Blessing NG Kapilya FR - Eric

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

1

PANIMULANG RITU

(Maaring basahin ang kasaysayan ng kapilya)

PANIMULA AT PAGBATI

Ang sambayanan ay magtitipon sa labas ng kapliya. Gaganapin ito nang nakasara ang pintuan ng
kapilya.

Pari: Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


Bayan: Amen.

Pari: Ang biyaya at kapayapaan ng ating Panginoong ay sumainyong lahat!


Bayan: At sumainvo rin.

Pari: Mga kapatid kay Kristo,


ang araw na ito ay isang araw ng pagsasaya;
nagsasama-sama tayo upang basbasan ang kapilyang ito
sa pamamagitan ng pag- aalay ng sakripisyo ni Kristo.
nawa'y buksan natin ang ating mga puso at isipan
upang tanggapin ang kanyang salita nang may pananampalataya.
Nawa ang ating kapatiran, na isinilang sa iisang tubig ng binyag
at pinanatili sa iisang hapag ng Panginoon,
ay maging isang templo ng kanyang Espiritu
habang tayo ay natitipon sa altar nang may pagmamahalan.

PAGBABASBAS NG PINTUAN NG SIMBAHAN

Commentator: Mga kapatid, atin ngayong babasbasan ang pintuan ng ating kapilya.
Ipanalangin natin sa Panginoon na ang lahat na papasok sa kapilya sa
pamamagitan ng pintuang ito upang makapakinig ng Salita ng Diyos at
magdiwang ng mga sakramento ay magtamo ng mga biyaya at pagpapala sa
pamamagitan ni Kristo na siyang tunay na Pintuan patungo sa buhay na
walang hanggan.

Pari: ManaIangin tayo. (saglit na katahimikan)

(nakaunat ang kamay)


Pinupuri ka namin, Ama, na puspos ng kabanalan.
Ipinadala Mo si Hesukristo sa mundo
Upang kanyang tipunin ang rnga ipinangalat ng kasalanan sa
pamamagitan ng pag-aalay
ng kanyang katawan at dugo.
Isinugo Mo siya upang pagkaisahin kami
bilang isang kawan sa iisang Pastol.
2

Si Hesus ang Mabuting Pastol!


Siya ang Pintuan na sa sinumang papasok at susunod sa kanya
ay makakatagpo ng sariwang pastulan.

Ipagkaloob Mo na sa sinumang papasok sa pintuang ito,


na may pananampalataya,
Ay magpunyagi na matuto sa tulong mga apostol,
sa pagpipira-piraso ng tinapay, at sa walang maliw
na pakiki-ugnay sa lyo sa pananalangin
At sa gayo'y maging kaisa sa Iyong kaharian sa kalangitan.
Hinihiling namin Ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon.

Bayan: Amen.

PAGPASOK SA SIMBAHAN
Bubuksan ang pangunahing pinto.

Commentator: Mga kapatid. Halina't pumasok sa ating kapilya na ang puso'y nagdiriwang,
umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal; purihin ang Diyos at siya'y
pasalamatan sapagkat patupatuloy niya tayong tinipon bilang kanyang Bayan
upang ipagdiwang at pagsaluhan ang handog niyang kaligtasan sa hapag ng
Kanyang Salita at ng Eukaristiya.

Unang papasok ang may dala ng imahen ng patron at susunod ang sambayanan, ang mga
tagapaglingkod, ang pari habang inaawit ang panimulang awit. Ang pari ay dadako sa kanyang
upuan nang hindi humahalik sa altar.

PAGBABASBAS AT PAGWIWISIK NG BANAL NA TUBIG

Pari: Mga kapatid kay Kristo,


sa banal na pagbabasbas ng kapilyang ito,
hilingin natin sa Diyos na ating Panginoon
na basbasan niya ang tubig na Ito
na nilikha ng kanyang kamay.
Ito ay tanda ng ating pagsisisi at ala-ala ng ating binyag.
Tulungan nawa tayo ng pagpapala ng Diyos
upang tayong lahat ay manatiling tapat na kasapi ng Simbahan at
maging bukas tuwina sa Banal na Espiritung ating tinanggap.

