1.2. Katangian NG Wikang Filipino

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Komunikasyon sa

Akademikong Filipino

Unang Linggo
Departamento ngFilipino

KATANGIAN NG WIKANG Materyales

FILIPINO Computer, Student Activity Sheet,


MS Access

Sanggunian
Itinakdang Bunga ng Pagkatuto
1. Concepcion B. Jr. et al (2017)
LET Reviewer Licensure Examination
Sa katapusan ng paksa, ikaw ay inaasahang: for Teachers. MET Review Publishing
House. Sampaloc, Maynila.
➢ nakakikilala sa katangian ng wikang Filipino 2. Ducay, Irene D. (2017) LET
➢ nakapagbabahagi sa kahalagahan ng wikang NCBTS Oriented Filipino. MET Review
Filipino Publishing House. Sampaloc, Maynila
➢ nakabubuo ng kritikal na sanaysay ukol sa 3.Wika Retrieved from
katangian ng wikang Filipino sa pang-arawaraw na https://www.slideshare.net/FutureEduc
pamumuhay. /wika-25812679

Pangalan: ELLA JANE B. CABANAG Kurso/Taon/Sekyson: BSME-3

PANIMULA

Panimulang Tanong:

Sa mundong ating ginagalawan, batid nating mahalaga ang wikang ating ginagamit upang tayo ay
makabuo ng ugnayan sa kapwa tungo sa ating pag-unlad. Tulad ng tao, ang wika ay magkakaiba din at
mayroon ding taglay na sariling mga katangian. Anu-ano ba ang mga katangiang ito?

PROSESO NG PAGTUTURO

Paghahanda (Preparation)

Panuto: Unawain at sagutan ang mga katanungan na nasa ibaba. Isulat ang sagot na sa patlang na nakalaan.
1.) Sa sariling pananaw, magbigay ng hindi bababa sa limang mahalagang katangian ng wikang
Filipino?
1. Ang wika lalo na kung pasalita, ay mayroong tunog

2. Ang wika ay buhay at dinamiko

3. Ang wika ay nanghihiram

4. Ang wika ay kaakibat at salamin ng kultura

5. Ang bawat wika ay naisusulat

1
GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO
2.) Base sa sagot sa unang bilang. Sa tingin mo, bakit ito ang mga katangian ng wikang Filipino?
1. Maliban sa pasulat na paraan, ang wika ay sinasalita rin. At kapag sinasalita, mayroong tunog na
nabubuo. Sa pamamagitan ng pagbuo ng tunog, nalalaman ang emosyon at kahulugan ng salita. Sa
intonasyon nababatid ang dagdag na kahulugan ng tao sa isang salita.
2. Dahil pagbabago lamang ang permanenteng bagay sa daigdig, maging ang wika ay nakararanas
ng pagbabago. Sa paglipas ng panahon at mga henerasyon, nabibigyang daan nito ang pag-unlad at
pagbabago ng wika. Isang patunay nito ang konsepto ng makaluma at makabagong pag-uusap. Sa
kulturang Pilipino, mas matalinghaga at mas kagalang-galang pakinggan ang makaluma o tradisyonal
na uri ng pagsasalita. Sa pag-unlad ng teknolohiya, unti-unting naging makabago ang paraan ng
pakikipag-usap na tinatawag na komunikasyon sa kontemporaryong panahon. Bunga nito ang
pagbabago ng kahulugan ng isang salita. Mas lumalawak ang bokabularyo ng mga tao dahil sa mga
bagong ideyang nabubuksan at natutuklasan sa pagbabago ng henerasyon.
3. Dahil ginagamit ang wika sa komunikasyon, hindi maiiwasang magkaroon ng palitan o hiraman ng
mga salita. Mayroong mga salitang walang katumbas sa wika ng isang bansa o pamayanan, kaya
naman ang nagiging solusyon dito ay ang panghihiram. Likas namang katangian ito ng lahat ng wika.
Ito rin ang dahilan kung bakit ang wika ay dinamiko at umuunlad. Sa panghihiram din mas nagiging
bukas sa pagtuklas ng kultura at tradisyon ang isang mamamayan o nasyon.
4. Ginagamit din ang wika sa pagpapaunlad ng kultura ng isang bansa o pamayanan. Sa
pamamagitan ng wika ay mababatid ang makulay na kultura, tradisyon, at pamumuhay ng mga tao.
Sa katunayan, para sa mga dayuhan sa isang bayan, ang mga salitang may kaugnayan sa mga pista,
pagdiriwang, pagkain, at iba pang mahahalagang kagamitan ang nagsisilbing tanda nila sa isang
lugar. Iniuugnay nila ang mga salita sa kultura sa mga tao at lugar para manatili ito sa kanilang isip,
na kalaunan ay tuluyang nagiging pagkakakilanlan ng nito para sa nakararami.
5. Kung naisasalita ang wika, kailangan ay naisusulat din ito. Kadikit ng mabisa at malinaw na anyo
ng impormasyon ay ang katangian nitong maisulat at mabigkas. Hindi naman kasi maaaring lahat ng
nangyayari ay pasalita lamang at tatandaan ng utak. Mas nagiging mahalaga ang isang pangyayari o
kaganapan kung maidodokumento ito. Sa pagsusulat din ng mahahalagang ganap gamit ang wika,
mas napapanatili nito ang saysay ng wika at salita mula sa isang bansa, bayan, o maliliit na yunit ng
pamayanan.

