Christmas Eve Mass

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

Pagmimisa sa Hatinggabi ng Pasko ng

Pagsilang ng ating Panginoon


PAGMIMISA SA HATINGGABI NG PASKO NG PAGSILANG 1

PAGMIMISA SA HATINGGABI NG PASKO NG PAGSILANG


NG ATING PANGINOON
Pagkatapos magprusisyon ng mga tagapaglingkod at ng pari ay yuyuko ang lahat sa harap ng dambana.
Pagkatapos, iinsensuhan ng pari ang dambana. Matapos nito, magsisimula ang banal na pagdiriwang.

Paring Tagapagdiwang:
Sa Ngalan ng Ama + at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Sasagot ang mga tao:
Amen.

Paring Tagapagdiwang:
Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo,
ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo
nawa’y sumainyong lahat.
Sasagot ang mga tao:
At sumaiyo rin.

Paring Tagapagdiwang:
Mga kapatid,
bilang isang pamayanan,
tayo ay natitipon nang may malaking kagalakan
sapagkat atin na ngayong ipinagdiriwang
ang ating pinakahihintay –
ang Pasko ng Pagsilang ng ating Panginoon.
Ating ilahad ngayon sa Nagkatawang-taong Manunubos
ang ating mga pagpupuri at pasasalamat
habang ating inaalala ang gabi ng Kanyang kapanganakan.

At upang tayo ay maging marapat gumanap


sa Banal na Pagdiriwang na ito,
aminin natin ang ating mga kasalanan
at humingi tayo sa Diyos
ng awa at habag.
PAGMIMISA SA HATINGGABI NG PASKO NG PAGSILANG 2

Magkakaroon ng sandaling katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na aamin sa nagawang


kasalanan. Ito ay pangungunahan ng paring namumuno sa pagdiriwang:

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos


at sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala

Ang lahat at dadagok sa dibdib.

sa isip, sa salita, sa gawa


at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko
sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid,
na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
Ipahahayag ang pagpapatawad.

Paring Tagapagdiwang:
Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,
patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Isusunod ang pagluhog na, “Panginoon, kaawaan mo kami.”

P. Panginoon, kaawaan mo kami. B. Panginoon, kaawaan mo kami.


P. Kristo, kaawaan mo kami. B. Kristo, kaawaan mo kami.
P. Panginoon, kaawaan mo kami. B. Panginoon, kaawaan mo kami.

Aawitin ng lahat ang Papuri sa Diyos. Minamainam napatunugin ang mga kampana habang ito'y inaawit.

Papuri sa Diyos sa kaitaasan


at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin
PAGMIMISA SA HATINGGABI NG PASKO NG PAGSILANG 3

dahil sa dakila mong angking kapurihan.


Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagka’t ikaw lamang ang banal
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.
Pagkaraan ng awit, ipahahayag ng pari ang panalanging pambungad.

PANALANGING PAMBUNGAD

Paring Tagapagdiwang:
Manalangin tayo.
Ama naming makapangyarihan,
pinasikat Mo sa gabing ito
ang sinag ng Iyong liwanag na totoo.
Pasikatin Mo sa amin ang Iyong liwanag sa kalangitan
na ngayo’y aming pinatutuloy sa aming pamumuhay
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Ang mga pagbasa ay hahanguin sa Aklat ng Salita ng Diyos/Leksiyunaryo. Pagkatapos ng mga pagbasa,
ipahahayag naman ng pari ang Ebanghelyo. Matapos ang mga pagbasa at homiliya ng paring
tagapagdiwang, ipahahayag ng lahat ang Credo o Sumasampalataya.
PAGMIMISA SA HATINGGABI NG PASKO NG PAGSILANG 4

Sumasampalataya ako
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Luluhod ang lahat habang ipinahahayag ang mga sumusunod:

Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,


ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Magsisitayo ang lahat at ipagpapatuloy ang pagpapahayag.

Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,


ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit.
Naluluklok sa kanan
ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto
at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako
sa Diyos Espiritu Santo,
sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao
at sa buhay na walang hanggan.
Amen.
PAGMIMISA SA HATINGGABI NG PASKO NG PAGSILANG 5

Panalangin ng Bayan
Pari: Sa gabing ito, mga mahal na kapatid ko, ngayong ipinahahayag ng
Poong Tagapagligtas ang pag-ibig Niyang makatao, halinang
dumalangin sa ating Diyos at magmakaawa tayo nang may pagtitiwala
sa pagkamaawain Niyang totoo. Sa bawat kahilingan, ang ating
itutugon:
O DIYOS NA MAPAGMAHAL, KAMI'Y IYONG PAKINGGAN.
Lektor: Para sa sambayanan ng poong Maykapal, upang ang ipinaglihi
ng Mahal na Birhen sa tugon niyang bigay at ang ipinanganak niya sa
hatinggabing tigib katahimikan ay ating tanggapin nang may tiwala at
patuluyin nang may kagalakan. Manalangin tayo sa Panginoon.
O DIYOS NA MAPAGMAHAL, KAMI'Y IYONG PAKINGGAN.
Lektor: Para sa kaunlaran at kapayapaan ng sanlibutan, upang ang lahat
ng bigay ng Poong Maykapal ay humantong sa pagkakamit ng tanan sa
gantimpalang kanyang inilaan. Manalangin tayo sa Panginoon.
O DIYOS NA MAPAGMAHAL, KAMI'Y IYONG PAKINGGAN.
Lektor: Para sa mga nasa kagutuman, karamdaman, at kapanglawan,
upang ang nagaganap na pagpapakita ng Mesiyas na sumilang ay
magdulot ng lakas ng loob, sigla, at kalusugan. Manalangin tayo sa
Panginoon.
O DIYOS NA MAPAGMAHAL, KAMI'Y IYONG PAKINGGAN.
Lektor: Para sa mga mag-anak ng ating Sambayanan, upang sa
pagtanggap kay Kristong nanunuluyan siya'y matutuhang paglingkuran
ng mga bata at magulang sa katauhan ng mga nasa karalitaan.
Manalangin tayo sa Panginoon.
O DIYOS NA MAPAGMAHAL, KAMI'Y IYONG PAKINGGAN.
Pari: Ama naming makapangyarihan, kami'y naninikluhod na Iyong
pagbigyan sa mga kahilingan naming ang Tagapag-alay ay ang Diyos
na totoo at tao namang totoo ngayo'y isinilang ang Panginoon naming
si Hesukristo na namamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen.
PAGMIMISA SA HATINGGABI NG PASKO NG PAGSILANG 6

Pagdiriwang ng Huling Hapunan


Matapos ang panalanging pangkalahatan ay pasisimulan ang pagdiriwang ng huling hapunan.
Pagkatanggap ng pari ng mga alay mula sa sambayanan, siya ay babalik sa dambana. Pagkatapos, tatayo
ang pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan kasama ang tinapay nang bahagyang
nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong.

Paring Tagapagdiwang:
Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
Para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Ilalapag ng pari ang pingga’t tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kung hindi ginaganap ang awit sa pag-aalay, tutugon ang mga tao matapos ang pananalangin:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!


Ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang pabulong.

Paring Tagapagdiwang:
Sa paghahalong ito ng alak at tubig
Kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
Na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng pari ang kalis na bahagyang nakaangat sa dambana
habang dinarasal niya nang pabulong.

Paring Tagapagdiwang:
Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa
ang alak na ito para maging inuming
nagbibigay ng iyong Espiritu.
Ilalapag ng pari ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kung hindi ginaganap ang awit sa pag-aalay, tutugon ang mga tao matapos ang pananalangin:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!


Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya nang pabulong.
PAGMIMISA SA HATINGGABI NG PASKO NG PAGSILANG 7

Paring Tagapagdiwang:
Diyos Amang lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.
Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang dambana; pagkaraa’y iinsensuhan ng
diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.

Pagktatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay samantalang
pabulong na dinarasal.

Paring Tagapagdiwang:
O Diyos kong minamahal, kasalanan ko’y hugasan
at linisin mong lubusan ang nagawa kong pagsuway.
Pagkabalik niya sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga tao at muling
pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag ang mga sumusunod.