Maikling katahimikan
3

Pari: Diyos Amang maawain,


pinagpala mo ang iyong nilikha
ng liwanag ng buhay
at pinuspos mo sila ng iyong pagmamahal.
Hindi mo kami hinahayaang mawalay sa iyo,
at kung kami'y naliligaw ng landas,
ibinabalik mo kami kay Kristo
na siyang ulo ng Simbahan.
Pinagtibay mo ang pamana ng kapatawaran
para sa aming mga kasalanan,
na sa pamamagitan ng tubig ng binyag
na iyong pinaging-banal,
namatay kaming kasama ni Kristo
at muling binuhay bilang bahagi ng kanyang katawan
at tagapagmana ng walang hanggang tipan.
Basbasan + at pakabanalin mo ang tubig na ito.
at habang iwiniwisik ito sa amin at sa buong simbahan,
magsilbi nawa itong tanda ng mapagligtas na tubig ng binyag,
kung saan kami ay nakaisa ni Kristo
at naging templo ng inyong Espiritu.
Kaming lahat na natitipon dito ngayon
at yaong mga magkakatipon dito
sa susunod na mga panahon
upang ipagdiwang ang iyong banal na misteryo sa simbahang ito
ay mapisan nawang lahat sa banal na lunsod
ng iyong kapayapaan sa wakas ng panahon.
Hinihiling namin ito sa ngalan ni Hesus, aming Panginoon.
Amen

Wiwisikan ng pari ang mga tao, ang buong simbahan at pagkatapos ay ang altar

Pari: Manatili nawa ang Diyos, Ama ng awa


sa bahay-dalanginang ito.
Linisin nawa tayo ng mga kaloob ng Espiritu Santo,
sapagkat tayo ang templo na kanyang pinananahanan.

GLORIA

Pari: Papuri sa Diyos sa kaitaasan....

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Pari: Manalangin tayo


Amang makapangyarihan,
punuin mo ng iyong mapagpalang panananahan
ang bahay-dalanginang ito,
4

at saklolohan mo ang lahat ng tumatawag sa iyo.


Palakasin mo ang puso ng mga mananampalataya
sa iyong banal na salitang ipinahahayag dito,
at sa iyong mga sakramentong dito ay ipinagdiriwang.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan
ng aming Panginoong Hesukristo, na iyong Anak,
na nabubuhay at naghaharing kasama mo
at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Commentator Tayo po'y magsiupo.

LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA (Nehetnias 8:2-4a,5-6,8-10)

Commentator: Pinapahayag sa unang pagbasa na tayo ay nararapat na magalak


magdiwang sapagkat ang Diyos ay mapagmahal at mahabagin. Sa
pamamagitan ng Kanyang kautusan ay ipinakita niya ang kanyang walang
maliw na pagkalinga sa kanyang minamahal na bayan.

Lector 1: Pagbasa mula sa aklat ni Nehemias 8:2-4a,5-6,8-10

Noong mga araw na iyon, kinuha ni Ezrang saserdote ang aklat ng Kautusan.
Dinala niya ito sa kapulungang binubuo ng mga lalaki, babae at mga batang may
sapat nang gulang at pang-unawa. Mula sa umaga hanggang tanghali, binasa
niya ang Kautusan sa harapan ng mga taong natitipon sa liwasang bayan. Ang
lahat naman ay nakinig na mabuti.

Siva ay nakatayo sa isang entabladong kahoy na sadyang itinayo sa


pagkakataong iyon.

Si Ezra ay nakikita ng lahat, sapagkat mataas ang kanyang kinatatayuan. Ang


lahat ay tumayo nang buksan niya ang aklat. "Purihin ang Panginoon, ang
dakilang Diyos!" ang wika nya.

Ang lahat ay nagtaas ng kanilang mga kamay at sumagot, "Amen, Amen."


Pagkatapos, nagpatirapa sila bilang paggalang sa Panginoon.

Binasa niya nang maliwanag ang batas na ito ng Diyos at ipinaliwanag na mabuti
ang kahulugan.

Nang malaman ng mga tao ang dapat nilang gawin ayon sa Kautusan, nabagbag
ang kanilang kalooban, anupat sila'y napaiyak. "Ang araw na ito ay dakila sa
5

Panginoon na inyong Divos," wika nina Nehemias, at Ezra at mga Levita.


