may teorya rin na sinasabing
pinagmulan nito:

A. Teoryang Ding-dong
Ang teoryang ito ay pinaniniwalaan na ang wika ay nagmula sa mga tunog na
likha ng bagay. Katulad halimbawa ng kampana “klang-klang” o ng tren na “tsug-tsug”.
Ibinabase rin ito sa mga impresyon ng mga tao mula sa paligid at tumutugon ang tao sa
tunog na maririnig.

B. Teoryang Bow-wow
Ipinapaliwanag ng teoryang ito na ang wika ay nagmula sa panggagaya ng tao
sa tunog ng kalikasan. Ang mga sinaunang tao noon ay walang sapat na bokabularyo o
talasalitaan na ginagamit kaya sa pamamagitan ng mga tunog na likha ng kalikasan,
tulad ng tahol ng aso “aw-aw”, huni ng ibon “twit-twit”, o ang pusa “miyaw-miyaw”.

C. Teoryang Pooh-Pooh
Nabuo ang teoryang ito sa dahilan na ang mga tao ay biglang napapabulas sa
bugso ng kanyang damdamin. Natutong mangusap ang mga tao dahil sa damdaming
nais ipahayag tulad ng sakit “aray”, galit, tuwa, takot, pagkabigla at iba pa.

D. Teoryang Yum-yum
Isinasaad ng teoryang ito na ang tao ay tumutugon sa pamamagitan ng
pagkumpas ng kamay sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksyon. Ang bahagi
ng pagtugon na ito ay ginagawa sa pamamagitan ng bibig, ayon sa pagkakaposisyon
ng dila sa guwang ng bibig. Ang mga ito ay pagbabawas ng orihinal na kumpas na
ginagamitan ng iba’t ibang bahagi ng katawan.

E. Teoryang Yo-he-ho
Ito ay teoryang hinggil sa wika na nagsasabing bumabanggit ang tao ng salita
kapag siya’y gumagamit ng pisikal na lakas. May mga salitang nasasambit kapag
nagbubuhat ng mabigat na bagay, kapag nag-eehersisyo, kapag nagluluwal ng
sanggol, o kaya’y sumasali sa kumpetisyong pampalakasan (sports). Nabuo ang
teoryang ito, ayon kay Noire, isang iskolar noong ika-19 na dantaon, na ang wika ay
nagmula sa mga ingay na nalilikha ng mga taong magkakatuwang sa kanilang
pagtatrabaho gaya ng pagbubuwal ng kahoy o pag-aangat ng malaking bato. (KSAF ni
Perla S. Carpio, 2012, p.12)
6 Modyul sa FL 1 (Komunikasyon sa Akademikong Filipino/Unang Semestre T.P. 2022-
2023/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
F. Teoryang Ta-ra-ra-boom de-ay
Ito ay haka-haka mula sa mga sinaunang tao na ang wika ay nag-ugat sa mga
tunog na nalilikha mula sa ritwal at dasal. Ang paggamit ng ritwal sa lahat ng kanilang
gawain ay likas sa kanila tulad ng pagkakasal, pakikipaglaban, pagtatanim, pag-aani,
paggagamot, pagluluto at iba pa, at ang mga ito ay sinasamahan ng pagsasayaw, pag-
awit, pagdadasal, pag-ungol at pagbulong.

G. Teoryang Ta-ta
Ito ay salitang Pranses (ta-ta) na ang kahulugan ay paalam o “goodbye”. Sa
teoryang ito ay pinaniniwalaan na ang kumpas ng kamay ng tao sa kanyang ginagawa
sa bawat piling-pili na okasyon ay sinusundan ng paggalaw ng dila at naging sanhi
upang makabuo ng salita ang tao. Hanggang ngayon, nakaugalihan na natin na tuwing
tayo ay magpapaalam, magkasabay ang pagsambit ng salitang pamamaalam at
kumpas ng kamay.

H. Teoryang Biblikal
Ang teoryang ito ay batay sa Bibliya na nagpapahayag na ang wika ay kaloob ng
Diyos sa tao na siyang instrumento upang pangalanan ang iba pang wika na nilikha
Niya. Napapaloob dito ang pangyayaring ipinakita ng Diyos, ang Kanyang
kapangyarihan upang magkaroon ng kaayusan sa mundo at mapalaganap ang
mabuting balita.
Ang wika ay kaloob ng Diyos at ang pagkakaiba ng wika ay isinasalaysay sa
kwento ni Babel at sa kanyang Tore.

