AP 8 Q4 Week 5

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 1

Pangalan____________________________________________________________________
Pangkat____________ Guro ___________________________________________________

Aralin ANG PAGSISIKAP NG MGA BANSA NA


MAKAMIT ANG KAPAYAPAANG PANDAIGDIG
3 MATAPOS ANG IKALAWANG DIGMAAN

MELC/Kasanayan
Natataya ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig at
kaunlaran. Code: AP8AKD-IVh-8

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo upang maging katuwang mo sa


pagpapalalim ng iyong kabatiran sa aralin. Gagabayan ka ng mga tekstong nakalahad
dito upang makamit ang inaasahang karunungan na maaari mong magamit sa pang-
araw-araw mong pamumuhay. Sa aralin ding ito ay tatalakayin ang mga konseptong
may kinalaman sa pagsusumikap ng mga bansang sangkot na makamit ang
kapayapaan sa pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. May mga inihanda
akong mga gawain at pagsusulit na iyong sasagutan upang masukat ang
karunungang natamo mo sa araling ito. Tiyakin mong iyong babasahin at babalik-
balikan dahil ito ang susi upang makamit mo ang inaasahang tagumpay sa
karunungan. Kaya, pagkatapos na mapag-aralan at gawin ang nilalaman ng modyul
na ito, inaasahang magagawa mo na ang mga sumusunod:
1. Nasusuri ang mga pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang
pandaigdig;
2. Nakapagsasaliksik ng mga terminolohiyang hindi mo pa alam ang
kahulugan; at
3. Nakasasagot ng may buong karunungan sa pagsasanay at gawain sa araling
ito.
Tara! simulan na natin ang ating unang gawain!

Handa ka na ba? Kung ready na, halika at subukin mong sagutin ang inihanda
kong paunang pagsusulit. Huwag kang mangamba, ito’y upang matukoy ang lawak ng
iyong kaalaman tungkol sa paksa na tatalakayin. Bigyan pansin mo ang mga tanong
na hindi masagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t-ibang aralin ng modyul
na ito.

8- AP -Qtr 4-Week 5
ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 2

1. Katawagan sa samahan ng mga bansa na itinatag pagkatapos ng Ikalawang


Digmaang Pandaigdig.
2. Ang sangay ng mga Nagkakaisang Bansa na nagpapasya sa mga kasong
may kinalaman sa alitan ng mga bansa.
3. Unang sekretaryo-heneral ng Nagkakaisang mga Bansa.
4. Ang pangulo na nakaisip na muling magtatag ng isang samahan na papalit
sa Liga ng mga Bansa.
5. Ang tagapagbatas ng Nagkakaisang mga Bansa.

Ayan, nagawa mo na ang unang hakbang ng modyul. Kamusta naman ang iskor mo?
Mataas ba? Okay lang kung mababa, sigurado ako pag natapos mo ang aralin na ito
perfect mo na yan! Tara tuloy na natin, next level ka na!

Panuto: Basahin ang mga clue sa bawat bilang. Tukuyin ang mga konseptong
inilalarawan sa pamamagitan ng pagpupuno ng wastong letra sa loob ng mga kahon.
1. Pagmamahal sa bayan.
N S N L M

2. Kasunduang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig.


V R L S

3. Pagkakampihan ng mga bansa.


Y N S

4. Panghihimasok ng makapangyarihang bansa sa mahinang bansa.


M P Y I S

5. Pagpapalakas ng mga bansang sandatahan ng mga bansa sa Europa.


M I T A M

Paksa: Ang Mga Nagkakaisang Bansa

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng malaking pagbabago sa


kasaysayan ng daigdig. Tinatayang halos 60 bansa ang naapektuhan ng digmaan at
higit na mas marami ang namatay kaysa sa Unang Digmaang Pandaigdig. Natigil ang
pagsulong ng ekonomiya ng lahat ng bansa dahil sa pagkasira ng agrikultura,

8- AP -Qtr 4-Week 5
ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 3

industriya, at transportasyon maging ang sistema ng pananalapi ng maraming bansa.


At upang hindi na maulit ang mga karahasang dinanas ng mga mamamayan sa buong
mundo sa panahon ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, humanap ng paraan
ang mga bansa upang tuluyan ng makamit ang kapayapaan, isa sa mga hakbang na
ginawa nila ay ang pagbubuklod ng mga bansa upang patatagin ang pagkakaisa sa
iisang layunin, ang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa mundo.

