Modyul 1-2-Barayti-At-Baryasyon-Ng-Wika
Modyul 1-2-Barayti-At-Baryasyon-Ng-Wika
Modyul 1-2-Barayti-At-Baryasyon-Ng-Wika
AT BARYASYON NG
WIKA
INTRODUKSYON
Mabuhay!
MGA LAYUNIN
TALASANGGUNIAN
MGA LAYUNIN
KATANUNGAN
TALAKAYAN
May iba-ibang uri ng wika kaya nga sinasabing may barayti ng wika.
Nagkakaroon ng iba-ibang uri dahil may pagkakaiba o baryasyon sa mga aytem na
pangwika. Maaaring ang baryasyon ay nasa tunog, mga salita o bokabolaryo at sa
estrukturang gramatikal o sa lahat ng ito. Ang mga ito ay eksternal na paktor na
maaaring heyograpikal o grupong sosyal.
BARAYTI
Tinutukoy nito ang iba’t ibang barayti ng wika na ginagamit ng iba’t ibang bansa na
mula sa iba’t ibang pamilya ng wika. Maaari namang tinutukoy nito ang ibat ibang uri
ng wika sa loob ng isang bansa na nabibilang sa isang pamilya at ginagamit ng iba’t
ibang linggwistikong grupo.
BARYASYON
Ito ay ang pagkakaiba sa pagbigkas, grammar o pagpili ng salita sa loob ng
wika. Ang baryasyon sa wika ay maaaring may kaugnayan saa rehiyon, sa uring sosyal
at/o sa uri ng edukasyon, o sa digri ng pormalidad ng isang sitwasyon na pinaggamitan
ng wika ( Richards, Plaatt aat Platt,1992)
BARAYTI NG WIKA BARYASYON NG WIKA
Ang paggamit ng mga magagandang salita ang nagbibigay ng galak, kulay, pag-
ibig at kapayapaan sa buong sanlibutan.
Napakalaki ng papel na ginagampanan ng wika sa anumang larangan ng
kabuhayan at katauhan ng bawat indibidwal. Mula sa mga musmos na kaisipan
ang wika ang humubog at ginamit upang gabayan ang henerasyon ng mga kabataan.
Maraming mga halimbawa ng barayti ng wika, sa hangarin na ma-iangat ang
kabuhayan at magkaroon ng mapagkakakitaan, ang wika pa rin ang gamit na sandata.
Ang pagiging matatas sa paggamit ng anumang uri ng wika ay napakahalaga sa sektor
ng paggagawa.
Upang maihatid ng mga mamamahayag ang mga balita at kaganapan sa saan
mang panig ng mundo, tayo rin ay gumagamit ng wika. Ipinapahayag ng mga tao ang
kanilang mga saloobin sa radyo, telebisyon, pahayagan at maging sa social media. Wika
rin ang ginagamit sa paglimbag ng anumang uri ng mga babasahin sa libro, magasin at
mga eBook.
GAMIT NG WIKA SA SINING AT MUSIKA
Bukod pa sa mga nabangit sa taas, ang wika ang nagbibigay ng buhay sa saliw
ng mga musika na binubuo ng mga kompositor. Ang liriko ng mga kanta ang
naghahawi ng lumbay at lungkot lalo sa mga pusong mayroong dinaramdam at
pinagdadaanan sa buhay.
Maging sa larangan ng pinilakang tabing, wika ang ginagamit ng mga alagad ng
sining para makapaghatid ng aliw at kurot sa puso sa bawat manunuod. Ang wika rin
ang gamit upang maiparating ang mga kubling aral na nais ipahiwatig ng pelikula.
Pagsusuri:
________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_____________________________________________________
Rubriks:
Kaayusan ng Nilalaman – 5, Pagkamalikhain- 5