ANG TORE NG BABEL

Sa simula’y iisa ang wika at magkakapareho ang mga salitang ginagamit ng


lahat ng tao sa daigdig. Sa kanilang pagpapalipat-lipat sa Silangan, nakarating sila sa
isang kapatagan sa Shinar at doon na nanirahan. Nagkaisa silang gumawa ng
maraming tisa at lutuin itong mabuti para tumibay. Ang sabi nila, “Halina kayo at
magtayo tayo ng isang lunsod na may toreng abot sa langit upang maging tanyag tayo
at huwag nang magkawatak-watak sa daigdig.”

Bumaba si Yahweh upang tignan ang lungsod at ang toreng itinayo ng mga tao.
Sabi niya, “Ngayon ay nagkakaisa silang lahat at iisa ang kanilang wika. Pasimula pa
lang iyon ng mga binabalak nilang gawin. Hindi magtatagal at gagawin nila anumang
kanilang magustuhan. Ang mabuti’y bumaba tayo at guluhin ang kanilang wika upang
hindi sila magkaintindihan.” At ginawa ni Yahweh na ang mga tao ay magkawatak-
watak sa buong daigdig, kaya natigil ang pagtatayo ng tore. Babel ang itinawag nila sa
toreng iyon, sapagkat doo’y ginulo ni Yahweh ang wika ng mga tao. At mula noon,
nagkawatak-watak ang mga tao sa buong daigdig dahil sa ginawa ni Yahweh.
(Genesis 11: 1-9)

1.4 Barayti at Baryasyon ng Wika

Tulad ng lahat ng bagay sa mundo na may kaniya-kaniyang katangian,


kakayahan at kaangkupan; ang hikaw na para sa tainga lamang, ang tsinelas na para
sa paa, ang pinto para sa pintuan, ang hagdan para sa hagdanan ay ganoon din naman
tayong mga nilalang – may pagkakaiba, may kanya-kanya tayong mga katangian. Kung
minsan, mayroon tayo na wala sa iba o kaya nama’y mayroon ang iba na wala naman
tayo at pwedi rin namang mayroon tayong halos pagkakapareho kung minsan; tulad na
lamang sa usapin ng wika. Lahat tayo ay nagwiwika para magkaunawaan at magkaisa,
7 Modyul sa FL 1 (Komunikasyon sa Akademikong Filipino/Unang Semestre T.P. 2022-
2023/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
magkagayon pa man, mayroon pa rin kaniya-kaniyang katangian at pagkakaiba batay
sa gamit. May kasabihan nga sa Ingles na “Variety is the spice of life”. Yumayabong an
gating Wikang Pambansa sa pagkakaroon ng pagbibigay ng kasingkahulugan sa ating
mga salita at iba’t ibang estilo o pamamaraan ng pagkakabuo ng mga ito.
Bagama’t di mabatid ang pinagmulan at pinakadahilan, di na lingid sa ating
kaalaman ang mabilis na pagsulong at pag-unlad ng wika sapagkat ito ay buhay, hindi
dapat pigilan. Bawat lipunang ating ginagalawan ay may kaniya-kaniyang
pagkakakilanlan, ang mga barayti ng wika na ito ay makatutulong sa bawat indibiduwal
upang ang pangangailangan ng lipunan ay masabayan at mapagbigyan.

A. Dayalek
Wikang ginagamit ng isang partikular na rehiyon na may natatanging tono, punto,
bokabularyo at estruktura ng pangungusap. Ang punto ay may kaugnayan sa paraan ng
pagbigkas ng isang tao gamit ang kanyang wika.
Halimbawa:
(Laguna) Nakakain ka na ba?
(Manila) Kumain ka na ba?
(Batangas) Ala! Kay banas naman dine eh!
(Manila) Hay! Ang init naman!

B. Idyolek
Ito ang barayti ng wika na nakabatay sa nakasanayang gawi o katangian sa
pagsasalita ng isang indibiduwal. Pagkakaiba ng paraan ng pagsasalita, maaaring
depende sae dad, kasarian o antas sa lipunan. Halimbawa ay ang paggamit ng “siya”
imbes na “ito” o ang madalas na paggamit ng “bale” o “aba!” sa tuwing magsasalita.