United Nations, ito ang pangalang ibinigay ni Pangulong Franklin Roosevelt ng


Estados Unidos noong 1941 sa mga bansang nakipag digmaan sa mga Axis Powers.
Isang nagsasariling pandaigdig na organisasyon na mayroong sariling watawat, may
sariling post office, at nag-iisyu ng sariling selyo at pasaporte. Ang katagang “United
Nations” ay unang ginamit bilang makasaysayang dokumento na pinamagatang
Declaration of the United Nations na nilagdaan ng 26 na bansa sa Washington D.C.
noong Enero 1, 1942.

Mga Hakbang na Nagdala sa Paglikha ng United Nations Organization

1. Moscow Conference (Oktubre 19 – Nobyembre 1, 1943)


Kumperensiyang dinaluhan ng BIG FOUR (Britain, Russia, US, at Nationalist
China) sa Moscow, Soviet Russia na nag isyu ng dokumentong “MOSCOW
DECLARATION” na nagtatakda ng pagtatayo sa lalong madaling panahon ng
isang “pangkalahatang pandaigdig na organisasyon” batay sa prinsipyo ng
nakatataas na pagkapantay-pantay ng lahat ng mapayapang bansa at buksan
sa lahat ng nagnanais na umanib para mapanatili ang pandaigdig na
kapayapaan at seguridad.
2. Dumbarton Oaks Conference (Agosto 21- Oktubre 7, 1944)
Kumperensyang dinaluhan ng Big Four sa Dumbarton Oaks, Washington
DC. Kung saan lumikha sila ng dokumento na tinawag na Dumbarton
Oaks Plan na siyang blueprint ng ipinanukalang pandaigdig na organisasyon.
3. Yalta Conference (Pebrero 4-11, 1945)
Kumperensiyang dinaluhan ng Big Three (US, Britain, Russia) sa Yalta sa
Crimea (Ukraine ngayon) kung saan lumikha ng dokumentong “Yalta
Declaration” na siyang nagdeklara sa intensiyon ng Allied:
a) Na sirain ang militarismo at nazismo ng Germany at upang
siguraduhin na hindi na ito manggugulo;
b) Parusahan ang lahat ng kriminal ng digmaan; at
c) Magpataw ng reparasyon sa mga Aleman sa lahat ng nasira ng
digmaan.
4. San Francisco Conference (Abril 25 – Hunyo 26, 1945)
Kumperensyang dinaluhan ng mga delegado ng 51 bansa (kabilang ang
Pilipinas) sa lungsod ng San Francisco, USA kung saan pagkatapos ng
dalawang buwang kumperensiya pinagtibay ang Tsarter (Saligang Batas) ng
United Nations na nilagdaan simula noong Hunyo 26, 1945 at si Heneral

8- AP -Qtr 4-Week 5
ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 4

Carlos P. Romulo na noon ay aide ni Pangulong Manuel L. Quezon ang


lumagda para sa Pilipinas.

UN Leaders of Major Allied Powers Meet at Yalta Bandila ng United Nations

Mga Layunin Ng United Nations

1. Upang mapanatili ang pandaigdig na kapayapaan at seguridad.


2. Upang paunlarin ang pagkakaibigan ng mga bansa, batay sa
pantay-pantay na karapatan ng lahat ng mga tao.
3. Upang makamit ang pandaigdig na pakikipagtulungan sa paglutas ng mga
suliranin ng sangkatauhan sa kabuhayan, lipunan, at pantao.
4. Upang tulungan ang mga bansa sa paggawa ng mga kasunduang
pangkapayapaan at pagkakaibigan.

Ang United Nations ay opisyal na isinilang noong Oktubre 24, 1945. Mula noon ang
ika – 24 ng Oktubre ay ipinagdiriwang taon-taon bilang “Araw ng mga Nagkakisang
mga Bansa”. Bawat nagsasariling bansa, ano man ang sukat at populasyon na
nagmamahal sa kalayaan ay kwalipikado. May dalawang uri ng miyembro nito:

1. mga miyembro ng tsarter – mga original na 51 na bansa, kabilang


dito ang Pilipinas.
2. mga regular na miyembro – mga bansa na umanib sa United
Nations.

Halos lahat ng bansa sa buong mundo ngayon ay kasapi ng UN at pawang mga


estadong hindi kinikilala bilang mga nakapag-iisang bansa ang hindi kasapi nito, gaya
ng Republic of China o mas kilala sa tawag na Taiwan. Ang ilan sa hindi miyembro ng
UN ngunit may observer status sa UN ay ang Vatican at ang estado ng Palestina. Sa
kasalukuyan, ang UN ay binubuo ng 193 miyembro na ang pinaka bagong kasapi nito
ay ang bansang Montenegro na nasa Timog-Silangan ng Europa.

