Kapistahan NG Pagtatampok Sa Krus Na Banal

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PANIMULA

Namumuno Ipinagdiriwang natin ngayon ang pagtatampok


sa Krus na Banal ng Panginoong Hesukristo.
Ginugunita dito ang tatlong mahahalagang
kasaysayan tungkol sa Krus ng Panginoon: Una,
ang pagkakita ng tunay na Krus ni Santa Elena,
ina ni Emperador Constantino; Ikalawa, ang
pagtatalaga ng simbahang itinayo ni
Constantino sa lugar ng pinaghimlayan ng
bangkay ni Hesus noong siya ay namatay sa
Krus; At ikatlo, ang pagbabalik ng tunay na
Krus sa pamamagitan ni Emperador Heracleo
sa Herusalem matapos nitong matalo ang mga
Persiano sa labanan. Ngunit sa isang mas
malalim na kahulugan, ipinagdiriwang natin
ang kapistahang ito dahil sa naging
kasangkapan ito ng ating kaligtasan. Kaya,
halina bayan ng Diyos, itampok natin ang Krus
ng pag-ibig Niya sa atin.
1
Tatayo ang lahat sa pagsisimula ng Banal na Misa.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari/Diyakono O Diyos, na sa ami’y nagbigay ng galak
sa pamamagitan ng pagtatampok sa krus ng
Kanyang Anak: pakundangan sa kahulugan ng
hiwaga ng Kanyang katubusan, ay
magpangindapat nawa sa aming kamtin ang
kagalakan ng kaligtasan. sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang-hanggan. Amen.

Uupo ang lahat upang pakinggan ang mga pagbasa.

UNANG PAGBASA | Mga Bilang 21:4b-9 |


Sa kabila ng pagdaing ng mga tao, ang Diyos sa kanilang
muling paglapit sa Kanya, ay ipinagkaloob pa rin Niya ang
Kanyang tulong at pagkahabag.

Tagabasa Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang.

Noong mga araw na iyon, nainip ang mga tao sa pasikut-


sikot na paglalakbay. Nagreklamo sila kay Moises, “Inialis
mo ba kami sa Egipto para patayin sa ilang na ito? Wala
kaming makain ni mainom! Sawa na kami sa walang
kuwentang pagkaing ito.” Dahil dito, sila’y pinadalhan ng
Panginoon ng makamandag na ahas at sinumang matuka
nito ay namamatay. Kaya lumapit sila kay Moises. Sinabi nila
“Nagkasala kami sa Panginoon at sa iyo. Idalangin mo sa
kanyang paalisin ang mga ahas na ito.” Dumalangin nga si
Moises at ganito ang sagot sa kanya ng Panginoon, “Gumawa
ka ng isang ahas na tanso. Ilagay mo iyon sa dulo ng isang
tikin at sinumang natuklaw ng ahas na tumingin doon ay
hindi mamamatay.” Gayun nga ang ginawa ni Moises. Mula
2
noon, lahat ng matuklaw ng ahas ngunit tumingin sa ahas na
tanso ay hindi namamatay.

Tagabasa Ang salita ng Panginoon.


Bayan Salamat sa Diyos.

SALMO RESPONSORIO | Awit 78 |

SA TAGLAY NATING KASAMAAN,


GAWAD SA’TI’Y KAHABAGAN!

Namumuno Kaya ngayon ay makinig sa turo ko, mga anak,


iyong dinggi’t ulinigin, salita kong binibigkas;
itong aking sasabihin ay bagay na talinhaga,
nangyari pa noong una, kaya ito’y mahiwaga!
TUGON.

Namumuno Datapwat noong sila’y lilipulin na ng Diyos,


nagsisi ang karamiha’t sa kanya’y nagbalik-
loob. Noon nila nagunitang ang sanggalang
nila’y ang Diyos. Ang Kataas-taasang Diyos ay
kanilang Manunubos. TUGON.

Namumuno Kaya’t siya ay pinuri, ng papuring hindi tapat,


pagkat yao’y pakunwari’t balat-kayong
matatawag. Sa kanilang mga puso, naghahari’y
kataksilan, hindi sila nagtatapat sa ginawa
niyang tipan. TUGON.

Namumuno Gayun pa man, palibhasa’y Diyos siyang


mahabagin, ang masamang gawa nila’y
pinatawad niyang tambing; dahilan sa pag-ibig
n’ya’y hindi sila wawasakin, kung siya ma’y
nagagalit, ito’y kanyang pinipigil. HULING
TUGON.
3
IKALAWANG PAGBASA |Filipos 2:6-11|
Sa mga mapagpakumbabang lingkod ng Diyos, karangalan
ang naghihintay sa mga ito. Ito ang halimbawang ipinakita ni
Hesus mula noong Siya ay ipanganak hanggang sa sumapit
ang Kanyang kamatayan sa Banal na Krus.