C. Sosyolek
Barayti ng wika na batay sa katayuan ng nagsasalita sa lipunan, sa grupo na
kanyang kinabibilangan at ayon sa antas ng kanyang pamumuhay. Ang lengguwaheng
sinasalita ay nadebelop mula sa kanilang pagsilang, nakagawian at nakalakihan. Hindi
lamang ang mga estudyante ang gumagamit nito kundi pati matatanda, mga
kababaihan, mga bakla at pati ang mga nasa piitan.
Halimbawa:
Wititit! Di ko feel ang fes niya!
Dihins ako nagyuyusi ano.
Naka “wheels” at maraming “bread” ang classmate ko.
Mag “bonding” naman tayo pag “weekends”.
Napaka “weird” ng “attire” ng komedyante na iyan.

D. Rehistro ng Wika
Sa pamamagitan ng estilo at “code” na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon,
ang mga taong kapwa gumagamit nito ay walang duda na nagkakaunawaan lalo na
kung may kinalaman sa propesyon, gawain at hilig. “Jargon” ang tawag sa mga tanging
bokabularyo ng isang partikular na pangkat.
Halimbawa:
Legal jargon ng mga abogado
Amicable settlement Justice
Pleadings Appeal
Pre-trial Complainant

Jargon sa larangan ng Medisina


Diagnosis X-ray
Theraphy Prescription
Emergency Symptom
Ultrasound Cholesterol
Surgeon Uric Acid
8 Modyul sa FL 1 (Komunikasyon sa Akademikong Filipino/Unang Semestre T.P. 2022-
2023/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
Jargon sa larangan ng Accountancy
Account Debit
Credit Balance
Revenue Gross Income
Assets Liabilities
Depreciation Auditor

1.5 Antas ng Wika


Wika ang simbolo ng isang tao o bansa. Sabi nga, madalas, na kung ano ang
wika mo ay iyon ka. Isang salik upang makilala ang mga taong nakakausap natin ay sa
pamamagitan ng kanilang pananalita at mga salita o wikang gamit. Isang katangian din
ng wika ang pagkakaroon ng antas, kaya nahahati rin ito sa iba’t ibang kategorya ayon
sa kaantasan nito, na siyang nagbibigay ng palatandaan kung anong uri ng tao siya at
kung saang antas-panlipunan siya kagrupo.

1. Pormal
Ang wika kung kinikilala/ginagamit ng nakararami lalo na ng mga taong may
mataas na pinag-aralan, may mataas na katungkulan sa iba’t ibang ahensyang
pampubliko o pribado, gayundin, kung ang usapan ay lubhang seryoso. Pinipili ang mga
kaukulang salita para angkop doon sa taong pagsasabihan o kakausapin.

a. Pambansa
Ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat, pambalarila para sa mga paaralan
at gayundin sa pamahalaan at para sa mga usaping patungkol sa batas.
Halimbawa:
Manananggol Ekonomiya Tahanan
Aklat Edukasyon Pandiwa Politika
Paaralan Talumpati Takdang Aralin

b. Pampanitikan o Panretorika
Ginagamit ang ganitong uri ng mga malikhaing manunulat, higit lalo sa pagsulat
ng tula, awit o mga kwento. Kinakailangan ang masining, malalim, matalinghaga at
makulay na mga pahayag.
Halimbawa:
Pusong bato Mga piping hinaing
Ang paglilo ay nasa kagandahan.
Daig ng maagap ang masipag.

2. Impormal
Antas ng wika na karaniwa’y palasak, pang-araw-araw, madalas gamitin sa
pakikipag-usap o pakikipagtalastasan.

a. Lalawiganin
Ito ay ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook o lalawiganin, makikilala
ito sa kakaibang tono o punto.
Halimbawa:
Papanaw ka na? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Nagawi ka na bas a kabisera kung saan gaganapin ang pulong?

b. Kolokyal

9 Modyul sa FL 1 (Komunikasyon sa Akademikong Filipino/Unang Semestre T.P. 2022-


2023/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
Pang-araw-araw na salita, maaaring may kagaspangan ng kaunti. Ang
pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita. Halos nahahawig din ito sa
lalawiganin.