Pangunahing mga Kinatawan ng United Nations

1. Secretariat ng mga Nagkakaisang Bansa (UN Secretary) - Ang secretary general


ay inihalal ng general assembly sa rekomendasyon ng security council at
manunungkulan ng 5 taon. Maaaring muling mahalal. Siya ay isang mahalagang
opisyal dahil pinamamahalaan niya ang lahat ng gawain ng United Nations.

8- AP -Qtr 4-Week 5
ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 5

2. Pangkalahatang Kapulungan ng mga Nagkakaisang Bansa (UN General


Assembly) - Kinikilala bilang “town meeting” ng daigdig dahil ito ay pandaigdig na
talakayan ng mga isyu. Binubuo ng lahat na kaanib na bansa na makapagdadala ng 5
delegado ngunit meron lamang isang boto. Nagpupulong taon-taon simula ng ikatlong
martes ng Setyembre. Ang mahahalagang tanong ay pinagpapasyahan ng 2/3 boto,
ang ordinaryong tanong ay boto lang ng mayorya.

3. Kapulungang Panseguridad ng mga Nagkakaisang Bansa (UN Security Council)


- Pinakamakapangyarihang sangay ng United Nations dahil ito ang namamahala sa
pagbabantay ng pandaigdig na kapayapaan at pagbabawas ng armas.

2 Sangay ng Security Council


a. Military Staff Committee – nagpapayo sa Security Council ng mga
bagay pangmilitar.
b. Disarmament Committee - ito ang nagnanais na magbawas ng mga
armas ang mga bansa at kontrolin ang mga sandatang nukleyar.

4. Pandaigdigang Hukuman ng Katarungan (International Court of Justice) - Ito


ang sangay panghukuman ng United Nations na nagpapasya sa mga kasong may
kinalaman sa alitan ng dalawang bansa.

5. Sangguniang Pang-Ekonomiko at Panlipunan ng mga Nagkakaisang Bansa (UN


Economic and Social Council) – Ito ay nangangasiwa sa mga bagay na may
kinalaman sa ekonomiya, lipunan, edukasyon, siyensya, at kondisyong
pangkalusugan ng daigdig.

6. Konseho ng Pagkakatiwala ng mga Nagkakaisang Bansa (UN Thrusteeship


Council) - Ito ang namamamahala sa mga trust territories na binubuo ng:

a. mga teritoryo sa ilalim ng League of Nations;


b. mga teritoryong kinuha mula sa Axis Powers pagkatapos ng WWII; at
c. mga teritoryong boluntaryong ipinasailalim sa Trusteeship Council.

Sa bahaging ito, pagtitibayin mo na ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. Inaasahan


ding kritikal mong masusuri ang mga konseptong napag-aralan mo.

UNITED NATIONS General Assembly sa New York

8- AP -Qtr 4-Week 5
ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 6

Gawain A: Batid ko!


Matapos mong basahin ang teksto ng ating aralin, ikaw ngayon ay
bubuo ng isang Descriptive Map patungkol sa United Nations. Isulat
sa bawat patlang ang detalye ng iyong kasagutan sa mga tanong na
nasa loob ng kahon.

Ano ang United Nations?

Kailan ito nagsimula?

Bakit naitatag ang UN?

UUnited
Paano ito itinatag?

Pumili ng isang pangunahing


kinatawan ng UN at tukuyin ang
gampanin nito.

Gawain B: Inside and Out

Panuto: Isulat sa loob ng mga hating-bilog ang layunin ng United Nations,


gayundin ang mabubuting naidulot ng organisasyon sa kahon na nasa
labas ng mga hating-bilog.

•mabuting •mabuting
naidulot naidulot

layunin layunin

layunin layunin

•mabuting •mabuting
naidulot naidulot

Pamprosesong Tanong:

1. Nakatulong ba ang mga layunin ng samahan upang tuluyang matapos ang


Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
2. Napanatili ba ng samahan ang pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa sa
daigdig? Sa paanong paraan?
3. Sa kasalukuyan, anong nakikita mong mga hakbang ang ginagawa ng samahan
upang maisulong ang kapayapaan sa daigdig?