Paglalahad (Presentation)

WIKA
Ayon kina Pamela Constantino at Galileo Zafra (2008), “ang wika ay isang kalipunan ng
mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o
makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao.”

KAHULUGAN NG WIKA
• Kasangkapan ng komunikasyon o pakikipagtalastasan
• Tagapagdala ito ng mga ideya at naiimpluwensyahan nito ang ugali ng tao, ang isip at
damdamin.
• Nagbubuklod sa isang lipunan na may iisang kultura. Hinti matatawag na isang lipunan
ang isang grupo ng mga tao kung wala silang wikang komon.

Ayon kay Henry Gleason (1988) – Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang
tunog na pinipili ay isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang
sa isang kultura.

Ayon kay Archivald Hill (1976) – Ang wika ay pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng
simbolikong gawaing pantao.

Ayon kay Webster (1974) – Ang wika ay isang Sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga
tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo.

Ang wika ay tunay na mahalagang kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa.


Naipapahayag at naihahatid niya ang kanyang ideya at saloobin sa kanyang kapwa gamit ang wika.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa buhay ng tao sapagkat ginagamit niya ito sa iba’t

2
GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO
ibang aspeto ng kanyang buhay. Ang wika rin ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang bansa. Ang
isang bansang may sariling wika ay maituturing na isang bansang malaya.

KATANGIAN NG WIKA

1. May sistematik ng balangkas.


Pangunahing katangian ng isang tinay na agham ang pagiging sistematik. Dahil may katangiang
makaaghanm ang isang wika, nagging batayan ito upang umiral ang larangan ng Linggwistiks, ang
pag-aaral ng wika. Hindi lamang nakabatay sa ngayon sa Balarila o Gramar ang pagtuturo ng wika.
Malaliman ngayong tinatalakay ang isang wika mula sa fonoloji, morfoloji, hanggang sa sintaks.

Ponema – tawag sa makabuluhang tunog


Ponolohiya – makaagham na pag-aaral ng mga tunog
Morpema – pinakamaliit na yunit ng salita
Morpolohiya – pag-aaral ng morpema
Salitang-ugat
Paruparo, halu-halo, sarisari, alang-alang

Panlapi unlapi – unahan kabilaan – kabilaan


gitlapi – gitna laguhan – una, gitna at hulihan
hulapi – hulihan

Ponema
ponema --- morpema --- salita --- parirala --- sugnay (makapag-iisa at di makapag-iisa) ---
pangungusap

Sintaks – makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap

Diskors – makahulugang palitan ng mga pangungusap ng dalawa o higit pang tao.

2. Binibigkas na tunog.
Hindi lahat ng tunog ay binibigkas at hindi rin naman lahat ng tunog ay makabuluhan. Ang ponemik
ang tunog na makabuluhan. Ang pagiging makabuluhan ng tunog ay yaong nakapagpapaiba ng
kahulugan ng salita. Ang ganitong phenomenon ng wika ang siyang dahilan kung bakit sa kabila ng
pagkakaroon ng 28 letra ng ating bagong alfabeto, 21 lamang ang fonim o ponema at 1 sa 21 ito ay
walang katumbas na grafm o letra – ang glottal na pasara sa lumang balarila ay tinatawag na impit a
tunog. Mapapansin ito sa mga salitang malumi at maragsa.

3. Pinipili at isinasaayos.
Kasama ang retorika sa mga batayang kurso sa kolehiyo. Layon nito ang makapagpahayag nang
mabisa sa pamamagitan ng wastong pagpili at pagsasaayos ng wika. Hindi lamang kasi basta
binibigkas at inaalam ang kahulugan ng mga salita.

4. Arbitrari
Ang wika ng isang pamayanan ay nabuo ayon sa napagkasunduang termino ng mga taong
gumagamit nito. Dahil dito, nagkaroon ng indentidad ang bawat wika na sadyang ikinaiba ng bawat
isa.