Halimbawa:
Nasan (nasaan) Pa’no (paano)
Meron (Mayroon) Kelan (kailan)

c. Balbal
Sa lahat ng antas ng wika, sinasabing ito ang pinakamababa, karaniwang kilala
sa salitang kalye o salitang kanto. Sa Ingles, ito ay tinatawag na “slang o jargon”.
Halimbawa:
erpat (tatay) ermat (nanay) lispu (pulis)
bato (shabu) haybol (bahay) datong (pera)
waswit (asawa) boga (baril) Tom Jones (gutom)

Mga Paraan sa Paglikha ng mga Salitang Balbal

1. Pagbabaliktad ng mga Salita


Halimbawa:
bata - atab bakla - alkab
pulis - lispu kita - atik
bente - etneb pare - erap
ligo - goli astig - tigas

2. Kombinasyon ng Tagalog at Ingles


Halimbawa:
San na you?
Dito na me.
Type mo siya?
Di ko feel ang porma niya.

3. Paghango sa mga Salitang Katutubo


Halimbawa:
gurang (Bikol, Bisaya) - matanda
dako (Bisaya) - malaki
baket (Ilokano) - matandang babae
masiken (Pangasinense) - matandang lalake
nafe (Ibanag) - kanin
ibon (Kapampangan) - itlog

4. Paghalaw sa Wikang Banyaga


Halimbawa:
tisoy, tisay - (Kastila – mestizo, mestiza)
tsimay, tsimoy - (Kastila – muchacha, muchacho)
orig - (Ingles – original)
dedbol - (Ingles – dead ball)
kosa - (Russian Mafia – Cosa Nostra)

5. Pagpapaikli ng Salita
Halimbawa:
sikyo - security guard
kana - amerikana
amboy - American boy
syano - probinsyano
Munti - Muntinlupa
1 Modyul sa FL 1 (Komunikasyon sa Akademikong Filipino/Unang Semestre T.P. 2022-
0 2023/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
OMG - Oh1 My God
Cops - mga pulis
DOM - Dirty Old Man

6. Paggamit ng Akronim
Halimbawa:
gg - galunggong hp - hindi pansin
mm - mangmang ksp - kulang sa pansin
tl - true love pg - patay gutom
hd - hidden desire DOM - dirty old man
sc - social climber kkb - kanya-kanyang bayad
hkg - hindi ko gets syl - see you later
tdh - tall, dark & handsome r & f - rich and famous

7. Pagbibigay ng Bagong Kahulugan sa Salitang Filipino


Halimbawa:
bata (child/young – fiancée)
Ube (purple yam – P100)
lagay (put grease money)
toyo (soy sauce – mental problem)
bato (stone – shabu)
durog (powdered – drugged)
alat (salty – police)
taga (hack – commission)

8. Paghahalo ng Wika
Halimbawa:
bow na lang ng bow ma-gets
feel na feel bad trip
mag-bonding ma-take

1.6 Tungkulin o Gamit ng Wika


Sa aklat na “Exploration in the Functions of Language” ni M.A.K. Halliday (1973),
ang wika ay:

A. Personal
Sa pamamagitan ng wika naipapahayag ng tao ang kanyang sariling pananaw,
damdamin, tulad ng pagkagulat, galit, hinanakit at tuwa. Karaniwang nangyayari sa
taong galit ay nakakasambit ng mga masamang salita na maituturing na sakop sa uring
ito.

B. Imaginative
Ang mga manunulat sa mga akdang pampanitikan, ginagamit ang wika sa
masining na paraan, sa paglalapat ng iba’t ibang uri ng damdamin na ipapahayag ng
kanilang mga nilikhang kwento, nobela at iba pang mga akda, na bunga ng kanilang
malikhaing kaisipan.

C. Interaksyunal
Sa iba’t ibang grupo o samahan, ang wika ang siyang tagapamagitan sa
pananatili ng magandang relasyon ng mga miyembro o magkakaibigan at sa relasyong
panlipunan. Maging sa pagbibiruan ng mga magkakaibigan, mga magkakamag-aral,
mga bakla at mga propesyonal, wika ang pangunahing gamit sa pakikisalamuha at
pakikipag-ugnayan.