Tagabasa Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Pablo sa


mga taga-Filipos

Si Kristo Hesus, bagamat siya’y Diyos ay hindi nagpilit na


manatiling kapantay ng Diyos. Bagkus hinubad niya ang
lahat ng katangian ng pagka-Diyos, nagkatawang-tao at
namuhay na isang alipin. Nang maging tao, siya’y
nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan. Oo,
hanggang kamatayan sa krus. Kaya naman, siya’y itinampok
ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.
Anupa’t ang lahat ng nilalang na nasa langit, nasa lupa, nasa
ilalim ng lupa ay maninikluhod at sasamba sa kanya. At
ipapahayag ng lahat na si Hesukristo ang Panginoon, sa
ikararangal ng Diyos Ama.

Tatayo ang lahat upang magbigay-galang sa Banal na


Ebanghelyo.

EBANGHELYO | Juan 3:13-17 |


Aleluya! Aleluya! Ang krus lamang ng ating Panginoong
Hesukristo ang siya kong ipinagmamapuri! Aleluya! Aleluya!
-Galacia 6: 14

Pari/Diyakono Ang Panginoon ay sumainyo.


Bayan At sumaiyo rin.

4
Pari/Diyakono Ang Mabuting Balita ng Panginoon
ayon kay San Juan.
Bayan Luwalhati sa Iyo, Panginoong
Hesukristo.

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus kay Nicodemo,


“Walang umakyat sa langit kundi ang bumaba mula sa langit
— ang Anak ng Tao.” At kung paanong itinaas ni Moises ang
ahas doon sa ilang, gayun din naman, kailangang itaas ang
Anak ng Tao, upang ang sinumang sumasampalataya sa
kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Gayon na
lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay
niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang
sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi
magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo
ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang
maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa
pamamagitan niya.

Pari/Diyakono Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Bayan Papuri sa Iyo, Panginoong Hesukristo.

Uupo ang lahat upang pakinggan ang Homilya.


Matapos ang Homilya, magpatuloy sa Liturhiya ng
Eukaristiya.

PANALANGIN NG BAYAN

Pari: Manalangin tayo sa Diyos Amang nagmahal


nang labis sa sanlibutan kaya’t ibinigay ang
Kanyang bugtong na Anak upang mamatay sa
krus para sa ating kaligtasan. Sa
pamamagitan ng Krus ng Kabanalan,
padaluyin Mo, O Poon, ang kaligtasan!

5
Lector: Para sa lahat ng pinunong relihiyoso: upang
maipakita ang halaga ng pagpapakasakit ni
Hesus sa Krus sa pamamagitan ng kanilang
banal na pamumuhay. Manalangin tayo! Sa
pamamagitan ng Krus ng Kabanalan,
padaluyin Mo, O Poon, ang kaligtasan!

Lector: Para sa lahat ng nananampalataya sa buong


mundo: Nawa, sa pamamagitan ng
Ekyumenismo, tanggapin nila ang Salita ng
Diyos nang may kapakumbabaan at pananalig
tungo sa ikapagkakaisa ng sangka-
Kristiyanuhan. Manalangin tayo! Sa
pamamagitan ng Krus ng Kabanalan,
padaluyin Mo, O Poon, ang kaligtasan!

Lector: Para sa mga namumuno sa ating bansa, upang


maging halimbawa nila ang tinuran ni Hesus
bilang isang makataong lingkod para sa lahat,
manalangin tayo! Sa pamamagitan ng Krus
ng Kabanalan, padaluyin Mo, O Poon, ang
kaligtasan!

Lector: Para sa lahat ng deboto ng Mahal na Poong


Santa Cruz: Nawa maunawaan nila ang bawat
debosyong isinasagawa na ito ay isang paraan
upang mas mapalapit kay Kristong ating daan,
katotohanan at buhay. Manalangin tayo! Sa
pamamagitan ng Krus ng Kabanalan,
padaluyin Mo, O Poon, ang kaligtasan!

Lector: Para sa ating lahat na nagkakatipon sa Banal na


Misang ito sa kapistahan ng pagtatampok sa
Krus na Banal, upang maging daluyan din tayo
6
ng kaligtasan ng iba natin mga kapatid na
nawawala sa landas ng pagpapakabanal,
manalangin tayo! Sa pamamagitan ng Krus
ng Kabanalan, padaluyin Mo, O Poon, ang
kaligtasan!

Lector: Tahimik nating ipanalangin ang ating mga


pansariling kahilingan.

Maglaan ng sandaling katahimikan.

Pari: Manalangin tayo.

Ama naming mapagmahal, nasa krus ang aming


pag-asa sa buhay na ito. Ipagkaloob Mo ang
aming mga kahilingan habang nagpupuri kami
sa Iyo dahil sa Iyong mga awa sa pamamagitan
ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

7
8

You might also like