Nakikinig ang mga tao at umiiyak nga kaya't sinabi nila, "Huwag kayong umiyak."
Wika pa nila, "Umuwi na kayo at magdiwang! Ang walang pagkain at inumin ay
bahaginan ng mayroon, sapagkat ang araw na ito'y dakila sa Panginoon. Ang
kagalakang dulot niya ay magiging kalakasan ninyo."

Ang Salita ng Diyos.

Bayan: Salamat sa Diyos

SALMONG TUG UNAN (aawitin)

Ito ang araw na ginawa ng Panginoon Tayo'y magsaya at magalak!

 Magpasalamat kayo sa Panginoon


Butihin s'ya kanyang gawa'y walang hanggan Sabihin ng sambayanan ng
Israel walang hanggan kanyang awa.

 Kanang kamay ng Diyos sa ki'y humango Ang loisig n'ya sarkin ang
tagapagtanggol Ako'y hindi mapapahamak kailan man Ipahahayag ko,
L'walhati n'ya!

 Ang aking Panginoon moog ng buhay


S'ya ang batong tinanggihan ng tagapagtayo Kahanga-hanga sa aming mga
mata. Gawain nya'y purihin s'ya!

IKALAWANG PAGBASA (1Corin to 3:9k-11,16-17)

Commentator: Sa ikalawang pagbasa, ipinakita ng Diyos na siya ang tunay na pundasyon


ng ating pagkatao at ang kanyang Banal na Espiritu ang siyang nanahan at
nagpapakilos sa atin kung kaya't tayo ang templo ng Diyos.

Lector 2: Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
9k-11,16-1 7

Mga kapatid, kayo ang gusali ng Diyos. Ayon sa kaloob ng Diyos sa akin, ako
ang naglagay ng,pundasyon, bilang mahusay na tagapagtayo. Iba naman ang
nagpapatuloy ng pagtatayo ng gusali. Ngunit maging maingat ang bawat
nagtatayo, sapagkat wala nang ibang pundasyon na maaaring ilagay liban sa
nailagay na, si Hesukristo.

Hindi ba ninyo alam na kayo'y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang


kanyang Espiritu? Parurusahan ng Diyos ang magwasak ng templo niya.
Sapagkat banal ang templo ng Diyos, at kayo ang templong iyan.
6

Ang Salita ng Diyos.

Bayan: Salamat sa Diyos

ALLELUYA

Commentator: Tayo po'y magsitayo bilang pagpupugay sa Mabuting Balita ng Panginoon.

MABUTING BALITA (Juan 4:19-24)

Tagabasa: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumainyo rin

Tagabasa: + Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan


Bayan: Papuri sa iyo, Panginoon.

Noong panahong iyon, sinabi ng Samaritana kay Hesus,"Ginoo,sa wari ko'y


propeta kayo. Dito sa bundok na to sumamba sa Diyos ang aming mga
magulang, ngunit sinasabi ninyong mga Judio,na sa Jerusalem lamang dapat
sambahin ang Diyos. "Tinugon siya ni Hesus, "Maniwala ka sa akin, Ginang,
dumarating na ang panahon na sasambahin ninyo ang Ama, hindi lamang sa
bundok na ito o sa Jerusalem. Hindi ninyo nakikilala naming ang aming
sinasamba, sapagkat ang kaligtasan ay galing sa mga Judio.Ngunit
dumarating na ang panahon - ngayon - na ang mga tunay na sumasamba sa
Ama ay sasamba sa kanya sa espiritu at sa katotohanan. Sapagkat ito ang
hinahanap ng Ama sa mga sumasamba sa kanya.Ang Diyos ay Espiritu kaya
dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan."

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan: Pinupuri ka naming, Panginoong Hesukristo.

Commentator: Tayo po'y tnagsiupo.

HOMILYA

PANALANGIN NG BAYAN
7

Pari: Sa ating pagdiriwang ngayon sa pagbabasbas nitong ating Kapilya, ilapit natin
ang ating mga kahilingan sa Ama na tumawag sa atin upang maging buhay na
batao.

1. Ang Banal na Simbahan sa bawat lugar nawa’y makapag-alay ng karapat-dapat at


mapitagang pagsamba. Manalangin tayo sa Panginoon.