5. Kapanatay ng kultura.
Kaugnay ng pagiging arbitrari ang pagiging kapantay ng kultura ng wika. Walang wikang umunlad pa
kaysa sa kanyang kultura, gayundin walang kulturang yumabong nang di kasabay ang wika.
May wika sapagkat may kultura. May kultura sapagkat may wika.

6. Patuloy na ginagamit
Walang saysay ang anumang bagay kung hindi naman ito ginagamit. Kapag hindi ginagamit,
nangangahulugan lamang na wala itong silbi. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang katangian ng
wika ang pagiging gamitin nito.

7. Daynamik o nagbabago

3
GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO
Itinuturing na “patay” ang isang wika kung wala na itong tinatanggap na pagbabago. Hindi totoo na
patay na ang wika ay wala nang gumagamit at dahil doon, ay wala nang silbi.
Tulad ng ibang bagay, ang wika man ay nagbabago, at ang pagabbago ng wika ay
nangangahulugan lamang na ito ay buhay sapagkat umuunlad at patuloy na sinasalita ng mga taong
gumagamit nito.

Pagsasanay (Practice)

Aktibiti
I. Panuto: Basahin ng mabuti ang mga katanungan at bilugan ang tamang sagot.
1. Ito ay isang sangay ng linggwistika na sumasaklaw sap ag-aaral ng kayarian o istruktura ng salita.
A. Ortograpiya C. Semantika
B. Morpolohiya D. Sintaks
2. Ayon kay Gleason, ang wika ay pinagkakasunduan ng isang lahi at kaya naman ay naunawaan ng
lahat ng kasapi ng lahi.
A. masistema C. likas
B. dinamiko D. arbitraryo
3. Anong sangay ng linggwistika ang nakatuon sa tamang pagsasaayos ng mga salita para makabuo
ng isang pangungusap na nagsasaad ng buong diwa?
A. Ortograpiya C. Sematika
B. Morpolohiya D. Sintaks
4. Anong sangay ng linggwistika ang nakatuon sap ag-aaral ng kahulugan ng tunog o ponema?
A. Ortograpiya C. Semantika
B. Morpolohiya D. Ponolohiya
5. Anong sangay ng linggwistika na sumasaklaw sap ag-aaral ng wastong baybay ng mga salita?
A. Ortograpiya C. Semantika
B. Morpolohiya D. Sintaks

II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang katanungan. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pang-araw-araw
na pamumuhay? Magbigay ng isang senaryo ng sariling karanasan o kakikitaan ng sitwasyong ito.
Isulat ito na hindi bababa sa limang pangungusap. (10 puntos)
Mahalaga ang wika sapagkat ito ay ang pangunahing instrumento ng komunikasyon. Mahalaga ito
para sa pakikipagtalastasan, kung wala ito, hindi natin magagawang makipag-usap sa ating kapwa.
Sa pamamagitan ng wika, malaya nating naipapahayag ang nga ideya na nasa isipan natin at
nasasabi ang ating nararamdaman. Tulad na lang sa sa Media at Entertainment. Isipin mo na lamang
ang isang mundo na walang wika. Isang mundo na puno ng kalungkutan at ‘di pagkakaunawaan.
Maaari rin na kung wala ang wika, hindi mauuso ang entertainment at media sa mundo. Isang
halimbawa nito ay ang pagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng balita. Kung ating iisipin
malaki ang ambag ng wika sa pagbibigay ng impormasyon dahil nalalaman natin ang mga kaganapan
sa ating paligid. Mas malinaw nating nauunawaan ang mga balitang ito dahil sa alam natin ang
wikang ginamit. Gaya na lamang kung tayo ay nanonood sa telebisyon. Ipagpalagay na nating
pinindot natin ang “mute” , walang salita at tanging aksiyon lamang. Maaaring maunawaan parin natin
ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa aksiyon ngunit kung idadagdag natin ang wika o mga salita
ay mas maiintindihan natin ito at makukuha ang eksaktong mensaheng ipinapahatid ng palabas.

4
GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO
Pagganap/Performans (Performance)

Aktibiti: Iguhit mo! Panuto: Pumili ng isang katangian at iguhit ang simbolo na maiuugnay sa wikang
Filipino bilang wikang pambansa. Ipaliwanag sa loob ng limang pangungusap sa ibabang bahagi kung bakit
ito ang napiling simbolo. (25 puntos)

Pamantayan:
Nilalaman – 10
Kaangkupan ng konsepto – 5
Pagkamalikhain (Originality) – 5
Paliwanag – 5

Kabuuan 25 puntos

5
GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

You might also like