Ang Rito NG Pagwawakas NG Santacruzan
Ang Rito NG Pagwawakas NG Santacruzan
Ang Rito NG Pagwawakas NG Santacruzan
Pagpasok
Pagdating sa simbahan, ang lahat ng sagala ay papasok sa simbahan. Sa takdang
oras, magpuprusisyon ang mga tagapaglingkod na may dalang insensaryo, krus at
kandila, kasama ang imahen ng Mahal na Birhen. Ilalagay ito sa gitna ng
santuwaryo. Magbibigay galang ang pari at pupunta sa kanyang upuan.
Koro:
Ang puso koy nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking Espiritu sa king tagapagligtas.
Panalangin
Ilalahad niya ang kanyang mga kamay at aanyayahan ang mga tao na manalangin,
habang sinasabi:
Manalangin tayo.
Magkakaroon ng saglit na katahimikan.
Pag-aalay ng Bulaklak
Isa-isang lalapit ang mga sagala sa imahen ng Mahal na Birheng Maria at iaalay ang
kanilang bulaklak habang umaawit ng anumang angkop na awitin.
Paglalagay ng Korona
Lalapit ang Reyna Elena sa imahen ng Mahal na Birheng Maria at ilalagay ang
korona habang umaawit ng anumang angkop na awitin.
Oremus.
Kami ay pagpalain
Birheng maawain
Kami ay kalingain
Mahal na Ina namin