2. Ang lahat ng nagtitipon sa simbahang ito, nawa’y makatagpo ng pagpapala at kapayapaan.


Manalangin tayo sa Panginoon.

3. Ang mga nangangalaga at ang mga may tungkuling pangalagaan at linisin ang Kapilyang
ito nawa’y magtiyaga at makatagpo ng ligaya sa paglilingkod. Manalangin tayo sa
Panginoon.

4. Ang bawat Santuwaryo ng DIyos nawa’y lagi nating igalang at pagpitagan. Manalangin tayo
sa Panginoon.

5. Ang mga yumao nawa’y magtamasa ng walang hanggang liwanag at kapayapaan.

Pari: Ama, sa aming pagdiriwang ng pagbabasbas nitong Kapilya, ipagkaloob mo


ang mga kahilingan ng aming pamayanan nagkakatipon sa harap ng iyong
dambana. Hinihiling naming ito, sa pamamagitan ni Kristo na aming
Panginoon.
Bayan: Amen.

LITURHIYA NG EUKARISTIYA

PAGHAHANDA NG MGA ALAY

Pagkatapos ng pagtanggap sa mga alay, tatanggalin ang mitra at lalapit ang Obispo sa altar at
dito ay hahalik bilang pagbibigay galang. Hindi na iinsensuhan ang mga alay at ang altar.

PAG-AALAY

Pari: Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Bayan: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!


8

(Sa paghahalong ito ng alak at tubig kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos


ni Kristo na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.)

Pari: Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa
ang alak na ito para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.

Bayan: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

Pari: (Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.


Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo ng buong puso.)

(Maghuhugas ng Kamay habang pabulong niyang dinarasal:

(O Diyos kong minamahal, kasalanan ko’y hugasan at linisin mong lubusan


ang nagawa kong pagsuway.)

Pagkatapos maghugas

Commentator: Tayp po’y magsitayo.

Pari: Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin
ay kalugdan ng Diyos Amang Makapangyarihan.

Bayan: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay sa


kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong
sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA ALAY

Pari: Ama,
Tanggapin mo ang mga hain
ng nagdiriwang mong sambayanan.
Makarating nawa sa kaligtasang walang katapusan
ang iyong bayang ngayo’y natitipon
Dito sa simbahan at nakikinabahagi
sa mga misteryong aming ipinagdiriwang,
sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Bayan: Amen.
PAGBUBUNYI / PREPASYO
9

Pari: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.niya

Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


Bayan: Marapat na siya’y pasalamatan.

Pari: Ama ng kabanalan at kapangyarihan,


Tunay ngang marapat na Ikaw ay aming pasalamatan
at papurihan sa pamamagitan ni Hesukristong iyong Anak.

Binasbasan mo itong gusali na gawa ng aming mga kamay


at sa pamamagitan ng iyong paglagi dito’y
ginawa mong bahay-dalanginan;
hindi mo kami tinanggihang pakiharapan kailanman
sa aming pagdulog sa iyo bilang bayan
na dito sa lupa ay naglalakbay tungo sa iyong kaharian.

Sa bahay na ito, niloob mong maganap ang misteryo


ng pananahan mo sa amin; dahil sa paghuhubog sa amin
bilang iyong templong banal,
pinagyayaman mo ang buo mong simbahan
na siyang katawan ni Kristong mahal,
At sa gayon ay napapalapit ang kaganapan
ng pangrap mong kapayapaan,
ang makalangit na baying Jerusalem.

Kaya kaisa ng mga anghel at ng mga banal


sa templo ng iyong kaluwalhatian,
kami ay nagpupuri’t nagpapasalamat nang walang humpay.

Aawitin: Santo, Santo, …

Pari: Ama naming banal,


Ikaw ang bukal ng tanang kabanalan
kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espritu
gawin mong banal ang mga kaloob na ito
upang para sa amin ay maging katawan at dugo +
ng aming Panginoong Hesukristo.

Bago niya pinagtiisang kusang loob na maging handog,


Hinawakan nya ang tinapay,
pinasalamatan ka niya
10

Pinaghat-hati niya iyon,


iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hinawakan niya ang kalis,
muli ka niyang pinasasalamatan,
Iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad at sinabi:

TANGGAPIN NINYO LAHAT ITO AT INUMIN


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN
GAWIN NINYO ITO SA PAGAALALA SA AKIN

PAGBUBUNYI

Pari: Ipagbunyi natin ang Misteryo ng pananampalataya!