Paring Tagapagdiwang:
Manalangin kayo, mga kapatid,
upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.
Sasagot ang mga tao:
Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain
sa iyong mga kamay; sa kapurihan niya at karangalan,
sa ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Paring Tagapagdiwang:
Ama naming Lumikha,
kalugdan Mo ang paghahain ngayong Pasko ng pagsilang.
Sa pagpapalitang ito ng Iyong kaloob at aming handog
Ang Anak Mong umako sa aming kaabahan
Ay siya nawang magparangal sa ami’t magtampok
bilang Tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao:


Amen.
PAGMIMISA SA HATINGGABI NG PASKO NG PAGSILANG 8

PAGBUBUNYI O PREPASYO SA PASKO NG PAGSILANG


Si Kristo ang Ilaw

P. Sumainyo ang Panginoon.


B. At sumaiyo rin.
P. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
B. Itinaas na namin sa Panginoon.
P. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
B. Marapat na siya ay pasalamatan.

Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.

Ang Anak Mong 'di na naiiba sa amin


ay siyang pumawi sa dilim
kaya ngayo'y ikaw ang aming nababanaagan.
Ang Anak Mong 'di naiiba sa Iyo ay siyang iisang Salita Mo.
Sa katauhan Niya ang Iyong sarili'y aming nakikita.
Sa pamamagitan Niya ang Iyong pag-ibig ay kahali-halina
kahit ikaw ay lingid sa aming mata.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo…


PAGMIMISA SA HATINGGABI NG PASKO NG PAGSILANG 9

UNANG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT O


PAMANTAYANG PANALANGIN NG ROMA
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.
Ama naming maawain,
ipinaabot namin ang pasalamat sa Iyo
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin ng pari ang kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang
kanyang dinarasal ang mga sumusunod:

Ipinakikiusap namin sa pamamagitan ng Anak Mong ito


na ang mga kaloob namin ay tanggapin at basbasan Mo
sa pagdiriwang namin ng paghahain Niya sa Iyo.
Nakalahad ang mga kamay ng par isa pagdarasal.

Iniaalay namin ito sa Iyo, unang-una


para sa Iyong banal na Simbahang Katolika.
Pagkalooban Mo ng kapayapaan at pagkupkop,
pagkakaisa at pagtataguyod,
ang mga kaanib nito sa sansinukob,
kaisa ng aming Papa Francis na iyong lingkod,
kasama ng aming Obispo Francisco,
ni Nolly, na kanyang katuwang na Obispo,
at ng lahat ng nananalig at nagpapalaganap
sa pananampalatayang Katoliko
na galing sa mga apostol.
Pag-alala sa mga nabubuhay sa daigdig.

Ama namin, Iyong alalahanin


Ang iyong mga anak ng ngayo’y aming idinadalangin: N. at N.
Ang aming pananampalataya ay nababatid Mo
gayundin ang pagsisikap naming maging tapat sa Iyo.
Ang paghahaing ito ng pagpupuri ay aming iniaalay
para sa kapakanan namin at ng mga mahal namin sa buhay.
para sa aming kalusugan at walang hanggang kaligtasan
sa pagdulog namin sa iyong kadakilaan,
Diyos na totoo at nabubuhay kaylan man.
PAGMIMISA SA HATINGGABI NG PASKO NG PAGSILANG 10

Tanging Pagbanggit sa Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Pagsilang

Kaisa ng buong Simbahan ipinagdiriwang namin sa gabing ito


ang dakilang kapistahan ng Pasko ng Pagsilang
ng Tagapagligtas sa sanlibutan,
noong Siya’y ipinanganak ni Santa Maria
na nagdalang-tao at nanatili pa ring Birhen.
Pinararangalan namin ngayon, unang-una
ang Ina ng Diyos at Panginoon naming Hesukristo,
si Maria na maluwalhating laging Birhen:
+ gayundin ang kanyang kabiyak ng pusong si San Jose,
ang iyong pinagpalang mga apostol at martir
na sina Pedro, Pablo, at Andres
(sina Santiago, Juan, Tomas,
Santiago, Filepe, Bartolome, Mateo,
Simon at Tadeo;
gayundin sina Lino, Cleto, Clemente, Sixto,
Cornelio, Cipriano, Lorenzo, Crisogono,
Juan at Pablo, Cosme at Damian)
at ang lahat ng iyong mga banal.
Pakundangan sa kanilang ginawang mga kabutihan
at walang sawang pagdalangin
para sa aming kapakanan,
kami ay lagi mong kalingain
at ipagsanggalang.

