Ap9 Q1 M17

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Unang Markahan – Modyul 17: Mga Batas na Nagtataguyod ng Karapatan ng Mamimili


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Grace M. Alegre
Editor/Tagasuri: Arnaldo A. Santos at Nora H. Talag
Tagasuri: Maricel F. Azcarraga

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling Panlipunan 99
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 17
Mga Batas na Nagtataguyod ng
Karapatan ng Mamimili
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul
17 para sa araling Mga Batas na Nagtataguyod ng Karapatan ng Mamimili!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Modyul 17 ukol sa


Mga Batas na Nagtataguyod ng Karapatan ng Mamimili!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto. 

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN
Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:

1. Naisa-isa ang mga batas na nagtataguyod ng karapatan ng mamimili;


2. Nasuri ang mga batas na gumagabay sa karapatan ng mamimili; at
3. Nabigyang halaga ang mga batas na nagtataguyod ng karapatan ng
mamimili.

PAUNANG PAGSUBOK

EMOTICONS
PANUTO: Piliin ang masayang mukha kapag tama ang isinasaad ng
pangungusap at malungkot na mukha kung mali. Isulat sa sagutang papel
ang iyong napiling sagot.

1. Ang pagtatakda ng presyong ito ay para sa kapakanan ng


mamimili laban sa mga mapangabuso na mga negosyante.

2. Ang ahensya ng pamahalaan na nagbibigay seguridad na


ang suplay ng bigas at pagkain ay sapat sa bansa.

3. Ang batas na nagtataguyod na marinig ang mga hinaing at


reklamo ng mga mamimili.

4. Ang batas na may kinalaman sa karapatang-ari ay ang


Intellectual Property Code.

5. Ang batas na tinawag ding batas sa Price Tag.

BALIK-ARAL
Anu-ano ang mga karapatan ng mamimili? Thumbs Up, Thumbs Down!

Panuto: Piliin ang kung tama ang sagot at kapag mali. Bilugan ang
napiling tamang sagot.

1. Ang karapatan sa pagpili ay karapatan ng mamimili na


nagsasaad na “the customer is always right.”
2. Ang Bureau of Food and Drugs ay namamahala sa pagtanggap ng
mga reklamo ukol sa madadayang timbangan.
3. Ang karapatan na magkaroon ng tamang edukasyon ay
karapatan ng mamimili na dapat dumalo sa mga seminar o
pagpupulong.
4. Ang katiyakang ligtas at mapangalagaan ka laban sa mga
produkto na makasasama sa kalusugan mo ay nakapaloob sa
karapatan sa maayos at malinis na kapaligiran.
5. Ang Department of Trade and Industry (DTI) ang pangunahing
ahensya na tumatanggap ng mga reklamo laban sa mga
mapanlinlang na mga negosyante.

ARALIN
Mga Batas na Nangangalaga Sa Kapakanan ng Mamimili
Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines) - batas na
nagtatadhana ng mga pamantayang dapat sundin sa pagsasagawa at mga
operasyon ng mga negosyo at industriya. Binigyang pansin ang sumusunod:
a. Kaligtasan at proteksyon ng mga mamimili laban sa panganib sa
kalusugan at kaligtasan.

b. Proteksyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang gawaing


may kaugnayan sa operasyon ng mga negosyo at industriya.

c. Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mga mamimili.

d. Representasyon at kinatawan ng mga samahan ng mamimili sa


pagbabalangkas at pagbuo ng mga patakarang pangkabuhayan at
panlipunan.
Republic Act 6675 (Generics Act of 1988) – paggamit ng generic name sa
pag-aangkat, pagmamanupaktura at pagreserba ng mga gamot, layunin nito
na magkaroon ng sapat na suplay ng gamot na may pinakamababang
presyo.
Act No. 3740 – nakapaloob sa batas na pinananagot ang sinumang
gumagamit ng huwad na promosyon upang maibenta ang produkto at mga
mapanlinlang na anunsyo.
Atas Ng Pangulo Blg. 4 (Presidential Decree No. 4, s. 1972) - batas na
nagtatag ng National Grains Authority. Itinatag upang mamahala sa pagbili
ng mga inaning palay at bigas ng mga magsasaka at ipagbili sa murang
halaga sa mga mamimili. Pinalitan ito ng National Food Authority (NFA)
upang maging matatag ang suplay ng pagkain at bigas sa bansa.
Republic Act No. 71 (Batas sa Price Tag) – batas na nagsasabing ang mga
retailers ay dapat maglagay ng panandang presyo sa kanilang mga
tinitindang produkto. Makakatulong ito sa pagbabantay ng presyo ng
pamahalaan kung sumusunod ang mga negosyante at tindera sa itinakdang
presyo at sa suggested retail price (SRP). Ang ibang kompanya naman ay
gumagamit ng bar code upang palatandaan ng presyo ng produkto.
Artikulo Blg. 1546 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas - nakapaloob sa
artikulong ito ang batas sa pagbebenta at nagbibigay-garantiya sa mga
mamimili na walang nakatagong pinsala at depekto ang mga ibenebentang
produkto.
Republic Act No. 8293 (Intellectual Property Code) - mahigpit na
ipinagbabawal ang panggagaya o paggamit ng tatak, lalagyan, pambalot, at
pangalan ng mga rehistradong kompanya.
Grapikong paglalarawan ukol sa mga batas na nangangalaga sa kapakanan
ng mamimili.