D. Informative
1 Modyul sa FL 1 (Komunikasyon sa Akademikong Filipino/Unang Semestre T.P. 2022-
1 2023/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
Sa pagnanais natin na ipaalam ang iba’t ibang kaalaman, katotohanan,
pangyayari, datos o impormasyon ay kinakailangan natin na gumamit ng wika. Nagiging
pormal ang gamit nito sa larangan ng pagtuturo, pagtatalumpati, pagpapalitan ng kuro-
kuro o pagbabalita at pag-uulat.
E. Regulatory
Sa mga taong nagtataglay ng kapangyarihan na magsubaybay at pagkontrol sa
kanyang kapwa, wika ang ginagamit nito, pasalita o pasulat upang pakilusin ang mga
taong may katungkulang gawin para sa pagpapatupad ng kanilang gawain at pagtutol
sa hindi karapat-dapat na gawain o mga bawal na gawin.

F. Heuristic
Ang wika ay ginagamit ng mga taong nais matuto at makamit ang mga
kaalamang akademik o propesyonal. Ginagamit din ang wika kung kinakailangan ang
pagsusuri, pag-eksperimento, magtanong at pagsagot, makipagtalo, pumuna at
pagbibigay ng kahulugan o pagpapaliwanag.

G. Instrumental
Kung may binabalak tayong isagawa o ipag-utos sa iba, makiusap, humingi,
magmungkahi o magpahayag ng ating ninanais o mithiin, maaari nating gawin ang mga
nabanggit, gamit ang wika sa paraang pasalita o pasulat. Instrumento ang wika para
maisakatuparan ang mga pangarap at adhikain natin sa buhay, ito rin ang ginagamit
natin upang makapagbahagi ng talino sa iba.

Tungkulin o Gamit ng Wika: Karagdagang Impormasyon/Halimbawa


Iba’t ibang Tungkulin/Gamit ng Wikang Filipino ayon sa eksaktong kahulugan:

1. Interaksyonal – nakapagpapanatili o nakapagpapatatag ng relasyong sosyal


Halimbawa:
Pasalita: pangangamusta
Pasulat: liham pang-kaibigan

2. Instrumental - tumutugon sa mga pangangailangan


Halimbawa:
Pasalita: pag-uutos
Pasulat: liham pang-aplay

3. Regulatori – kumokontrol at gumagabay sa kilos o asal ng iba


Halimbawa:
Pasalita: pagbibigay ng direksyon
Pasulat: panuto

4. Personal - nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon


Halimbawa:
Pasalita: pormal o di-pormal na talakayan
Pasulat: liham sa patnugot

5. Imahinatibo - nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan


Halimbawa:
Pasalita: malikhaing pagsasabuhay/pamamaraan
Pasulat: mga akdang pampanitikan

6. Heuristik - naghahanap ng mga impormasyon o datos

1 Modyul sa FL 1 (Komunikasyon sa Akademikong Filipino/Unang Semestre T.P. 2022-


2 2023/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
Halimbawa:
Pasalita: pagtatanong
Pasulat: survey

7. Impormatibo - nagbibigay ng mga impormasyon


Halimbawa:
Pasalita: pag-uulat
Pasulat: balita sa pahayagan

1.7 Pahapyaw na Pagtalakay sa Kasaysayan ng Wikang Filipino

• 1935 Saligang Batas, Artikulo XIV, Seksyon 3 (Taong 1935)


- Taong 1935 nang unang naisip ang kosepto ng paglikha ng isang Wikang Pambansa.
Sa 1935 Saligang Batas ng Pilipinas, itinadhana na ang Kongreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa paglikha ng isang Wikang Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral
na katutubong wika.

• Batas Komonwelt Blg. 184 (Taong 1936)


- Taong 1936, pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na
lumikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na siyang pipili ng katutubong wika na
siyang magiging batayan ng wikang pambansa.

• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (Disyembre 30, 1937)


- Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 sa bisa ng Saligang Batas 1935, ipinahayag
ng Pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.

• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Hunyo 19, 1940)


- Pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at isang gramatika ng Wikang Pambansa at
itinakdang mula sa Hunyo 19, 1940, ay pasisimulan nang ituro ang Wikang Pambansa
ng Pilipinas sa lahat ng paaralang-pampubliko at pribado sa buong bansa.