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)


Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

Ama namin, Iyong tanggapin


ang handog na ito ng iyong buong angkan.
Loobin mong kami’y makapamuhay
araw-araw sa Iyong kapayapaan.
Huwag mo kaming ipahintulot na kami ay mawalay
Sa Iyo kaylan pa man.
Ibilang mo kami sa Iyong mga hinirang.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)


PAGMIMISA SA HATINGGABI NG PASKO NG PAGSILANG 11

Lulukuban ng mga kamay ng pari ang mga alay habang siya’y nagdarasal.

Ama namin, basbasan Mo


ang mga handog naming ito.
Marapatin Mong sambahin ka namin
sa Espiritu at katotohanan,
kaya para sa amin
ito ay gagawin mong maging Katawan at Dugo
ng pinakamamahal mong Anak,
ang aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw at
nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Noong bisperas ng Kanyang pagpapapkasakit,


Hahawakan ng pari ang tinapay na bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang
patuloy na inihahayag:

Hinawakan Niya ang tinapay


sa kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay.
Ang pari ay titingala.

Tumingala Siya sa langit,


sa Iyo, Diyos Ama Niyang makapangyarihan,
at nagpasalamat Siya sa Iyo.
Pinaghati-hati Niya ang tinapay,
iniabot sa Kanyang mga alagad at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa pinggan, at
luluhod siya bilang pagsamba.
PAGMIMISA SA HATINGGABI NG PASKO NG PAGSILANG 12

Ang pari ay magpapatuloy.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy
na inihahayag:

hinawakan Niya ang kalis na ito ng pagpapala


sa Kanyang banal at kagalang-galang na mga kamay,
muli Ka Niyang pinasalamatan,
iniabot Niya ang kalis sa Kanyang mga lagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang pari:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.


Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod siya
bilang pagsamba,

Pagkatapos, ipapahayag ng pari:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


Ang mga tao ay magbubunyi:

Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

Ama,
kaming mga lingkod at bumubuo sa Iyong bayang banal
ay nagdiriwang sa alaala ni Kristo
na Iyong Anak at aming Panginoon.
PAGMIMISA SA HATINGGABI NG PASKO NG PAGSILANG 13

Ginugunita namin ang Kanyang dakilang pagpapakasakit


ang pagbangon Niya mula sa kamatayan,
at ang matagumpay na pag-akyat Niya sa kalangitan.
Kaya mula sa mga biyayang sa Iyo rin nanggaling
inihahandog namin sa Iyong katas-taasang kamahalan
ang paghahaing ito na katangi-tangi at dalisay:
ang pagkaing nagbibigay-buhay kaylan man
at ang inuming nagbibigay-kagalingang walang katapusan.
Masdan Mo nang buong kasiyahan ang aming mga alay na ito.
Ganapin Mo sa mga ito ang ginawa Mo
sa mga handog ni Abel, ang lingkod na matapat sa Iyo,
sa paghahain ni Abraham, na ama namin
sa pananampalatayang totoo,
at sa inihandang tinapay at alak ni Melkisedek,
na paring hirang mo.
Paunlakan mo ngayong tanggapin
ang banal at dalisay na paghahain.
Yuyuko ang pari at magdarasal siyang magkadaop ang mga kamay:

Makapangyarihang Diyos,
hinihiling naming Iyong ipaakyat sa banal Mong anghel
ang mga alay na ito sa dakilang dambanang nasa Iyong harap
upang sa pagsasalo sa banal na Katawan at Dugo ng Iyong Anak
sa pakikinabang namin ngayon dito sa banal Mong hapag
Tatayo nang tuwid ang pari at magkukrus samantalang nagdarasal.

kami ay mapuspos ng Iyong pagpapala at tanang pagbabasbas.

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)


Pag-alala sa mga yumao sa daigdig.

Nakalahad ang mga kamay ng par isa pagdarasal.

Ama namin, Iyo ring alalahanin


ang mga anak Mong naunang yumao sa amin
sa paghimlay sa Iyong kapayapaan
yamang ang tatak ng pananampalataya ay kanilang taglay
at sila ngayo’y aming ipinagdarasal:
N. at N.
PAGMIMISA SA HATINGGABI NG PASKO NG PAGSILANG 14

Sila’y saglit na ipagdarasal ng pari nang may magkadaop na mga kamay. Pagkatapos, ang pari ay patuloy
na magdarasal nang nakalahad ang mga kamay.