MGA PAGSASANAY

GAWAIN: Uriin ang mga gawain ng mamimili. Isulat ang K kung karapatan
at T kung tungkulin ng mamimili ang isinasaad ng mga pangungusap.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Nabasa mong expired na ang juice na de lata kaya ipinaalam mo sa


kahera ng paborito mong convenient store.
2. Nagsuplong ang mommy mo sa munisipyo dahil mali ang timbang
sa mga nabili nyang wholesale na gulay.
3. Kinukumpara mo ang presyo sa iba’t ibang online shopping bago
ka mag-order ng produkto na gusto mo.
4. Pinapalitan mo ang depektibong rubber shoes na nabili mo sa
isang department store na nag-sale.
5. Sinusuri mong mabuti kung sariwa ang prutas na binibili mo.
PAGLALAHAT

GAWAIN: Ibigay ang mga batas na nangangalaga sa kanyang kapakanan


bilang mamimili. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Upang itaguyod ang kagalingan ng konsyumer, ang pamahalaan ay
nagtatag ng mga batas na gagabay at magbibigay proteksyon sa kanya
bilang isang mamimili. Anu-ano ang mga batas na ito?

BATAS SA
MAMIMILI
MAMIMILI

PAGPAPAHALAGA

Bakit mahalaga na sundin ang mga batas para sa mamimili? Ano ang
epekto sa mamimili ng mga batas na ito?
Panuto: Punan ang talata ng angkop na pangungusap upang mabuo ang
epekto ng mga batas sa iyo bilang mamimili.

May kasabihan na “the law excuses no one” kaya ang batas sa


mamimili ay mahalaga sa lipunan upang maayos ng mamimili ang kanyang
tungkulin at pananagutan. Upang maisakatuparan ang kanyang tungkulin
at pananagutan ay marapat lamang _______________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
PANUTO: Gamitin ang kaalaman ukol sa mga batas na gumagabay sa
mamimili. Piliin ang tamang sagot sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa guhit bago ang bilang.
1. Ang batas na nagbabawal ng panggagaya o paggamit ng tatak ng
mga rehistradong kompanya.
2. Ang tawag sa pananda na ikinakabit sa mga produkto upang
malaman ang presyo nito.
3. Ang batas na ito ay itinadhana sa Batas Republika Blg. 7394.
4. Ang batas na kinapapalooban ng proteksyon laban sa katiwalian
ng mga negosyante.
5. Ang batas na may kinalaman sa Intellectual property rights.
6. Ang batas na tinawag ding Batas sa Price Tag.
7. Ang ahensya ng pamahalaan na nagbibigay ng seguridad na sapat
ang suplay ng pagkain at bigas sa bansa.
8. Ang pagtatakda ng presyong ito ay para sa kapakanan ng mga
mamimili laban sa mga mapagsamantalang negosyante.
9. Ang batas na nagtataguyod na marinig ang mga hinaing at reklamo
ng mga konsyumer.
10. Ang ibang kompanya ay gumagamit nito upang pananda sa
kanilang presyo ng paninda.

Pagpipiliang sagot:

a. Price tag
b. Republic Act No. 71
c. Republic Act 8293
d. Suggested Retail Price
e. Consumer Act of the Philippines
f. Batas Republika Blg. 8293
g. Batas Republika Blg. 7394
h. Batas Republika blg. 6675
i. National Food Authority
j. Bar code
I. Paunang Pagsubok:
PILIIN ANG NAAANGKOP NA SAGOT.
II. Balik-Aral:
Anu-ano ang mga karapatan ng mamimili?
III. Pagsanay: Isulat ang K kung karapatan at T
Kung tungkulin.
K
T
K
K
T
IV. Gawain: Paglalahat
Republic Act 6675
Act No. 3740
Atas Ng Pangulo Blg. 4
Republic Act No. 71
Republic Act No. 8293
Artikulo Blg. 1546 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas
IV. Panapos Na Pagsusulit
1. F6. B
SUSI SA PAGWAWASTO
2. A7. I
3. E8. D
4. H9. G
5. C10. J
SANGGUNIAN
Bernard R. Balitao, Martiniano D. Buising, Edward D.J. Garcia, Apollo D.
De Guzman, Juanito L. Lumibao Jr., Alex P. Mateo, at Irene J. Modejar.
2015. Ekonomiks, Modyul para sa Mag-aaral. Quezon City: Vibal Group Inc.

Bernard R. Balitao at Julia D. Rillo. Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad


Makabayan Serye. 2004. Quezon City: Vibal Publishing Inc.

Consuelo M. Imperial, Eleonor D. Antonio, Evangeline M. Dallo, Maria


Carmelita B. Samson, Celia D. Soriano. Kayamanan Ekonomiks, Binagong
Edisyon 2017. 2018. Quezon City, Rex Printing Company.

You might also like