Commentator: Magsitayo tayo.

Bayan: Si Kristo’y namatay! Si Kristo’y nabuhay!


Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

Pari: Ama,
ginagawa namin ngayon ang pag-alaala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong anak
kaya’t inanalay namin sa iyo
ang tinapay na ngbibigay buhay
at kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.

Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y ay iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.

Isinasamo namin kami’y magsasalu salo


sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
11

Ama,
lingapin mo ang iyong simbahang
laganap sa buong daigdig,
Puspusin mo kami sa pag-ibig,
Kaisa ni FRANCISCO na aming Papa
at ni REYNALDO, na aming Obispo
at ng tanang kaparian

Alalahanin mo rin ang mga kapatid


naming nahimlay
nang may pagasang muling mabubuhay
gayundin ang lahat ng pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan,
Kaawaan mo at pagindapatin mo kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.

Kaisa ng mahal na birhen Maria na Ina ng Diyos,


ng kabiyak ng puso niyang si San Jose,
Kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
ni San Isidro at Sta. Maria Toribbia
na namuhay sa daigdig nang kalugud-lugod sa Iyo,
maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri sa ikararangal Mo
sa pamamgitan ng iyong anak
na aming panginoong hesukristo.

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya at sa kanya,


ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

BAYAN: : Amen.

PAKIKINABANG

Pari: Sa tagubilin ng mga nakakagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos,
ipahayag natin nang lakas-loob;

BAYAN: Ama namin, sumasalangit ka,


Sambahin ang ngalan Mo,
Mapasaamin ang laharian Mo
Sundin ang loob Mo
12

Dito sa lupa, para nang sa langit.

Bigyan Mo kami ngayon


Ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
Para ng pagpapatawad namin,
Sa nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Pari: Hinihiling naming


kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming Pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Bayan: Sapagkat iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman! Amen.

Pari: Panginoong Hesukristo,


sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: : Amen.

Pari: Ang kapayapaan ng Panginoon ay sumainyong lahat.


Bayan: : At sumaiyo rin.

Diakono: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t-isa.

Pari: Sa pagsasawak na ito


ng katawan sa dugo n gaming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa naming sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.
13

Habang binabanggit nasa itaas ay inaawit

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
naawa Ka sa amin.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa Ka sa amin.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis


ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

PAGSASALO

Commentator: Lumuhod po tayo.

Pari: Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Bayan : Panginoon, hindi ako karapat-dapat


na magpatuloy sa iyo
ngunit sa isang salita mo lamang
ay gagaling na ako.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Pari: Manalangin tayo.

Amang mapagmahal,
sa tulong ng komunyong aming tinanggap,
magliwanag nawa sa aming isipan
ang ilaw ng iyong katotohanan.
Makasamba nawa kaming lagi
sa iyong banal na templong ito,
at kaisa ng mga banal,
madama nawa naming tuwina
ang pamamalagi mo sa aming piling
sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
14

Bayan: Amen.

PAGBABASBAS

Commentator: Tayo po’y magsitayo.

Pari: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: At sumainvo rin.

Pari: Yumuko kayo at hingin ang pagpapala ng Diyos.


Tinipon kayo sa kanyang harapan sa araw na ito
Ng Diyos ng lupa at kalangitan,
Upang basbasan itong bahay-dalanginan.
Nawa ay punuin niya kayo ng mga biyaya ng langit
Bayan: Amen.

Pari: Ninais ng Diyos na ang lahat ng kanyang mga anak


ay maging isang pamilya kay Kristo.
Nawa ay gawin niya kayong kanyang templo,
ang tahanan ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

Pari: Nawa ay palayain kayo ng Diyos sa bawat tanikala ng kasalanan,


manahan siya sa inyong piling
at kayo ay paligayahin.
Mamuhay nawa kayo kasama niya
at ng lahat ng mga banal magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.

Pari: Pagpalain kayo ng Diyos + Ama at Anak at Espiritu Santo.


Bayan: Amen.

PAGHAYO

Pari: Tapos na ang Misa, humayo kayo sa kapayapaan.


Bayan: Salamat sa Diyos.

You might also like