8- AP -Qtr 4-Week 5
ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 7

Gawain C: 3-2-1 Sagot

Upang lubusan kong mabatid ang iyong pagka-unawa sa aralin, bigyang kasagutan
ang mga hinihingi ng bawat istruktura ng diyagram.

katanungan sa paksa na
mayroon ako sagot

mga konsepto sa aralin na


naging interesado ako sagot sagot

mga konsepto na sagot sagot sagot


natutunan ko sa aralin

 Ang United Nations ay isang organisasyon ng malalayang bansa


na binuo upang itaguyod ang kaunlaran at kapayapaang pandaigdig.
 May mga kaparaanan kung paano nilikha ang United Nations Organization
mula sa Moscow Conference noong 1943 hanggang sa San Francisco
Conference ng 1945.
 Isinilang ang United Nations sa San Francisco Opera House noong Oktubre 24,
1945.
 Binubuo ng anim na sangay ang United Nations, at ang secretary general ang
pinakamahalagang opisyal dahil pinamamahalaan niya ang lahat ng gawain ng
UN.

Tukoy-Tema
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung ang
bawat talata sa ibaba ay patungkol sa KAHULUGAN, LAYUNIN, SANGAY, HAKBANG
sa pagbuo ng UN. Isulat ang sagot sa inilaang patlang.
____________ 1. Kumperensiyang dinaluhan ng BIG FOUR (Britain, Russia, US, at
Nationalist China) sa Moscow, Soviet Russia na nag-isyu ng dokumentong
“MOSCOW DECLARATION”.
____________ 2. Isang dokumentong tinawag na DUMBARTON OAKS PLAN na
siyang blueprint ng ipinanukalang pandaigdig na organisasyon.
___________ 3. Nagnanais na tulungan ang mga bansa sa paggawa ng mga
kasunduang pangkapayapaan at pagkakaibigan.
____________4. Naghahangad na makamit ang pandaigdig na pakikipagtulungan sa
paglutas ng mga suliranin ng sangkatauhan sa kabuhayan, lipunan, at pantao.

8- AP -Qtr 4-Week 5
ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 8

____________5. Kinikilala bilang “town meeting” ng daigdig dahil ito ay pandaigdig


na talakayan ng mga isyu.
____________6. Ito ang namamahala sa pagbabantay ng pandaigdig na kapayapaan
at pagbabawas ng armas.
____________7. Ito ang namamahala sa mga trust territories na binubuo ng mga
teritoryo sa ilalim ng League of Nations.
____________8. Ang pandaigdigang organisasyon na ipinalit sa League of Nations.
____________9. Ang dahong Oliba sa bandila ng UN ay sumasagisag sa kapayapaan.
___________10. Ang kumperensyang dinaluhan ng Big Three na lumikha ng
intensyon ng Allied laban sa Axis.

Panuto: I. Suriin ang bawat kahulugan sa katanungan at isulat mo ang titik ng


tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ang nangangasiwa sa mga bagay na may kinalaman sa ekonomiya, lipunan,


edukasyon, siyensya, at pangkalusugan ng daigdig.
A. Economic and Social Council B. Trusteeship Council
C. Court of Justice D. Security Council

2. Saan idinaraos ang mga sessions ng international Court of Justice?


A. New York City B. San Francisco, USA
C. The Hague, Netherlands D. Washington DC

3. Ito ang sangay panghukuman ng UN na nagpapasya sa mga kaso ng alitan ng mga


bansa.
A. International Court of Justice B. Secretary General
C. Secretariat D. Yalta Convention

4. Bakit itinuturing na pinakamakapangyarihang sangay ng UN ang Security Council?


A. Dahil ito ang nagbabantay sa pandaigdig na kapayapaan at pagbabawas ng
armas.
B. Dahil ginawa nila ang dokumento ng League of Nations
C. Dahil nilagdaan ito ng 26 na bansa
D. Dahil ito ang nagpapayo sa mga nag-aalitang bansa

5. Sino ang kasalukuyang Secretary General ng UN?


A. Ban Ki-moon B. Kofi Anan C. U Thent D. Antonio Guterres

6. Sinong pangulo ang nagbigay ng pangalang United Nations?


A. Carlos P. Romulo B. Franklin D. Roosevelt
C. Arthur McArthur D. Benjamin Franklin

7. Sino-sino ang tinutukoy na Big Three sa Yalta Conference?


A. US, Britain, at Russia B. Japan, Germany, at Netherlands
C. Russia, China, at Japan D. North Korea, Japan, at China

8- AP -Qtr 4-Week 5
ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 9

8. Bakit itinatag ang United Nations?


A. Upang mapanatili ang pandaigdig na kapayapaan at seguridad.
B. Upang paunlarin ang pagkakaibigan ng mga bansa, batay sa pantay-pantay
na karapatan ng lahat ng mga tao.
C. Upang makamit ang pandaigdig na pakikipagtulungan sa paglutas ng mga
suliranin ng sangkatauhan sa kabuhayan, lipunan, at pantao.
D. Lahat ng nabanggit.