Sila at ang tanan na nahihimlay sa kandungan ni Kristo


ay aming idinadalangin sa Iyo
upang Iyong pagbigyang makarating
sa pagsasalo, pagliliwanag at pamamahinga sa Iyong piling.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

(Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.)


Dadagukan ng kanang kamay ng pari ang kanyang dibdib habang siya ay nagsisimulang magdasal.

Kahit kami ay mga makasalanan Mong lingkod


Patuloy na magdarasal ang pari nang nakalahad ang mga kamay:

kami rin ay nagtitiwala ay nagtitiwala


sa Iyong nag-uumapaw na pagkamapagbigay
sa aming pamumuhay araw-araw.
Kaya pagindapatin Mo ring kami ay makaugnay at makapiling
ng Iyong mga banal na apostol at martir,
kasama nina Juan Bautista, Esteban,
Matias, Bernabe, (Ignacio, Alejandro,
Marcelino, Pedro, Felicidad, Perpetua,
Agata, Lucia, Agnes, Cecilia, Anastasia)
at ng lahat ng iyong mga banal.

Kami nawa'y makapisan nila


hindi dahil sa aming ginagawang kabutihang kulang na kulang
kundi pakundangan sa Iyong pagpupuno sa aming kakulangan.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo.


At patuloy siyang magdarasal:

Sa Kanyang pamamagitan ang tanang


mabubuting kaloob Mong ito
ay lagi mong pinaiiral, pinababanal,
PAGMIMISA SA HATINGGABI NG PASKO NG PAGSILANG 15

binubuhay, binabasbasan
at sa amin ibinibigay.
Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis at kapwa niya itataas
habang ipinaphayag:

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama Niya, at sa Kanya,


ang lahat ng parangal at papuri ay sa Iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen!
PAGMIMISA SA HATINGGABI NG PASKO NG PAGSILANG 16

ANG PAKIKINABANG

Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang magkadaop ang mga kamay:

Paring Tagapagdiwang:
Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos
at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat:

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang kamay ng pari sa pagdarasal:

Paring Tagapagdiwang:
Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan sa araw-araw,
iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan,
samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw
ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitong
pagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman! Amen.
PAGMIMISA SA HATINGGABI NG PASKO NG PAGSILANG 17

Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Paring Tagapagdiwang:
Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


Sasagot ang mga tao:
Amen.
Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng kanyang mga kamay sa pagpapahayag:
Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.
Sasagot ang mga tao:
At sumaiyo rin.
Maidaragdag, kung minamabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o pari:

Paring Tagapagdiwang (o Diyakono):


Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.
Matapos mabigayan ng kapayapaan, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng
pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito ng Katawan at Dugo


ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ‘Kordero ng
Diyos.’
PAGMIMISA SA HATINGGABI NG PASKO NG PAGSILANG 18

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal:

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,


Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom
at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig,
nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.
Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya sa ibabaw ng pinggan. Pagharap sa
mga tao siyang magsasabi nang malakas:
Ito ang Kordero ng Diyos.
Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Sasagot ang mga tao:
Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo
ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na magdarasal:
Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo
para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Paring Tagapagdiwang:
Manalangin tayo.
Ama naming mapagmahal,
sa pagdiriwang namin ng maligayang Pasko
pagindapatin Mong kami'y makasalo
sa pamumuhay ng Anak Mong kalugod-lugod sa Iyo
bilang Tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Sasagot ang mga tao: Amen.


PAGMIMISA SA HATINGGABI NG PASKO NG PAGSILANG 19

Aanyayahan ang lahat na maupo. Sa puntong ito, gaganapin ang mensahe ng pasasalamat at ilang
mga pabatid o paalala. Matapos nito, igagawad na ng paring tagapagdiwang ang pagbabasbas.

Paring Tagapagdiwang:

Sumainyo ang Panginoon.

Bayan: At sumaiyo rin.

Paring Tagapagdiwang:

At pagpalain kayo ng Makapangyarihang Diyos Ama + at


Anak at Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

Paring Tagapagdiwang:

Tapos na ang ating pagdiriwang. Humayo kayo sa


kapayapaan.

Bayan: Salamat sa Diyos.

You might also like