• Proklamasyon Blg. 12 (Marso 26, 1954)


- Ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay Marso 29-Abril 4 na isasagawa taon-
taon bilang paggunita sa kaarawan ni Francisco Balagtas.

• Proklamasyon Blg. 186 (Setyembre 23, 1955)


- Ang paglilipat ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Ito ay gagawin na mula
Agosto 13-19, bilang paggunita sa kaarawan ni Manuel L. Quezon.

• Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (Agosto 13, 1959)


- Ang Pambasang Wika ay tatawaging PILIPINO.

• 1973 Saligang Batas, Artikulo XV, Seksyon 3 (Taong 1973)


- Sinasabi dito na ang 1973 Saligang-Batas ay dapat na ipahayag sa Ingles at Pilipino,
ang dapat na mga Wikang Opisyal. Isa pa, ang Pambansang Asemblea ay dapat
gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na adapsyon ng panlahat
na Wikang Pambansa na makikilang Filipino.

• 1987 Saligang Batas, Artikulo XIV, Seksyon 6-9 (Pebrero 2, 1987)


- Mula sa Pilipino, ang Pambansang Wika ay tatawagin ng FILIPINO. Kasama ng
Filipino, ang wikang Ingles ay ang siyang dalawang wikang opisyal na wika ng bansa.

• Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 (Agosto 6, 1987)


- Ang Alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra.
1 Modyul sa FL 1 (Komunikasyon sa Akademikong Filipino/Unang Semestre T.P. 2022-
3 2023/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
• Proklamasyon Blg. 104 (Hulyo 1997)
- Ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwang ng Wikang Filipino.

1.8 Tagalog, Pilipino at Filipino: Ang Pagkakaiba

• TAGALOG
 Ito ang tawag sa wika na ginagamit sa Bulacan, Batangas, Rizal, Laguna,
Quezon, Cavite, Mindoro, Marinduque, ilang parte ng Nueva Ecija, Puerto
Princesa, at Metro Manila.
 Nang ideklara ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
sa taong 1937, lumabas na ang Wikang Pambansa ay dapat na nakabatay sa
Tagalog.
 Pero, hindi sinasabi ng kautusang ito na ang wikang pambansa ay tatawaging
Tagalog.

• PILIPINO
 Taong 1959, ayon sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, binigyang pangalan
ang wikang pambansa na nakasaad sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 sa
taong 1937, at ito ay tinawag na Pilipino.
 Kung gayon, wala pang wikang Pilipino na nakilala bago 1959. Ang wikang
Pilipino ay nakabatay pa rin sa wikang Tagalog.
 Mula noong 1959 hanggang 1987, itinuro ang Pilipino sa lahat ng eskwelahang
publiko at pribado.
 Ngunit, ang Pilipino bilang isang wika ay hindi na umiiral sa kasalukuyan
sapagkat ito ay oinalitan na ng wikang Filipino mula noong 1987.
 Sa kasalukuyan, ang salitang Pilipino ay tumutukoy na lamang sa mga taong
naninirahan sa Pilipinas at hindi na sa isang wikang pambansa.

• FILIPINO
 Sa pamamagitan ng 1987 Saligang Batas, naitalag ang Filipino bilang wikang
pambansa na siyang pumalit sa naunang pangalan na Pilipino.
 Kung ang noo’y wikang pambansa na Pilipino ay nakabatay lamang sa Tagalog,
ang wikang pamabansa naman na Filipino ay nakabatay na sa lahat ng wika sa
Pilipinas, kasama na ang Ingles at Kastila.
 Mula 20 letra ng Tagalog, naging 28 letra ang Filipino. Idinagdag ang 8 letra na
C, F, J, Ň, Q, V, X at Z.
Mula 1987 hanggang sa kasalukuyan, ang wikang Filipino na ang siyang opisyal na
wikang pambansa ng Pilipinas.

Ang Alpabetong Filipino

A, B, C F , D, E, , G, H, I, J , K, L, M, N,

Ñ Q V X Z
1 Modyul sa FL 1 (Komunikasyon sa Akademikong Filipino/Unang Semestre T.P. 2022-
4 2023/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)

, NG, O, P, , R, S, T, U, , W, , Y,
1 Modyul sa FL 1 (Komunikasyon sa Akademikong Filipino/Unang Semestre T.P. 2022-
5 2023/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)

You might also like