9. Alin sa mga sumusunod na sangay ng UN ang maaaring magpataw ng mga


pagbabawal parusa o pahintulutan ang paggamit ng puwersa?
A. General Assembly B. Secretary General
C. International Court of Justice D. Supreme Court

10. Bakit mahalagang opisyal ang secretary general ng United Nations?


A. Dahil pinamamahalaan niya ang lahat ng gawain ng UN.
B. Dahil sinusubaybayan niya ang mga teritoryong kinuha mula sa Axis
Powers.
C. Dahil may kinalaman siya sa mga bagay na pang edukasyon at kalusugan ng
Daigdig.
D. Dahil nagdadaos ito ng session sa United Nations office.

Binabati kita! Nasa huling yugto ka na ng ating modyul. Salamat sa pagsisikap


mo na matapos ang lahat ng gawaing iniatang sa iyo. Ngayon naman ay pagtitibayin
mo ang iyong sarili sa pagkakataong makagawa ng natatanging obra ng iyong pagiging
malikhain. Ikaw ay gagawa ng isang Brochure na nagpapakita ng pagsusulong ng
pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan sa daigdig ngayong panahon
ng pagkalat ng pandemya dulot ng COVID19. Sundin ang pamantayan sa rubrik na
ibibigay ng guro sa paggawa ng Brochure.

8- AP -Qtr 4-Week 5
ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 10

PALASAGUTANG PAPEL- WEEK 5


Pangalan_________________________________________Petsa: _________________
Pangkat ________ Guro ____________________________Iskor: _________________
ARALIN 3:

Paunang Pagususulit. Panuto: Isulat ang tamang sagot sa bawat bilang.


1. 2. 3. 4. 5.
Balik Tanaw. Panuto: Basahin ang mga clue sa bawat bilang. Tukuyin ang mga
konseptong inilalarawan sa pamamagitan ng pagpupuno ng wastong letra sa loob ng
mga kahon.
1.
2.
3.
4.
5.

Gawain A: Batid ko!


Panuto: Isulat sa bawat patlang ang detalye ng iyong kasagutan sa mga tanong na
nasa loob ng kahon.
1. Ano ang United Nations? ___________________________________________________
___________________________________________________________________________________

2. Kailan ito nagsimula? _____________________________________________________


___________________________________________________________________________________

3. Bakit naitatag ang UN? _______________________________________________________


_____________________________________________________________________________________

4. Paano ito naitatag? ________________________________________________________


_________________________________________________________________________________

5 Pumili ng isang pangunahing kinatawan ng UN at tukuyin ang gampanin nito.


___________________________________________________________________________________

Gawain B: Inside and Out

Panuto: Isulat sa loob ng mga hating-bilog ang layunin ng United Nations, gayundin ang

mabuting naidulot ng organisasyon sa kahon na nasa labas ng mga hating-bilog.

•mabuting naidulot •mabuting naidulot

Layuni Layuni
n n

Layuni
Layunin
Layuni
mabuting naidulot n n
mabuting naidulot

8- AP -Qtr 4-Week 5
ARALING PANLIPUNAN 8-IKAAPAT NA MARKAHAN 11

Pamprosesong Tanong:

1. Nakatulong ba ang mga layunin ng samahan upang tuluyang matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig? ____________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Napanatili ba ng samahan ang pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa sa daigdig?
Sa paanong paraan? ______________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
3. Sa kasalukuyan, anong nakikita mong mga hakbang ang ginagawa ng samahan upang
maisulong ang kapayapaan sa daigdig? _____________________________________________
____________________________________________________________________________________

Gawain C: 3-2-1 Sagot: Bigyang kasagutan ang mga hinihingi ng bawat struktura
ng diyagram.

katanungan sa paksa sagot


na mayroon ako

mga konsepto sa aralin na


naging interesado ako sagot sagot

mga konsepto na
sagot sagot sagot
natutunan ko sa
aralin

PAG-ALAM SA NATUTUHAN

Tukoy-Tema
Panuto: Basahin mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung ang bawat
talata ay patungkol sa KAHULUGAN, LAYUNIN, SANGAY, HAKBANG sa pagbuo ng UN.
Isulat ang sagot sa inilaang patlang.
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.
PANGHULING PAGSUSULIT

Suriin ang bawat kahulugan sa katanungan at isulat mo ang titik ng tamang sagot.

1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9

5. 10.

PAGNINILAY

Ikaw ay gagawa ng isang Brochure na nagpapakita ng pagsusulong ng pandaigdigang


kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan sa daigdig ngayong panahon ng pagkalat ng
pandemya dulot ng COVID19.

8- AP -Qtr 4-Week 5

You might also like